Monday, April 30, 2007

Habang Nakaupo sa Bangketa

Before anything else, happy 19th birthday LT. Yaks. Tanda mo na.

Hay. always remember to trust your instincts. For the nth time in a row, hindi ko na naman ito sinunod. Basta. I had a feeling about tonight, at akala ko hindi na mangyayari. Yun pala, sasabihin ko rin ang mga linyang "at the end of the day, it's just me and my phone." Sad. At mamayang gabi/umaga sa aking pagtulog, malamang, sasabihin ko na "at the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

*sigh*

I wish ganun nga, pero there is no fcuking way na mangyayari yun. Dream on, asshole.

At paki consider na lang po ang following statements or whatever na tawag niyo dito:

IA.
Meron giant acacia tree (acacia ata yun) sa may kanto ng Rainier at Shasta, dun sa bagong bahay na dalawang lote ang sakop. Yung bahay na may fountain at catwalk. Basta, may magandang tree dun na may yellow blossoms na parang orchids. Basta. Ang ganda talaga nung punong ito every summer. Every time na dadaan ako dun, palaging may nalalaglag na yellow petals. So, nababawasan ba ang ganda nung tree everytime nababawasan ito ng yellow petals? No, I don't think so. Miski may malaglag na isa, hindi pa rin nababawasan ang ganda nung puno. Parang walang pakialam yung ibang flowers kung may nalalaglag na isa, kasi hindi pa sila nalalaglag.

IB.
May isang [insert proper collective noun here] of [insert animal here]. Marami. Tapos, sinugod ng [insert predator here] ang [proper collective noun]. May nahuling isa. Nakapatay. Nakain. So, magluluksa ba ang [proper collective noun] dahil sa pagkawala na iyon? Well this time, it depends. Kung ang napatay ay yung leader/boss/dominant male, malamang, there would be a great impact dun sa [proper collective noun]. Pero kung isang pipitsuging member lang ang napatay, well malamang wala, malamang life would go on for the [proper collective noun].

IC.
Isang super sikat na artista ang nagshow. Ang daming fans na nagpunta. Hindi maiiwasang magkasakitan. So ayun, nagkaroon ng injuries. Will the show stop? No, duhness. Kaanu-ano ba nung artista yung fan? At sa tingin mo ititigil ang show dahil lang sa injuries? For crying out loud, someone needs to die. Kailangan kasing kumita eh.

II.
Halos alam mo lahat ng birthdays ng mga kaibigan mo. Um, wrong word usage, mga classmates mo. Miski yung mga hindi mo masyadong close, binabati mo. You spare them the thought. Pagdating ng birthday mo, alam mo na kung sino ang babati sa iyo: yung mga close friends mo na naalala ang birthday mo.

III.
Niyaya ka sa isang party. Medyo hassle sa iyo kasi malayo, pero pumayag ka pa rin kasi niyaya ka mismo. Nakakahiyang hindi pumunta. So ayun, nagkaroon ka na ng feeling na hindi ka mag-eenjoy sa party na iyon. Pero sumama ka pa rin alang-alang sa kaibigan mo. Okay lang sa simula kasi naglalaro ka ng PSP nung isa mo pang kaibigan, pero nung kinuha na niya ito, nakatunganga ka na lang sa air. Kinabahan ka na. Pero dumating ang iyong close friend. "Yes, may makakausap na ako." Pero nagkamali ka. So lumabas ka na lang ng bahay at umupo sa bangketa habang tinetext mo ang isa mong kaibigan. Narinig mo ang ingay ng mga tao sa loob. Narinig mo ang pag pssssk ng mga softdrink at ang kalansing ng mga serving spoon sa mga pyrex na lalagyan. Wala atang nakapansin sa iyo na wala ka sa loob. Walang nakahalatang lumabas ka. Walang naghanap sa iyo. So pumasok ka na lang at kunwari, walang nangyari.

IV.
Excited na excited na excited kang nagpunta sa masayang despidida ng isa mong not-so-close-pero-tinuturi-mo-na-ring-close-kasi-wala-kang-masyadong-real-friends friend. Kasama mo ang 2 mong best friends (na alam mong best friends mo talaga kahit anong mangyari). Ayun, dumating kayo sa lugar nung despidida. Hi dun, hello jan, kain dito, kain doon. After 30 minutes, umupo kayo sa may hagdan. Wala na kasing pumapansin sa inyo except yourselves. So naisipan niyo na lang na maglakad-lakad kasi tutal naman, kayu-kayo rin naman ang nagpapahalaga sa isa't isa. Nagpunta kayo sa Jollibee at nung pabalik na, nagkaroon ng isang engkwentro with goons. Pero you managed to escape and stay alive. Pagbalik, tinanong nung mga naiwan kung saan kayo nagpunta. Nagpicture taking daw kasi eh, at wala kayo. Tapos, sinabi niyo sa isa't isa na wala rin namang mangyayari o mababago kung andun kami sa picture o wala eh. Sinabi mo sa sarili mo, hindi naman mahalaga yung picture na yun eh kasi puno ng mga taong walang pangangahalaga sa iba. Sinabi mo, yung litrato ng mga anino ninyong tatlo ang litratong mas mahalaga, miski na puro anino lang ang andito. Mga anino nga, pero pinahahalagahan naman ang isa't isa.

V.
Isa kang mabait na tao at laging tinutulungan ang iba sa abot ng iyong makakaya. Tinutulungan mo ang lahat ng iyong kilala sa mga problema nila, at ginagawa mo ito sa iyong kusang loob at walang hinihinging kapalit.
Miksi hassle na para sa iyo, ayos lang, basta makatulong. Meron kang mga kaibigang lagi mo na lang tinutulungan. Ang isa, pinapakopya mo, at nililibre ka niya ng lunch in return. Well, inaasar-asar ka rin niya, pero naiintindihan mo na ganito ang kanyang paraan ng pasasalamat. Lumalabas din kasi paminsan sa mga ginagawa niya na nagpapasalamat siya sa tulong mo. Merong isa, tinututor mo at natutulog sa bahay mo tuwing exams, at dahil dito, naging kaibigan mo siya, well, kaibigan sa kagaguhan at kabalastugan. Yung iba namang tinutulungan mo, nagiging mabait sa iyo. Yung iba naman, makapal ang mukha. Lalapit sa iyo, tapos kapag tapos na, itatapon ka na lang. Well, nasanay ka na dito kasi puno ang mundo ng mga taong ganito. Yung iba pa nga, tutulungan mo talaga para hindi bumagsak, pero nagpapabaya pa rin. Nakakalungkot. Hindi pala. Nakakaiyak at nakakasira ng loob na isiping ang lahat ng efforts mo ay bale wala lang pala sa ibang tao. In short, isa kang mabuting trapo. Paminsan, isasampay ka ng maayos ng gumamit sa iyo, mas madalas, ibabalandra ka na lang kung saan, at ang mas masaklap, paminsan, sisirain ka pa. Sira-sira ka na nga, sisirain ka pa. Gagawin kang basahan ng mga basahan, pero ayos lang sayo kasi mabit kang basahan.

VI.
Hindi kasi lahat ng tao ay katulad mo.


Para maiba naman,

*buntong hininga*

Creative ako eh. Whatever.


And so, what is the meaning of life if you are not existent in the life of others? Does this mean na we wake up and go to bed everyday without someone or at least anything to hold on to?

Correction, correction, correction.

Chigaimasu, chigaimasu.(Wrong, wrong.)


"At the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

Ashita wa kyou to onaji mirai...

No comments: