Tuesday, January 1, 2008

Fireworks

January 1 na pala. Happy birthday Melody Kay. O ayan ha, binati kita. Baka sabihin mong hindi kita binati.

Last night was...horrible. Well hindi naman siguro.

Maganda naman yung mga paputok dun sa Mt. Everest. Rich people kasi yung mga nakatira sa kalyeng yun eh. At least naman they were generous enough to share their money by buying those aerial fireworks. Well, tinitingnan ko ito sa aking pananaw. Ewan ko lang baka selfish, kunat people sila at binili nila yun to show off. Hindi naman siguro. I mean, new year na new year tapos ganun ang iniisip nila? Well, hindi ako sila to know.

Pero amazing talaga yung fireworks. After a faint firing sound, a small glimmer of light would streak the night sky, and explode to a variety of colors that would ultimately disrupt the infinitely ebony sky. It was awesome. Yun lang talaga ang hinihintay ko tuwing bagong taon. Kung walang magagarang paputok ang mga tao sa Mt. Everest at puro fountain at mga labintador at mga kwitis lamang ang sinisindihan ng tao dito, malamang ang gabi ng December 31 ay parang isang normal na mumu araw lang. Well normal besides na kakain kami ng hatinggabi at magsisimba before that.

Speaking of simba, matagal na akong hindi nagsisimba. Nagsisimba na lang ako kapag napilit. Ni hindi na nga yata ako nagdadasal eh. Hindi naman sa hindi na ako naniniwala kay Jesus. Hindi lang talaga kasi ako isang relihiyosong tao. Well dati siguro, kasi tatlong taon akong Knights of Christ. Well sabagay, ngayong iniisip ko kung bakit ako sumali sa org na yun (activity yata yung grade school term), sumali yata ako dahil ayaw kong tumabi sa mga kaklase ko tuwing may school-wide mass (na hindi naman talaga school-wide dahil hindi kasali ang prep at grade 1). Mainit kasi eh. Oo tama. Yun nga yung dahilan.

Something to do with changing people yung homily nung misa kagabi. Besides na homily na kami dumating, hindi ako masyadong nakinig. Preoccupied kasi yung utak ko sa tao/bagay/event na hindi ko na sasabihin kung sino/ano yun. Parang there was this man na he wanted to change the world, but he realized that it was impossible, so he wanted to change his country, na imposible rin para sa kanya, tapos his city, village, hanggang sa family na lang niya. Pero hindi pa rin niya magawa, and it was then he realized na it was only himself he could change. For the better? For the worse? Ewan ko dahil hindi ako nakinig. Pero dahil misa yun, dahil homily yun, malamang, for the better. Natalakay namin sa Hi16 class ko na parang "mind control" of some sorts ang religion. I know there is a better term, but I can't remember eh, so I'll settle with "mind control." Kasi Hindus believe in reincarnation and karma. So parang kahit gaano ka fcuked up yung life nila, they believe ba gagaan ang buhay nila in their next life kung hindi nila mafree ang sarili nila from samsara (by conquering maya, wow naaalala ko pa) by doing their part in the society bound by the caste.

Going back dun sa homily ni idk pari, eh paano kung multiple ang iyong personality?

Ang dami daming magagandang paputok. Maganda talaga. Ang dami pang kulay. Naisip ko na those fireworks were set off by people who have conquered their own little ebony sky. The flash of light, the drizzle of sparks, the shine of different chromes blazing across the sky came with the bright hopes and dreams for the new year they were happily anticipating. They bid the last few moments of the year with anticipation and welcomed the new year full of optimism and promise. All of these I saw through their eyes. I saw their open hearts ready to embrace new blessings, new opportunities, new hopes, new promises, new, relationships, new challenges, new problems, and new difficulties that 2008 will be bringing them. They were ready to leave the past without forgetting the lessons they have learned and face the new year with faces confident and held up high.

Eh ako? Ano sa akin ang new year?

2007 + 1 = 2008.

I'm not ready to leave the past behind. Well maybe I am, but hindi ko kayang mag-isa. And the bad thing is, my heart is closed from the joyous outside world.

Nagising ako kanina mula sa aking idlip na madilim na ang aking kwarto. Bigla biglang lumiwanag at sinilaw ang mga mata kong uhaw sa liwanag. Nadama ko ang panandaliang takot na nararamdaman ng isang taong nakakita ng kidlat. Tinakpan ko ang aking tainga sa paghahanda sa isang malakas na kulog.

Isa pala iyong paputok.




New year na Rudolf... or kung sino ka man ngayon.

Saturday, December 29, 2007

Ang Ngayon at ang Kahapon

Sana naman magtuluy-tuloy na itong nararamdaman ko. Well hindi lahat siguro. Ewan ko ba.

Mga a week ago, ako ay binalitaan ni Lucky na may birthday party/reunion ang F sa December 28 sa kanyang bahay. Well, walang buhay akong nag-oo dahil sumasailalim ako sa isang period ng aking periodic depression (kaya nga period kasi periodic eh). Hindi ko ako naging masyadong excited kasi nga magkakaroon pa kami ng party ng block sa December 18. Basta yun.

Araw ng physics LT ko nun. Kinamusta ko yung isa kong kaibigan:

"Kamusta na kayo ni [pangalan]?"

"Ayos naman kami. We are in good terms."

"Ah."

Tapos nanahimik siya for some time. Tinanong ko kung pupunta ba siya sa Christmas Party namin later that evening. Oo naman daw, pero baka sandali lang kasi ayaw na niya raw mag-mingle sa block. Medyo naintindihan ko naman kung bakit ganun yung feelings niya. As a friend, inintindi ko yun at hindi na nag-probe in further. As a friend, I tried to be there when he needed a friend, especially nung isang time na yun. Wala akong nasabi kasi wala talaga akong alam na masasabi na makakatulong. Pero sinubukan ko pa rin talaga siyang samahan kasi kailangan niya ng kaibigan.

"Ayaw ko nang mag-mingle kasi hindi ka naman sasaluhin ng college friends mo kapag namroblema ka eh. High school friends mo ang tutulong at sasalo sa iyo. Tingnan mo ako, nung [nangyari yung nangyari], yung mga kaibigan ko sa high school ang tumulong sa akin. Yung college friends, sila pa yung naging simula ng problema ko sa buhay eh." Well, hindi yan exact quote dahil ang memory ko ay oh so poor.

I tightly held my heart in my mind and stopped the tears that were filling my eyes from falling. I had to be strong for the people I value the most. I had to be strong. Well, I have to be strong. Hindi totoo yung mga sinabi niya. Hindi yun totoo. Sinabi lang niya yun dahil depressed lang siya sa mga bagay na nangyari sa kanya.

Oh yeah, yung physics LT na yun was like icing on a crappy, crappy cake that no one wants to eat because it reeks of vomit. Biruin mong right minus wrong? UPCAT yata yung ftw LT na yan eh.

Nung papunta na kaming Christmas party, nakita ko si Garde sa may harap ng Rustans. For once in the whole day and the whole afternoon, ngumiti ako. I felt seriously happy when I saw him. I got out from my blockmate's van and had a seriously needed chat with a best friend of mine na taga-F, hindi taga-N. Too bad he had to go before we needed to.

Honestly, nung araw ng Christmas party namin, I didn't feel like partying at all. I would be like insulting my prideful self when I felt the need to party. Wala talaga. So I just stayed outside with the bags and tried to sleep. I stayed outside and pretended to be asleep. Until one voice said:

"Dofie, are you okay?"

Sinabi kong inaantok lang ako. Pero alam ko na alam niyang I have something going on inside of me kasi sinabi ko sa kanya one time na whenever I feel sad and is unable to keep it all in, I just tell everyone "Inaantok ako" when they ask why I'm sad. One part of me tells myself na don't make people worry because you will feel more worried, another part tells me na hindi naman nila maiiintindihan yung situation mo, and another one tells me na what the f*ck is with these guys snooping around other people's lives.

"You want to talk about it?"

I shook my head. Ayaw kong pag-usapan kasi hindi ko pwedeng pag-usapan. Pero my eyes cannot hold it in any much longer. I cried. I really, really cried.

That moment, inaaproach ako ng isa kong friend. He tried to talk to me pero I didn't want to talk to anyone. In fact, I felt na I didn't need anyone.

"Dahil ba sa Physics?" Hell no.

"Meron ba akong nasabi?" Sinabi kong wala. Pero nagsinungaling ako. Meron siyang sinabi right before that ftw LT.

"Just leave me alone. Please."

"Hindi yun pwede. Kakaunti na lang nga sa block yung tinuturi kong kaibigan, tapos iiwanan ko pa? Hindi yun pwede."

Iyak pa rin ako ng iyak, pero deep inside, nagpapasalamat ako sa kanya.

Yes, I have to admit na dahilan nga ng mga problema ko ang mga friends ko ngayon. There is this so-near-yet-so-far thing going on between me and another blockie. At alam kong hindi niya alam yun kasi apathetic siya. That person told me na sasaluhin niya ako kapag nadulas ako. Well it turns out, masakit palang madulas sa isang thick and solid slab of concrete ng iyong mga problema. And I distinctly remember asking this person na "[Name], bakit ka sad?" when that person was showing something different that that person's usual smile.

After that night, I chose to be silent. I need the solitude once and for all. I was running away from it, but it eventually caught up with me. Napapagod din naman ang tao sa kakatakbo, unless na naka-steroids siya or something.

And the people were asking kung ayos lang ba ako. Obviously hindi.

Ewan ko lang ha. Mahirap talagang mag-expect ng mga bagay sa isang tao.

Kagabi lang, nagkita ko ulit ang Fboys. Halos walang pinagbago ang samahan. Halos wala. Ang dami kong kinuhang pictures. Ang dami talaga. Ang dami, dami, dami talaga.

And for almost three weeks, naramdaman ulit ng aking facial muscles ang electric impulse to smile. Ecch, what a geek I have become.

Nung pauwi na ako, sinabi ko dun sa sinabayan ko na grabe, ang dami kong kinuhang pictures. Ako daw kasi, kuha ng kuha.

That time, sinabi ko sa sarili ko na baka nga tama yung isa kong kaibigan.

Or baka naman depressed lang din ako?

Wednesday, December 19, 2007

Apathy

...

Being lifeless is different from being dead.

Lifelessness is not void of life, but the feeling of being alive.
In the absence of life, death approaches.
In the valley of death, freedom emerges.

Why?

Why...

...

Ironic.
Lifeless, yet pain is felt.
Capable of feeling, yet unable to see happiness.
Incapable of happiness, yet content with lifelessness.
Ironic.
Lifeless, yet pain is felt.
Capable of feeling, yet unable to see happiness.
Incapable of happiness, yet content with lifelessness.
Ironic.

...

Apathy.

...


Scared. So scared.
Frightened.

But aware.

...

Tuesday, December 4, 2007

O, Anong Nangyari sa November mo?

To tell you the truth, kung sino man ang kausap ko, hindi ko alam.

Kanina lang, nagquiz kami sa physics, history, at CS. Well basically, lahat ng subjects ko kanina ay may quiz. Perfect ko yung sa physics, sobra pa nga kasi nakuha ko yung bonus last week, at surprisingly, madali yung quiz ko sa history. Medyo nasad pa nga kami kasi hindi lumabas si Krsna Dvaipayana Vyasa, yung supposedly author ng Mahabhrata. Yung CS, well 4 out of 10 lang ako. Hindi ko naaral kasi I was busy studying for history. At alam niyo bang 4 cans a day of SPAM ang nakakain ng mga Hawaiians? Wala lang. Yan kasi yung bonus eh na hindi ko nakuha.

Going back, lagi kasing parang may stopping force tuwing may gusto akong ipost dito. Hindi ko talaga alam. I will try to fight that force and go back to the usual, random self I portray in my blog. Ang daming nangyari na hindi ko naikuwento sa blog ko no. Basta. Ewan ko. Baka lang nagiging busy ako these days. Well oo, busy sa EssenceRO, pero hey, there are much more bigger things happening than that.

Ang lakas ng Maximum Over Thrust. Mahal, pero super worth it talaga.

I would stop here kasi I don't want to lose my momentum. Gagawin ko pa yung project proposal sa CS eh.

Anong nangyari sa November ko? Ayun, nagdaan lang katulad ng lahat ng Novembers ng lahat ng mga tao.

So much for the "kawawa naman si November dahil kasunod niya si December" drama shizzle fizzle.

Tuesday, November 20, 2007

Oo, Alam Kong November na

Itapat mo ang iyong mouse sa itaas ng title ng previous post ko. Tingnan mo ang address ba na lalabas sa ibaba ng browser mo. Makikita mo ang katagang "Novermber na." Zoom ko lang ha, "NOVERMBER NA."

Ngunit ano ba ang nangyari?

a. Malabo na ang aking paningin.
b. My typing skills are going gonzo.
c. Sira keyboard ko pero I doubt it kasi kaya ko naman i-type ang "November."
d. May fixation ako sa letter R kasi R din first letter ng pangalan ko.
e. Nabobobo na ako mag-spell.
f. All of the above.
g. None of the above dahil all of the below.
h. Others, please specify: ___________________________.
i. Spice spice burgers.
j. Nakalimutan kong ilagay na baka distracted ako.

Wala lang. Kasi yun nga, November na, pero parang wala pa rin talaga akong mailagay sa blog ko. Or maybe meron, pero hindi maaaring ilagay publicly. Ewan ko ba.

Well, masasabi ko lang kaninang pag-uwi ko, pagod na talaga ako at sobrang inaantok. Sumakay ako sa jeep at sinubukang matulog, pero hindi ako nakatulog. Ang bigat-bigat na ng mga mata ko, pero hindi ako nakatulog. Nainis nga ako dun sa mamang katok nang katok kasi bababa na siya, eh hindi yata siya naririnig nung driver na ewan ko ba kung hindi ba niya talaga naririnig or bingi lang talaga. Bakit naman kasi hindi na lang sabihin nung mama na "para" eh o kaya "sa tabi lang". Siguro mas cool daw yung pagkatok sa kisame ng jeep. Hindi ko alam kung paano nila yan ginagawa, pero nung sinibukan ko, nasaktan lang ang kuko ng aking index finger. So hindi yata yun ang pangkatok. Anyway, hindi talaga ako boto para dyan sa mga pagkatok-katok na iyan or yung mga "hila mo, tigil ko" drama. Parang hindi kasi tao yung driver kapag ganyan eh. Yung parang nagiging driving object na lang siya instead na driver siya. Miski na isa siyang ass dahil grabe siyang umapak sa preno at sa gas, I still try my best na mag "po" or "kuya" man lang dun sa driver. I mean nagpapasalamat ako dahil nakarating ako sa Central or sa may kanto or sa may Ilang-Ilang.

35 days na lang daw at pasko na, ayon kay Julius Babao.

At naiinis din ako na whacked out na naman ang PC ko. Well hindi sira, it's just that you cannot directly open text or wordpad files. Kailangan mo pang buksan via Notepad or Wordpad. Well, it's not a big issue, pero paranoid ako eh. Paumanhin.

Ang dami nang "read" na homework sa Sci10, pero hindi ko magawa dahil wala akong libro. Nakakainis.

Miraculously, hindi ako bored sa Hi16. Baka talagang interested lang ako, or baka dahil lagi kong naiisip na kamukha ni Ma'am Nazareno si Rica Peralejo kapag same age na sila. At ang haba ng reading tungkol sa Aryan and Vedic Ages. Grabe.

Hindi ko pa naiinstall yung printer at yung DVDRW-ROM.

Inaasume ko na alam na ng lahat ng tao na November na. So ano naman ngayon kung November na?

Yan ang problema. Wala lang, November na. Kawawa naman si November kasi hindi siya pinapansin. Si December kasi yung star-of-all-endings-of-years eh.

Ang sinasabi ko lang sa sarili ko, ang dami kong namimiss out na mga maliliit na bagay. Ang dami kong natetake for granted. Hindi ko naiisip na dahil sa mga little things na iyan, nagkakaroon nung mga big things na napapansin ko.

Pero everything is easier said than done. Well maybe not everything, pero most of the things.

Tamang tama. Distraction ang palabas sa JackTV.

Thursday, November 15, 2007

November na

November na. Malapit nang matapos ang unang linggo ng pasok. Hindi ko rin alam kung bakit matagal akong hindi nakapagpost. Hm, siguro dahil ang daming nangyari at mangyayari ngayong November.

Sa November 23, isang taon na ang blog ko. Parang kung kailan lang at natataandaan ko pa yung first post kong entitled "Memories". At ngayon, after almost a year, aaminin kong paminsan, masarap ang feeling ng nostalgia.

Sa November 25, isang taon na ang phone kong Motorola V3x. Masaya ako kasi masasabi ko namang naalagaan ko ito ng mabuti.

I think I would like History. Wala lang. Hindi ako nabore kanina eh, which is especially remarkable sa mga hour-and-a-half subjects. Parang you sit your ass off waiting for the bell to ring, pero I didn't feel this way. Well siguro na rin dahil sa kwento ni Ma'am Nazareno tungkol dun sa friend ng friend niyang namatay sa north face ng Mt. Everest. This guy died because he froze his nether regions off. He went outside their tent to take a leak, but his hands froze up and he was unable to pull his pants up. Nung tinanong nga sa amin ni ma'am kung may questions ba kami, gusto ko sanang itanong kung anong nangyari sa tutoy niya eh. Kasi yung friend ni ma'am, when he took his glove off, 2 of his fingers fell due to extreme gangrene and frostbite more or less. Ecch.

I think Miss Jess is fun. I want her cookies too. Masarap eh. Sasabihin ko dapat "I want your cookies. Teach me how to bake your cookies." pero may sinabi si Gillian tungkol sa cookies, so sinabi ko na lang na my name is spelled with an "F" rather than a "PH." Well well, ngayon ko lang naisip na tama rin pala na yan ang sinabi ko, considering na malapit na ang panahon ni Rudolph the red-nosed reindeer.

At sa Monday, there would be something sad happening. Well, I can't say it here, pero let's hope for the best for my two best friends.

Dahil may pasok na, I would be able to update my blog again frequently.

Once again, naglalaro kami ng Ragnarok. Ewan ko. Nostalgia eh. Ay hindi pala, Raf wanted to play. Buti na lang may free server na ang pRO.

I feel the randomness flowing inside me again.

Wednesday, October 31, 2007

Dangwa

Kahapon, I was really really pissed out sa kuya kong napakagaling at very very uberly disappointed sa Silkroad. Yung kuya ko kasi sobrang galing talaga. Kailangan niyang maging administrator dahil meron siyang bagong iPod so kailangan niyang mag-Limewire and stuff. So nagkaroon ng C:\WINDOWS\system32\liveup.exe nung October 28, 2007 at 2:34:29am. Siya yung gumagamit ng mga panahon na yan. O di ba? Sabi ko sa inyo eh, ang galing maglagay ng trojan ni Kuya sa PC. Sobra talaga. At syempre, ako ang tagaayos and everything. Remember, ako yung kapatid niyang CS ang kinukuha sa college kaya malamang ako ang "marunong" kung papaano mag-ayos ng mga ganitong bagay. Well, like it's better NOT to have trojans/viruses/worms in the first place. Hindi pala niya nirarun yung antivirus kapag nadidisable. Sheesh. Tapos yung SRO, super lag for some unknown reason. As in nakakapika na talaga yung lag. Hindi naman ganoon yung SRO ko eh tapos bigalang super talaga. Parang pumapatay kami ng party monster, tapos hindi ko na talaga nakita yung laban. Nakita ko na lang yung corpse nung monster at sobrang daming white and red numbers. Well, abnormal daw talaga yung lag sabi ni Amboy.

Server maintenance ng SRO ngayon. So natulog na lang ako after manood ng ilang episodes ng Yu-Gi-Oh! GX. Nagising ako ng mga 3, at ayun, tsaka palang gumamit si Ate. Hay. Well okay lang sakin. Alam ko namang safe ang PC sa mga kamay niya eh.

Pagkakain ko ng champoradong may gata, pinagamit na ako ni Ate. Dahil sinapak ako ng aking OCness, inayos ko yung Challenge ng Tentai Kansoku sa StepMania. Hindi ako nasatisfy eh. Nung mga panahong iyon, nagbibihis na si Mamie kasi pupunta siyang Dangwa kasi nga Undas na sa Thursday. Pupunta na kaming Loyola bukas (well, mamaya kung past 12 am na). Susunduin dapat niya si Dadee tapos sila ang mamimili ng bulaklak. Nung tumawag si Mamie sa hotel, nagagalit daw si Dadee kasi bakit daw ayaw namin samahan si Mamie na mamili ng bulaklak. Eh hindi ba siya yung kasama niya? Baha raw. So yun, pinilit ako ni Mamie na sumama na may bantang magagalit siya kapag hindi ako pumayag. Wala akong magagawa. Baha eh. Hmp.

Sobrang nainis ako kasi gusto kong malaman kung sobrang lag pa rin ba yung SRO. Kasi baka mamaya, PC ko na yung may problema. Well, to tell the truth, naiinis ako dahil gusto ko talagang makalaro dahil hindi ako makakalaro for 2 days or so kasi uuwi kaming Bulacan.

Wala akong nagawa talaga.

Ang daming tao sa Dangwa. Ang dami pating bulaklak. Basta marami. May kulay dilaw, pula, puti, lila, peach, pink, at yung mga artificially-colored na blue, at pati nga green eh. Well, hindi mabango sa Dangwa miski na puro bulaklak. Amoy pawis, putik, bad breath, body odor, basura, kanal, pollen, dahon, at yung fragrant fragrance ng mga bulaklak na para maamoy, kailangang ibaon mo yung ilong mo dun sa bouquet ng mga bulaklak na nakabalot sa diyaryo na yakap yakap mo kasi ikaw yung tagabitbit.

At least naman kumain kami sa Tropical Hut.

Pagkauwi, gumagamit ng PC si Kuya. Ayos lang naman, basta naka-on yung system monitor. Pero hindi eh.

Hindi ko lubusang masasabing nag-enjoy ako sa aking excursion sa Dangwa. Antisocial kasi ako at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang kakaunti pa raw yung ganung karaming tao na iyon. Well, at least nakalabas muli ako sa bahay for such a long time, pero yun nga lang, napilit kasi ako. I would have rather stayed home and leveled-up my Warrior/Cleric na meron nang Bless Spell.

Nagagandahan ako dun sa environment ng SRO kasi parang may flowers pa and stuff. Pero it's much better to see, touch, and smell the real thing.

