Wednesday, October 31, 2007

Dangwa

Kahapon, I was really really pissed out sa kuya kong napakagaling at very very uberly disappointed sa Silkroad. Yung kuya ko kasi sobrang galing talaga. Kailangan niyang maging administrator dahil meron siyang bagong iPod so kailangan niyang mag-Limewire and stuff. So nagkaroon ng C:\WINDOWS\system32\liveup.exe nung October 28, 2007 at 2:34:29am. Siya yung gumagamit ng mga panahon na yan. O di ba? Sabi ko sa inyo eh, ang galing maglagay ng trojan ni Kuya sa PC. Sobra talaga. At syempre, ako ang tagaayos and everything. Remember, ako yung kapatid niyang CS ang kinukuha sa college kaya malamang ako ang "marunong" kung papaano mag-ayos ng mga ganitong bagay. Well, like it's better NOT to have trojans/viruses/worms in the first place. Hindi pala niya nirarun yung antivirus kapag nadidisable. Sheesh. Tapos yung SRO, super lag for some unknown reason. As in nakakapika na talaga yung lag. Hindi naman ganoon yung SRO ko eh tapos bigalang super talaga. Parang pumapatay kami ng party monster, tapos hindi ko na talaga nakita yung laban. Nakita ko na lang yung corpse nung monster at sobrang daming white and red numbers. Well, abnormal daw talaga yung lag sabi ni Amboy.

Server maintenance ng SRO ngayon. So natulog na lang ako after manood ng ilang episodes ng Yu-Gi-Oh! GX. Nagising ako ng mga 3, at ayun, tsaka palang gumamit si Ate. Hay. Well okay lang sakin. Alam ko namang safe ang PC sa mga kamay niya eh.

Pagkakain ko ng champoradong may gata, pinagamit na ako ni Ate. Dahil sinapak ako ng aking OCness, inayos ko yung Challenge ng Tentai Kansoku sa StepMania. Hindi ako nasatisfy eh. Nung mga panahong iyon, nagbibihis na si Mamie kasi pupunta siyang Dangwa kasi nga Undas na sa Thursday. Pupunta na kaming Loyola bukas (well, mamaya kung past 12 am na). Susunduin dapat niya si Dadee tapos sila ang mamimili ng bulaklak. Nung tumawag si Mamie sa hotel, nagagalit daw si Dadee kasi bakit daw ayaw namin samahan si Mamie na mamili ng bulaklak. Eh hindi ba siya yung kasama niya? Baha raw. So yun, pinilit ako ni Mamie na sumama na may bantang magagalit siya kapag hindi ako pumayag. Wala akong magagawa. Baha eh. Hmp.

Sobrang nainis ako kasi gusto kong malaman kung sobrang lag pa rin ba yung SRO. Kasi baka mamaya, PC ko na yung may problema. Well, to tell the truth, naiinis ako dahil gusto ko talagang makalaro dahil hindi ako makakalaro for 2 days or so kasi uuwi kaming Bulacan.

Wala akong nagawa talaga.

Ang daming tao sa Dangwa. Ang dami pating bulaklak. Basta marami. May kulay dilaw, pula, puti, lila, peach, pink, at yung mga artificially-colored na blue, at pati nga green eh. Well, hindi mabango sa Dangwa miski na puro bulaklak. Amoy pawis, putik, bad breath, body odor, basura, kanal, pollen, dahon, at yung fragrant fragrance ng mga bulaklak na para maamoy, kailangang ibaon mo yung ilong mo dun sa bouquet ng mga bulaklak na nakabalot sa diyaryo na yakap yakap mo kasi ikaw yung tagabitbit.

At least naman kumain kami sa Tropical Hut.

Pagkauwi, gumagamit ng PC si Kuya. Ayos lang naman, basta naka-on yung system monitor. Pero hindi eh.

Hindi ko lubusang masasabing nag-enjoy ako sa aking excursion sa Dangwa. Antisocial kasi ako at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang kakaunti pa raw yung ganung karaming tao na iyon. Well, at least nakalabas muli ako sa bahay for such a long time, pero yun nga lang, napilit kasi ako. I would have rather stayed home and leveled-up my Warrior/Cleric na meron nang Bless Spell.

Nagagandahan ako dun sa environment ng SRO kasi parang may flowers pa and stuff. Pero it's much better to see, touch, and smell the real thing.

Pero sometimes, reality isn't all that good.

Saturday, October 27, 2007

Si Bianca

Binigay ni Tito Kurtz si Bianca sa amin. Nanay niya si Ganda, at tatay naman niya si Hero also known as Dugie. Kapatid ni Bianca sina Bea at Sam.

Bakit ko ginagawan ng post itong si Bianca?


Birthday pala niya nung October 10. Hindi namin alam kasi yung mga papeles niya, nasa pinakailalim ng mataas na stack ng diyaryo na nakapatong sa speaker nung component system namin. Actually, muntik na namin yung maibenta kasama yung mga diyaryong nakapatong sa itaas.

Mahal na mahal ko si Bianca. Medyo nalungkot ako na nagdaan ang kanyang kaarawan na hindi ko man lang siya nabati o nayakap o nakamot sa paborito niyang lugar. Hindi ko talaga sinasadya.

Pero kahit ganun, sa tingin ko love pa rin naman ako ni Bianca eh. Nakikipaglaro pa rin siya sakin, naghu-hoop-hoop pa rin siya, tapos kinakawag pa rin naman niya yung buntot niyang may itim sa dulo kapag sinusutsutan ko siya o 'di naman kaya'y tinatawag sa kanyang pangalan.

Gusto ko lang din kasi ipakita sa buong bansa kung gaano kacute at kaganda ni Bianca. Haha. At mahirap pang makakuha ng quality photos ni Bianca kasi siya ay camera shy. No joke.

Si Bianca Habang Siya ay Trapped sa Kanyang Cage Kaya Siya ay No Choice Kung Hindi Magpapicture kay Kuya




Si Bianca Nung Siya ay Pinagtripan Namin Dahil Bored na Kami sa Pagkakabit ng Kurtina sa Sala



Ang cute niya no? But most of all, malambing yang si Bianca. Kaya naman loves na loves yan ni kuya eh. Alam mo yun? Kahit anong mangyari, kahit pagalitan mo siya or something dahil nilamutak niya yung bagong tanim na halaman or umihi siya sa newly polished floor, mahal ka pa rin niya. Or is it?

Anyway, loves ko yan si Bianca.


Thursday, October 25, 2007

Administrator-ship

Oo. Nasira yung hard disk ko. Meaning lahat ng files ko, nawala. Ngayon ko lang narealize na lahat ng pictures I took got fried as well. Inexplore ko kasi kanina yung phone ko ulit habang nanonood ng Boy and Kris kasi si Cheska Garcia at si Doug Kramer yung guests nila. Ikakasal na pala sila next year eh. Oh well, bagay naman sila. Oh well, hindi kami close anyways. Ay oo nga pala, sa Amazing Cones sila ininterview ni Kristeta. Ewan ko ba kung innovative yung tawag, pero they make pizza in cones. Great. It doesn't look very tasty though. At ang Jigoku Shoujo season 2 ay may replay pala sa Animax tuwing 10:30am. Hindi kasi ako makapanood sa gabi kasi either may nanonood ng Zaido/Marimar/Ysabella, or naglalaro pa ako ng Silkroad kasi hindi pa ako naglelevel-up. Aba, lv. 23 na yung Warrior/Cleric ko no.

So going back, nawala lahat ng programs kasi nga pinalitan yung hard disk. So nung nilagyan ko ng Windows, lahat ng accounts (Bebe, Bong, Hernan, Portia, Zweihander) ay may administrative privileges. Nung weekend, gumamit si kuya ng PC. Mabuti naman akong kapatid at hinahayaan ko siyang gumamit tuwing mga rare occasions na matagal siyang nasa bahay. So nilagyan niya ng Warcraft III: Reign of Chaos at expansion nitong Frozen Throne. Naglalaro pa kasi si kuya ng DoTA eh, while ako, hindi na. Pero hindi niya napagana yung DoTA for some reason. Tama naman daw yung patch and so. Ewan ko lang talaga kung bakit. So ireinstall na lang niya raw some day yung Warcraft. Ayos lang naman sakin, tutal Warcraft lang naman yun at hindi some unknown program na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung ano ang use. Well-known si kuya pagdating sa mga unknown programs na yan at mga vanishing 10.0GB of your disk space. Imagine, hindi pa siya administrator niyan dati ha, at ganyan na kagrabe. Pero this time around, I tried to trust him dahil inaasahan kong alam na niya na more than 80% of the viruses I've cleaned ay nanggagaling sa mga ginagawa niya tuwing nakaupo siya sa harap ng computer. I trusted him to be an administrator of the PC as well. Besides, PC din naman niya ito eh.

First time he uses, he goes to a friggin' porn site. Medyo nainis na ako dito. Kakareformat ko pa lang tapos iyan agad? Wala naman daw siyang dinadownload eh. Ako nga nagpunta lang sa Firefox Homepage tapos nagkavirus na eh.

Tapos sabi ni Dadee, at around 3am, gumagamit pa rin ng PC si kuya, only for me to find out na naglagay siya ng Xvid na hindi ko alam kung ano ang use niya para sa program na iyan.

So, ako na lang ulit ang administrator sa PC namin ngayon. All I'm asking is for them to be cautious kapag gumagamit sila. Kasi naman no, kapag bumagal yung PC, wala silang gagawin. Kapag nagkavirus, ako ang mastrestressed out sa kakaayos.

Nung irireinstall na niya yung Warcraft, hindi raw niya mainstall. Siyempre, limited yung account niya eh. So kailangan ko pang i-Run as yung installer ng Warcraft.

"Sus, may lock pa! Ano ba yan!"

Wala akong magagawa. Kahit anong gawin ko, kapatid ko pa rin siya. Nagtimpi na lang talaga ako.

Nung matapos siyang gumamit ng PC, tinanong ko kung naayos niya.

"HUWAG NA! NAIINIS LANG AKO EH!"




*Ahem* Ayaw ko nang magsalita tungkol sa mga nangyari. Kapatid ko siya eh, wala akong magagawa.



You try to trust someone na alam mong very capable na sirain yung trust mo. But you still trust the person anyway. You want to give the person a chance because deep inside, you believe that the person is capable of holding up your trust.

I don't want to be mean or something in doing this, pero anong magagawa ko? Kapatid niya lang ako eh.

Saturday, October 20, 2007

Ang Power Supply ng PC named "Shasta"

"Ang Virus sa Laptop ni Sir Ariel part 2" ang subtitle nito.

Halos 3 weeks na rin since yung huling post ko. Ewan ko ba. Siguro ang main factor kaya hindi ako nakapost agad ay dahil hell week tapos heller-than-hell week tapos finals week. I was simply too busy. Well, hindi lang ako busy sa oras, busy rin ang aking emotions na ayusin yung sarili ko at busy rin yung utak ko na magpanic and everything instead na mag-aral. Basta yun.

Amazing. B+ ako sa PE na overcut at overlate ako. Siguro hindi ako W kasi ako lang sa PE103 C ang nakipagkamay kay Pullaski Delos Reyes (ayon dun sa certificate of completion thingy na parang ID card na binibigay sa culminating activity ng swimming) matapos yung finals sa PE. Ewan ko lang ha. Pero mabait talaga yang si Coach Pol. Hindi nga ako dumating ng maaga nung finals eh. "Ikaw talaga!" sabi niya sa akin. Oh well. Nagising kasi ako ng 3:00am nun tapos natulog ako ulit. Nung nagising ako, 6:30 na. Well, anong magagawa ko? Kakagaling ko lang sa sakit nun eh. Naaalala ko pa yung lamig nung pool nung araw na yun. Akala ko talaga mabibinat ako sa sobrang lamig.

