Showing posts with label Favorite Topic ko ang Life. Show all posts
Showing posts with label Favorite Topic ko ang Life. Show all posts

Friday, August 15, 2008

BSOD

Meron yatang chronic illness itong laptop ko. Naayos ko na kasi yung palagiang blue screen of death niya, pero ngayon, bumalik na naman ito. Uminom lang ako ng tubig, at pagbalik ko sa aking kuwarto, ayun na. Lumitaw na naman ang BSOD na 0x0000008E daw ang error. Tumingin-tingin na rin ako ng mga solusyon para sa error na ito, at ayon sa mga nakita ko, baka raw faulty memory o kaya naman ay may driver na kailangang i-update. Maari din daw may underlying process kung bakit nagkakaganito. Hindi naman siguro malicious program ang sanhi ng BSOD kong ito dahil madalas naman akong mag-scan para sa mga virus, malware, at adware.

Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito, pero may hinala ako kung tuwing kailan lumalabas ang error na ito. Kung tama ang aking hinala, tuwing mag-iinstall ako ng demanding na program sa aking laptop, babalik ang BSOD status niya hangga't ako ay mag chkdsk /f /r. Halimbawa, ngayon. Nilagyan ko ng Starcraft si lappy, at nagkaroon siya ulit ng dreaded BSOD na ito. Matapos kong gawin ang check disk, naging maayos naman na ulit. Ganoon din ang ginawa ko noong madalas magkaroon ng BSOD dati matapos kong lagyan ng Osu! at Silkroad ang laptop kong ito.

Hindi ko lang talaga matanto kung bakit nagkakaganito. May solusyon naman akong nahanap, pero hindi pa rin akong masyadong mapalagay dahil alam kong may problema. Nakakainis lang kasi dahil nakakagulat at nakakatakot. Bigla na lang kasing lumalabas ang BSOD na ito.

Kung sana lang, may warning. O baka naman yung BSOD na yung warning? Ewan ko ba.



Parang taong papasok sa iyong buhay at sa iyong puso, at sa isang iglap, bigla na lang maglalaho.



Kung may program man ang buhay ko, saan ko kaya mahahanap ang source code? Marami yata kasing error eh. Pero ang weird dito, miski may error, nagkocompile at gumagana pa rin ito.

Hay.

Wednesday, January 16, 2008

Imcomplete?

Mabighami ako sa post mi Melody Kay. Basahim mo amg post miya dito.

Mabasa ko amg post ma iyam sa ikalawamg math period mamim. Pero makimig mamam ako kay Felix. Makimig ako pagkatapos komg maglaro mg Dragom Quest. Imulit lamg mamam miya kasi yumg timuro miya mumg umamg period eh. Tumgkol ulit kay paremg Djikstra.

Walamg mamgyari kamimamg lab time. Himdi pa kasi kami makakapili mg amimg gagawimg project dahil lagimg himdi kami kumpleto o kumg kumpleto mamam, walamg mamgyayari. Hay. Sabi mi Mr. Calasamz, mag-attemd ma lamg daw lahat mg members mg grupo mamim sa Biyermes para mapako ma kumg amo amg amimg gagawim. Sayamg daw kasi amg oras, at himdi ko ipimagkaila amg bagay ma iyam. Makakalumgkot makita amg ibamg grupo ma may mga plamo ma at makausap ma si Mr. Calasamz, habamg kami ay wala pamg gimagawamg seryosomg pag-iisip kumg amo amg gusto mamimg gawim. Maglaro lamg kami mg x-rated tetris mi Amboy kamima. Merom palamg itimatagomg mga juicy, juicier, at juiciest secrets amg kamyamg flash drive. Myaha.

Kumaim ma lamg ako sa Jollibee, kumg saam daw bida amg saya. Umorder ako mg Crispy Chickem Steak ma solo lamg kay Ate Rose (close dim daw kami eh myaha). Kamima ko lamg makita kumg gaamo kamipis talaga yumg chickem sa Crispy Chickem Steak ma iyom matapos komg kaimim yum mg higit ma sa dalawampumg beses. Mgayom lamg kasi ako magimg overly semsitive sa mga bagay-bagay. Well, semsitive ako, pero himdi semsitive emough para mapamsim amg mipis mg chickem ma iyom. Mapaisip pa mga ako kumg chickem mga ba talaga iyom dahil lasamg chickem lomggamisamg gawa mamam talaga sa baka. Amg labo.