Pero sometimes, reality isn't all that good.

Saturday, October 27, 2007

Si Bianca

Binigay ni Tito Kurtz si Bianca sa amin. Nanay niya si Ganda, at tatay naman niya si Hero also known as Dugie. Kapatid ni Bianca sina Bea at Sam.

Bakit ko ginagawan ng post itong si Bianca?


Birthday pala niya nung October 10. Hindi namin alam kasi yung mga papeles niya, nasa pinakailalim ng mataas na stack ng diyaryo na nakapatong sa speaker nung component system namin. Actually, muntik na namin yung maibenta kasama yung mga diyaryong nakapatong sa itaas.

Mahal na mahal ko si Bianca. Medyo nalungkot ako na nagdaan ang kanyang kaarawan na hindi ko man lang siya nabati o nayakap o nakamot sa paborito niyang lugar. Hindi ko talaga sinasadya.

Pero kahit ganun, sa tingin ko love pa rin naman ako ni Bianca eh. Nakikipaglaro pa rin siya sakin, naghu-hoop-hoop pa rin siya, tapos kinakawag pa rin naman niya yung buntot niyang may itim sa dulo kapag sinusutsutan ko siya o 'di naman kaya'y tinatawag sa kanyang pangalan.

Gusto ko lang din kasi ipakita sa buong bansa kung gaano kacute at kaganda ni Bianca. Haha. At mahirap pang makakuha ng quality photos ni Bianca kasi siya ay camera shy. No joke.

Si Bianca Habang Siya ay Trapped sa Kanyang Cage Kaya Siya ay No Choice Kung Hindi Magpapicture kay Kuya




Si Bianca Nung Siya ay Pinagtripan Namin Dahil Bored na Kami sa Pagkakabit ng Kurtina sa Sala



Ang cute niya no? But most of all, malambing yang si Bianca. Kaya naman loves na loves yan ni kuya eh. Alam mo yun? Kahit anong mangyari, kahit pagalitan mo siya or something dahil nilamutak niya yung bagong tanim na halaman or umihi siya sa newly polished floor, mahal ka pa rin niya. Or is it?

Anyway, loves ko yan si Bianca.


Thursday, October 25, 2007

Administrator-ship

Oo. Nasira yung hard disk ko. Meaning lahat ng files ko, nawala. Ngayon ko lang narealize na lahat ng pictures I took got fried as well. Inexplore ko kasi kanina yung phone ko ulit habang nanonood ng Boy and Kris kasi si Cheska Garcia at si Doug Kramer yung guests nila. Ikakasal na pala sila next year eh. Oh well, bagay naman sila. Oh well, hindi kami close anyways. Ay oo nga pala, sa Amazing Cones sila ininterview ni Kristeta. Ewan ko ba kung innovative yung tawag, pero they make pizza in cones. Great. It doesn't look very tasty though. At ang Jigoku Shoujo season 2 ay may replay pala sa Animax tuwing 10:30am. Hindi kasi ako makapanood sa gabi kasi either may nanonood ng Zaido/Marimar/Ysabella, or naglalaro pa ako ng Silkroad kasi hindi pa ako naglelevel-up. Aba, lv. 23 na yung Warrior/Cleric ko no.

So going back, nawala lahat ng programs kasi nga pinalitan yung hard disk. So nung nilagyan ko ng Windows, lahat ng accounts (Bebe, Bong, Hernan, Portia, Zweihander) ay may administrative privileges. Nung weekend, gumamit si kuya ng PC. Mabuti naman akong kapatid at hinahayaan ko siyang gumamit tuwing mga rare occasions na matagal siyang nasa bahay. So nilagyan niya ng Warcraft III: Reign of Chaos at expansion nitong Frozen Throne. Naglalaro pa kasi si kuya ng DoTA eh, while ako, hindi na. Pero hindi niya napagana yung DoTA for some reason. Tama naman daw yung patch and so. Ewan ko lang talaga kung bakit. So ireinstall na lang niya raw some day yung Warcraft. Ayos lang naman sakin, tutal Warcraft lang naman yun at hindi some unknown program na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung ano ang use. Well-known si kuya pagdating sa mga unknown programs na yan at mga vanishing 10.0GB of your disk space. Imagine, hindi pa siya administrator niyan dati ha, at ganyan na kagrabe. Pero this time around, I tried to trust him dahil inaasahan kong alam na niya na more than 80% of the viruses I've cleaned ay nanggagaling sa mga ginagawa niya tuwing nakaupo siya sa harap ng computer. I trusted him to be an administrator of the PC as well. Besides, PC din naman niya ito eh.

First time he uses, he goes to a friggin' porn site. Medyo nainis na ako dito. Kakareformat ko pa lang tapos iyan agad? Wala naman daw siyang dinadownload eh. Ako nga nagpunta lang sa Firefox Homepage tapos nagkavirus na eh.

Tapos sabi ni Dadee, at around 3am, gumagamit pa rin ng PC si kuya, only for me to find out na naglagay siya ng Xvid na hindi ko alam kung ano ang use niya para sa program na iyan.

So, ako na lang ulit ang administrator sa PC namin ngayon. All I'm asking is for them to be cautious kapag gumagamit sila. Kasi naman no, kapag bumagal yung PC, wala silang gagawin. Kapag nagkavirus, ako ang mastrestressed out sa kakaayos.

Nung irireinstall na niya yung Warcraft, hindi raw niya mainstall. Siyempre, limited yung account niya eh. So kailangan ko pang i-Run as yung installer ng Warcraft.

"Sus, may lock pa! Ano ba yan!"

Wala akong magagawa. Kahit anong gawin ko, kapatid ko pa rin siya. Nagtimpi na lang talaga ako.

Nung matapos siyang gumamit ng PC, tinanong ko kung naayos niya.

"HUWAG NA! NAIINIS LANG AKO EH!"




*Ahem* Ayaw ko nang magsalita tungkol sa mga nangyari. Kapatid ko siya eh, wala akong magagawa.



You try to trust someone na alam mong very capable na sirain yung trust mo. But you still trust the person anyway. You want to give the person a chance because deep inside, you believe that the person is capable of holding up your trust.

I don't want to be mean or something in doing this, pero anong magagawa ko? Kapatid niya lang ako eh.

Saturday, October 20, 2007

Ang Power Supply ng PC named "Shasta"

"Ang Virus sa Laptop ni Sir Ariel part 2" ang subtitle nito.

Halos 3 weeks na rin since yung huling post ko. Ewan ko ba. Siguro ang main factor kaya hindi ako nakapost agad ay dahil hell week tapos heller-than-hell week tapos finals week. I was simply too busy. Well, hindi lang ako busy sa oras, busy rin ang aking emotions na ayusin yung sarili ko at busy rin yung utak ko na magpanic and everything instead na mag-aral. Basta yun.

Amazing. B+ ako sa PE na overcut at overlate ako. Siguro hindi ako W kasi ako lang sa PE103 C ang nakipagkamay kay Pullaski Delos Reyes (ayon dun sa certificate of completion thingy na parang ID card na binibigay sa culminating activity ng swimming) matapos yung finals sa PE. Ewan ko lang ha. Pero mabait talaga yang si Coach Pol. Hindi nga ako dumating ng maaga nung finals eh. "Ikaw talaga!" sabi niya sa akin. Oh well. Nagising kasi ako ng 3:00am nun tapos natulog ako ulit. Nung nagising ako, 6:30 na. Well, anong magagawa ko? Kakagaling ko lang sa sakit nun eh. Naaalala ko pa yung lamig nung pool nung araw na yun. Akala ko talaga mabibinat ako sa sobrang lamig.

Tapos napakaamazing din na C+ ako sa AMC124. Parang hindi ko talaga inaasahan. I mean, hindi ko talaga pinakinggan si Dr. Felix Muga kahit kailan. Sobrang hindi talaga. Ewan ko lang kung hindi ko pa rin siya pakikinggan next sem.

At medyo ayos naman yung finals ko sa CS110. Buti na lang nakinig ako kay Sir Jal nung diniscuss niya si Djikstra at yung algorithm niya. Pwede ko nang kalimutan sina Kruskal at sina Prim at yung DFS at BFS na yan. Well, kalimutan temporarily I guess. CS major ako. Baka may use pa sila sa future.

Ewan ko sa Ps21. Sabog physics ko. Lalo na yung finals. Nag-overlap kasi yung schedule sa Th121 kaya hindi ko talaga tinapos. Yung theo naman, madali lang. Well, madali lang naman talaga, pero ewan ko lang yung standards ni Ray. By the way, I kind of liked his poem nung last class namin. I was 23% moved.

Nakakalaro na rin pala ako ng Silkroad Online sa bahay kasi binigyan ako ni EJ ng 256 RAM. Binigyan. Presyong kaibigan daw kasi.

Hindi rin pala ako nakapagpost dahil nasira yung power supply ng PC ko for the second time in a month. Isang linggong walang PC. It's hard to redeem yourself of sanity when your source of sanity is nowhere to be found.

