Monday, May 7, 2007

Satiety

Tapos ko nang kulayan yung una kong project na ipopost ko dun sa isa ko pang blog. Pero habang tinititigan ko ito ng mabuti, hindi ako naging masyadong kuntento. Ewan ko lang. It was as if na no-match yung happiness na naramdaman ko matapos kong madrawing yung drawing na yun. Parang, kulang talaga.

So, naisipan kong maghanap ng tutorial or some sort para naman mapaganda ko yung drawing. Ayun, nakahanap ako ng tutorial. Naamaze ako kasi hindi ko magawa yung ginagawa nung author nung tutorial. Binasa ko ang Colouring Line Art ni Melissa Clifton and pondered over it for a few moments. At nagkaroon ng war sa pagitan ng "papalitan mo yung coloring mo" side at yung "okay na yun" side. Well syempre, nanalo yung iibahin ko ulit. It feels like kailangan ko talaga palitan. Parang I do not feel the satisfaction and the fulfillment I felt after drawing Ein, Ayn, and Fury kapag tinitingan ko yung coloring ko kay Ayn. Ewan ko lang talaga.

This would only mean na medyo matatagalan pa bago ako makapagpost ng bago dun sa kabila.

Well as if may nagbabasa pa ng blog ko. Hmm, I wonder. Kung murahin ko ba dito si [insert name here], malalaman kaya niya? I guess not. Ooh, the opportunity~

No need to make this post very long like the others I guess. Kuntento na ako with this. Wala rin naman kasi akong makukuwento ngayon eh. Natulog lang ako at nagbasa ng psych.

Hm. Sana lang, lagi akong satisfied, fulfilled, and content every time I embark to something. Well, you can't have it all.

Oo nga pala, kung sino man ang nakakabasa nito ngayon, subukan mong sumigaw sa isang empty place. It is so satisfying and fulfilling. Pero mas fulfilling ang sumigaw sa isang lugar (na pwede kang sumigaw) filled with strangers. I don't know. Try it.

Sunday, May 6, 2007

Si Blood Raven, si Andariel

Naglalaro kasi kami ng Diablo II: Lord of Destruction nina Ej, Thomas, at kuya niya. Nightmare na kami. Yung Frenzy Barbarian ko, lv. 45 na ata, at ang equip eh Ginther's Rift at Shadow Needle na may Sol. So nasa 700+ bawat hit na ang damage ng Frenzy ko kasi lv. 24 na ito at yung Double Swing na +8% damage per level sa Frenzy eh lv. 21 na. So ayun.

Nag-Baal run kami kanina. Pero before that, may topak daw yung video ng LoD ni Ej, so medyo matagal siyang wala. Naligo muna ako tapos pagbalik ko, wala pa rin si Ej. So naisipang kong bumalik sa Cold Plains. Hinanap ko ang Burial Grounds. Hinanap ko si Blood Raven. Tumalon ako papunta sa kanya sabay Frenzy paglanding. Dead agad. Sigh. Samantalang dati, hirap na hirap akong tsugihin si Blood Raven. It literally took me about 10 minutes or so just to kill her for the very first time (naka /players 8 kasi eh). Well, hanggang pagkatapos ni Countess, medyo mahirap pa rin si Blood Raven.

Sumunod kong pinuntahan ang Catacombs Level 2. Hinanap ko ang hagdan pababa, hanggang makarating ako sa lungga ni Andariel, ang act boss ng Act I. After 5 seconds ng Frenzy, dedz rin. Hala, ang hirap patayin dati ni Andariel ng mag-isa kasi ang dami niyang alipores at nakakabanas ang poison niya. Grabe talaga.

Nakina Blood Raven at Andariel dati ang kapangyarihan. Pero ngayon, nasa akin na. Pipitsugin na sila compared sa Ginther's Rift ko no. Wala silang binatbat sa Frenzy ko na daig pa ang Agi Up sa bonuses.

Pero dahil Nightmare na kami, nawala na naman ang kapangyarihan sa akin. Napunta na naman sa forces of evil. Actually, napatay ako kanina ng isang bunch of Zombies. Mind you, 1038 na ang life ko after Battle Command at Battle Orders at Shout. Tuloy, death took a toll of 54687 gold tapos ang mahal pa buhayin yung alalay ko tapos nawalan pa ako ng experience. Hnf.

Sad. Hindi bumalik si Thomas at yung kuya niya. Bibigyan ko pa sana yung Amazon nung kuya ni Thomas (kuya Michael ata eh -- ata ha) ng Buriza-do-Kyanon at Shael, Ko, at Nef runes para sa Melody para naman may magamit siya. Ay oo nga pala, nakakuha ako ng unique Razor bow, Riphook (ata yung pangalan nun eh). Formidable naman para sa Amazon ng kuya ni Thomas.

Sige aaminin ko na, dati sa high school, nasa akin ang "kapangyarihan." Well, siguro to be more correct, nasa akin pa yung confidence ko. I was ready to face anything that came into my way kasi nga I felt I can do it. Pero ngayon, wala na naman. Takot akong magstep-out at mauna. Ewan ko. Siguro, natapos ko na ang Normal difficulty ng life at tinutuloy ko na ang Nightmare part nito. Hell comes after college I guess. O Hell na ang college? Ewan, ewan, ewan.

