Thursday, August 27, 2009

Masaya? (After Theology)

Yeah, medyo sabaw ang utak ko ngayon. Kakabasa ko lang kasi ng Chapter 3 ng theology book namin. "The Peaceful Sea" ang title. Sa loob ng dalawampung pahina ng maliliit na letra, isa lang ang tumatak sa isip ko: to be Christian is to be happy, o parang ganun na nga. Hindi photographic ang aking memorya, kaya patawad.

Ayon sa may akda ng libro na kinaiinisan ko dahil kung hindi niya isinulat ang libro niya, wala kaming babasahin para sa theo at wala kaming quiz bukas ukol dito, kailangan raw ipanganak, magbunyi, maghirap, mamatay, at muling mabuhay para makamit ang tunay na kaligayahan -- yun bang bukal sa pinakaloob ng isang tao at yun bang kaligayahang nag-uumapaw at bumabahagi sa lahat ng nakapaligid. Siyempre, dahil theology ang pinag-uusapan, para makamit ang tunay na kaligayahan, dapat buong tapang nating harapin ang tawag ng kaligayahang ito. Natatakot raw kasi tayo na mahirapan at mamatay dahil masyado na raw tayong kampante sa kung anong mayroon tayo sa ngayon. At siyempre naman, sino nga bang gustong mahirapan at mamatay, hindi ba? (At by the way, yan ang sinasabi ko sa lahat ng mga required readings ko sa Ateneo; apparently hindi ako mahilig magbasa ng mga scholarly articles)

At sabi rin sa akdang iyon, lahat ng tao ay ginawa upang tanggapin ang kaligayahan mula sa itaas. Hindi natin kayang alisin ito bilang mga tao, ngunit may kakayahan tayong talikuran ang tawag na ito at manatiling malungkot at walang pakiramdam sa buhay.


So, is religion the opium of the people?

No comments: