Friday, September 28, 2007

Hypothalamus

Grabe. Nung pumasok ang month na September, nagkasakit ako. Ngayong mag-o-October na, nagkasakit ulit ako. Parang imagine? Sobrang nakakainis at sobrang ang galing-galing ng timing kasi bukas, finals ko na sa PE. Parang sheesh, may sakit ako! Paano ako lalangoy ng Freestyle na event number 1 at Butterfly na event number 9 to death?! Ah well. Dahil mabait si Coach Pol, pinapapunta niya ako bukas ng mga 6:30 ng umaga para daw tumulong ako sa set-up and everything. Sabi niya, at least naman daw dun eh bumawi ako kasi super overcut at overlate na talaga ako sa PE. Ang hilig ko raw kasing gumimik, sabi niya kay Jong, yung maintenance person ng pool. Hmp, I wish.

Nung Monday kasi, nagsindi si dadee ng katol. Ewan ko, pero mukhang hindi Baygon Floral Fresh yung sinindi niya. Parang Lion Katol ata (kasi may kahon sa itaas ng ref). Malayo naman na sa akin yung katol, pero nung Tuesday, nangati na yung lalamunan ko. Nung kumain ako sa Jollibee that day, medyo sumayad na sa isip ko na magkakasakit ako kasi parang symptoms ng allergic reaction ko yung mga nangyayari sa akin nung mga panahong yun. So ayun, nung gabi, medyo mainit na yung pakiramdam ko. Naligo ako to hope na guminhawa ang pakiramdam ko, at oo, guminhawa naman, yun nga lang, for just 10 minutes. Natulog na ako nung natuyo yung buhok ko. Nagising ako ng mga 5 ng umaga at presto, 38.9 degrees Celcius na ang aking body temperature, ayon sa thermometer. Well, pumasok pa rin ako kasi kailangan, dahil nga overcut at overlate na ako sa PE. So ayun, nadisappoint si Coach Pol kasi nga relays na kami tapos ayun ako, hindi pwedeng lumangoy ng free at fly kasi nga may lagnat. Tapos ang [insert some adjective here] pa nung substitute namin sa physics. Hmp. Namiss ko talaga si Sir Nan/Ivun Culazba.

Pinauwi na rin ako nung doktor sa infirmary, kasi nga raw may lagnat ako at baka makahawa pa ako ng ibang tao. Pero hindi ako umuwi kasi nga kailangan kong magnotes sa theo. So ayun. Ang dami kong notes nung araw na iyon. Super.

Nung gabi ng Wednesday, yung temperature ko eh umabot sa record high na 39.7 degrees. Pero it was weird na hindi ako nanghihina whatsoever. I just felt warm, at yun lang. Hindi ako nahilo, hindi masakit ulo ko, hindi ako nasusuka, hindi masakit yung muscles ko, yung stuff like that na usually na nararamdaman mo kapag may lagnat ka or sakit for the matter. Tinourniquet na ako, pero wala namang lumabas na rashes. Natatakot kasi si mamie na baka dengue na yung lagnat ko. After nun, natulog na kaming lahat, at nung mga 5:20 ng umaga, ginising ako ni mamie, pupunta raw kami sa ospital para magpacheck-up. Mahirap na daw kasi eh. Baka dengue. Well, siyempre ayaw ko dahil ako ay nosocomephobic. Pero wala akong magagawa.

Sa emergency room ng FEU-NRMF ako dinala. Tahimik. Amoy ospital. After ng primary routine, pinahiga ako sa isang kama. Siyempre, hindi ako humiga. Grabe. Sobrang takot talaga ako sa mga ospital. Hindi ako nilalamig, pero yung ribs ko, parang magcocolapse na any minute. My stomach was lurching with discomfort and weird emotions. Nung bumalik na si mamie after magpunta sa laboratory, pinilit niya akong humiga sa tabi niya. Ang baho nung sheets. Amoy tuyong dugo at mga gamot na pilit inalis gamit ng chlorox at detergent. Sobrang nakakakilabot. Nakakabaliw din yung inaassess na pasyente na parang may appendicitis na hindi dun sa kabila ng kurtina, yung batang nadengue at sumuka sa other side, yung ingay ng nebulizer nung matandang mukhang ewan ko ba, yung lalaking nangingisay na nagdudugo yung ilong at yung mata miski na may gauze at bulak na, at yung pasyenteng hanggang mukha ang taklob ng kumot. Scary. After 1 hour and 30 minutes ng paghihintay sa forsaken emergency room na iyon, dumating na rin si Dr. Edelweise Merin, yung doktor na magsasabing "normal naman yung results ng hematology at urinalysis niya." Hay, hindi ko madescribe yung feeling ng marinig ko yan. Ayun, sabi niya rin sa strict bed rest for 2 days na hindi ko naman sinunod strictly.

