One day you recieve a memo from somewhere na mawawalan ng tubig in your area for just one day. But stupid complications arise, low water levels, weak water pressure, thus extending your waterless agony for THREE DAYS.
Here are a few tips kung paano manatiling kaaya-aya ang iyong surroundings:
1. Pagkatanggap ng memo, MAG-IPON na ng tubig sa mga container. Kung wala kayong container, uhm.. be creative! Mga bote, lata ng sardinas, baso mo, baso niya, tabo, lababong nakaplug ang drain, bathtub etc. Kung wala talaga, well too bad.
2. So ayan, may nakaimbak na kayong malinis na tubig. Gagamitin niyo lang yan sa paghuhugas ng plato, pangligo, pangsipilyo and stuff. Yung mga OBVIOUS uses for clean water naman. Unless kaya mong maligo sa pinaghugasan ng pinggan, then go..
3. Dahil walang tubig, huwag maglaba. DUH.
4. Huwag rin magdidilig. Ang ipangdilig niyo eh yung pinaghugasan ng bigas. Kung marami kayong plants, maghugas kayo ng maraming bigas. Simple.
5. Use the toilet for anus-related purposes only. Yung pangbuhos, well, used recycled water.
6. ANO ANG RECYCLED WATER?! [panics] Yung pinaghugasan ng plato, yung dinura mo nung nagtoothbrush ka, yung pinangligo mo kanina.. Oo nga pala, maligo ka sa planggana para masahod yung pinagliguan mo. Pangbuhos rin yan kapag nangailangan ang rectum mo no.
7. So bawal umihi sa toilet, saan pwede? Kung babae ka, sa drain ng shower. Well sorry, walang tubig eh! Isang tabong recycled water lang, good to go na yan! Kung lalaki ka naman, kahit saan, wag lang sa toilet. Bawal nga gamitin eh ano ba?!
8. Don't sweat! Reserve the water sa mga event na may lakad ka at kailangan talaga maligo. Unless pwede ipangligo ang pawis mo, eh di go! Hihingi pa nga ako niyan eh. Onga pala, makuntento for the meanwhile sa "punas-on-the-go!"
9. Kapag umulan, drop everything and rush to your banyos! Kailangan ang mga timba para isahod sa ulan. Well, water is water at times of desperation, you know?
10. Maging alcoholic for the mean time. Alcohol as in yung disinfectant ha.
11. Kapag nagtagal ang water shortage, sue your local government. Magwelga sa harap ng mga tanggapan at magdasal na sana bombahin kayo ng fire brigade ng tubig. Instant ligo!
12. O kaya, magswimming ka. Malas mo na lang kung maabutan mong brown ang tubig dahil nagswimming rin yung iba.
Always remember to make tipid the water ha!
Enjoy!
Sunday, November 26, 2006
Walang tubig!
The brave steel of Anonymous hacked valiantly through the battlefield last 9:02 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment