Ang gulu-gulo ng nasa isipan ko ngayon. Ang gulu-gulo ng iniisip ng isipan ko ngayon. Ang gulu-gulo ng gulo na iniisip ng isipan ko ngayon. Basta, ang gulu-gulo talaga.
Alam mo yung may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo alam kung ano ang sasabihin niya sayo kaya hindi mo masabi yung gusto mong sabihin doon sa taong may gusto ka sanang sabihin? Ang gulu-gulo diba? Bakit kasi hindi pa naiibento ang wonder aparato na kung saan may lalabas na thumbs up sa noo ng taong may gusto kang sabihin kapag wala ka naman dapat ikatakot at ikabahala na sabihin ang gusto mong sabihin sa taong may gusto ka sanang sabihin. Hindi ko sinasadyang guluhin ang magulo nang post na ito dahil ang gulu-gulo lang talaga ng lahat. Ito ako, nakaupo sa kama ko sa kadiliman ng aking kwarto, tanging ang laptop ko lamang ang nagsisilbing ilaw, pero kahit ang ingay lang ng bentilador at ang mahinang pagratrat ng mga keys sa keyboard ang aking naririnig, gulung-gulo pa rin kasi ang utak ko. Sobrang gulung-gulo na. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil may pasok na bukas o baka naman dahil inaantok na ako't heto akong pilit pinipigilan ang isang bagay na dapat hindi pinipigil kahit kailan, maliban na lamang siguro sa kung saan mang lugar o panahon na ayaw ko nang isipin dahil makagugulo lang talaga ito sa kaguluhang nagaganap sa magulo kong isip. Parang ang dami ko kasing kailangan gawin at ang dami dami ko pang gustong gawin, pero Linggo na lang ang natitirang araw para magawa ko lahat ng kailangan at gusto kong gawin. Nakadadagdag ito sa kaguluhan ng magulo kong isip kasi nga may gusto akong itanong sa isang tao ngunit hindi ko naman maitanong dahil hindi ko maisip kung paano ko ito itatanong dahil gulung-gulo ang aking isip. Kasi baka mamaya kapag tinanong ko sa taong may gusto akong itanong ngunit hindi ko matanong dahil naguguluhan talaga ako ang tanong na gusto kong itanong, baka kung ano na ang kaniyang maging reaksyon at dahil doon, lalo pang maguluhan ang magulo kong isip. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsususulat ko rito, kasi nga gulung-gulo na talaga ako sa gagawin ko. Yun bang parang hindi na ako makatulog nang mahimbing sa kakaisip kung paano ba ang gagawin ko para maitanong ko na ang tanong na gusto kong itanong sa taong may gusto akong itanong. Kasi sa tingin ko, maguguluhan lang siya sa tanong na itatanong ko kaya't gulung-gulo na talaga ako't hindi makapili kung ano ang kailangan kong gawin para maitanong ko ang tanong na gusto kong itanong nang matiwasay at walang nangyayaring kung ano mang peligrong dadagdag sa kaguluhang sinasapit ng magulo kong isip.
Ano ba yung gusto kong itanong?
Yun nga eh. Sa gulo ng magulo kong isip, hindi ko na maisip kung ano nga ba ang gusto kong itanong sa taong may gusto sana akong sabihin at itanong.
Sino ba kasi yang gusto kong sabihan at tanungan?
Yun nga eh.

4 comments:
hayaan mo maiimbento rin ang ganyan na makikita ng iba ang iniisip mo para hindi mo na kailangan sabihin.
Nagulo neurons ko dun man!! Haha!!
Tanong lang ng Tanong
ASK and you shall RECEIVE! HAHA!!! ;)
Jin: Ay nako sana lang maimbento na yan bukas.
Homer: Buti nga nagulo lang neurons mo tol, ako na-coma ang karamihan. Kapag nakita ko na siya, I will. Wala lang kasing tiyempo e
minsan sa buhay natin darating yung time na kinakailangan natin manahimik sandali.. tumigil sa pagsabay sa agos ng buhay para makapag-isip ng tama.. mawala ang mga agam-agam sa buhay kasama na ang kung ano mang mga problema, in that way, maliliwanagan tayo sa kung ano mang gusto nating isipin, gawin at mangyayari..
we all go through that phase sa buhay natin once in a while.. i wouldnt say its normal.. pero most of the time it helps..
Post a Comment