Dumaam ako sa Gateway para maglaro mg Percussiom Freaks 5th Mix at DrumMamia 10th Mix. Libre yumg PF dahil gold ma amg akimg card, at maglaro ako mg tatlomg beses dum sa DM. Ewam ko, I just felt like playimg amd playimg.

Kakauwi ko lamg mgayom. Maglalaro kasi ako mg Warriors Orochi mamaya kaya mgayom ma ako magpopost. Makakaimis kasi si Da Ji eh. Matatalo ko ma siya dapat kagabi, kaso gumawa siya mg super chiater move kaya madedz si Zhao Yum. Kaasar yumg mga gamomg pamgyayari mo. Hulimg kalabam ma, saka ka pa mamamatay. Sayamg yumg ability mi Yue Yimg ma makuha ko sama kumg himdi lamg magimg chiatress (babaimg chiater) yamg si Da Ji.

Hay.

Malulumgkot ako dahil malumgkot ako. Himdi ko ma talaga alam kumg bakit. O kaya mamam ayaw ko lamg tamggapim amg mga rasom dahil mamimiwala pa rim ako sa mga taomg pimagkatiwalaam ko. Malamamg frustrated ako sa mga pamgyayari recemtly. Amg dami ko kasimg regrets. Amg dami komg magimg kasalamam sa akimg sarili.

Amg daya mo talaga buhay. Bakit ba lagi mo akomg bimibigyam mg mga problemamg himdi ko alam kumg papaamo maayos? Alim yam sa dalawamg drama mo, yumg "mamimiwala ako sa kakayaham mo" o yumg "Walamg problemamg himdi mo kayamg malutas"? O baka mamam gusto mo lamg imudmod sa pagmumukha ko ma tamga ako?

Kasi mamam. Wala bamg clue?

Hmph. Buti pa si Djikstra, simasapiam si Felix para ituro sa amim amg kamyamg algorithm.

Sunday, January 6, 2008

Katangahan, Pero Hindi Naman Talaga Katangahan

Hala. Hindi ko masimulan ang post kong ito.

Tanga ka kasi. Hindi ka lang tanga, tanang-tunay ka pa.

Kasi ganito yun. Hindi ba may problema ako sa block ko? Well problema as in wala silang ginawa sa akin, pero masyado kasing volatile ang aking emotions kaya nagkaroon ako ng problema. Wala silang kasalanan, kasalanan kong ganito ang aking nararamdaman dahil ako naman ang nasasaktan, kasi nga ako ang may kasalanan. Ang labo.

Nakatagpo ako ng aking masisilungang bahay. Unti-unting sumigla ang aking buhay kahit papaano dahil sa mga nakatira sa bahay na iyon. Unti-unti akong nagkaroon ng lakas upang tumayong muli matapos kong malaglag sa ikalawa, sa ikatlo, sa ikaapat, sa ikapito, o kahit sa ikasiyamnapu't walong baitang ng hagdanan ng aking mga problemang ako rin naman ang gumawa.

Kahit papaano, ako'y sumiglang muli. Iyan kasi ang aking naramdaman.

Parang Hydrite sa taong may iti. Ay, ang pangit pakinggan. Hindi kasi maganda ang tiyan ni Bianca kanina kaya't pinainom siya ng Hydrite.

Parang Clusivol gana-eat gana-grow sa mga batang walang ganang kumain. Ay, ang pangit pa rin. Lagi na lang kasing wala akong ganang kumain ng "agahan" na alas-dos o alas-tres ng hapon.

Parang sleeping pills sa isang insomniac. O di naman kaya'y isang litrong kape sa isang batugan.

Si Kuratowski kasi at ang kanyang teoriya. Wala talaga siguro silang magawa noong mga panahon nila. Ayan tuloy, ngayong may magagawa na, inaaral naman ang kanilang naisip dahil sa pagkabagot. Kailangan ko pang aralin ang Chapter 11: Introduction to Graph Theory ng aking libro sa AMC125: Discrete Mathematics for Computer Science II. Mali pala, wala akong libro. Aaralin ko pa ang photocopies ko ng Chapter 11 at sasagutan ang Section Exercises. Photocopy ha, hindi xerox, kasi brand iyon ng photocopying machine.

Eh bakit parang lumilihis ka na sa ikunukwento mo kanina? Ganyan ka ba talaga katanga?

Paumanhin. Ayaw ko lang kasing aminin sa sarili ko na nagkakaganito ako. Well, naiinis, naiiyak, nalulungkot, nagdadalamhati, nalilito, nahihirapan, at nananatiling sawi ang aking pakiramdam. Dahil sa bahay na nagbigay sa akin ng silong at tanglaw, naramdaman kong muling umandar ang aking katangahan.

