Paminsan, hindi mo na alam kung magagawa mo bang sabihing masaya ka miski na napapalibutan ka ng mga kaibigan mong hindi. Tatanungin ka nila kung kumusta ka, at sasabihin mong masaya ka na. Kadalasan, sasabihin nilang
you deserve it. i'm so happy for you
o kaya nama'y
i'm happy for your happiness.
Pero alam mong hindi sila masaya dahil may mga bagay na bumabagabag sa kanila. Hindi ko alam kung tama bang maging masaya kahit na ang mga kaibigan mo ay hindi. Parang mali kasing isipin na nasa itaas ako't tumitingin pababa sa kanila. Hindi ko alam, baka mamaya'y pinalalaki ko lang itong nararamdaman ko. Simula nang maging kami, bigla kong nakita ang nakakalungkot na sitwasyon ng aking mga kaibigan. Marahil nagkataon lamang na ganito, o kaya nama'y sila'y matagal nang ganito at hindi ko lang ito "nakikita" dahil pareho lang kami ng lenteng tinitingnan sa buhay. Pare-pareho lang kaming malungkot, at masyado kaming makasarili't patuloy na itinutubog ang aming mga sarili sa putikang iyon. Masyado lang sigurong mataas ang pagtingin at paghanga ko sa mga kaibigan ko dahil sa mukha ng matinding kalungkutan, nagagawa pa nilang magpasaya at gumuhit ng mga ngiti sa mga mukha ng ibang tao.
Kung sakit na pwedeng mahawa lang sana ang kasiyahan, para naman sa wakas, ako naman ang makapagsabi nang you deserve it, I'm so happy for you.

3 comments:
hayz. ako zwei masaya talaga ako para sa iyo. siguro nasasabi ko ito dahil hindi pa tayo ganun kalalim ang pagkakaibigan. pero ako kasi mas gusto ko na masaya ang aking mga kaibigan bago ako.
mahirap din kasing maging masaya lalo at you dont know what will make you happy.. ams lalo if u dotn even know what happiness means..
Jin: Ako rin naman. That's why I get bothered sometimes. : (
Ate Yanah: The very least, I can say that I'm happy. Sana ikaw rin. : )
Post a Comment