Ikuwento ko lang rin na kumain kami nina Ej, Thomas, at Yanyan sa Jollibee kasi gumawa kami ng project sa psych. Gutom na gutom kami pare-pareho. Inorder ko, 2-pc. Burger Steak, 2 extra rice, at isang Mango de Crema Ice Craze. Ang sama ko nga eh, medyo natawa ako nung sinabi nung guy that comes up to you kapag may pila "...at isang pong mehnggo crema." Ah, okay lang sana, pero inulit niya kasi yung "mehnggo" later on. Ayos lang yan Mr. Ordertaker ko kanina. We all have flaws.

Pagkauwi ko, sinabi ko yung order ko sa ate ko kasi kakain pa lang sila. Yung kuya ko, being all snooty and stuff, eh humirit na "ayos ah, karpinterong-karpintero order mo ah!" Hnf. Pinigil ko na lang sarili ko. Nakuntento na lang ako nung sinabi ko sa sarili ko na at least hindi ako mataba, hindi katulad mo na may tiyan ng 50-year old daddy of 4 sets of sexcatuplets (meron bang sexcatuplets?!). Pagym-gym pa, pa-less-carbs less-carbs pa, grabe naman kung lumantak. Nagpaorder siya kanina sa McDo. Well, minimum of P150.00 ata ang delivery eh, so isipin niyo na lang yung kinain niya.

Hah akala mo ha. Dati inaasar asar mo ako dahil mukha akong special asado siopao ng Paotsin. Hah, sino ngayon ang mukhang kumain ng sandosenang jumbo special siopao ng 7-11?

Paminsan talaga, naiingit ako kay Thomas na may kuyang kasundo o kaya kay Ej na walang kuyang snooty and all na kasama sa bahay.

I think power is just recycled, never created, nor destroyed. Paminsan, nasa iyo, paminsan, ang kapangyarihan ay nasa itaas mo. At oo, you can't have it all.

Katulad ng happiness. Katulad ng buhay.

Hay sayang. Walang "there is no cow level" o kaya "power overwhelming" sa LoD.

Pero meron ganyan sa buhay. Oo, meron.

Saturday, May 5, 2007

Adobe Photoshop 7.0

For the first time in my life, I successfully drew a man. Well, dahil dito, nagdrawing pa ako ng isa pa.

Muscular yung build nila. Kasi, nung sinubukan kong magdrawing ng hindi muscular man, he looked like a woman without breasts. Yay.

Anyways, nagdrawing din ako ng babae para iparis dun sa lalaki. I wanted to see if I could draw na hindi tinatago ang difficult parts sa damit or somewhere. So I drew the man and the woman just in their underwear. Dapat nga totally naked, pero for morality's sake, binihisan ko na kahit papaano.

Yung isa pang man, nagdrawdrawing lang ako ng torso, tapos naalala ko si Bryan Fury. Kaya ayun, naging Bryan Fury inspired tuloy siya. Yung position rin nung kamay niya na 1 hour and 30 minutes ko dinrawing, binura ko rin kasi may mas magandang pose. Nagdalawang isip ako kasi medyo nahirapan ako idrawing yun, pero sabi ko sa sarili ko, gagawin ko yun for the experience and for me to see kung kaya ko bang idrawing yun. So I persevered with that left hand holding a gun for another 45 minutes or so, and I am happy to say na I was pleased na iniba ko. It looks much more better now that before. Come to think of it, bakit nga ba left hand ang may hawak ng baril instead na right? Um, left-handed siya siguro? Ngayon ko lang naisip to ah.

Ang susunod kong project siguro eh yung Bride in Dream o kaya Tentai Kansoku. Well after ko siguro matapos i-photoshop yung Ein/Ayn drawing ko at least.

The past few days, sobrang excited ako bigla magdrawing. Ewan ko kung bakit. So ayun, humiram na rin ako ng Photoshop kay Mistah Dwiz. Si Anboyi-san kasi eh, makakalimutin na. Kulang rin siguro sa Sustagen katulad ko. Tapos akala ko 2787 yung dulo nung product number nung photoshop, 2783 pala. Please write legibly next time. *heart*

So ayun, sinimulan ko na i-photoshop si Ayn after ko madecipher ang hieroglyph na number na iyon. It took me about 2 hours just to retrace, kasi mas maganda ang labas, at siguro mga 2 more hours to color. Well, hindi pa naman tapos eh, pero may kulay na and everything. Bare essentials siguro. Nagsimula ako ng mga 7 ata eh, tapos natapos ng mga bandang 12. Ooh, 5 hours pala. Maybe it took me 3 hours to retrace. Eek, wala pa masyadong detail si Ayn kasi naka lacy pantie and bra lang siya. Paano pa kaya yung mga muscular drawings ko na ang lalaki ng mga cuts nung muscles? Ah, kaya yan.

So ayun, naisip ko na Photoshop is prone to destroying your social life. All that time, nakainvi lang ako sa Y!M. Well, hindi ko naman sinasabing kapag online ako, ang daming kumakausap sa akin. Wala rin eh, so what's the difference? Parang ngayon, hindi na ako nagpapaload or gumagamit ng Unlimitxt kasi for one thing, mahal na, putangjaina, at wala rin naman nagtetext sa akin eh. Hindi sa humihingi ako ng mga textmates, pero honestly, I like it this way. Tahimik ang social life ko. It feels so refreshing sa introverted side ko. Parang mas masaya ako na nagdradrawing or tinititigan ang mga drawings ko ng paulit-ulit habang mag-isa at nakaupo sa kamang hindi na fresh ang yellow-colored beddings sa kuwarto ko compared to um, hindi ko na lang sasabihin. Ewan ko. Inner peace is achieved I guess.

"So ayun, naisip ko na Photoshop is prone to destroying your social life."

Talaga?

Thursday, May 3, 2007

Onaji

Kagaya rin lang pala nila ako.

Akala ko naman, iba ako.

Katulad rin pala ako ng ibang tao na matapos magamit ang isang bagay, itinatapon na ito. Oo nga naman, wala na kasing pakinabang, at magiging kalat at pampasikip lang sa pinaglalagyan. Mas mabuti pang itapon na lamang ang mga bagay na wala nang silbi para mabakante ang estante, at maaari pa itong paglagyan ng mas makakahulugang mga bagay.

Naglinis kasi ng bahay sa kabila. Nakatambak kasi dun yung mga luma naming notebook na puro drawing o scribbles (bakit ba "note" book ang tawag sa mga ganito), test papers na may star o kaya'y moon (kasi naubusan na ng stars si teacher), mga scratch paper na wala namang kalmot, mga luma naming laruan, lumang sapatos na new classmate ang porma, at syempre, ang mga PS1 CDs namin. Iniligpit ang kabilang bahay: sinegregate ang mga white paper, colored paper, brown paper, inihandang ipamigay ang mga lumang gamit na maari pang magamit ng ibang tao, at pinagsama-sama na ang lahat ng mga CD. Baka sakali raw na ibenta. Tinanong sa akin ni ate kung wala na raw ba akong kukunin. Inisip ko na dahil sira ang PS1 ko, hindi ko na magagamit ang mga CD na iyon. So sinabi ko na go, wala na akong kailangan dun.

Matapos lamang iligpit ng mga kalat na narealize ko na kasama palang nailigpit at natipon kung saan ang Deception III: Dark Delusion, Dynasty Warriors 5, at Dynasty Warriors 5 Xtreme Legends (PS2 yan miski wala akong PS2). Sabi ko sa sarili ko na hala, mga all-time favorite ko ang mga ito miski na andyan na ang Trapt at Valkyrie Profile 2: Silmeria. Sinabi ko na lang na okay lang kasi tutal, may mga ibang pinagkakaabalahan na ako sa buhay.

Tapos nung isang Linggo, ibebenta na raw ang mga basurang iyon matapos ang maraming linggong pagtengga sa kabila. Tumulong ako sa pagkarga ng gamit sa sasakyan, at habang inaayos ang mga plastic na iyon, nakita ko ang plastic na pinaglalagyan nung mga CD. Dali-dali ko itong binuksan at tiningnan ang laman. Iniisa-isa kong tinitingnan habang iniisip ang "Dark Delusion... Dynasty 5... Dynasty Xtreme..." Nakita ko naman sila at itinago sa aking kuwarto. Malipas lang ang ilang sandali, umalis na sina mamie para ibenta yung mga yun sa junk shop.

Eh ano naman? Hindi mo naman tinapon eh? Hinanap mo pa nga.

Kasi bawat CD na makita ko, may kasamang "Uy! [insert CD name here]! Hindi ko pa ito natatapos ah..." Natempt akong kunin muli ang bawat CD at hindi ibenta. Muntik nang itago ko lahat ang mga CD na iyon at baka maging kalat at mastagnate na naman sa isang sulok ng bahay. Nag-effort akong putulin lahat ng affection meron ako sa mga CD na iyon kasi nga, alam kong magiging kalat lang sila.

Anyway, pagbalik nina mamie, hindi rin naibenta yung mga CD. Ayun, nakatambak ulit sila sa isang sulok sa kabila maliban lang sa Deception III: Dark Delusion, Dynasty Warriors 5, at Dynasty Warriors 5 Xtreme Legends.

Parang tao.

Kung iyong matatandaan (at kung iyong binabasa ang aking blog), inisip ko na ang bagay na ito. Kung hindi, nasa Habang Nakaupo sa Bangketa post ko yun, part V ata. This could explain kung bakit ang tagal tagal ko inaanticipate ang mga bagay bagay, ngunit mas madali ko itong pinagsasawaan agad. Hay.

Kasi kanina, may isa akong kaibigan na hinihintay ang isa pa niyang kaibigan sa labas ng isang office. Close ako sa taong ito, pero dun sa hinihintay niya, close pero not super close. You know what I mean. Tapos, nagwave siya sa amin. Nagwave naman kami. Tapos nung paalis na kami, hindi ata ako nag-goodbye. Ewan ko. I didn't feel like waving goodbye. Hindi ko na nga kinakausap masyado ang taong ito eh. Ewan ko rin. It doesn't feel right talking to this person anymore, in my point of view. Ewan ko talaga. Meron kasi kaming madalas sabay ginagawa dati, pero ngayon, hindi na. Hay.

Itinatapon na lang basta kapag wala nang silbi.

Akala ko hindi ako ganito.

I'm not different after all.


Well, baka naman hindi ako katulad nila, yung mga taong grabe makagamit ng trapo.
Well I mean, I'm still there if this person needs my help. Baka may issues lang ako sa mga tao na katulad niya (no offense meant, I really mean no offense). O baka naman nagiging detatched na ako sa mundo.

Ewan ko. Sometimes, napakasenseless ng mga pinagsasasabi ko.

Wednesday, May 2, 2007

The Mark of Zweihander

Advertisement lang.

I have a new blog,
Finishing Strike: Final Blast! ~ The Mark of Zweihander

It's a blog where I would be posting my drawings and stuff.
[Nakakatamad ang deviantArt eh.]

This blog (Finishing Strike: Final Blast! ~ The Egde of Zweihander) would still remain active though - I would still keep posting here.

The link is under Shadow Reverie.

Thanks!

Monday, April 30, 2007

Habang Nakaupo sa Bangketa

Before anything else, happy 19th birthday LT. Yaks. Tanda mo na.

Hay. always remember to trust your instincts. For the nth time in a row, hindi ko na naman ito sinunod. Basta. I had a feeling about tonight, at akala ko hindi na mangyayari. Yun pala, sasabihin ko rin ang mga linyang "at the end of the day, it's just me and my phone." Sad. At mamayang gabi/umaga sa aking pagtulog, malamang, sasabihin ko na "at the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

*sigh*

I wish ganun nga, pero there is no fcuking way na mangyayari yun. Dream on, asshole.

At paki consider na lang po ang following statements or whatever na tawag niyo dito:

IA.
Meron giant acacia tree (acacia ata yun) sa may kanto ng Rainier at Shasta, dun sa bagong bahay na dalawang lote ang sakop. Yung bahay na may fountain at catwalk. Basta, may magandang tree dun na may yellow blossoms na parang orchids. Basta. Ang ganda talaga nung punong ito every summer. Every time na dadaan ako dun, palaging may nalalaglag na yellow petals. So, nababawasan ba ang ganda nung tree everytime nababawasan ito ng yellow petals? No, I don't think so. Miski may malaglag na isa, hindi pa rin nababawasan ang ganda nung puno. Parang walang pakialam yung ibang flowers kung may nalalaglag na isa, kasi hindi pa sila nalalaglag.

IB.
May isang [insert proper collective noun here] of [insert animal here]. Marami. Tapos, sinugod ng [insert predator here] ang [proper collective noun]. May nahuling isa. Nakapatay. Nakain. So, magluluksa ba ang [proper collective noun] dahil sa pagkawala na iyon? Well this time, it depends. Kung ang napatay ay yung leader/boss/dominant male, malamang, there would be a great impact dun sa [proper collective noun]. Pero kung isang pipitsuging member lang ang napatay, well malamang wala, malamang life would go on for the [proper collective noun].

IC.
Isang super sikat na artista ang nagshow. Ang daming fans na nagpunta. Hindi maiiwasang magkasakitan. So ayun, nagkaroon ng injuries. Will the show stop? No, duhness. Kaanu-ano ba nung artista yung fan? At sa tingin mo ititigil ang show dahil lang sa injuries? For crying out loud, someone needs to die. Kailangan kasing kumita eh.

II.
Halos alam mo lahat ng birthdays ng mga kaibigan mo. Um, wrong word usage, mga classmates mo. Miski yung mga hindi mo masyadong close, binabati mo. You spare them the thought. Pagdating ng birthday mo, alam mo na kung sino ang babati sa iyo: yung mga close friends mo na naalala ang birthday mo.

III.
Niyaya ka sa isang party. Medyo hassle sa iyo kasi malayo, pero pumayag ka pa rin kasi niyaya ka mismo. Nakakahiyang hindi pumunta. So ayun, nagkaroon ka na ng feeling na hindi ka mag-eenjoy sa party na iyon. Pero sumama ka pa rin alang-alang sa kaibigan mo. Okay lang sa simula kasi naglalaro ka ng PSP nung isa mo pang kaibigan, pero nung kinuha na niya ito, nakatunganga ka na lang sa air. Kinabahan ka na. Pero dumating ang iyong close friend. "Yes, may makakausap na ako." Pero nagkamali ka. So lumabas ka na lang ng bahay at umupo sa bangketa habang tinetext mo ang isa mong kaibigan. Narinig mo ang ingay ng mga tao sa loob. Narinig mo ang pag pssssk ng mga softdrink at ang kalansing ng mga serving spoon sa mga pyrex na lalagyan. Wala atang nakapansin sa iyo na wala ka sa loob. Walang nakahalatang lumabas ka. Walang naghanap sa iyo. So pumasok ka na lang at kunwari, walang nangyari.

IV.
Excited na excited na excited kang nagpunta sa masayang despidida ng isa mong not-so-close-pero-tinuturi-mo-na-ring-close-kasi-wala-kang-masyadong-real-friends friend. Kasama mo ang 2 mong best friends (na alam mong best friends mo talaga kahit anong mangyari). Ayun, dumating kayo sa lugar nung despidida. Hi dun, hello jan, kain dito, kain doon. After 30 minutes, umupo kayo sa may hagdan. Wala na kasing pumapansin sa inyo except yourselves. So naisipan niyo na lang na maglakad-lakad kasi tutal naman, kayu-kayo rin naman ang nagpapahalaga sa isa't isa. Nagpunta kayo sa Jollibee at nung pabalik na, nagkaroon ng isang engkwentro with goons. Pero you managed to escape and stay alive. Pagbalik, tinanong nung mga naiwan kung saan kayo nagpunta. Nagpicture taking daw kasi eh, at wala kayo. Tapos, sinabi niyo sa isa't isa na wala rin namang mangyayari o mababago kung andun kami sa picture o wala eh. Sinabi mo sa sarili mo, hindi naman mahalaga yung picture na yun eh kasi puno ng mga taong walang pangangahalaga sa iba. Sinabi mo, yung litrato ng mga anino ninyong tatlo ang litratong mas mahalaga, miski na puro anino lang ang andito. Mga anino nga, pero pinahahalagahan naman ang isa't isa.