Tapos napakaamazing din na C+ ako sa AMC124. Parang hindi ko talaga inaasahan. I mean, hindi ko talaga pinakinggan si Dr. Felix Muga kahit kailan. Sobrang hindi talaga. Ewan ko lang kung hindi ko pa rin siya pakikinggan next sem.

At medyo ayos naman yung finals ko sa CS110. Buti na lang nakinig ako kay Sir Jal nung diniscuss niya si Djikstra at yung algorithm niya. Pwede ko nang kalimutan sina Kruskal at sina Prim at yung DFS at BFS na yan. Well, kalimutan temporarily I guess. CS major ako. Baka may use pa sila sa future.

Ewan ko sa Ps21. Sabog physics ko. Lalo na yung finals. Nag-overlap kasi yung schedule sa Th121 kaya hindi ko talaga tinapos. Yung theo naman, madali lang. Well, madali lang naman talaga, pero ewan ko lang yung standards ni Ray. By the way, I kind of liked his poem nung last class namin. I was 23% moved.

Nakakalaro na rin pala ako ng Silkroad Online sa bahay kasi binigyan ako ni EJ ng 256 RAM. Binigyan. Presyong kaibigan daw kasi.

Hindi rin pala ako nakapagpost dahil nasira yung power supply ng PC ko for the second time in a month. Isang linggong walang PC. It's hard to redeem yourself of sanity when your source of sanity is nowhere to be found.

Kasi, nung late September, nasira yung power supply ng PC ko. Well, medyo inaasahan ko nang mangyari yun kasi may ground yung CPU eh. Ang nangyari, hindi na siya nag-on ulit. May green light, pero hindi umaandar yung motherboard. After 3 days yata, naayos at pinalitan yung power supply. Nawala yung ground ng CPU ko. Siyempre natuwa talaga ako. Yun nga lang, hindi na gumana yung CDRW ko.

Nung umaga ng Thursday ng CS110 finals, habang naglalaro ako ng SRO:

"Something smells fishy."

Akala ko may nakasalang sa stove. Inamoy ko yung CPU.

"Oh shet!"

At nagblackout na yung PC ko. Naaalala ko pang inis na inis ako kasi malapit na akong maging level 16 meaning may bagong weapon. After 2 days, dinala ni dadee kay Jun yung PC. Si Jun yung technician nila sa hotel at yung naglagay rin ng power supply. So nung Sunday, sinabing hindi na raw madetect yung hard disk at yung CDRW drive.

"Ha?!"

Probably nasunog silang pareho when the power supply gave way. At dito ko lang rin nalaman na second hand lang pala yung power supply na ikinabit.

Yung pinakaunang concern ko was Silkroad. Parang shet, kailangan ko na namang i-download at maghintay ng pagkatagal-tagal. Nung Monday, bumili kami ni mamie sa Gilmore ng DVDRW Drive, 120GB Hard Disk Drive, at Branded Power Supply na Dual Fan. I have to stress na branded ito at dual fan, hindi lang some power supply na kinuha lang sa isang karag-karag na PC ng hotel ng dadee ko.

A week after nasira, dumating na sa wakas yung PC. Nilagyan na ni Jun ng XP. And to my surprise, may virus. Ewan ko lang ha, baka sa bahay na nakuha yung virus, pero I doubt it kasi may anti-virus na nung inaccess ko yung internet. So nung inayos ko yung network connections, dun na nagmanifest yung virus or worm na kung tama yung pagkakaalala ko, nagkaroon na yung PC nun dati. Hindi ko lang alam kung paano ko naayos. Basta, yung nangyari, nawala sa Control Panel yung Windows Firewall at yung Security Center, tapos paminsan humihingi ng password yung account miski na wala naman talagang password. Ang dami pang programs na nakalagay. Naaalala kong "XP at Office lang po" yung sabi ko sa kanya nung tinanong niya ako kung ano yung ilalagay niya. Sheesh. At dalawang beses pa niyang nireformat kasi nung unang installation ng XP, nakatulog daw siya kaya naghaywire of some sort yung XP. Tapos dapat nung Wednesday pa dumating yung PC, pero may problema daw yung DVDRW Drive na hindi pa nila maayos. Tinatanong ko kung ano, pero ayaw naman sabihin.

So kahapon, nagpunta ako kina Nelvin para humiram ng XP at Antivirus. Office din sana, kaso wala pala si Nelvin nun. Sandali lang ako kina Nelvin kasi aayusin ko pa yung PC eh. So I successfully installed XP and everything else. Wala naman akong na-encounter na problema nung iniinstall ko yung DVDRW. Wala nang virus. Okay na yung PC ulit. Sinimulan ko na rin ulit i-download yung Silkroad.

So ngayon, well I could say na back to normal na ulit yung PC. Kaso wala pang Office.

Nung kausap ko sa Thomas sa YM, dun ko lang naisip lahat ng mga files na nawala. Yung mga line art ko sa Photoshop na pinaghirapan ko, yung mga kanta sa StepMania na inedit ko, yung mga program na sinulat at pinagpuyatan ko, mga documents, mga presentations, mga save files sa Diablo II: Lord of Destruction, yung bookmarks ko sa Firefox, basta stuff that I made. Naisip ko yung mga sinabi ni Sir Ariel na nawala yung identidad na sinikap at pinaghirapan niyang buuin sa isang iglap. Nawala lahat matapos yung wierd smell na yun. Nawala.

Hay, ewan ko ba. You put your full trust into people in taking care of your problems you can't handle, but they don't put their best into it. Ewan ko. I feel selfish in saying this. I mean anyway, hindi naman nila problema yun tapos sila yung gagawa ng solusyon sa problema ng iba. Ewan ko lang talaga ha.

