Alam mo yun? Kasi ang dami-daming required subjects dito sa school na hindi ko alam kung paano ko i-aapply bilang isang Computer Science undergraduate. Hindi ko rin alam kung papaano ko ito magagamit bilang isang degree holder ng nasabing kurso (sana, by next year po). Alam mo yun? Anong gagawin ko sa labindalawang units sa kung anu-anong klase sa theology? Hindi ko naman sinasabing buwagin na sa core curriculum ang theology, pero kailangan ba talagang apat na subject ang required? Dahil ba isang Jesuit institution ang Ateneo kaya kailangan dumadagundong na labindalawang units ang kailangan para magtapos sa kahit na anong kurso? Pati na rin ang philosophy. Kailangan rin bang lumalagitik na labindalawang units rin ang kailangan? Gusto ko naman ang philosophy, yun nga lang, parang paulit-ulit ata ang mga inaaral. At ang mahirap pa, kahit na anong pagsusunog ng kilay o pamimiga ng utak ang gawin mo sa pag-aaral, C lang ang makukuha mo sa orals. O baka naman hindi lang talaga ako magaling magtawid ng aking mga saloobin kaya ganun? Ang bitter. Ang bitter talaga. Ayos lang sa akin kung ipapatapon niyo ako sa isang far, far away place, o kaya nama'y ipababaril sa isang firing squad sa kung saang lupalop ng Quezon City.
Wala lang. Wala lang yata ako mapost kaya ganito. Nakakainis lang pati ang mga professor na aalis ng bansa at iiwan kayo ng dalawang linggo. Pero hindi ako galit, naiinis lang. Tumatambak na rin kasi ang mga kailangan kong gawin, at nagpapalala pa sa lahat ng ito ang thesis.
Hay, thesis. Sino bang nakaimbento sa iyo?