Ganito. Let's put things in a situation kasi it's better and more interesting that way.

...

Ay sandali. Hindi ako makaisip ng interesting situation. Too bad.

...

Hindi talaga ako makaisip. Blind item na lang.

Si Blogger (hindi tunay na pangalan obviously) ay nagkaroon ng internal problem with his friend na si Xanga (na hindi rin tunay na pangalan). Nauhaw kasi siya at natakot siyang humingi ng tubig kay Xanga dahil iisa lamang ang bote ng tubig ni Xanga. Ngayon, dahil martir itong si Blogger, tiniis niya ang kaniyang uhaw dahil alam niyang uhaw na uhaw din si Xanga. Natiis niya ang kanyang uhaw hanggang nakilala niya sa Wordpress (na hindi pa rin tunay na pangalan, I mean, ipapangalan mo ba sa anak mo ay "Wordpress Cruz"?). Tinulungan siya ni Wordpress sa kanyang uhaw, ngunit nagkaroon na naman ng isang pagkakataon na uhaw na uhaw silang pareho at iisa lamang ang 100ml bottle ng Wilkins o Absolute o Summit ni Wordpress. Humiga na lamang si Blogger sa lupa at ibinuka ang kanyang bibig habang bumabagyo. Ang lesson ng story: magbaon ng maraming tubig kung may balak magpiknik.

Eh bakit nga ba laging walang dalang tubig si Blogger?

Lagi niya raw kasing ibinibigay ang tubig niya sa mga pulubing uhaw na uhaw.

Hmp. Tanga nga niya.

Hindi ko kasi alam ang tawag sa kanya eh. So tatawagin ko na lang siyang "tanga."

Ah. So sinong tanga ngayon?

Thursday, January 3, 2008

Mirrors

I've been noticing that I am slowly losing interest in the things that I loved doing for the past few weeks. My interest has waned down in the things that I thought I will not be able to live without. I have felt this feeling before, and my experience tells me that after I have completely stopped something I was dying to do before, I would be dying to do it again in the future. Even so, I am sad at the same time worried on why this keeps on happening.

Maybe the shirt I bought for myself is true. "I never finish anyth".

Or maybe it's just because I have seen the monotony of my life and is just looking for something to break that?

This is the sad part of it. You thought you have found the thing that would break your single-toned life, your daily routine that deep inside you are already sick of, but after the joy has been extinguished, you get bored again. Or maybe you just expect too much from something. I guess that's it. You expect and rely heavily on something because you want to run away and feel the happiness that you know you deserve. You happily anticipate the emancipation you will feel, but you never get to truly and fully embrace that freedom you have longed and yearned for. What you see instead is the happiness of people who have dreamed humbly. You tell yourself, "aren't my dreams as humble as theirs?" You start to question the algorithm that encompasses your everyday life. You start to think whether your destiny has been written long before your soul started to regain its new consciousness. You start to look where the damage has been dealt. You soon realize that you cannot answer your own questions and decide to seek for some light within other people. For the few letters that compose the word "rare," you open your heart to other people and start to create new memories with these people.

They were happy people. Their auras emanated with the sincerity and compassion your hungry, desperate self was looking for. Their feelings overflowed into your dried up life, quenching everything that was inadequate. You soon realize that everything would be alright with them. At last, the monotony is finally broken. Your soul started to regain the vitality it has lost over time. You started to feel alive again. The flow of time has released you from its bondage of seemingly eternal stagnation.

But...

You start to be dependent once more. You start to be reliant again.

You never learn, do you?

I opened my eyes and saw myself standing between two unending mirrors. As I look into my reflection, I saw a person with a very hollow heart. It was then I realized that his heart was empty because he was looking at me. The one who was looking at him also had a hollow heart. I got bothered. Every time a thought enters my deeply troubled and confused mind, it dispersed and shattered into fragments. Those fragments materialized, and shattered the mirrors that confined me. I embraced myself and protected the memories I thought were precious from the never ending hail of razor-sharp glass shards. As I looked up, each tiny fragment revealed the truth: everybody had an empty heart patiently waiting to be filled and accepted by someone.

Your high hopes filled with optimism and strength slowly erodes until it withers to an unbearable state of deep depression. But it is funny that you feel content.

Sad, but content.

Wednesday, January 2, 2008

Tong-its

Meron kang dos, tres, singko, at sais ng diamonds. Nasa iyo ang dalawang itim na king. Meron kang tatlong dyis. Meron ka rin namang jack of hearts at queen of diamonds. Dahil ikaw ang taya, meron kang two of hearts.

Ayos. Panalo ka na.

Binaba mo ang queen of diamonds. Pinulot ito ng iyong katabi, ibinaba ang tatlong queen, at saka nagtapon ng isang king. Hindi ka nawalan ng pag-asa dahil meron pang isang king, ang king of hearts, na baka sakaling ibaba ng iyong katabi o 'di naman kaya'y maswerteng mabunot mo. Bumunot ang nasa kaliwa mo, at ibinaba ang seven of clubs. Hindi mo iyon kailangan. Bumunot ka habang ipinagdarasal na king of hearts o kaya'y four of diamonds ang iyong makuha. Four nga ang nakuha mo, pero four of hearts naman. Peste. Masyado yatang matindi ang iyong pagdarasal at ibinigay nga pareho. Itinapon mo ang jack of hearts dahil sampung puntos din yun kung saka-sakaling walang makatapos.

Nagpatuloy ang laro niyo. Marami nang natayong bahay. Naroon na ang nine of hearts, clubs, at spades, ang tatlong queen, ibinaba mo na ang iyong tatlong ten. Nakababa na rin ang dos, tres, at kwatro ng clubs, ang five hanggang seven of diamonds, ang alas, dos, at tres ng spades, at ang ten, jack, at queen of spades. Iniisip mo ang iyong gagawin dahil manipis na ang bunutan. Iduduktong mo ba ang iyong king of spades at itatapon ang king of clubs? O hihintayin mo ang king of hearts na baka sakaling makuha mo pa? Pero namomoblema ka pa rin sa iyong butas na straight flush. Nawawala pa ang four of diamonds. Bumunot ka. Ayun! Four of diamonds! Ayos ka na. Panalo ka na. Umandar na ang iyong self-praise apparatus dahil kaunti na lang, panalo ka na. Kailangan mo na lang nung high-risk card na yun.

Pero nagdalawang isip ka. Matatapos na kasi ang laban.

Itinapon mo yung king of clubs. Hindi mo binaba ang iyong straight flush dahil gusto mong ipitin ang mga kalaban mo. Ang natitira na lang sa iyo ay yung six of spades na nabunot mo kanina at yung two of hearts dahil ikaw ang taya. Yung nasa kanan mo na. Bumunot siya. Nagulat ka sa dami ng kanyang ibinaba, pero may naiwang dalawang baraha sa kanyang kamay. Napansin mo rin na idinuktong niya ang five of spades. Ayos. Two of hearts na lang ang problema mo. Ganun din ang nangyari dun sa nakaupo sa kaliwa mo. Isa na lang ang hawak niyang baraha. Ikaw na ang bubunot. Nadama mong iisa na lang ang nasa bunutan. Pinulot mo iyon at tiningnan.

Ang king of hearts.

Sana, hindi mo idinuktong ang king of spades at hindi itinapon ang king of clubs. Tong-its ka sana. Naisip mo na sayang ang final draw tong-its. Pero ayos lang, two lang naman ang magiging score mo. Itinapon mo ang king of hearts na iyon habang paulit-ulit mong sinasabi na sayang. Sayang, sayang, sayang talaga.

Show time na.

Idinuktong nung nasa kaliwa mo ang eight of diamonds. Ace of diamonds ang naiwan sa kanya. Naipit siya dahil sa iyo. Akala mo isa na lang ang baraha niya, yun pala, dalawa pa.

Idinuktong nung nasa kanan mo ang nine of diamonds. Ace of hearts ang naiwan sa kanya.

Wala kang nagawa. Malas ka lang talaga.



Ang buhay ay isang malaking laro ng tong-its na kung saan nakataya ang lahat. Paminsan akala mong panalo ka na ngunit sa huli, talo ka. Pero higit na mas importante na nakita mong ginawa mo ang lahat para maging matagumpay ka kaysa sa manalo.

Pero kung nakataya ang lahat, makikita mo bang mas importante iyon?

Matagal na akong hindi nagtotong-its. Hindi bumaba sa sampung laro ng tong-its ang nalalaro ko dati tuwing lunch o 'di naman kaya'y may break na sobrang haba na nakakabobo na ang pagtunganga at nakakasabaw na ng utak ang pagtulog.

So wala na akong buhay? Ganun ba?