Tuesday, July 7, 2009

Mga Tanong na Paulit-ulit na Tinatanong ng Isang Mag-aaral

Hindi ko talaga gets ang mga inaral ko dito sa Ateneo. Sayang sa units!

Alam mo yun? Kasi ang dami-daming required subjects dito sa school na hindi ko alam kung paano ko i-aapply bilang isang Computer Science undergraduate. Hindi ko rin alam kung papaano ko ito magagamit bilang isang degree holder ng nasabing kurso (sana, by next year po). Alam mo yun? Anong gagawin ko sa labindalawang units sa kung anu-anong klase sa theology? Hindi ko naman sinasabing buwagin na sa core curriculum ang theology, pero kailangan ba talagang apat na subject ang required? Dahil ba isang Jesuit institution ang Ateneo kaya kailangan dumadagundong na labindalawang units ang kailangan para magtapos sa kahit na anong kurso? Pati na rin ang philosophy. Kailangan rin bang lumalagitik na labindalawang units rin ang kailangan? Gusto ko naman ang philosophy, yun nga lang, parang paulit-ulit ata ang mga inaaral. At ang mahirap pa, kahit na anong pagsusunog ng kilay o pamimiga ng utak ang gawin mo sa pag-aaral, C lang ang makukuha mo sa orals. O baka naman hindi lang talaga ako magaling magtawid ng aking mga saloobin kaya ganun? Ang bitter. Ang bitter talaga. Ayos lang sa akin kung ipapatapon niyo ako sa isang far, far away place, o kaya nama'y ipababaril sa isang firing squad sa kung saang lupalop ng Quezon City.

Wala lang. Wala lang yata ako mapost kaya ganito. Nakakainis lang pati ang mga professor na aalis ng bansa at iiwan kayo ng dalawang linggo. Pero hindi ako galit, naiinis lang. Tumatambak na rin kasi ang mga kailangan kong gawin, at nagpapalala pa sa lahat ng ito ang thesis.

Hay, thesis. Sino bang nakaimbento sa iyo?

5 comments:

Jinjiruks said...

nde ka na nasanay dude. strategy lang yan ng bawat school para malaki ang kita nila na kung sa tutuusin eh mga 2 years lang dapat ang gugulin para makapag tapos ka. biruin mo trigonometry, calculus at mga social science. anu kinalaman niyan sa computer science

Zweihander said...

Jin: Ano ka ba Jin, malaki ang foundation ng CS sa math. Marami siyang practical slash theoretical applications sa field natin.

Yung Social Sciences lang talaga ang problema. Hay nako, ang mahal mahal kaya ng isang subject sa Ateneo. Shiyet.

Anonymous said...

hello... hapi blogging... have a nice day! just visiting here....

PH-Commute said...

Hi! Totally agree with your post. I'm a Computer Science graduate from DLSU (hehe the enemy) and I also underwent 12 units of religion. To be fair, minsan may natutunan naman ako, pero kahit ngayong nagtratrabaho na ako, hindi ko pa rin mahanapan ng silbi ung marami sa mga inaral ko noong kolehiyo.

Btw, maraming salamat po sa paglink sa site namin (PH-Commute)! We really appreciate your support. :)

hxero said...

Actually for me nagagamit ko namn ang theology at philisophy kahit engineering course ko... Atenean din ako so napagdaanan ko mga subjects na yan hehehe... cguro dahil sa mga subjects na yan mas naging patient ako at mas naiintindihan ko kapwa ko... iniintindi ko muna mga pinagdadaanan...