Thursday, February 22, 2007

Assassin Cross part 4

Siguro nagsasawa na kayo sa Assassin Cross no?

Well ako, hindi pa.

Kanina, naging Assassin ako. I was present, but remained unnoticed.

Nagsimula lahat yun kagabi.

[ SUMMARY of EVENTS]
Nagalit si ma dahil late na, hindi pa ako tulog.
"Buti sana kung nag-aaral ka eh!"
Nag-aral naman na ako eh. Hindi na lang niya nakita.
"Ako hindi makatulog! Eh kayo, kahit anong oras niyo gusuthing matulog, pwede!"
I go to bed at 12 mn, I fall asleep at around 3 am, fyi.
Being a good anak, sumunod na lang ako at kinimkim ang feelings.*
Lagi namang ganun eh.

*At dahil dito, nalearn ko ang quest skill na "Induce Sleep"
Ano ang effect?

-------------------------------------------------------------------------------------------------
Induce Sleep QUEST SKILL
LV 1 ACTIVE
Target: self
SP cost: varies
Duration: varies

Induce the "Sleep" status on self by crying. "Drowsiness" effect lingers as target wakes up, which remains indefinitely. Target under Drowsiness status has impaired STR, AGI, DEX, INT, and emotional capabilities, but has improved LUK and social VIT.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

So ayun. I decided not to use the PC (pero I still did dahil sa Fil12 HW. Labs ko naman si Sir Yols eh) for the whole day. Nung dumating ako, I used Lv. 10 Cloaking para hindi madetect ni mamie na natutulog sa sofa sa sala. Tapos nung nakalayo, gumamit ng Lv. 10 Hiding sa room ko which lasted for an amazing 5 hours.

Result?

Akala ni mamie wala pa ako. Nalaman lang niyang nasa bahay na pala ako nung lumabas ako to get something.

Sa wakas, naging Assassin ako kahit papaano.
And it felt real nice.

It felt real nice in my own dark world of solitude which lasted for 5 hours.

Oh yeah, Lv 92 na si Serea. At makakagawa na ako ng Clip of Counter, which will boost my critical rate to 34%, dahil sa efforts na tulungan ako nina Conditional at Duh...

At ngayon, alam ko na kung bakit gusto ko talagang maging Assassin.
Dahil sa Detoxify.

Tuesday, February 20, 2007

Assassin Cross part 3

Napakaraming nangyari over the past few weeks na nasira yung monitor ko at tinatamad akong galawin ang blog ko.

In relation to the Assassin posts, may nalaman akong balita na well, nakapagpasiya sa akin.

Nagpunta ulit kami kay Sir Jeff. D ako. Tinanong ko kung bakit.

"I think you missed a lab..."

Alin?

"The very first one I think."

Pero hindi ako absent nun. Late lang ako at kagrupo ko pa si Wil and the Celendro guy nun.

"Are ya sure?"

Syempre.

So ayun, naging 18 ang 0 ko. Naging 82 ako bigla from a 64. You do the math.
The D became a B.

Oh goodie.

Kasi may AncientRO na. Lv 89 na si Serea (a name which means "Shine" in elven). Oo, malapit na rin ako maging Assassin Cross sa wakas. And I just landed 20 critical hits in rapid succession with my +8 Critical Double Boned Jur.


*sigh*
You have to cheat something (legalize something which is really illegal) in order to enjoy it.

*sigh*
You have to cheat life in order to enjoy it.

*sigh*
You have to cheat yourself in order to enjoy life.

*sigh~*

// Aside para hindi masira ang mood ko. Dumating kuya ko. Guess what he just did?

Oh goodie.

So ayun, bale wala pala lahat nung mga moments na kinucurse ko ang buhay ko. B pala ako eh. At oo, grade conscious ako. Masama ba maging grade conscious?

*stare*
inferior.
*gaze*
Inferior.
*well up*
INferior.
*tremble*
INFErior
*close eyes*
INFERIOR!
*drop*

At walang nangyari. Ganun ka pa rin after.

This only reiterates how unexpected life could be.
It also shows how miserable life could be.

And another thing:
Problems are never given a solution. They are just forgotten.

Kawawa ka kung wala kang amnesia.

Hindi ako sore or punyetanized or shitty or [insert some f*ckin' word here] about life and everything like that, naasar lang ako kasi nagkaroon ng extra pressure on my part na sobrang nakakabaliw at nakakastress.

Let me close with my latest creation, The Tinapay Ode:

TINAPAY ODE

Hay.

Buhay.
Parang,
Tinapay.

Lit sucks. Yun yun eh.

Monday, February 19, 2007

pakialamerx, pakialamerx, usiserx, usiserx ; x = o, a

Puno ng mga ganitong mga "bagay" ang bahay ko.

Ewan ko lang. They don't mind their business at all. They snoot under your nose when you use the goddam computer that is shared, even if you don't snoot under their nose when they use the goddam computer that they are so adept destroying.

Pero ngayon lang, nagalit si mamie kasi dalawang sweldo na raw at hindi pa nagbibigay ng perang pang-deposit sa ewan ko kung saan si kuya. Inaaksaya niya raw yung pera niya dun sa mga "toy robot" na binibili-bili niya. Pinagpapaguran niya raw yung perang yun tapos hindi ba siya nanghihinayan sa mga pinaggagastusan niya?

Hindi naman sa pagwawalang galang, pero, I think that is too far naman.

Pera niya yun eh. And I found those Gundam Robots neat. Hindi kasi yun maiintindihan ni mamie eh. Yung mga ganung bagay. Kasi nga, siya palagi ang tama miski mali na talaga.

O yeah, hindi ako sumabat. Mahirap na eh. Alam mo naman sa bahay nila, bawal ang mga ganung bagay.

And that is one of the few instances na pumanig ako sa kuya ko. Karaniwan kasi, wala.

Observer lang ako.
Ganun eh.

At dahil sa mga pangyayaring ganito na paulit-ulit na lang, takot na ako magkapamilya.

One of these days, I might turn bi. Hey, being bi is nice! You could love anyone!

Not just yourself.