Tuesday, November 28, 2006

Torn (t[=o]rn); p. p. of Tear (t[^a]r), v.

- to seperate by violence
- to pull apart by force
- to sunder
- to separate by violence
- to sunder
- to separate by violence
- to pull apart by force
- to remove by force
- to sunder
- to separate by violence

[exerpts mula kay Best Buy, ang inyong friendly talking size x]

Ang daya. Bakit ako palagi yung nagaganyan?
Ayaw ko na sa mga tao. Well wag naman siguro LAHAT.
Lalo na dun sa mga nanggaganito, sadya o hindi sinasadya.

Kung isa ka sa mga nananadya:
Tama na please. Sobrang insecure na ulit ako after a period of confidence. Dati, nandun lang ako sa malamig na display shelf ng National Bookstore sa Katipunan, until nakita mo ako at binili. I was so proud dahil amidst the pile, pinili mo pa talaga ako eh hindi naman ako yung nasa tuktok. Tama na, ha? Be human, please lang. Ilang beses ko nang nilunok ang pride ko, kung meron man ako. Masakit naman kasing punitin eh, lalo pa kung alam mong may malice. Triple ang pain ko nun no.

Hindi mo ba sinasadya?
Sorry to say this, but manhid ka. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko kasi wala akong magawa about it. There are a few times na nagkakaroon ng kaunting glimmer of hope, pero it extinguishes right away. Akala mo okay na, hindi pa pala. Well hindi naman kita sinisisi kasi hindi mo nga sinasadya ang pagpunit sa aking white papery surface with purple horizontal lines for your writing aid. Well at least wala na yung painful intentions, but still masakit pa rin. Hindi ka kasi nag-iingat eh. Hindi mo ako iniingatan dahil hindi ako mahalaga para sa iyo, pero mahalaga ka para sa akin.

Naiinis ako sa sarili ko kasi ilang beses na akong nagkaganyan.
Naiinis ako dahil lagi na lang ganyan at wala akong magawa.
I am too afraid to do something to change the way things are.
So please, do something and change it.
Well, hello? Papel lang ako.
Hindi yan para sa akin, pero para yan sayo.

Hindi yan para sa akin, para yan sayo.
Hindi para sa akin, para sayo.
Hindi sa akin, para sayo.
Hindi akin, sayo.
Sayo.
Sayo na.
Sayo na, hindi akin.
Sayo na, hindi para sa akin.
Sayo na lahat, dahil hindi yan para sa akin.
Sayo na lahat, hindi para sa akin.
Sayo lahat, hindi sa akin.
Sayo lahat, hindi akin.
Sayo lahat.
Lahat.
Lahat na.
Lahat ng ginawa.
Lahat ng ginawa ko.
Lahat ng ginawa ko para sayo.
Lahat ng ginawa ko para sayo, tinapon mo.
Lahat ng ginawa ko, tinapon mo.
Ginawa ko, tinapon mo.
Ako, tinapon mo.

Sana, tinapon mo na lang ako at hindi na pinunit-punit pa. Maaari pa akong ma-recycle kung ganun.
Maaari pa sana akong maging paper airplane na lilipad sa himpapawid.
Well, sana lang yun eh.
Hanggang sana na lang ang lahat.
It's written all over me.
I'm still Best Buy, your friendly talking size x kahit anong mangyari.




Kainis yung couple sa Timezone kanina. Sinira ang emo moment ko.

1 comment:

Hana said...

ano bang gnawa ng couple knina? Dapat sinabi mo... "excuse me, nagpapaka-emo ako ngayon. Fyuken just leave me alone" XD ahaha