Tuesday, February 17, 2009

Routine Interview With Miss Olive

Okay so nadelay ang semestral interview ko sa Guidance Office. Naabutan kasi ako ng ulan sa job fair nung una kong schedule. Kung ako ang tatanungin, ayaw ko sanang magpa-interview kaya lang required sa scholarship ko. Oh well. Pero okay lang naman kasi masaya namang kausap si Miss Olive.

Medyo naghintay ako ng kaunti dun sa seating area kasi may ginagawa pa si Miss Olive. Makalipas ang ilang sandali, lumabas na si Miss Olive, at binati niya ako. Magaan na ang pakiramdam ko kay Miss Olive kasi nga halos dalawang taon na ata ako kinakausap ni Miss Olive.

Kumustahan lang naman ang nangyari. Nakakatuwang naalala pa ni Miss Olive yung mga sinabi ko sa kanya last sem; walang mga notes-notes yun kasi ang alala ko last time, parang hindi nila makita yung file ko kasi nga lumipat sila ng office. Bigla ko tuloy naalala yung time na nakasakay ako sa LRT papuntang Gateway tapos may kumaway sa akin na babaeng mukhang mabait, maputi at nakasalamin. Ngumiti ako at napatigil ng sandali, kasi hindi ko naalala agad na si Miss Olive pala iyon.

Basta, secret ang pinag-usapan namin. Ganun naman palagi, 'di ba?

Nung paalis niya ako, sabi niya sa akin na I look happier than before, that there was something different about me. Tinanong niya ako kung meron bang something, good news or the like.

"Ha? Wala ano. Haha."

Pagkabalik ko sa CompSAt room, sinabi ko sa kanila na mukha raw akong masaya ayon kay Miss Olive.

Nag-comment si Rai.

"But but, the people who are happy are mostly the ones with the heaviest problems..."

2 comments:

yAnaH said...

"But but, the people who are happy are mostly the ones with the heaviest problems..."

so true.. magaling magpanggap ang mga taong napakalaki ng mga dinadala... effective pa sila sa pagpretend.. parang kumuha ng crashcourse na PRETENSION 101 at namaster.. sometimes, peple cant see behind the laughters u produce..

Anonymous said...

Ako rin naman, hindi ko rin malaman kung tunay nga bang masaya o hindi.