Kasi ako, kung may problema yung isang tao, gagawin ko ang lahat para matulungan yung taong iyon. Siguradong brand new at walang virus yung ibibigay kong effort. Eto na naman yung compare-ikaw-at-ako thing.

Talaga. Sometimes it's really that sad. Sometimes hindi mo maiwasang mag-rely sa iba dahil hindi mo na talaga kaya, pero lalo ka pang nawawalan ng pag-asa sa huli.

Friday, September 28, 2007

Hypothalamus

Grabe. Nung pumasok ang month na September, nagkasakit ako. Ngayong mag-o-October na, nagkasakit ulit ako. Parang imagine? Sobrang nakakainis at sobrang ang galing-galing ng timing kasi bukas, finals ko na sa PE. Parang sheesh, may sakit ako! Paano ako lalangoy ng Freestyle na event number 1 at Butterfly na event number 9 to death?! Ah well. Dahil mabait si Coach Pol, pinapapunta niya ako bukas ng mga 6:30 ng umaga para daw tumulong ako sa set-up and everything. Sabi niya, at least naman daw dun eh bumawi ako kasi super overcut at overlate na talaga ako sa PE. Ang hilig ko raw kasing gumimik, sabi niya kay Jong, yung maintenance person ng pool. Hmp, I wish.

Nung Monday kasi, nagsindi si dadee ng katol. Ewan ko, pero mukhang hindi Baygon Floral Fresh yung sinindi niya. Parang Lion Katol ata (kasi may kahon sa itaas ng ref). Malayo naman na sa akin yung katol, pero nung Tuesday, nangati na yung lalamunan ko. Nung kumain ako sa Jollibee that day, medyo sumayad na sa isip ko na magkakasakit ako kasi parang symptoms ng allergic reaction ko yung mga nangyayari sa akin nung mga panahong yun. So ayun, nung gabi, medyo mainit na yung pakiramdam ko. Naligo ako to hope na guminhawa ang pakiramdam ko, at oo, guminhawa naman, yun nga lang, for just 10 minutes. Natulog na ako nung natuyo yung buhok ko. Nagising ako ng mga 5 ng umaga at presto, 38.9 degrees Celcius na ang aking body temperature, ayon sa thermometer. Well, pumasok pa rin ako kasi kailangan, dahil nga overcut at overlate na ako sa PE. So ayun, nadisappoint si Coach Pol kasi nga relays na kami tapos ayun ako, hindi pwedeng lumangoy ng free at fly kasi nga may lagnat. Tapos ang [insert some adjective here] pa nung substitute namin sa physics. Hmp. Namiss ko talaga si Sir Nan/Ivun Culazba.

Pinauwi na rin ako nung doktor sa infirmary, kasi nga raw may lagnat ako at baka makahawa pa ako ng ibang tao. Pero hindi ako umuwi kasi nga kailangan kong magnotes sa theo. So ayun. Ang dami kong notes nung araw na iyon. Super.

Nung gabi ng Wednesday, yung temperature ko eh umabot sa record high na 39.7 degrees. Pero it was weird na hindi ako nanghihina whatsoever. I just felt warm, at yun lang. Hindi ako nahilo, hindi masakit ulo ko, hindi ako nasusuka, hindi masakit yung muscles ko, yung stuff like that na usually na nararamdaman mo kapag may lagnat ka or sakit for the matter. Tinourniquet na ako, pero wala namang lumabas na rashes. Natatakot kasi si mamie na baka dengue na yung lagnat ko. After nun, natulog na kaming lahat, at nung mga 5:20 ng umaga, ginising ako ni mamie, pupunta raw kami sa ospital para magpacheck-up. Mahirap na daw kasi eh. Baka dengue. Well, siyempre ayaw ko dahil ako ay nosocomephobic. Pero wala akong magagawa.

Sa emergency room ng FEU-NRMF ako dinala. Tahimik. Amoy ospital. After ng primary routine, pinahiga ako sa isang kama. Siyempre, hindi ako humiga. Grabe. Sobrang takot talaga ako sa mga ospital. Hindi ako nilalamig, pero yung ribs ko, parang magcocolapse na any minute. My stomach was lurching with discomfort and weird emotions. Nung bumalik na si mamie after magpunta sa laboratory, pinilit niya akong humiga sa tabi niya. Ang baho nung sheets. Amoy tuyong dugo at mga gamot na pilit inalis gamit ng chlorox at detergent. Sobrang nakakakilabot. Nakakabaliw din yung inaassess na pasyente na parang may appendicitis na hindi dun sa kabila ng kurtina, yung batang nadengue at sumuka sa other side, yung ingay ng nebulizer nung matandang mukhang ewan ko ba, yung lalaking nangingisay na nagdudugo yung ilong at yung mata miski na may gauze at bulak na, at yung pasyenteng hanggang mukha ang taklob ng kumot. Scary. After 1 hour and 30 minutes ng paghihintay sa forsaken emergency room na iyon, dumating na rin si Dr. Edelweise Merin, yung doktor na magsasabing "normal naman yung results ng hematology at urinalysis niya." Hay, hindi ko madescribe yung feeling ng marinig ko yan. Ayun, sabi niya rin sa strict bed rest for 2 days na hindi ko naman sinunod strictly.

It's sad na absent ako sa huling Fil14 class. Grabe. Mamimiss ko talaga si Sir Ariel. Oh well. Wala din ako sa blow-out ni Wil sa bahay ni Andrea ngayon kasi siya yung nanalo sa DISCS Programming Open. I was looking forward to it pa naman. Oh well. Well, at least naman wala na akong lagnat ngayon. Siguro naman makakaswim na ako bukas.

Napakarough kasi ng September ko eh. The downs outweigh the ups. Ewan ko, siguro nagkaroon na ng neural short-circuit sa aking katawan kaya parang yung mga hormones or whatsoever eh naging abusurdly imbalanced.

My hypothalamus got whacked. Ano ba ang plural ng hypothalamus? Hypothalami? Ang singular form ba ng salami ay salamus?

Tiger Katol kasi eh.

Tuesday, September 25, 2007

Ang Vandalism sa Armchair ni Vandals sa CTC305

Malapit na ng finals week. Malapit na ang death-of-all-deaths. Handa na ba ako? Malamang, hindi pa. Nakakainis din na hindi kaya ng PC ko ang Silkroad Online miski na pasok ito sa minimum requirements nung game, at sira pa yung ISO ng Parasite Eve 2 na hinintay ko ng mga 5 hours para madownload sa utorrent. Nakakainis. Sira yung part na papuntang Neo Ark or sa lift papuntang EVE Access tunnel. It's saddening na sabay pa talaga dapat mangyari itong dalawang bagay na yan. Hay buhay.

Kanina, nagpresent sina Wimbie sa theo about Contraception. They were arguing with the "for" side. As always, it was another boring theo class (including ours I guess, Ray implicitly told us so although he recognized my effort in putting together the Warcraft III map). Huy ha, hindi ko naman sila pinararatangan and stuff like that, yun lang talaga kasi generally yung nagyayari sa theo eh. So ayun, nakaupo kami sa may likuran, at ako naman ay nagte-take ng notes habang excited na excited sa Silkroad at habang iniisip na rin kung ano yung ipapangalan ko dun sa akin sanang Warrior-Cleric character. Napansin ko sa aking table ang vandals na ito:


When you know
What you are and
what you want
the less you
let things
upset you

Pagkabasa na pagkabasa ko pa lang sa vandals na ito (vandals = the act of vandalism, the result of the act of vandalism, or the person in act of vandalism), sinabi ko sa sarili ko na gagawan ko agad ito ng blog entry. Eh kasi naman eh no, mali yung nakalagay sa chair na yun sa CTC305 na mainit kung hindi lang mahangin at maulan these days.

Parang, "What you are"? As in, bakit what? Alien ba ang nagsulat nito? At bobo, kung alam mo na kung ano ka at kung ano ang gusto mo, mas lalo kang nagiging sensitive even to the minutest details of the events happening around you. You are expecting some thing from someone or something, kaya ka nagiging concerned talaga.

At ayan na, kapag hindi na natupad ang iyong inaasam, babasagin na nito ang "the less you let things upset you."

See? If you know what you are even if you do not accept the truth and face reality, and you know what you deeply desire in order to be given another chance to life, even the littlest and the most meaningless of things can catch your attention and upset you terribly, forcing you to a momentary state of static depression.

Even a vandalism on a rickety armchair. Even that.

Monday, September 24, 2007

After 20 Days

So ayan. September 23 na (well, actually 24 na). Ang huli kong post was September 3, 2007, a solid 20 days ago. Kung natatandaan kong mabuti, sinabi ko sa post ko na iyon na parang "what a great way to start September" or some shizzle of the like. Well, sobrang stressful both physically and emotionally ang September ko. Grabe talaga. Parang mamamatay na talaga ako, pero here I am writing again sa blog na nalegnect ko for such a long period of time. Pasensiya ka na blog ko ha.

Basta. Ang daming nangyari talaga. Sa sobrang dami, hindi ko na maalala masyado. Pero ang masasabi ko lang: super roller coaster ride talaga ako nun. Para akong drug addict na paulit-ulit nagkakaroon ng withdrawal tendencies sa isang oras. Grabe talaga. Sobrang mood swings yung mga naramdaman ko. Sabay-sabay daw ba kasi yung Th121 Against the Ordination of Women into the Ministerial Priesthood presentation na ako lahat ang gumawa (well, about 97.4589734% of it), Fil14 Tandang Basio Macunat na halos wala akong ginawa (mga 3.2375632% lang), at yung CS110 LTOBranchSim project na yan. Grabe talaga. Ang masama pa niyan, walang gumawa sa amin ni EJ dun sa CS kasi siya gumagawa sa fil, tapos ako sa theo. Parang kailangang-kailangan ko pa naman yung project na yun kasi sa lahat ng other components sa CS bagsak ako. Jeez. I really don't want to go back to the emotions that ate me alive during that time. Well, kung buhay pa nga ba ako.

Nagkaroon pa ako ng severe emotional distress. Grabe. Isabay daw ba yan sa academic pressures? Kasi yung taong inaasahan kong sasalo sa akin kapag bumitaw na ako, hindi pala niya ako masasalo, miski na sinabi niyang sasaluhin niya ako. It was really, really sad. Parang sobrang nagkaroon na talaga ng schism yung personality ko: may isang over-ecstatic always-hyper-mode-on part ako, at may distressed-depressed-suicidal part of me. Ewan ko. Nakalimutan ko na ang Psy101 eh kaya hindi ko alam kung anong klaseng disorder yan. Pero basta. Parang in one minute, kaya kong i-shift yung personality ko. Ewan ko talaga. Nangyari yan dun sa CS. Parang iyak na ako nang iyak kasi sobrang frustrated na ako at dahil parang napakaunfair ng buhay and everything under it, pero after 30 seconds, go na ako para matapos yung ass project na yun at ang saya-saya ko pa kasi malapit ko nang matapos. Ewan ko talaga. Siguro survival mechanism ko na yan.

But the past week, tuluyan nang nagpakamatay yung parang automatic garbage collector ng java (yuck geeky CS major go away) part ng sarili ko, yung distressed-depressed-suicidal part of myself. This means na hindi na ako kumpleto. But recently, may signs na nagbalik na siya. So out of the 50%, siguro 45-5 ang current distribution. Kung may mamatay na namang part ng sarili ko, well, I'd be living a fourth of my original self. Well, you get the math. Exponentially nagdidecrease yung will ko to live life to the fullest. Eh kasi naman eh no, parang lagi na lang ako naiiwan or iniiwan ng mga taong inaasahan ko. Hay, if I could only state names, I would para naman maging aware sila na sobrang importante sila para sa akin. Ang sakit kasi sa damdamin nung rejection na hindi ka pala importante kahit isang kusing dun sa taong mas importante pa sa lahat ng importanteng bagay sa buhay mo.