Kasi, nung late September, nasira yung power supply ng PC ko. Well, medyo inaasahan ko nang mangyari yun kasi may ground yung CPU eh. Ang nangyari, hindi na siya nag-on ulit. May green light, pero hindi umaandar yung motherboard. After 3 days yata, naayos at pinalitan yung power supply. Nawala yung ground ng CPU ko. Siyempre natuwa talaga ako. Yun nga lang, hindi na gumana yung CDRW ko.

Nung umaga ng Thursday ng CS110 finals, habang naglalaro ako ng SRO:

"Something smells fishy."

Akala ko may nakasalang sa stove. Inamoy ko yung CPU.

"Oh shet!"

At nagblackout na yung PC ko. Naaalala ko pang inis na inis ako kasi malapit na akong maging level 16 meaning may bagong weapon. After 2 days, dinala ni dadee kay Jun yung PC. Si Jun yung technician nila sa hotel at yung naglagay rin ng power supply. So nung Sunday, sinabing hindi na raw madetect yung hard disk at yung CDRW drive.

"Ha?!"

Probably nasunog silang pareho when the power supply gave way. At dito ko lang rin nalaman na second hand lang pala yung power supply na ikinabit.

Yung pinakaunang concern ko was Silkroad. Parang shet, kailangan ko na namang i-download at maghintay ng pagkatagal-tagal. Nung Monday, bumili kami ni mamie sa Gilmore ng DVDRW Drive, 120GB Hard Disk Drive, at Branded Power Supply na Dual Fan. I have to stress na branded ito at dual fan, hindi lang some power supply na kinuha lang sa isang karag-karag na PC ng hotel ng dadee ko.

A week after nasira, dumating na sa wakas yung PC. Nilagyan na ni Jun ng XP. And to my surprise, may virus. Ewan ko lang ha, baka sa bahay na nakuha yung virus, pero I doubt it kasi may anti-virus na nung inaccess ko yung internet. So nung inayos ko yung network connections, dun na nagmanifest yung virus or worm na kung tama yung pagkakaalala ko, nagkaroon na yung PC nun dati. Hindi ko lang alam kung paano ko naayos. Basta, yung nangyari, nawala sa Control Panel yung Windows Firewall at yung Security Center, tapos paminsan humihingi ng password yung account miski na wala naman talagang password. Ang dami pang programs na nakalagay. Naaalala kong "XP at Office lang po" yung sabi ko sa kanya nung tinanong niya ako kung ano yung ilalagay niya. Sheesh. At dalawang beses pa niyang nireformat kasi nung unang installation ng XP, nakatulog daw siya kaya naghaywire of some sort yung XP. Tapos dapat nung Wednesday pa dumating yung PC, pero may problema daw yung DVDRW Drive na hindi pa nila maayos. Tinatanong ko kung ano, pero ayaw naman sabihin.

So kahapon, nagpunta ako kina Nelvin para humiram ng XP at Antivirus. Office din sana, kaso wala pala si Nelvin nun. Sandali lang ako kina Nelvin kasi aayusin ko pa yung PC eh. So I successfully installed XP and everything else. Wala naman akong na-encounter na problema nung iniinstall ko yung DVDRW. Wala nang virus. Okay na yung PC ulit. Sinimulan ko na rin ulit i-download yung Silkroad.

So ngayon, well I could say na back to normal na ulit yung PC. Kaso wala pang Office.

Nung kausap ko sa Thomas sa YM, dun ko lang naisip lahat ng mga files na nawala. Yung mga line art ko sa Photoshop na pinaghirapan ko, yung mga kanta sa StepMania na inedit ko, yung mga program na sinulat at pinagpuyatan ko, mga documents, mga presentations, mga save files sa Diablo II: Lord of Destruction, yung bookmarks ko sa Firefox, basta stuff that I made. Naisip ko yung mga sinabi ni Sir Ariel na nawala yung identidad na sinikap at pinaghirapan niyang buuin sa isang iglap. Nawala lahat matapos yung wierd smell na yun. Nawala.

Hay, ewan ko ba. You put your full trust into people in taking care of your problems you can't handle, but they don't put their best into it. Ewan ko. I feel selfish in saying this. I mean anyway, hindi naman nila problema yun tapos sila yung gagawa ng solusyon sa problema ng iba. Ewan ko lang talaga ha.

Kasi ako, kung may problema yung isang tao, gagawin ko ang lahat para matulungan yung taong iyon. Siguradong brand new at walang virus yung ibibigay kong effort. Eto na naman yung compare-ikaw-at-ako thing.

Talaga. Sometimes it's really that sad. Sometimes hindi mo maiwasang mag-rely sa iba dahil hindi mo na talaga kaya, pero lalo ka pang nawawalan ng pag-asa sa huli.