V.
Isa kang mabait na tao at laging tinutulungan ang iba sa abot ng iyong makakaya. Tinutulungan mo ang lahat ng iyong kilala sa mga problema nila, at ginagawa mo ito sa iyong kusang loob at walang hinihinging kapalit.
Miksi hassle na para sa iyo, ayos lang, basta makatulong. Meron kang mga kaibigang lagi mo na lang tinutulungan. Ang isa, pinapakopya mo, at nililibre ka niya ng lunch in return. Well, inaasar-asar ka rin niya, pero naiintindihan mo na ganito ang kanyang paraan ng pasasalamat. Lumalabas din kasi paminsan sa mga ginagawa niya na nagpapasalamat siya sa tulong mo. Merong isa, tinututor mo at natutulog sa bahay mo tuwing exams, at dahil dito, naging kaibigan mo siya, well, kaibigan sa kagaguhan at kabalastugan. Yung iba namang tinutulungan mo, nagiging mabait sa iyo. Yung iba naman, makapal ang mukha. Lalapit sa iyo, tapos kapag tapos na, itatapon ka na lang. Well, nasanay ka na dito kasi puno ang mundo ng mga taong ganito. Yung iba pa nga, tutulungan mo talaga para hindi bumagsak, pero nagpapabaya pa rin. Nakakalungkot. Hindi pala. Nakakaiyak at nakakasira ng loob na isiping ang lahat ng efforts mo ay bale wala lang pala sa ibang tao. In short, isa kang mabuting trapo. Paminsan, isasampay ka ng maayos ng gumamit sa iyo, mas madalas, ibabalandra ka na lang kung saan, at ang mas masaklap, paminsan, sisirain ka pa. Sira-sira ka na nga, sisirain ka pa. Gagawin kang basahan ng mga basahan, pero ayos lang sayo kasi mabit kang basahan.

VI.
Hindi kasi lahat ng tao ay katulad mo.


Para maiba naman,

*buntong hininga*

Creative ako eh. Whatever.


And so, what is the meaning of life if you are not existent in the life of others? Does this mean na we wake up and go to bed everyday without someone or at least anything to hold on to?

Correction, correction, correction.

Chigaimasu, chigaimasu.(Wrong, wrong.)


"At the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

Ashita wa kyou to onaji mirai...

Sunday, April 29, 2007

Hayaku, hayaku

Asar. While I was creating this post, nawalan ng kuryente. Fcuk. Nasa kalagitnaan na ako nun nung post ko. Imagine? So tinamad ako and it took me a few days before I finally decided to post again. Sinigurado ko munang stable ang kuryente. Kind of.

Monday na ulit bukas. Parang etong Sunday pa lang yung Sunday na bago mag pasukan. Parang kahapon lang, sinasabi ko sa sarili ko na fcuk, may pasok na sa Monday! Shet. Pero wow, lumipad ang panahon after the slow, slow, slow first few days of summer class. Bukas, 3rd week of classes na.

Oh no. Watashi wa ashita to Japanese no shiken. Hindi ko pa memorize ang katakana. Ewan ko kung tama ang sentence construction. Intermediate Japanese daw ituturo yun eh. Hay, at tinatamad pa akong tapusin ang flashcards ko.

Fcuk. Wala na akong maisip na maidagdag sa post na ito a. Pesteng Meralco. Bakero Meralco no pawaa denki shain. Sorry kung parang mushrooms ang japanese, kasi gusto ko talagang matututo eh. Sabi nila, mas matututo raw kapag pinapractice.

Oo nga pala. Ang nasakyan ko ulit na jeep nung isang araw ay ang jeep ni Kuya Ronnie. Hindi pala siya nag-aaral. Yun pala yung course niya dati. Akala ko, nag-aaral ulit siya. Hindi ko kasi masyadong naintindihan at naprocess kasi medyo bangers ako nun kasi inaantok na hindi makatulog kasi ayaw maging bastos. Nagkuwentuhan ulit kami ni kuya, at ang naging topic naman namin ngayon ay ang kanyang anak. Meron siyang 4 na anak, at ang panganay ay 3rd year high school na/pa lang. Matalino ang anak ni kuya, kasi ayon sa kanya, madalas daw na first o second honor siya. Lagi ring sinasabi ni kuya sa kanyang anak na pag-butihin niya ang pag-aaral para makapasok siya sa UP. Sinabi ko kay kuya na ipasubok niya rin ang kanyang anak sa Ateneo, kasi meron namang Financial Aid for the needy people. Pero mas gusto ni kuya na sa UP na lang kasi sabi niya, "kasi kung dito sa UP, kung magkaproblema, at least nandito lang ako at madali niyang matatawag."

Ah, family.

Parang si Charlie na pinagpalit ang gigantic chocolate factory ni candy tycoon Willie Wonka kasi kung pumayag siyang manahin ang oompa loompa-run chocolate factory ni Willie, forever niya na raw hindi makikita ang kanyang pamilya. Sorry ha, yun ang palabas sa HBO kanina eh. Sabi ni Willie Wonka, sagabal daw ang family, "always telling you to do this and don't do that. I think that is very unconductive for success..." Pero para kay Charlie, family ang lahat para sa kanya. "When I'm sad, I just think of my family, and I don't feel sad anymore.

In the end, naging business partner ni Wille si Charlie. At nagmove in na sina Charlie sa factory ni Willie. Like duh, happy ending of course. Alangan namang may kumalat na G-virus ng Umbrella Corporation sa factory ni Wille kaya't kinailangang pasubugin ito.

Grabe ang warm fuzzies ng pelikulang ito. Ah enough enough. I had enough of those things already. Lalo lang akong nagiging torn apart.

Hindi mo ba nararamdaman na pinaglalaruan lang tayo ng keeper of time, kung meron mang ganun? Kasi, paminsan, stagnated tayo sa eternity, at paminsan, accelerated tayo to infinty. Parang first day pa lang ng summer ah. Actually, parang first day pa lang ng college. Heck, natatandaan ko pa nga yung wierd silence nung first day of high school. I hated my uniform kasi it was too goddamn big for me.

At kapag may hinihintay ka, bakit ba parang tagal umusad ng oras? Shet. Another one of life's ironies. Time will fly if you are enjoying yourself, time will slow down if you are irritating yourself.

Omg. An idea just struck me now.

Kung gusto mo nang mamatay, mag-enjoy ka nang mag-enjoy. Hopefully, time would accelerate in a sonic sense na bigla mong mauubos ang upper part ng hourglass nung bagay na tinatawag na "life." O di ba, mas maganda (at mas masayang way) of committing suicide.

Kapag gusto mo maging immortal, do yourself a favor and bore yourself to death. Ironically, it will stagnate the flow of time for you.

And another trail of thought is entering my mind now as I read the previous lines.

Happiness is just a fleeting moment. So make it worth it?

I guess. You have to be realistic to make yourself happy in the shallowest of things. But... being idealistic is much more easier. Being realistic is hard because you have to depend on other people.

Wow, reality is not what is real for you, but what is real for others.

Ironies, ironies.

Thursday, April 26, 2007

Ang Mahabang Jeep ni Kuya Ronnie

Hay nako.

Ayoko maging freeloader. Pero ano naman ang magagawa ko? Isa lang ang konpyuta sa bahay. Mabait naman akong daigakusei kaya nag-aaral ako sa psych miski na nakasasabaw. Parang kung babasahin mo lang yung part 1, less than 5 pages, tapos kapag isasama mo na sa iyong to-do ang part 2, manganganak ang iyong shukudai to an outstanding 30+ pejiu. Amfufu.

So ayun, mga 9:00 pm pa lang, sinabi ko na kay ojii-san na gagamit ako ng konpyuta kasi nga may group paper na ipapasa bukas (well dahil Thursday na, mamaya pala). After 3 hours pa ako nakagamit. Kasi naman eh, kung anu-anong manilyn sites ang pinupuntahan niya. Nakakainis. Sinabihan ko na siya na iwasan niya ang pagpunta sa mga prono (oo, PRONO) sites kasi nga, baka mavirus na naman itong konpyuta eh. Kasi naman no. Sisira-sirain nila yung computer, tapos ako taga-ayos? Putanjaina. Ano ako, sidesweeper clad in hot attires? Tagalinis ng kalat ng iba? Buti pa sila, may sweldo, eh ako? Ayun. Hunf. Sana lang matapos namin agad yung paper na ito para naman hindi na naman ako A JUICES bukas (mamaya pala). Magmememorize pa ako ng katakana eh. Amfufunesska.

Well, hindi kasi ako natulog sa jeep you see. Kung natulog lang ako, siguro mas maaga kong natapos yung binasa ko sa psych (na less than 10 pages ata). Kasi kasi, ang nasakyan kong jeep eh jeep ni Kuya Ronnie, yung driver namin sa TD dati. Umupo pa nga ako sa harap para makapag-usap naman kami ni Kuya.

"San ka na ngayon?"

"Sa Ateneo pa rin, kuya."

"Ah, ako eto, driver pa rin."

Well, saddening. Kasi parang hindi kontento si Kuya Ronnie sa buhay niya. Eh ayaw ko naman i-chizm kung bakit. Nakakahiya naman no. Pero nalaman ko na isang mabuting anak si Kuya Ronnie sa kanyang mga magulang, bumibiyahe rin papuntang Cogeo Labas (kung saan man yun), at kasalukuyan siyang nag-aaral ng Electrical Engineering sa isang pamantasan. Sinabi niya sa akin na paminsan, naiinggit siya sa mga estudyante na nakikita niya kasi noong araw niya, hindi nga siya nakapag-aral.

"Yung iba pa nga, ayan na't nakakapag-aral, hindi naman siniseryoso. Sayang lang ang ginagastos nila."

Medyo natameme ako ng kaunti. Siguro, alam ng iba kung bakit.
[Wala akong pakialam kay Resitesil Amenos Malleolai. FYI lang mga betch.]

"Oo nga kuya eh. Sayang yung mga gusto talagang mag-aral pero hindi nakapasa. Sana sa kanila na lang napunta yung oportunidad, ano?" I really meant what I said.

"Oo."

Sadly, kailangan ko nang bumaba. "Sige kuya, salamat, dito na lang ako."

"Sige, ingat ka."

Hay. Nakakalungkot paminsan. Buti pa si Kuya Ronnie, may concern.
[Oo nga pala, isipin mong tae ka. Ayan. Hindi na ako masyadong malungkot.]


Pinag-usapan rin namin yung terminal ng jeep sa may Ylanan, yung sa tabi ng alumni. Bah. Malamang hindi niyo alam kung saan yun. Araw-araw ko yun nilalakad. Araw-araw ako sumasakay doon ng jeep papuntang Katips (na ang kolektor ng pasahe ay si Kuya Louie -- ewan ko kung pangalan niya yan, may ganyang tato kasi siya eh).

Hay. Napagod talaga ako ngayon ng sobra. Pero ayos lang. Nakausap ko naman si Kuya Ronnie eh. Masaya naman ako na okay naman siya.

Ay oo nga pala, madyo matatakutin si Yanyan. Naglalaro kami kanina nung The House ata yun, tapos nagtatakip ng mata. Haha. Pero mas matatakutin si Thomas. Ayaw tingnan yung severed ulo sa microwave. It was funny, medyo natatakot din ako, pero tinatawa ko na lang.

Tawa tawa tawa. Lagi ka na lang tumatawa.

Tuesday, April 24, 2007

Puwet-ry sa Banyo

"I was tumatae kanina when I realized how trapped I was, you know, as a panganay, as a student, as a teacher, as a writer. That's when I said to myself, 'Gusto kong maging ibon, yung may layang lumipad.' Gosh, I'm writing poetry in the banyo! Ya, I know, it's not entirely original, but I like to think of it as the fusion of tradition and my individual talent."

Nagmula ang sipi na ito sa blog (ay, handout pala) ni Sir Yol. [Tsktsk. Patay. Proper citation ni Kate Turabian. Ano ka ba?! Parang wala kang natutunan eh!] [[Hoy meron naman no. Tama yung sentence ko after nung sipi. Walang "ay."]] Well, I was tumatae kanina when I realized how trapped I was, trapped in a sense na parang hindi ako nag-iiba miski man gustuhin ko. Habang tinitingnan ko ang umalipuyong tubig na tinatangay pababa ang what became of the 1 pc. Burger Steak extra rice and Mango Crema Ice Craze, naalala ko si Sir Yol. Well, dahil sa kanyang post, hindi dahil sa mga aliens na umiikut-ikot pababa. Ay, oo nga pala, nakita namin ni Merodi-san si Sir Yol sa may harap ng Faura. Hindi ko siya namukhaan kasi may cap siya. Oo oo, isa sa mga favorite teacher ko si Sir Yol kasi isa siya sa pinakakamatinong teacher ko sa aking unang taon sa kolehiyo. Funny, witty, nice, considerate, lovable, nakikiangkop, at most of all, hindi nagchechek ng attendance. Ata. Buti na lang, andun si Sir Yol nung 2nd sem, kung hindi, baka nabaliw na ako sa mga prof ko no. O di ba, tapos na yung sem, dun pa lang sisipsip.

Going back to "I realized how trapped I was" na naisip ko sa banyo, ayun, I realized how trapped I was. Ang dami kong gustong baguhin sa buhay ko, pero hindi ko magawa-gawa. Ewan ko. Kasi either 1) may external at higher powers na nakakaapekto sa akin, 2) hindi ko kaya, o kaya 3) hindi ko na alam.

Parang kanina sa psych. May game. Excited na excited naman ako. Sinabi ko na sa sarili ko na no more childishness, pero I guess my instincts ran me over. Ebak kasi si Sigmund Freud and his Psychodynamic approach. Dapat naisama na sila sa brown stuff na finlush ko kanina.

Ang dami kong gustong baguhin. I want to be more disciplined sa mga plans ko for the day. I mean, lagi na lang ako nag ooversleep sa aking mga afternoon power naps. Parang ang 30 minutes, nagiging 2 hours. Yay. Daig pa ako ng ipis kung makaaral ako. Tse. Tzetze Fly sa Chrono Cross, na Black ang Innate.

Basta. Marami akong gustong baguhin sa sarili ko pero hindi ko magawa.

Naisip ko rin sa banyo ang Moomoo, Diablo II: LoD, at DrumMania. Parang sobrang inanticipate ko magMoomoo tapos nung nagmuMoomoo na kami, hindi na ako excited. Hindi na ako thrilled. Yung DrumMania, matagal ko ring nakasama, pero parang biglang naglaho sa buhay ko. Yung Diablo rin, nagdisappearing act, pero mukhang may reappearing act sometime soon. Amf. Amfufu. Amfufuness. Amfufunesska.

Lagi na lang akong nadidisappoint eh. Ang taas marahil ng expectations ko. Well well, oras na upang lumangoy sa burak. I mean, hindi na ako mag-eexpect. Well, I will try. Pramis.

Tapos grabe sa psych. Bakit parang kilala ako ng mga classmates ko? Tapos ako, hindi ko sila masyadong kilala? Kasi nga, may game. Tapos tinatawag nung random machine [na may error ata, kasi mga 8-9 times natawag si Mika] yung representatives. Kapag ako ang tinatawag, ang groupmates ko eh tumitingin sa akin. Pero kapag sila ang tinatawag, nanghuhula ako kung sino sila. Masama ba yun? Hindi ko sila kilala? Well, sige sige, I will put more effort na matandaan sila. Pramis.

Ayan ha, "pramis" ang ginamit ko, hindi "promise." Hindi ko kasi alam kung magagawa ko eh.

I am only human. Hindi ako demi-human. I wish.

Pero nakakadisappoint kasi ang aking schizophrenic self ay nagiging active na naman. Nooo. Ayoko ng ganun. Nagiging jelly ako sa mga bagay na hindi naman dapat. Nagkakaroon ako ng lingering thoughts na nakababagabag.

Kailangan kong matutunan ang aking realization na ito:
"Hindi ka magiging fulfilled if you keep expecting more from yourself."

Napakafitting ng insight na ito sa banyo. Isipin mo na lang na tae ka. Malamang, magiging masaya ka.

Try ko ha, sabihin ko kung effective.

'Wag mo lang ako iflush, ha?

Sabi nga ni Sir Yol:
"Tired, so tired."

Palagi naman eh.

Ooh. Refreshing maghugas ng puwuwety after mo continuously maupo sa isang rickety dining chair ng mga 3 hours kasi pilit na nag-aaral ng psych.

Monday, April 23, 2007

Sparkling Water sa Kusina

Birthday ni ate kanina (well, kahapon to be exact). She turned 25, at sabi ko sa kanya, gurangutans na siya. Well, mukha pa rin naman siyang bata kasi petite ang size niya. Sabi naman niya, sinasabihan na siya ng "ma'am" kapag rumarampa siya sa SM. Eh ako rin naman eh. Um "sir" ha, hindi "ma'am." Kaunting utak naman dyan please.

Halos buong araw ako hindi gumamit ng PC yesterday (kasi Monday na ngayon). Ewan ko. Ah, kasi may pila. So ayun, pinabayaan ko na lang sila. Considerate person ako eh, I'm not greedy or gahaman or any of that sort. Well, maybe sometimes though.

Habang nakahiga sa kama, naalala ko ang movie na 300. Naalala ko ang mga beefy men na andun. Naalala ko na sinabi ko sa sarili ko a few years back na magpapagayot ako some way or another. Yung kuya ko kasi eh, inaasar ako nung mga araw na nilalamon ako ng obesity. Horrible horrible. I had like 3 layers of bilbil, and my face was chakaness like siopao. So ang first step sa "Operation Jetajeta" was to slim down. After 2 weeks of not eating dinner, from 140+ lbs, naging mga 120+ na ako. Hah hah hah, I was laughing behind my brother's back. Nyeh nyeh, tataba ka rin someday! And he did, para siyang sedentary tatay sa tiyan niya ngayon. Beh. Anyway, sinabi ko na ngayong payat na ako, Magpapalaki na ako ng katawan. Sinabi ko dati na gagawa ako ng at least 20 push-ups, 20 sit-ups, basta mga exercises na magagawa sa bahay. So ayun, after 3 days, I stopped. Last year, I got motivated again, and after 1 week, tumigil rin ako. Sobrang excited na excited ako maglaro ng Moomoo. Ngayon, hindi na. Hindi na rin ako masyadong naglolog-in sa ArdentRO (in fact, 1 week na ata). Gusto ko ko na kasi maglaro ulit ng Diablo II: Lord of Destruction. Miss ko na si Zion, ang aking lv. 80+ Vengeance Paladin. Oo, nakapangalan yun after Zion Laterre, yung player nung Ateneo. Sad, hindi Douglas yung name nung barbarian ni Ej.

Napansin ko lang na ang bilis ko mabagot sa mga bagay na sobrang inasam ko in some way or another. I promise my self na gagawin ko ito or ayun, pero hindi ko naman nagagawa. Pero kung magpromise ako sa ibang tao, it's either nagagawa ko or hindi ko sonasadyang makalimutan kasi kulang ako sa "Memory Enhancers" ng Sustagen. Napapansin ko rin na lagi kong inuuna ang iba, at hinuhuli ko ang aking sarili. This isn't a bad thing isn't it? Alam ko hindi. Pero sabi ng mga close friends ko, "Give time for yourself. Learn how to say 'no' sometimes Rudolf." Like syempre I will say no kung pinakiusapan akong tumalon sa 3rd floor ng Gonzaga. I appreciate the concern, pero I don't see what is their concern for me all about. Naabuso na raw ako. Hindi pa naman ako nagagang-up at nabubugbog, so medyo hindi ko gets.

Or baka I just refuse the truth na inaabuso at tinitake for granted lang ako. Is this optimism or already a delusion?

Niwais, habang nakaupo ako sa long john at hinihintay si mamie matapos iedit ang letter niya, naisip ko na tumatanda na kaming mga anak nila. Sila rin, tumatanda na. 54 na si dadee. Dumadami na ang mga puting buhok ni mamie. Kaka 25th birthday lang ni ate. May trabaho na si kuya. II BS CS na ang nasa ID ko, hindi na I BS CS. Inimagine ko ang nuclear family ko na parang pamilya ni Nelvin habang nakatitig sa 6 na bote ng Summit Clear Sparkling Water na nakapila sa banggerahan sa kusina. Si Kuya Edwin, matagal nang nasa States. Si Ate Eilyn, nasa Indonesia, nagtuturo sa preschool if I'm not mistaken. Si Ate Kathryn, nasa States na rin ata ngayon. Ang mga magulang ni Nelvin, retired na, pero patuloy pa rin sa family business nila. Napaisip talaga ako. Naisip ko kung ano ang gagawin ko sa pinakauna kong sweldo kapag graduate na ako. Inisip ko kung anong bill ba ang babayaran ko kapag may trabaho na ako. Inisip ko kung ano na ang ginagawa ng bawat member ng pamilya ko.

Tinitigan ko si mamie.

Tiningnan ko si dadee.

Pinakinggan ko ang hilik ni kuya.

Pinakiramdaman ko kung ano ang ginagawa ni ate sa itaas.

Pinag-isipan ko ang lahat ng mga ito habang pinagsisisihan ang flavor nang sparkling water na pinalamig ko. Apple Pear. Dapat White Grape. Fuck. Yun yung masarap eh.

Inisip ko, "Siguro, mabait talaga ako." I mean, miski naaabuso na ako, okay lang, basta makita ko ang isang tao na maayos ang kalagayan: walang problema at masaya. Masaya na akong makitang masaya ang iba.

Pero, masama rin ata ako. Ewan ko. I thought my family had a problem. Pero I guess, ako ang may problema.

Fuck. Lasang panis na pinaghugasan ng 20 pairs of brazilian feet yung Apple Pear. Fuck fuck fuck.