Monday, June 8, 2009

Tatlong Daang Oras - Huling Tatlong Araw

Malapit nang matapos ang OJT ko dito sa 3M. Para sabihin ang totoo, wala akong natutunang bago dito. Inulit ko lang ang ginawa ko noong ikalawang semestre sa Pamantasan ng Ateneo de Manila: gamitin ang Java Hibernate. Sa totoo lang, kung bibigyan ako ng pagkakataong ulitin ang practicum ko, hindi ko na nanaising pumasok muli dito sa 3M. Gagandahan ko na agad ang papel ng aking mga resume at hindi lang sa pipitsuging papel ilalathala ang mga resume ko.

Ito siguro ang pinakamalaki kong pagkakamali.

Ang taas ng mga pangarap ko noong naghahanap pa ako ng mapapasukan para sa OJT. Pero walang nangyari sa lahat ng mga ito. Hindi ko lang talaga alam kung bakit; siguro dala talaga ito ng papel na ginamit ko upang isakatotohanan ang aking mga natamo sa aking buhay. Hindi ko lang alam kung interesado ba ang ibang tao sa mga sinulat ko doon. Malamang hindi.

Wala akong natutunan dito. Pero sa tingin ko isa rin itong pagkakamali.

Siguro, kailangan ko nang matuto na libre nga ang mangarap, ngunit hindi dapat nagpapadala ang tao sa mga pangarap na ito. Hindi lahat ng bagay ay kayang matamo tutal,


walang nang libre sa mundo.



Ang tatlong daan ay hindi na makakamit, ngunit matatapos na ang lahat sa loob ng tatlong araw.
(Tatlong daan binawasan ng dalawang daan at apatnapu't lima ay limampu't lima.)

4 comments:

HOMER said...

wala talagang natutunan sa OJT kasi minsan walang trust ang mga hinayupak na mga tao sa ilang companies.. hehe!! anyway atleast matatapos ka na :p

Zweihander said...

Mabait naman yung katabi ko, si Sir Nyer. Sabay pa nga kami umuuwi paminsan eh.

Jinjiruks said...

hehe. lahat naman ng OJT halos wala kang matutunan talaga. kasi hindi naman bibigay sa iyo mga jobs na critical sa kanila.

Zweihander said...

Hindi rin, kasi yung iba kong kasamahan pinahandle nung main database nila.