Hay. Kakasabi ko lang na ayaw ko nang balikan ang lahat niyan eh.

Well anyway, I love my new shirt.

Tinanong ko kay Thomas kung anong mangyayari kung walang automatic garbage collector ang java.

"Death."

Tapos death means change?

Ewan ko. Basta inappease ko lang yung part ng sarili ko na gusto na ulit magblog.

Monday, September 3, 2007

Centrum, Vitamin E, at Calcium sa Umaga; Glutathione sa Gabi

What a great way to start September.

I feel sick. Pero hindi naman talaga kasi nung nagpunta ako sa infirmary kanina, 37.2 lang daw ang temperature ko ayon kay Nurse Marivic. Binigyan niya ako ng Biogesic, na ininom ko after kumain nung P45.00 5-piece siomai rice meal ng House of Waffles. Well, medyo nagsisi ako dun sa siomai rice na yun kasi sobrang lasang toyo at hugis macaroons pa. Hindi siya sulit miski na P45.00 lang kasi hindi masarap. Feeling ko nga, kapag walang toyo yun, lasang kanin yung siomai. Tapos kung pinapapak mo lang yung siomai, malamang lasang plastic fork yun or lasang toothpick. Matapos kong inumin yung Biogesic, patuloy pa rin nag-init ang aking katawan (take this very literally, kasi kung hindi, magmumukhang porn scene) at kumirot ang aking ulo. Ang init init na ng pakiramdam ko pero hindi ako nagpapawis at normal lang yung temperature ko tapos sobrang grabe yung sakit ng ulo ko, parang binibiyak ng isang dosenang +10 Double Critical Bloody Jur. Haha wala lang.

Nagsimula yun nung nahawa ata ako kay Nelvin sa sipon niya. Nagkaroon ako ng remarkable symptoms nung Friday, August 31. Birthday yun ni Andrea. Sa bahay niya, I seldom sneezed compared sa mga times na mag-isa lang ako. Oo, napansin ko rin na nung naghihintay ako sa CompSAt room, hindi rin ako masyadong nagsisneeze. Oh well. Napakaremarkable na nahawa pa ako kasi nagvavitamins na ako everyday without fail and everything (I drink glutathione as well dahil pinilit ako ni mamie, pero hindi pa rin ako pumuputi). I was like sneezing for at least thrice every five minutes tapos may super chain combo of sneezes na parang mga 25+ sneezes under one minute. Grabe yung feeling. Sobrang barado yung ilong ko at hindi na ako tumigil sa kakasniff. Walang use yung pagsinga eh, it just flows back. Well at least hindi ako nagkaubo.

Tapos hindi talaga nakatulong yung amoy yosing set ng Buwan at Baril. Bukod sa nangamoy yosi yung damit at especially yung panyo ko, nangati pa ang lalamunan ko. Hindi yung kating parang magkakaubo ka, yung kati dahil parang inaalergy ka. So yun. Kumain kami sa McDo, tapos nung pagkauwi, uminom muna ako ng Rexidol, tapos natulog na ako. Hindi talaga mabuti yung pakiramdam ko nun. Well, yung Rexidol didn't help so much either. Oo nga pala, nacorrupt yung memory card ng ePSXe ko, pero buti na lang, nakapagsave state ko.

Kahapon, naglinis ako ng bahay. Nagdusting ako at nagwalis. Hindi ko na nilinis yung mga electric fan kasi baka mamaya mamatay na ako dahil sa complications due to severe and repetitive allergic reactions. Allergic ako sa alikabok, pero ako ang nagwawalis at nagdudusting. This time, uminom naman ako ng Decolgen. Well, I felt better after nung nap ko habang sinusubukang mag-aral ng probability sa math. Nothing else important happened that night, besides na yung ulam namin for dinner was Nilagang Baka na may Mais. Sarap.

Pagkagising ko kanina, ang sakit nung right part ng throat ko. Sumasakit kapag nagsasalita or lumulunok. Suspicion ko is tonsillitis. Well, i usually contract this kapag nagkakaroon ako ng severe allergic reactions. Naaalala ko dati, twice na akong nagkalagnat ng tatlong araw dahil nga sa mga allergies na yan. Mataas ang tolerance ko to pathogens, pero kapag bumaba ang immune system ko, talagang sobrang kaboom. Isipin mo na lang na parang nagkatsunami dahil may nadisplace na area sa mga convergence zones ng mga continental plates. Sorry ha, nanood kasi ako ng National Geographic kahapon, tapos yung feature nila sa The Best of The Week ay yung killer tsunami last 2004 or 2005.

Going back, ang sakit ng lalamunan ko. Well, pumasok pa rin ako kasi swimming, at swimming is love. Grabe. Bukod sa nilamig ako sa tubig, hindi pa ako makahinga ng mabuti habang nagwawarm up ako ng freestyle. Parang walang pumapasok na hangin sa mouth ko every time I roll my body sideways to take in air. Well, ewan ko, I made it through PE alive. Fun naman kasi pinag-dolphin kick kami with flippers on. Sobrang bilis. Talagang magegets mo yung concept ng merfolk.

After nun, sa physics, dun na nagsimulang uminit yung pakiramdam ko. Sumakit na rin yung ulo ko. Well at least ngayon I feel better compared to kanina. Sleeping really helps. Yun nga sabi sa akin ni Nurse Marivic eh, drink lots of water, at mamaya, matulog ka ng maaga. Tsk. Guilty.

So matapos kong "maayos" ang aking emotional self, eto na, bumibigay na yung katawan ko. Sinusubukan ko nang harapin ang mga problema ko, pero ano naman ang kapalit nito? Maybe I'm just overreacting. Well, hindi mo naman siguro ako masisisi kung yung burp ko kanina tasted like chewed-up siomai dipped in toyo and stomach acids plus bile and peristaltically-moved chyme hindi ba? Tapos yung mga gamot na ininom ko, parang fake yata kasi walang effect. Sobrang wala talaga.

