Hay nako grabe na ito. Isang linggo na naman ang lumipas nang wala akong nilalagay na kahit na ano sa blog ko. Ni tumingin man lang nga sa blog ng iba, hindi ko nagawa. Ang dami ko lang kasing ginagawa talaga at miski na marami akong kailangang gawin, nagagawa ko pa ring magpunta sa Timezone at maglaro doon o kaya nama'y maglaro ng EssenceRO dahil kailangan kong maghunt ng tatlong Celebrant's Mitten para sa Tiamat Wings. Ipapalevel ko na kasi ang Whitesmith ko sa Skelings eh.
Alam mo yung feeling na ang dami mong kailangang gawin pero hindi mo naman ginagawa, kaya parang feeling mo wala kang kwenta kasi nakikita mo yung iba na gumagawa at nagagawa yung kailangan nilang gawin? Yun bang miski sabihin mo sa sarili mo na kaya mong tapusin ang isang bagay, hindi mo talaga ito natatapos? Hay nako. Hindi ko na talaga alam. Ang patapon ng February ko. Hindi lang sa academics, pero life in general. Bumabagsak na ata ako sa Th131 ko eh. Bagsak ng two points ang long test ko, at pasang awa lang ang quizzes ko. Ang sabog pa pati ng progress ng group report namin tungkol sa virginity ng mga freshmen sa Ateneo. Ugh.
Ang patapon ng second sem ko. Parang nawawalan na talaga ako ng control sa sarili ko at in return, nawawalan na ako ng self-esteem at tiwala sa sarili ko na kaya kong gawin basta't gusto ko. Kasi paminsan, hindi talaga eh. Wala talaga. Most of the time, nasisimulan ko ang isang bagay only to stop dahil sa pagod, antok, o sa kung ano pang bagay.
Kailangan ko pang basahin yung article ni Ginovesi tungkol sa premarital sex kasi malamang, may quiz sa Monday (or bukas kung Sunday na ang lumabas na post kong ito). Kailangan ko itong basahin miski na alam ko namang babagsak na naman ako sa quiz dahil hindi pa nadidiscuss yung article.
Kailangan ko pang tapusin yung ginagawa ko para sa module namin sa CS179.15B. Yung class na lang ngang yan ang inaabangan ko, tapos tinatamad na rin akong gumawa. Dapat nga natapos na namin yan last week pa pero pare-pareho kaming busy or tinatamad.
Kailangan ko pang basahin yung mahabang reading namin para sa Ph102. Masakit sa ulo basahin yung The Overcoat ni Gogol ba yun kasi soft copy lang. Kailangan ko na namang i-spam ang ctrl++ para lumaki nang lumaki ang font para na rin mas madaling basahin.
CS162, bleah. Bahala ka sa lecheng buhay mo. Nawalan ako ng gana sa computer science dahil sa iyo no, putangnamo.
Hay nako. Isang linggo na mula noong huling araw ni Kuya Jhun sa Timezone, pero hanggang ngayon hindi ko pa nagagawan ng blog entry ang tungkol dito. Isang linggo na lang rin bago matapos ang kontrata ni Kuya Joel sa Gateway. Nakakalungkot naman talaga paminsan.
O 'di ba, anong sabi ko sayo? Imbis na ginagawa ko ang mga kailangan kong gawin, ito ako, nagmamaktol sa isang sulok ng mundo dahil nakakainis naman na talaga paminsan ang buhay.