Showing posts with label Dahil Hindi Ko Maayos ang Aking Saloobin Kaya Ayan Parang Isang Malaking Chunk of Osterized Material. Show all posts
Showing posts with label Dahil Hindi Ko Maayos ang Aking Saloobin Kaya Ayan Parang Isang Malaking Chunk of Osterized Material. Show all posts

Sunday, June 14, 2009

Magulo

Ang gulu-gulo ng nasa isipan ko ngayon. Ang gulu-gulo ng iniisip ng isipan ko ngayon. Ang gulu-gulo ng gulo na iniisip ng isipan ko ngayon. Basta, ang gulu-gulo talaga.

Alam mo yung may gusto kang sabihin sa isang tao pero hindi mo alam kung ano ang sasabihin niya sayo kaya hindi mo masabi yung gusto mong sabihin doon sa taong may gusto ka sanang sabihin? Ang gulu-gulo diba? Bakit kasi hindi pa naiibento ang wonder aparato na kung saan may lalabas na thumbs up sa noo ng taong may gusto kang sabihin kapag wala ka naman dapat ikatakot at ikabahala na sabihin ang gusto mong sabihin sa taong may gusto ka sanang sabihin. Hindi ko sinasadyang guluhin ang magulo nang post na ito dahil ang gulu-gulo lang talaga ng lahat. Ito ako, nakaupo sa kama ko sa kadiliman ng aking kwarto, tanging ang laptop ko lamang ang nagsisilbing ilaw, pero kahit ang ingay lang ng bentilador at ang mahinang pagratrat ng mga keys sa keyboard ang aking naririnig, gulung-gulo pa rin kasi ang utak ko. Sobrang gulung-gulo na. Hindi ko alam kung ito ba ay dahil may pasok na bukas o baka naman dahil inaantok na ako't heto akong pilit pinipigilan ang isang bagay na dapat hindi pinipigil kahit kailan, maliban na lamang siguro sa kung saan mang lugar o panahon na ayaw ko nang isipin dahil makagugulo lang talaga ito sa kaguluhang nagaganap sa magulo kong isip. Parang ang dami ko kasing kailangan gawin at ang dami dami ko pang gustong gawin, pero Linggo na lang ang natitirang araw para magawa ko lahat ng kailangan at gusto kong gawin. Nakadadagdag ito sa kaguluhan ng magulo kong isip kasi nga may gusto akong itanong sa isang tao ngunit hindi ko naman maitanong dahil hindi ko maisip kung paano ko ito itatanong dahil gulung-gulo ang aking isip. Kasi baka mamaya kapag tinanong ko sa taong may gusto akong itanong ngunit hindi ko matanong dahil naguguluhan talaga ako ang tanong na gusto kong itanong, baka kung ano na ang kaniyang maging reaksyon at dahil doon, lalo pang maguluhan ang magulo kong isip. Hindi ko na maintindihan ang mga pinagsususulat ko rito, kasi nga gulung-gulo na talaga ako sa gagawin ko. Yun bang parang hindi na ako makatulog nang mahimbing sa kakaisip kung paano ba ang gagawin ko para maitanong ko na ang tanong na gusto kong itanong sa taong may gusto akong itanong. Kasi sa tingin ko, maguguluhan lang siya sa tanong na itatanong ko kaya't gulung-gulo na talaga ako't hindi makapili kung ano ang kailangan kong gawin para maitanong ko ang tanong na gusto kong itanong nang matiwasay at walang nangyayaring kung ano mang peligrong dadagdag sa kaguluhang sinasapit ng magulo kong isip.


Ano ba yung gusto kong itanong?

Yun nga eh. Sa gulo ng magulo kong isip, hindi ko na maisip kung ano nga ba ang gusto kong itanong sa taong may gusto sana akong sabihin at itanong.


Sino ba kasi yang gusto kong sabihan at tanungan?

Yun nga eh.

Monday, April 27, 2009

Three Hundred Minus Four

Sampung minuto pa lang noong sinamahan ako ni Miss Tina sa aking magiging work area for an indefinite period of time, naramdaman ko nang nag-activate ang Petiks Mode. Tapos na ang pagiging bum. Tapos na ang buhay sa bahay habang ang lahat ng mga kaibigan mo ay nagsisimula na sa kanya-kanyang mga OJT. Oras nang magpapetiks-petiks ulit kaya't muli kong nalasap ang Petiks Mode.

Hanggang ngayon wala pang pinapagawa sa akin si Lloyd, yung person na pinaubaya ni Miss Tina para magbigay sa akin ng trabaho. Mukhang busing-busy kasi siya at ilang beses niya rin nabanggit na wala talaga siyang maibigay na trabaho sa akin, so ito, bagot na bagot na ako at gusto ko nang mag 5:05pm. Medyo nalate kasi kami kanina dahil kailangan ko pang magbihis sa Mcdo sa tabi ng One World Square. So kumusta naman ako? Well ito, buhay pa kahit papaano. Nakakabaliw kung gaano katahimik sa sobrang laking office na ito. Nakakabingi na ang monotonous humming ng sobrang lamig na aircon. Kung hindi iyon ang maririnig mo, paminsan-minsan may mga yabag na lalagpas sa iyo habang may pumipindot ng backspace doon sa kabilang mesa. I looked forward in seeing the long and short hands of the wall clock hanging about 10 meters away from me to align at 12, pero sabi sa akin ni Amboy mga 12:30pm raw sila kumakain kasi masyado raw maraming tao kapag eksaktong 12. Nung mga 12:15pm, inaya ako ni Lloyd kumain pero sabi ko sa kanya thanks, hintayin ko na lang sina Raf at Amboy. Yun ata yung sinasabi nilang "business friendly". The whole time kasi focused na focused si Lloyd sa tables sa kanyang laptop.

Grabe. Mukhang kailangan talaga noong Scope of Work na binigay ko kay Miss Tina kanina. Sana talaga bigyan kami ng project para naman hindi kami parang mga tuod dito na panakaw-nakaw ng tulog. Patuka-tuka dahil hindi na mapigilan, papikit-pikit sa maliwanag na ilaw at nagluluha nang mga mata sa antok, at pasulyap-sulyap kung may pagkakataon bang matulog kahit 47 seconds lang.

Nag-aaral na lang ako ng basic PHP para naman maging productive kahit papaano ang unang araw ko dito sa 3M. Nakatulog na nga ako actually dahil sa sobrang wala akong ginagawa. Ngayon lang ako nainis na wala akong ginagawa. Bukod sa pag-aaral ng basic PHP (na nag-a-allow pala na makapag-embed ka code and function sa loob ng HTML, sorry naman hindi ko yun alam), ginamit ko ang Blackle upang makapagtipid ng kuryente para kay Mother Earth at inilagay ang "How to gain weight". Mukhang kailangan ko atang mag-resistance training ng at least 30 minutes a day at kumain ng over 2,300 healthy calories para maabot ang ideal weight kong 160 lbs. At wow, ngayon ko lang rin nalaman na hindi pala ako 50 lbs underweight, 30 lbs lang pala. Bigla tuloy akong namotivate ituloy ang workout routine ni Scooby. Pero ang sabi, ang cardio exercises raw ay to lose fat, pero gusto ko siyang gawin para tumaas ang aking stamina at resistensiya. Mukhang wala na nga talaga akong gagawing office-related today kasi may meeting ngayon si Lloyd and guess what, 5:00pm ito matatapos. So, may ipapagawa kaya siya sa akin in 5 minutes? Tingnan natin. Babalik na muna ako sa aking Hyper Petiks Mode Overdrive na nag-activate noong nagsialisan ang mga big boys and girls (literally yung isang girl) dahil may meeting sila na ayon kina Raf at Amboy, halos araw-araw daw.

Wednesday, April 22, 2009

Desperate Measures [Act VI]

Oh come on. Over thirty companies na ata ang pinasahan ko ng requirements para sa Internship. God. Last week na ng April next week, and hanggang ngayon, wala pa rin akong trabaho. I need to render 300 hours and less than 7 weeks na lang ang natitira for me to complete it. Impossible? Almost. Kailangan kong mag-overtime everyday, given the fact na pwede sa company ang mag-overtime. Fuck the working world. Hindi ko maintindihan kung bakit lahat ng kablock ko ay nagtatrabaho na somewhere in the Earth, kaya may karapatan silang ipagmayabang ang kanilang first day or ang kanilang pagod sa kani-kaniyang Y!M status. Putang ina niyo, kung hindi niyo alam yun.

At I'm pissed off on the people who would set an appointment and then wouldn't show up. I mean come on! Hindi mo ba alam kung gaano ko kailangan yung interview na yun? At least in some invisible way, gumagaan yung loob ko kasi nakikita kong may ginagawa ako. Damn. Damn it all. Nakakainis si Tina Roxas dahil bukod sa spam napunta ang email niyang sinusummon ako sa 3M kaninang alas-otso ng umaga, hindi siya sumipot. Naghintay ako ng mahigit sa isang oras sa malamig nilang lobby habang pawisan na ang likod ko sa init ng long sleeves ko at sa layo ng nilakad namin dahil napakalost ng McKinley Hill. Nairita rin ako kung bakit nauuna ang one at two sa three dahil kailangan naming daanan ang One World Square at Two World Square dahil sa Three World Square ang office ng 3M. Twice na ito nangyari sa akin ha. Twice considering na tatlo out of the over thirty pa lang ang nagreply sa aking distress calls para sa interview. Leche. Leche flan at pastillas de leche.

Finollow-up ko na yung KFC and Mister Donut Philippines na yan. Pero hay nako walang reply. Nakakaiyak na nakakainis na nakakastress na nakakawalang gana na. What a feeling. Hindi ko na talaga ma-enjoy ang pagka-walang-pasok ko dahil sa kailalim-laliman ng aking cerebral cortex or what's left of it, nananatili pa ring 300 hours ang aking requirement samantalang 260 less na ang sa iba. Huwag mo akong pagalitan na huwag i-compare ang sarili sa iba, fuck you. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit sa akin kailangan mangyari na dalawang interview ang kailangan kong mamiss dahil hindi sumipot si Mr. X o si Ms. Y, at kung magkakaroon man ako ng trabaho, kailangan kong lunukin ang pride ko big time. Isipin mo na lang na hollow block ang nilulunok ni Narda tuwing tatawagin niya si Darna.

Fuck my life. Taste victory, swallow defeat. Ganyan naman ata ang buhay ko.

Saturday, April 4, 2009

Si Nicole

Maganda si Nicole. Maputi, matangos ang ilong, mahaba at mabango ang buhok, mahinhin ngunit paminsan-minsan, napapausal ng mura. Kaklase ko si Nicole sa Ph101 at Ph102 ni Mariano. Ikinuwento ko kay Lucky na crush ko si Nicole, at sa ikinagulat ko, kilala pala niya si Nico. Hindi naman ako kilig to the bones. Hindi ko rin hiningi ang ID niya sa Y!M o kaya ang number niya mula kay Lucky. Hindi ko alam. Siguro hindi ko pa siya sobrang crush noon, o kung crush na crush ko na talaga siya, baka dahil gusto ko na ako ang humingi ng contacts niya mula sa kanya mismo. Parang bang walang nilaga kung walang tiyaga. Type ko si Nicole, pero dahil sa napakagaling kong ugali, lumipas ang isang semestre na wala akong ginagawa. Nakuntento na lang ako sa mga nakaw na silip sa kanyang magandang mukha sa sulok ng aking paningin na si Mariano ang bida. Wala akong magagawa, alangan namang titigan ko siya palagi. Dalawa ang tiyak kong mangyayari: una, pagagalitan ako ni Mike (close kami, kayo hindi) at pagmumukhaing isang malaking hunghang ang kanyang estudyanteng gusto ata tanungin kung available ba ang isa pa niyang estudyante, at pangalawa, matatakot si Nicole sa akin katulad na lang ng pagkatakot ng isang mayuming dalaga sa isang lumilipad na ipis. Hindi halaman si Nicole kaya wala siyang stalk-er. Wehe ang korni.

Kaya nagulat na lang ako sa pagkakataon noong nakalipas na semestre dahil inilapit ni Mike ang upuan ko sa upuan ni Nicole. Sabi nga ni Garde, chance ko na ito para mas makilala si Nicole. Ngunit ang problema, may nakaupo sa gitna namin ni Nicole, si Paolo Duay, at sa kasamaan o kabutihang palad, siya ang mas nakilala ko. Transferee student siya mula sa Ateneo de Davao, at graduating na siya ngayong taon na ito. Kalbo at balbas sarado, magkaibang-magkaiba sila ni Nicole na maganda at mabango sa aking mga mata at ilong. Si Paolo kasi, sobrang maton ang itsura at palaging amoy yosi na pilit itinatago sa Clorets ang amoy. Buti pa si Nicole, amoy pabango ng babae at Doublemint. Pero hindi ko sinasabi na ayaw ko kay Paolo. Ayos nga siyang kausap eh. Hanga rin ako sa mga suot ni Paolo. Lagi siyang naka tight-fit shirt at tight jeans. Kaya tuloy, laging bakat ang kanyang tiyan at ang kanyang kuwan, hita. Ang bastos mo naman.

Lumipas ang semestre, at naunang natapos sa kurso si Paolo. Bakante na ang kanyang upuan ng isang buwan. Lumipat ako sa upuan niya para makatabi si Nicole, at sa malaking ikinagulat ko, kebs si Mike na sobrang maarte sa kanyang seat plan. Siguro dahil nakita niyang wala na akong katabi, at siguro dahil nakita niyang type ko si Nicole. Well siguro yung nauna kasi hindi ko naman ipinapakitang type ko si Nicole. Torpe ako eh. Siguro psychic si Mike dahil sa isang group activity, magkasama kami ni Nicole sa isang grupo. At doon ko nalaman ang Y!M ID ni Nicole, at noong lumaon, ang kanyang numero sa selepono. Pero gaya ng inaasahan sa lahat ng relasyong classmate-classmate, school lang ang silbi ng pagpapalitang iyon.

Pero ayos lang sa akin, dahil naging kaibigan ko na si Nicole. Sa hindi malamang dahilan, nawala na ang pagnanais kong makilala siya sa isang napakalalim na nibel.



Nicole rin ang pangalan ng aso nina EJ. Nakakatuwa ang aso nila na iyon kasi ang hilig matulog sa hita ng tao. Nung minsan na nagpunta ako kina EJ para gumawa ng project sa CS110, tumalon sa hita ko si Nicole at doon pumuwesto ng tulog. Nakakatuwa. Ang init ng katawan niya kaya ang sarap niyang kalungin. Nawawala ang pagod at ang pagkasabaw ng utak ko sa bawat paghipo at paghimas ko sa amoy asong katawan ni Nicole. Ang cute cute niya kasi, at ang init pa niya. Naaalala ko pa ang longganisa factory ni Nicole na bigla na lang gagawa ng isang mahabang-mahabang longganisang dyebs na iiwan niya sa sahig ng bahay nina EJ. Nakakatuwang panoorin siyang pumupu habang pinagagalitan ni EJ dahil kalilinis lang niya ng sahig nila.

Wednesday, January 21, 2009

22 Resumes Printed

From the top of my head (well not really since tiningnan ko ang listahan ng participants), ito na ata ang mga companies na binigyan ko ng aking resume:
  1. e-PLDT, Inc.
  2. Incuventure Partners Corporation
  3. Integreon Managed Solution
  4. Canon Information Technology
  5. GlaxoSmithKline
  6. Nestle Philippines
  7. Unilever
  8. P&G
  9. Soluziona
  10. Abba Global System
  11. Azeus Systems Philippines
  12. Chikka Asia, Inc.
  13. Smart Communications, Inc.
  14. Globe Telecom
And meron din daw IT related practicum ang L'Oreal Philippines. Doubtful ano?

Pero I'm too lazy to write a something about these companies. Basta I'm hoping that I get to enter Chikka as an intern dahil ayon sa mga upperclassmen, masaya doon dahil mababait ang mga tao and stuff. Same lobby pero different tower ang office ng Azeus, na mukhang maraming maaaring matutunan. Interesting ano? And weirdly enough, ayaw kong mapunta sa Smart or sa Globe or anywhere else na sobrang big-time corporate IT ang field dahil parang nakakapressure ang competition and stuff. Besides, feeling ko eh hindi ako magiging successful sa field na yan dahil, well, basta. Tapos yung Abba, no offense, pero parang hindi sobrang credible or something. Hindi ko alam. There must have been something in their booth that made me feel a little bit confused. Please, correct me if I'm horribly wrong.

Ayan. Kakatapos lang magprint ng 10 ko pang resume. More companies await my resume tomorrow.

Monday, December 15, 2008

Wala Akong Ma-post

Grabe. Punung-puno na nag ideas ang utak ko ngayon, pero hindi ko mailabas ng tama. Lagi na lang kasi akong feeling pagod pagdating ko ng bahay. Hindi ko ma-channel ang aking energies into something productive. Well, baka naman talagang ubos na ang energies ko for the day kaya wala na akong ma-channel na kahit na ano kahit gustuhin ko. Ang dami talagang ideas na nasa utak ko. Ang daming kong pwedeng ma-blog ukol sa last insertion ko sa Robinsons Marikina. Ang dami kong naging bagong kaibigan doon. Ang dami kong napakinggan na iba't ibang mga storya sa iba't ibang mga tao. Ang iba, bukas na bukas at parang gripo kung magkwento. Ang iba naman, tila kailangan pang pihitin ng unti-unti para lang dumaloy ang usapan. Ang dami na ring nangyari sa akin sa loob nang isang linggo, kung alam niyo yung ibig kong sabihin. Napatunayan ko sa aking sarili na kaya kong gawin ang mga bagay na inakala kong hindi ko talaga kayang gawin. Kaya nga it's so amazing talaga. Pasensya na, hindi ko lang talaga ma-organize yung mga thoughts ko ng maayos. Masyado kasing sabug-sabog at makalat. Ang dami kong gustong gawin, ang dami kong iniisip, at ang dami kong pinagdadaanan ngayon. Lagi naman ganoon, e. Lagi na lang akong umuuwi sa bahay na ramdam na ramdam ang pagod dahil sa nakakasabaw na araw sa school. Yung tipong kung pwede lang kabitan ng USB cable ang utak ko para pwede akong mag-blog habang nagpapahinga yung katawan ko. Oo nga ano! Umimbento kaya ako ng ganoon? Siguro yayaman ako, mas mayaman pa kay Bill Gates. Tapos kung mas mayaman na ako sa kanya, ipapa-assassinate ko siya tapos babayaran ng limpak-limpak na salapi kung sino man ang mag-aakusa sa akin sa murder ni Bill Gates. Hay nako grabe ang sabaw ng utak ko ngayon. Mas soupy pa sa Soupysnax.

Pero kahit gaano kapagod ang katawan ko,
Kahit gaano kasabaw ang utak ko,

Kahit papaano, masasabi kong masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon.


Sinong nagsabing malamig ang December? Lagnatin ka lang, siguradong iinit ang iyong malalamig na gabi. Odiba, ang practical?