Aargh. Ang burden naman kapag lulunukin ko yung laway ko.

So kung papipiliin ako, which kind of sickness ang pipiliin ko? Emotional or physical?

Ano ba! Sino namang tao in his/her right state of mind ang mamimili sa dalawang yan! Both are just wrong. Hindi tamang magkasakit sa kahit na anong paraan. Sabi nga, "Bawal Magkasakit!" Hindi ba?

Naku, umandar yung randomness ko. Commercial ng gamot yung nagsasabing bawal magkasakit, pero kung walang magkakasakit, sinong bibili ng product nila? Ay, Clusivol ata yung commercial na yan. Vitamins. Okay okay, may point naman pala.

"Bawal Magkasakit!"

Yeah, may vitamins for your body, pero may vitamins ba para sa non-physical attribute ng isang tao?

Life, may Centrum complete from A to Zinc ka ba for the soul? May Antipyretic ka ba para sa mga lagnat ng iyong pagkatao?

Pahingi naman o.

Thursday, August 30, 2007

Astigmatism and Myopia

Hay. Dahil maaga ako natulog kagabi, late akong nagising for Fil. Nagising ako ng 5:30, 5:35, 5:40, tapos 6:30. Ang galing ng pattern no? Hindi obvious. Anyway, dahil in a state of shock pa ako nung makita ko yung oras, umupo lang ako sa kama ko for about 5 minutes or so. Sobrang idle yung utak ko. After nun, bihis, wala nang kain-kain, wala nang ligo-ligo (well, naligo naman ako bago matulog and besides, I didn't smell like a trash heap at may OHM Heat pa naman ako eh), toothbrush, layas. Nung naglalakad ako papunta sa may gate para mag-abang ng tricycle, iniisip ko kung magkocommute ba ako or magtataxi na lang. Ewan ko kung bakit sumayad sa isip ko yung magtaxi.

Sinabi ko pa naman bago matulog na "Kapag late nagising, cut."

Pero nagtaxi ako. Mabait si manong taxi driver at nagkukuwentuhan pa kami tungkol sa traffic sa iba't ibang parte ng Quezon City. Nung nakita ko yung condition ng traffic sa Commonwealth, sinabi ko na sa sarili ko na shet, parang masasayang ata ang P100.00 ko. Well, inisip ko na traffic sa Katipunan kaya tama yung desisyon kong magtaxi. I deserve a medal for my optimism.


Tama nga na traffic sa may Katipunan. Sobrang funeral march ang andar sa may harap ng MWSS. Sobra. Nakarating ako sa school 5 minutes before magbell. I was so proud of myself.

But not for long.

Freecut pala yung Fil. What's up with that?! It struck me na nasayang yung effort ko na hindi malate. Yun yung sinasabi at nirereklamo ko talaga sa life eh. You'll take the chance, but all would be in vain. Parang you muster all the strength within, pero in the end, you feel everything was not worth it. Miski kahit gaanong transformations or manipulations ang gawin mo, walang nangyayari. Para talagang nasayang ang efforts mo. Well, naeexagerate ko yata yung simpleng example na ito eh. Kasi, kung nalaman kong freecut, papasok ako sa school ng 12:00 instead of 7:30. Ibig din sabihin nito, sa bahay na ako kakain, meaning less gastos, more savings. Pero more importantly, kung nalaman kong freecut, hindi na dapat ako nagtaxi at hindi na sana nasayang yung P100.00 ko. See? Ang laki nung nawala sa akin dahil sa heroism at martyrdom of some sort na pinakita ko. Well ewan ko. Natulungan ko naman si manong taxi driver na maabot yung daily quota niya.

Hmp. Plastic.

Kanina rin, nagparefract ako ng mata. Hindi na kasi clear yung mga distant objects as before. Ayon sa findings:

OD: 0.75 cgh.
OS: 0.25C-0.25x160deg.

Tumaas na pala yung grado ng mata ko. And to add to that, I am nearsighted at has astigmatism on my left eye.

Astigmatism, ayon sa pagkakaintindi ko sa wikipedia, ay yung hindi aligned properly yung axes ng mata. Basta, isipin mo na lang na hindi perpendicular yung parang x-y axis ng mata. Parang hindi nagiging balanced yung pagtinggin mo sa mga bagay.

Ang nearsightedness is well, may preference ang eyes to look at nearer objects compared to farther ones. Just break up the word: "near" and "sighted". Mas clear ang malapit, at palabo na nang palabo ang mga malalayo. Sabi nung optometrist, mas normal na occurrence ang nearsightedness kapag mas bata at mas nagiging mas common ang farsightedness kapag mas matanda na. By the way, ang correct medical term sa near and farsightedness is myopia and hyperopia, respectively.

Naisip ko lang na tama yung adage na parang "The eyes are the windows to one's soul." Hindi ko na kasi mabalance paminsan ang aking emotions. Parang sobrang nagiging negative na ako paminsan. Parang napakadesperate ko pa. Ewan ko ba. And the future seems bleak for me kasi nga, masyado akong nakafocus sa mga things na nangyayari in the present. Parang I live every day as if it was my last. Hindi naman mali yun diba? Pero dahil nawala na ang equilibrium, ang homeostasis, ang internal gyroscope machine, nakafocus na nga ako sa present, at ang masama pa, parang nakafocus pa ako sa mga bad things. It's hard to see the good things in life lalo na kung ang nangyayari lang sa iyo everyday ay yung gagastos ka ng P100.00 out of your daily baon na P150.00 para lang hindi ka malate, pero hindi ka pala talaga malalate kasi freecut sort of event, only in different times, places, and circumstances. Basta, everyday is like that. Hindi ba manlalabo rin ang paningin mo sa future?