It's sad na absent ako sa huling Fil14 class. Grabe. Mamimiss ko talaga si Sir Ariel. Oh well. Wala din ako sa blow-out ni Wil sa bahay ni Andrea ngayon kasi siya yung nanalo sa DISCS Programming Open. I was looking forward to it pa naman. Oh well. Well, at least naman wala na akong lagnat ngayon. Siguro naman makakaswim na ako bukas.

Napakarough kasi ng September ko eh. The downs outweigh the ups. Ewan ko, siguro nagkaroon na ng neural short-circuit sa aking katawan kaya parang yung mga hormones or whatsoever eh naging abusurdly imbalanced.

My hypothalamus got whacked. Ano ba ang plural ng hypothalamus? Hypothalami? Ang singular form ba ng salami ay salamus?

Tiger Katol kasi eh.

Tuesday, September 25, 2007

Ang Vandalism sa Armchair ni Vandals sa CTC305

Malapit na ng finals week. Malapit na ang death-of-all-deaths. Handa na ba ako? Malamang, hindi pa. Nakakainis din na hindi kaya ng PC ko ang Silkroad Online miski na pasok ito sa minimum requirements nung game, at sira pa yung ISO ng Parasite Eve 2 na hinintay ko ng mga 5 hours para madownload sa utorrent. Nakakainis. Sira yung part na papuntang Neo Ark or sa lift papuntang EVE Access tunnel. It's saddening na sabay pa talaga dapat mangyari itong dalawang bagay na yan. Hay buhay.

Kanina, nagpresent sina Wimbie sa theo about Contraception. They were arguing with the "for" side. As always, it was another boring theo class (including ours I guess, Ray implicitly told us so although he recognized my effort in putting together the Warcraft III map). Huy ha, hindi ko naman sila pinararatangan and stuff like that, yun lang talaga kasi generally yung nagyayari sa theo eh. So ayun, nakaupo kami sa may likuran, at ako naman ay nagte-take ng notes habang excited na excited sa Silkroad at habang iniisip na rin kung ano yung ipapangalan ko dun sa akin sanang Warrior-Cleric character. Napansin ko sa aking table ang vandals na ito:


When you know
What you are and
what you want
the less you
let things
upset you

Pagkabasa na pagkabasa ko pa lang sa vandals na ito (vandals = the act of vandalism, the result of the act of vandalism, or the person in act of vandalism), sinabi ko sa sarili ko na gagawan ko agad ito ng blog entry. Eh kasi naman eh no, mali yung nakalagay sa chair na yun sa CTC305 na mainit kung hindi lang mahangin at maulan these days.

Parang, "What you are"? As in, bakit what? Alien ba ang nagsulat nito? At bobo, kung alam mo na kung ano ka at kung ano ang gusto mo, mas lalo kang nagiging sensitive even to the minutest details of the events happening around you. You are expecting some thing from someone or something, kaya ka nagiging concerned talaga.

At ayan na, kapag hindi na natupad ang iyong inaasam, babasagin na nito ang "the less you let things upset you."

See? If you know what you are even if you do not accept the truth and face reality, and you know what you deeply desire in order to be given another chance to life, even the littlest and the most meaningless of things can catch your attention and upset you terribly, forcing you to a momentary state of static depression.

Even a vandalism on a rickety armchair. Even that.

Monday, September 24, 2007

After 20 Days

So ayan. September 23 na (well, actually 24 na). Ang huli kong post was September 3, 2007, a solid 20 days ago. Kung natatandaan kong mabuti, sinabi ko sa post ko na iyon na parang "what a great way to start September" or some shizzle of the like. Well, sobrang stressful both physically and emotionally ang September ko. Grabe talaga. Parang mamamatay na talaga ako, pero here I am writing again sa blog na nalegnect ko for such a long period of time. Pasensiya ka na blog ko ha.

Basta. Ang daming nangyari talaga. Sa sobrang dami, hindi ko na maalala masyado. Pero ang masasabi ko lang: super roller coaster ride talaga ako nun. Para akong drug addict na paulit-ulit nagkakaroon ng withdrawal tendencies sa isang oras. Grabe talaga. Sobrang mood swings yung mga naramdaman ko. Sabay-sabay daw ba kasi yung Th121 Against the Ordination of Women into the Ministerial Priesthood presentation na ako lahat ang gumawa (well, about 97.4589734% of it), Fil14 Tandang Basio Macunat na halos wala akong ginawa (mga 3.2375632% lang), at yung CS110 LTOBranchSim project na yan. Grabe talaga. Ang masama pa niyan, walang gumawa sa amin ni EJ dun sa CS kasi siya gumagawa sa fil, tapos ako sa theo. Parang kailangang-kailangan ko pa naman yung project na yun kasi sa lahat ng other components sa CS bagsak ako. Jeez. I really don't want to go back to the emotions that ate me alive during that time. Well, kung buhay pa nga ba ako.

