Ito na. Pinatay na ang aircon dito sa opisina. Ito na ang huling beses kong maririnig ang kakaibang pagtahimik ng makulimlim na tunog ng aircon na ito. Huling beses na ako maiinitan matapos lamigin ng higit sa walong oras. Nung nagsimula ako dito, ginusto ko nang umalis, pero ngayong aalis na ako, gusto ko pang manatili kahit na ilan pang mga sandali. Siguro nakasanayan ko nang gumising ng umaga para magmadali patungo sa Quezon Avenue station ng MRT. Nakasanayan ko na rin marahil ang kakaibang siksikan tuwing mamalasin sa pagsakay sa tren. Sanay na akong magitgit ng kung sino mang tao at makipagdikitan ng katawan sa isang taong hindi ko kilala't malamang isang beses ko lang makikita sa buong buhay ko. Sanay na akong mapawisan ng pawis ng ibang tao, at nasanay na rin akong matuyuan ng pawis ng ibang tao. Sanay na akong araw-araw sumasakay ng elevator pataas at pababa ng ika-siyam na palapag. Nasanay na rin akong maghugas ng aking baunan. Nasanay na rin ang aking braso na may inaabot na baso ng malamig na tubig o kaya nama'y mainit na kape. Nasanay na rin kahit papaano ang aking mata sa pagbabad sa daan-daang linya ng code sa loob ng walong oras. Nasanay na rin ang aking katawan na maupo sa isang upuang pang-opisina, at sa tingin ko, hahanap-hanapin ko ito pagdating ng pasukan. Nasanay na rin ako sa paghalumbaba sa harap ng monitor ng computer na ginagamit ko habang iniisip kung ano ba ang problema ng ginagawa kong trabaho. Kayang kaya ko na rin labanan ang aking puyat at antok sa loob ng walong oras nang pagtatrabaho o "pagtatrabaho".
Nakasanayan ko na rin ang boses ng mga taong nakapaligid sa akin dito, at kahit na hindi sa akin ibinabato ang mga salitang inuusal sa aking paligid,
hahanap hanapin ko pa rin ang mga salitang nagpaikut-ikot sa aking mga tenga
at ang mga boses na dalawang daan at animnapu't dalawang oras ko nakasama.
Nakasanayan ko na rin ang boses ng mga taong nakapaligid sa akin dito, at kahit na hindi sa akin ibinabato ang mga salitang inuusal sa aking paligid,
hahanap hanapin ko pa rin ang mga salitang nagpaikut-ikot sa aking mga tenga
at ang mga boses na dalawang daan at animnapu't dalawang oras ko nakasama.
10 comments:
Hehehehe. May mamimiss ka lang e. :D
DN: Hmp.
in denial pa siya DN!
Ahaha!!! pwede namang balikan eh kung may namimiss hehe!! :P
Ahaha!!! pwede namang balikan eh kung may namimiss hehe!! :P
Ano ba pinagkakaisahan niyo ako a! Haha
eh kung mahal mo dba. bakit hindi mo subukan!
Jin: There are some things that cannot be traversed no matter what.
wala namang mawawala pag susubukan.
Jin: Hindi ako naniniwala dyan. Tuwing may susubukan ka, you are risking something.
Post a Comment