Hindi ka na umaasang gaganda ang bukas, but ironically, umaasa ka pa ring may bukas.

Crown Optical, may corrective lenses ba kayo para sa astigmatism and myopia of life?

Tuesday, August 28, 2007

Ang Virus sa Laptop ni Sir Ariel

Uulitin ko na naman yung Parasite Eve 2. Hindi ko kasi binili kay Jodie yung M4A1 eh. Dapat binili ko na talaga. Nagkaroon pa naman ako nung feeling na "kailangan ko 'tong bilhin." Oh well.

Ay. Kakabasa ko lang ng walkthrough. Hindi ko na pala kailangang ulitin kasi ang sabi sa where you can get it ng M4A1 ay "Everywhere weapons are sold." Well, at least naman hindi ko na uulitin. Inulit ko na kasi yan kasi namiss out ko sa Akropolis Tower yung very important Black Card at yung isang Protein Capsule na +5 to HP. Paano ko alam? Sabi ni Kuya eh. I've never played anything like this before, lagi na ko na lang pinapanood si Kuya or si Kuya Omel maglaro ng PE2 or Resident Evil while I scare the crap out of my very imaginative mind back then.

Well anyway, late na naman ako for Fil kanina. Lagi naman eh. Hindi raw gagamitin ni Sir Ariel yung laptop niya kasi nagkavirus daw ito. Naapektuhan daw yung mga word documents niya. Instead na .doc ang file extension, naging .scr or screensaver. Hindi ko alam yun. Napansin niya raw yun nung nagpunta siya sa internet cafe at sinubukang iaattatch yung isang document sa mail. Dun nga niya napansin yung .scr na extension. Nangamba na raw siya , at nung nakauwi siya sa bahay at tiningnan yung mga document files sa laptop niya, dun niya nasabing "Putang ina, may virus 'to." So ayun, kinuwento niya na nagpatulong siya sa kanyang kaibigan na maayos at after 2 hours, natanggal naman daw yung 26 viruses na nahanap. Yun nga lang, nawala lahat ng doc files ni Sir. Parang kapag tinapat mo raw yung cursor sa icon ng isang doc file, bigla na lang daw itong naglalaho.

Ang masama pa raw nito, sa Friday na yung thesis proposal ni Sir para sa kanyang MA. Yung pangalan pa nga raw nung doc file ng thesis niya was something like "Thesis Proposal Home Stretch."

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

"Halaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

O syet.

Buti na lang daw, inuupdate niya ang kanyang mentor sa progress ng kanyang thesis. Meaning sinesend niya by parts yung kanyang nagawa para sa thesis niya. So susubukan na lang raw niyang ipagtagni-tagning muli ang kanyang mga naiisip sa pamamagitan ng mga documents na iyon na nasa email. Buti naman. Thank someone for the redundancy or stupidity of sending yourself email. Well, baka mamaya hindi siya stupid at all. To be safe, kailangan maging redundant? Well, sa tingin ko, hindi mo lang talaga maasahan ang kahit ano or kahit sino 100%. Sarili mo lang ang maaasahan mo ng buong buo. Well paminsan pa nga hindi rin eh.

Going back, nabura lahat ng soft copies ng lahat ng long tests, mga guide qeustions, basta lahat ng word documents. Kasama na rin daw sa mga nawala yung mga sinulat na tula, maiikling kuwento, at mga journal entry na ginawa ni Sir Ariel over the past years. Sabi niya, nawala yung identidad niya na binuo niya sa isang iglap.

Totoo naman eh. Kung ano ang isunusulat mo, yun ang expression ng mga damdamin mo, so ang mga sinusulat mo ay ang sarili mo. Parang ganun.

Tapos, hindi alam ni Sir Ariel kung ano ba dapat yung mararamdaman niya: kung maiiyak ba siya or kung maliliberate ba siya. Well, maiiyak kasi ang dami niyang ambitions and dreams para sa future. Sasali daw dapat siya sa Palanca awards. Yung mga inaaspire ng mabubuting Filipino teachers na writers rin someday. Liberating daw kasi parang he could recreate himself anew. Parang he could start making an identity very different from what he is now. But the thing is, hindi niya maimagine ang sarili niya bilang isang straight na straight at lalaking-lalaking flight steward, or kung maimagine man niya, sa tingin niya, magiging mas masaya siya kung ano na siya ngayon. Yun nga lang, parang wala siyang katibayan o patunay ng kaniyang pagiging ganoon.

Pero nung kinukwento yan ni Sir Ariel, parang naluluha talaga yung mga mata niya. Never ko pa siyang nakita at marinig na magsalita sa ganoong paraan.

Yung mga antivirus programs kasi na yan eh. Para kumita sila, gumagawa sila ng mga virus. Tss, get yourselves decent lives! Hindi yang ganyan no. Pesteng mga virus na yan.

Pero ang ganda nung reflection ni Sir Ariel. Especially sa akin na if given a chance, would live another life. I mean, tama si Sir sa pagsabi na kuntento na siya kung ano siya ngayon. Sa totoo lang, malaki ang paghanga ko kay Sir Ariel dahil tanggap niya ang kahit na anong uri ng pagkatao meron siya. Siguro, kung sumali si Sir sa Binibining Pilipinas at tinanong ng tanong sa Q&A ng "If given a chance to change something in your past, what would you change and why?" kind of question, malamang sasabihin ni Sir na wala. Well oo, gasgas na sagot na yan ng mga contestants, pero sincere ba talaga sila? I bet hindi.

Wow, at naisip ko na naman ang favorite lines ko sa Sailing Day:


精一杯 存在の証明 過ちも 間違いも
Seiippai sonzai no shoumei ayamachi mo machigai mo
With all my might, I am proof of existence
自分だけに価値のある財宝
Jibun dake ni kachi no aru zaihou

An error, a mistake, to me those are valuable treasures


Mabuhay ka Sir Ariel. Mabuhay ka.