Nagkaroon pa ako ng severe emotional distress. Grabe. Isabay daw ba yan sa academic pressures? Kasi yung taong inaasahan kong sasalo sa akin kapag bumitaw na ako, hindi pala niya ako masasalo, miski na sinabi niyang sasaluhin niya ako. It was really, really sad. Parang sobrang nagkaroon na talaga ng schism yung personality ko: may isang over-ecstatic always-hyper-mode-on part ako, at may distressed-depressed-suicidal part of me. Ewan ko. Nakalimutan ko na ang Psy101 eh kaya hindi ko alam kung anong klaseng disorder yan. Pero basta. Parang in one minute, kaya kong i-shift yung personality ko. Ewan ko talaga. Nangyari yan dun sa CS. Parang iyak na ako nang iyak kasi sobrang frustrated na ako at dahil parang napakaunfair ng buhay and everything under it, pero after 30 seconds, go na ako para matapos yung ass project na yun at ang saya-saya ko pa kasi malapit ko nang matapos. Ewan ko talaga. Siguro survival mechanism ko na yan.

But the past week, tuluyan nang nagpakamatay yung parang automatic garbage collector ng java (yuck geeky CS major go away) part ng sarili ko, yung distressed-depressed-suicidal part of myself. This means na hindi na ako kumpleto. But recently, may signs na nagbalik na siya. So out of the 50%, siguro 45-5 ang current distribution. Kung may mamatay na namang part ng sarili ko, well, I'd be living a fourth of my original self. Well, you get the math. Exponentially nagdidecrease yung will ko to live life to the fullest. Eh kasi naman eh no, parang lagi na lang ako naiiwan or iniiwan ng mga taong inaasahan ko. Hay, if I could only state names, I would para naman maging aware sila na sobrang importante sila para sa akin. Ang sakit kasi sa damdamin nung rejection na hindi ka pala importante kahit isang kusing dun sa taong mas importante pa sa lahat ng importanteng bagay sa buhay mo.

Hay. Kakasabi ko lang na ayaw ko nang balikan ang lahat niyan eh.

Well anyway, I love my new shirt.

Tinanong ko kay Thomas kung anong mangyayari kung walang automatic garbage collector ang java.

"Death."

Tapos death means change?

Ewan ko. Basta inappease ko lang yung part ng sarili ko na gusto na ulit magblog.

Monday, September 3, 2007

Centrum, Vitamin E, at Calcium sa Umaga; Glutathione sa Gabi

What a great way to start September.

I feel sick. Pero hindi naman talaga kasi nung nagpunta ako sa infirmary kanina, 37.2 lang daw ang temperature ko ayon kay Nurse Marivic. Binigyan niya ako ng Biogesic, na ininom ko after kumain nung P45.00 5-piece siomai rice meal ng House of Waffles. Well, medyo nagsisi ako dun sa siomai rice na yun kasi sobrang lasang toyo at hugis macaroons pa. Hindi siya sulit miski na P45.00 lang kasi hindi masarap. Feeling ko nga, kapag walang toyo yun, lasang kanin yung siomai. Tapos kung pinapapak mo lang yung siomai, malamang lasang plastic fork yun or lasang toothpick. Matapos kong inumin yung Biogesic, patuloy pa rin nag-init ang aking katawan (take this very literally, kasi kung hindi, magmumukhang porn scene) at kumirot ang aking ulo. Ang init init na ng pakiramdam ko pero hindi ako nagpapawis at normal lang yung temperature ko tapos sobrang grabe yung sakit ng ulo ko, parang binibiyak ng isang dosenang +10 Double Critical Bloody Jur. Haha wala lang.

Nagsimula yun nung nahawa ata ako kay Nelvin sa sipon niya. Nagkaroon ako ng remarkable symptoms nung Friday, August 31. Birthday yun ni Andrea. Sa bahay niya, I seldom sneezed compared sa mga times na mag-isa lang ako. Oo, napansin ko rin na nung naghihintay ako sa CompSAt room, hindi rin ako masyadong nagsisneeze. Oh well. Napakaremarkable na nahawa pa ako kasi nagvavitamins na ako everyday without fail and everything (I drink glutathione as well dahil pinilit ako ni mamie, pero hindi pa rin ako pumuputi). I was like sneezing for at least thrice every five minutes tapos may super chain combo of sneezes na parang mga 25+ sneezes under one minute. Grabe yung feeling. Sobrang barado yung ilong ko at hindi na ako tumigil sa kakasniff. Walang use yung pagsinga eh, it just flows back. Well at least hindi ako nagkaubo.

Tapos hindi talaga nakatulong yung amoy yosing set ng Buwan at Baril. Bukod sa nangamoy yosi yung damit at especially yung panyo ko, nangati pa ang lalamunan ko. Hindi yung kating parang magkakaubo ka, yung kati dahil parang inaalergy ka. So yun. Kumain kami sa McDo, tapos nung pagkauwi, uminom muna ako ng Rexidol, tapos natulog na ako. Hindi talaga mabuti yung pakiramdam ko nun. Well, yung Rexidol didn't help so much either. Oo nga pala, nacorrupt yung memory card ng ePSXe ko, pero buti na lang, nakapagsave state ko.

Kahapon, naglinis ako ng bahay. Nagdusting ako at nagwalis. Hindi ko na nilinis yung mga electric fan kasi baka mamaya mamatay na ako dahil sa complications due to severe and repetitive allergic reactions. Allergic ako sa alikabok, pero ako ang nagwawalis at nagdudusting. This time, uminom naman ako ng Decolgen. Well, I felt better after nung nap ko habang sinusubukang mag-aral ng probability sa math. Nothing else important happened that night, besides na yung ulam namin for dinner was Nilagang Baka na may Mais. Sarap.

Pagkagising ko kanina, ang sakit nung right part ng throat ko. Sumasakit kapag nagsasalita or lumulunok. Suspicion ko is tonsillitis. Well, i usually contract this kapag nagkakaroon ako ng severe allergic reactions. Naaalala ko dati, twice na akong nagkalagnat ng tatlong araw dahil nga sa mga allergies na yan. Mataas ang tolerance ko to pathogens, pero kapag bumaba ang immune system ko, talagang sobrang kaboom. Isipin mo na lang na parang nagkatsunami dahil may nadisplace na area sa mga convergence zones ng mga continental plates. Sorry ha, nanood kasi ako ng National Geographic kahapon, tapos yung feature nila sa The Best of The Week ay yung killer tsunami last 2004 or 2005.

Going back, ang sakit ng lalamunan ko. Well, pumasok pa rin ako kasi swimming, at swimming is love. Grabe. Bukod sa nilamig ako sa tubig, hindi pa ako makahinga ng mabuti habang nagwawarm up ako ng freestyle. Parang walang pumapasok na hangin sa mouth ko every time I roll my body sideways to take in air. Well, ewan ko, I made it through PE alive. Fun naman kasi pinag-dolphin kick kami with flippers on. Sobrang bilis. Talagang magegets mo yung concept ng merfolk.

After nun, sa physics, dun na nagsimulang uminit yung pakiramdam ko. Sumakit na rin yung ulo ko. Well at least ngayon I feel better compared to kanina. Sleeping really helps. Yun nga sabi sa akin ni Nurse Marivic eh, drink lots of water, at mamaya, matulog ka ng maaga. Tsk. Guilty.

So matapos kong "maayos" ang aking emotional self, eto na, bumibigay na yung katawan ko. Sinusubukan ko nang harapin ang mga problema ko, pero ano naman ang kapalit nito? Maybe I'm just overreacting. Well, hindi mo naman siguro ako masisisi kung yung burp ko kanina tasted like chewed-up siomai dipped in toyo and stomach acids plus bile and peristaltically-moved chyme hindi ba? Tapos yung mga gamot na ininom ko, parang fake yata kasi walang effect. Sobrang wala talaga.

Aargh. Ang burden naman kapag lulunukin ko yung laway ko.

So kung papipiliin ako, which kind of sickness ang pipiliin ko? Emotional or physical?

Ano ba! Sino namang tao in his/her right state of mind ang mamimili sa dalawang yan! Both are just wrong. Hindi tamang magkasakit sa kahit na anong paraan. Sabi nga, "Bawal Magkasakit!" Hindi ba?

Naku, umandar yung randomness ko. Commercial ng gamot yung nagsasabing bawal magkasakit, pero kung walang magkakasakit, sinong bibili ng product nila? Ay, Clusivol ata yung commercial na yan. Vitamins. Okay okay, may point naman pala.

"Bawal Magkasakit!"

Yeah, may vitamins for your body, pero may vitamins ba para sa non-physical attribute ng isang tao?

Life, may Centrum complete from A to Zinc ka ba for the soul? May Antipyretic ka ba para sa mga lagnat ng iyong pagkatao?

Pahingi naman o.