Tuesday, January 30, 2007

Assassin Cross part 2

The bad day became worse, so to speak.

Hindi ako na late sa Fil. Himala. As in grabe. Resolution ko yung hindi na malalate again, pero parang hindi ko naman ata nagawa iyon. Nagkaquiz at nasagutan ko naman. Masaya ako dahil hindi ko nabasa masyado yung handout at sa Thursday pa pala kailangan yun.

After Fil, nagpunta kaming Faura. Nakasalubong namin si Ma'am Didith. Nag eye-to-eye contact kami.

"O, kamusta na grades mo?"

Tinanong rin naman niya yung iba eh. Pero after that, tiningnan nya ulit ako.

"E ikaw? Okay naman?"

Obviously, "Opo naman ma'am." ang sinagot ko.

Nakagawa ako ng 4-storey pagoda of cards. That is the highest I've done ever in my 18 years, 7 months, and 2 days of life. Achievement iyon.

Laughtrip naman yung math eh. Lumulubog si Ej sa seat niya. Sayang, hindi na biktima si Amboy kasi pinagpalit ni Ej yung chairs nila after that monumental discovery.

Lakad papuntang terminal mag-isa nang tahimik.

Kumain ng P20.00 worth of fishballs na hindi naman hugis balls at fish nuggets na hindi naman lasang fish. Nasa pack pala ng kikiam yung mga katagang "Fish Nuggets" eh.

Ganun na ata talaga ako kalala eh.

With only 7 weeks to go, I have to slap myself hard.

Hindi ako nawalan ng friend ngayon, so don't worry. Nawawalan lang ako ng tiwala sa sarili.

Bukod sa Assassin Cross, gusto ko rin palang maging Professor, ang transcendent job ng mga Sage.

Bakit?

Dahil sa Memorize at Double Bolt.


Monday, January 29, 2007

Assassin Cross

Gusto kong maging Assassin Cross.

Ang Assassin Cross o sinx (read as sin-ex) ay ang transcendent job ng isang Assassin. Ang mga Thief na nagtiyatiyaga ay nagiging mga Assassin (o kaya Rogue), at kung lalo pang nagtiyaga ang Assassin ay maari siyang maging Assassin Cross. Mahirap maging sinx. Kailangan mo munang maging Lv. 99 Assassin at babalik sa pagiging isang Novice at Thief bago ka maging isang ganap na sinx. Matagal ang hihintayin bago maging sinx ang iyong Assassin, ngunit ang paghihintay na iyon ay worth it.

Long Test namin sa Lit ngayon. Mahirap. Fill in the blanks ang part I tungkol sa 14 poems ng Romantic Period. Kasabay din nitong binalik ni Mr. Acuña yung nakaraang long test namin. Masama. D ako. 13 out of 40 ako sa pesteng fill in the blanks na iyon.

Yakisoba lang ang kinain ko para makatipid. May painag-iipunan kasi ako eh. Pero I considered eating something more cheaper tulad nung Tuna Sandwich nung katabi ng Bento. P20.00 lang eh, may P15.00 savings ako nun. Wow.

Ayos lang naman, dahil tapos na ang aking kalbaryo, for the moment. May darating pa, pero at least naman ngayon, medyo easy-easy na nang kaunti.

Freecut pa yung math. Ang saya. Naglaro pa kami ng O2Mania sa laptop ni Wil at nakatong-its pa ako. Imagine?

Pero, D pala ako sa CS. Akala ko naman yun ang sasalo ng iba kong grades. Yun pala ang sasaluhin ng iba. Yaddah yaddah yaddah.

Binigay ko yung butterfly clip kay Kim. I was happy because she liked it and was very happy. That warmed my frozen heart.

Dati, madalas kong sinasabi sa mga kaklase kong may problema sa academics na ayos lang yan. Tapos, sinabi sa akin ni Garde, isa sa mga pinakamatatalik kong kaibigan, na napakawalang-kuwenta ang mga katagang iyon at hindi dapat sinasabi. Paano nga naman maayos ang problema? Dapat mo itong harapin. Simula nun, ang sinasabi ko na sa aking mga kaibigang nangangailangan ay "Andito lang naman kami, eh" o kaya "Kaya mo yan. Dito lang naman ako eh."

At kanina, naintindihan ko na ng lubos ang sinabi sa akin ni Garde.

Tahimik akong naglakad papunta sa terminal ng UP Toki. Ewan ko kung bakit. Pagbayad ng P7.00 na dapat P6.00 lang dahil isa akong estudyante, sumakay ako sa jeep na iyon at umupo sa may kanang bahagi nito. Mainit kasi sa kaliwa eh. Pagkaupo ko, nilagay ko sa harapan ko ang aking malaking bag at pumikit kasi ang bigat ng mga mata ko.

Tumulo ang luha ko sa kanan kong mata. Buti na lang, nakatakip yung bag ko at walang nakakita o nakapansin.

Pag-uwi ko ng bahay, naramdaman kong kinailangan kong gamitin ang banyo. Ang tagal kong namalagi sa banyo. Tahimik kasi eh. Mabuti para sa magulo kong isipan. Paglabas ko, hindi ako kuntento at bumalik ulit ng sandali sa banyong iyon. Excuse me, that is not poetry in the banyo, by the way.

Hay.

Mahirap maging sinx. Ngunit worth it ang lahat ng hirap dahil malakas ang sinx. Sa aking pagkakaalam, may dalawang build ang sinx: ang sdsinx at critsinx. Ang sandata ng sdsinx ay ang Soul Destroyer, kung saan kapag mababa ang depensa ng kalaban, tiyak na patay ito agad [Soul Destroyer Base Damage = Physical Total Damage + {(SkillLV * Player's INT) * 5} + Random Damage (500 ~ 1000), Final Damage = Soul Destroyer Base Damage / Enemy DEF + Soul Destroyer Base Damage] Karaniwang umaabot ng higit sa 8000 damage ang Soul Destoyer, ngunit para umabot ito ng ganito kalakas, kailangang mataas ang Int ng sdsinx, na hindi pangkaraniwan sa mga natural na talento ng mga Thief class na job. Umaasa naman sa lakas ng katar at critical hits ang critsinx. At para lalo pang mapalakas ang kanyang bawas, gumagawa siya ng Deadly Poison na mahirap likhain. Kapag mali ang paggawa ng Deadly Poison, malaking bawas ang naghihintay sa nagkamali. Ngunit kapag nagtagumpay ang isang critsinx sa paggawa at nailagay na niya ito sa kanyang armas sa pamamagitan ng Enchant Deadly Poison, mag-ingat-ingat ka na.

Bigla na lamang lumilitaw kung saan-saan ang sdsinx at sa isang iglap, patay na ang kalaban at wala na ang sdsinx, samantalang hindi mapantayan ang bilis ng pagsugod at ang kakayahan umiwas sa mga pagsugod nang isang critsinx.

Alamin mo muna kung tunay mo ngang kaibigan ang isang Assassin Cross. Dahil baka mamaya, ikaw ay malason ng isang Deadly Poison Enchanted +10 Double Bloody Critical Jur o naman kaya'y makatanggap ng 12830 damage sa isang iglap.

Baka masira ang iyong buhay sa piling ng isang Assassin Cross.

Ingat lang.

Saturday, January 27, 2007

V = 1.45748 km / hr, A = 0.235526 nm / hr*hr

I studied for the CS Midterms. I think it was just too hard I guess. Or maybe I wasn't trying enough?


I came in at my English class at around 9:50 am. It was good that Ma'am Lulu still accepted me in her class which was just plain boring. I mean, what class in taught English is exciting? Chem? Lit? Math? Oh yes. Math. Oh yeah, my extreme tardiness was just as is, a late. It wasn't a cut. This was especially remarkable because Ma'am Lulu is very strict on attendance and stuff. Well, she is often late in our class anyway.

Lit was, as usual, trapped in the unknown vortex between time and space. The digits of my seatmate's wrist watch took an eternity to change. It was ironic that it was actually enjoyable feeling trapped in this dimension, that after a few revolutions of the ceiling fans, Lit was about to end in 6 minutes.

I tried to rush downstairs as soon as possible. But people also wanted to go downstairs as soon as possible.

I arrived at the cafeteria after a grueling walk in the SEC walkway. Why are there so much people in that stupid walk anyway? And yet again, I do not own that walkway. They can eat it for all I care.

Upon arrival, a dilemma struck me: what the heck am I going to eat? And then, someone was eating something. Instead of ordering the usual Yakimeshi double rice that costs an economically amazing P57.00, I tried that something of someone: Chicken ala Pobre that costs P50.00. Not bad, I guess.

And yet again, Math was not a lesson of integrals or derivatives, but a lesson on how to make normal, everyday English words creative, vibrant, and most of all, appealing. "We are naw in chaptr seeks dasz tree, end we may be aybol to finis da tsapter in Manday, if I am aroun." Hey, I commit mistakes too sometimes, you know.

Anyway, INTAC was useless. Well maybe not entirely, for I realized how wrong the name of our school was. It should be rearranged in a certain way where the first two syllables of the name reminds someone of human solid refuse. You know? That brown, warm, icky-icky stuff that sometimes, if not most of the time, smells and attracts flies when improperly dealt with? You know the picture. I won't be saying it because it is icky-icky and gross.


We study again for that God-forsaken exam. Whoever invented Binary and Regular Expressions shouldn't have been born. Such sick assholes.

Algorithm March. Something good happens once in a while.

Name 10 TV sci-fi series (not anime-like and the sort) from 1990 to the present [not exact bonus question due to memory failure]

1. Andromeda
2. E-Ring
3. Jake 2.0
4. Superman (really?)
5. Sliders

Sineskwela? Math Tinik? Epol / Apple? Mulawin? Marina?
What the heck. The only thing I liked about the Midterms was the air-con. I had the reason to wear my jacket because of that.

To further reiterate my memory failure, I forgot to mention that I carried the things of someone on top of my head to practice proper posture. I think a lot of people were looking at me saying, the hell? What's up with him? I was able to carry out that mission from CTC 2nd floor until the caf.

I think I can apply for the circus.

I think I could be an actor.


And yes, after every exam, there is the question-and-answer portions. Portions with a big fat S.
How I hate beauty pageants.

Someone saw me across the street when he was under the flyover. I didn't see him though. He said I was walking too fast.

Yaddah yaddah yaddahs happened next. I met an English blockmate on my way to the LRT. At least, there was someone to talk to make me forget about that stupid exam.

"Kamusta exams?"

Shit. Thanks for asking. But I told him what happened anyway.

I failed Yakeno Ga Hara auto cymbal. The bass was just terrible.

I rode a bus and went home. I didn't know that the discount on the fare for students was just only until 7 pm. I felt sorry for those students who go home late. Better go home earlier to save yourselves P3.00.

Anyway, as I was eating, I reali...

HEY!

Bakit ito English?! Ha?!!

Then I realized how painstaking life could be.

When you rush things in life, most of the time you miss the more important things.

Next time, I won't walk too fast. But how am I going to judge what is fast and what is slow? It could be slow for me but still too fast for others.



Again, I realized how painstaking life can be.



Tama ba yung mga pinagsasasabi ko? Hindi kasi ako magaling sa English eh. Sorry.

Wednesday, January 24, 2007

Assassin na ako

Nagising ako sa text ni Vitto.

"Job 40 na"

Joyful joyful joy.

Sobrang tinatamad akong pumasok kaninang umaga sa CS. For one thing, hindi maganda pakiramdam ko. And another, um, a serious attack of katamaran and idleness. So ayun. For some unknown reason, I ate, took a bath, got dressed and left. At oo nga pala, sabi ng daddy ko:

"Ano ba yang pantalon mo? Umurong?"

Yung pantalon ko kasi eh yung 3/4s.


But before that, nainis ako ng kaunti sa mom ko kasi sobrang inayos pa niya talaga yung pants ko kasi daw pilipit. Sabi ko sa sarili ko na ano ba?! Disiotso na ako for crying out loud!

"Ingat, anak."


Ang sama ko. Grabe.

So matapos makipagsapalaran sa mga tambutso ng Commonwealth Avenue at sa mga kilikiling mabubuhok ng mga lalaking nakasando sa dyip sa Katipunan, nakarating na rin ako sa school. Nakita ko sina Andrea at Liban na magkasabay papunta sa class, sa favorite class naming CS21B. Tapos tinext ako ni Ej tapos ni Thomas ng:

"Freecut cs"
"Walang cs! Yay!"


Oh shit. Shit na malagket.

I should have indulged myself into that little pool of laziness earlier on. A, gusto ko palang pumasok ng CS kanina kasi gagawa ako ng homework ko sa English. I'm such a great student.

And I got a 19 out of 21 sa isang haphazard homework na ginawa sa CTC 313. Nakakatamad kasi eh. Buti nga ginawa ko pa.

English transpires, Lit passes on. Oh shit. Long test na sa Lit sa Monday.

Ang daming poems!

Ang haba nung The Lotos-Eaters!
Dapat pang i-memorize yung Tyger!
[Tyger! Tyger! Burning bright, In the forests of the night!]

OMFG. Ang daming gagawin. Ang konti ng oras.
Kaunti yung oras kasi kailangan ko pang mag-O2Jam at mag-Ragnarok.

Yakimeshi, double rice sa lunch. Bakit walang lasa ngayon? Hay. Dati Isang order, isang kidney stone. Ngayon naman, wala. Naubusan na ata sila ng secret ingredient nila eh.

Math. Integrals. Oh shit.

Is this the punishment for my sins? Ang sama ko kasi eh.
Truly, math is a four letter word for evil. Or maybe yet, it is a four letter word for punishment.
But at least something nice happened in math. Nanalo ako sa Tong-its Speed. Weeeeeee.

PE. The polar expedition sa harap ng Panasonic aircon na naka high-cool at naka-off ang air swing. 4 times colder daw ang North Pole compared dun sa lamig nung aircon na iyon, ayon kay Thomas.


Si Thomas na naiwan ang bag sa PE Lec Room. Buti na lang, andun pa nung binalikan niya.

Na tinext sa akin na nakuha na niya habang ako'y nasa harap ng jeep katabi ang isang black person. I'm so sorry to be judgmental or anything, but he was hairy. Parang naglalakad na furball or something like that. Anyway, nakatulog ako.


Bumaba yung katabi ko kung saan din ako bababa. Hindi naistorbo ang panaginip kong X-rated.

Andun si manang. Yes, medyo gutom ako eh.

"Dalawa po."

"Alin?"

"Kikiam."


Habang kinakain ko ang aking kikiam, may isang tropa na nagkitakita dun kay manang. Atenista dati yung dalawa.
Lumapit yung babae sa simple at humble fishballan ni manang.

"Miss, two fish nuggets nga po please."

Ano daw?

"Miss, two fish nuggets nga po please."

Fish nuggets? What the heck?

"Eto o."

Kikiam pala.

At dahil dun, tinapon ko ang stick ko ng fish nuggets kung saan-saan lang. Hey, this is a free country, isn't it? Anyway, wala namang nakatingin nung ginawa ko yun, eh.

Sumakay ako sa harap ng jeep sa may Commonwealth na. The old woman seemed nice.

"Sandigan, studyante."

"Saan?"

"Sandigan."

"Ha?"

"Sandigan ho. Sandigan. Studyante ho."


So ayun, nakita ko na naman yung billboard nina Richard at Raymond Gutierrez. Wow, magkamukha nga pala talaga sila. "The Perfect Pair."

Bumaba ako ng Sandigan matapos mapakinggan ang kuwentuhan nung driver, asawa niya na katabi ko, at yung isang pasahero na nagtatrabaho raw sa isang pabrika ng ewan lang sa may OLGM. She earns P325.00 a day.

Hindi ako tsismoso. Bored lang at hindi inaantok.

So nilakad ko ang approximately 1,339 steps mula Sandigan hanggang sa bahay.

Sinubukan ko agad ang O2Jam. Ayos na ang patience problem. Natapos ko ang Bride in Dream after x tries.
Dreaming..
Dreaming..
Dreaming..

Pinakain ko si Bianca. Grabe, gutom na gutom siya. Sinama ko rin siya sa kabilang kalye nung bumili ako ng load. Pasaway ang gaga.

So ayun, nag-O2 ulit ako pagbalik. Hoy, Dinownload ko naman yung mga slides at examples sa moodle.

After that, nothing much really happened. Hindi kasi interesting sa bahay eh. Oh yeah, natapilok pala si ate. Pinahilot na, pero masakit pa rin daw.

Namiss ko si Thomas kasi hindi kami sabay umuwi ngayon.

Buti pa ang Tentai Kansoku, laging andyan for me if I need it. I don't understand it, but it understands me.
Uhm, save lang kung walang ilaw at the same time wala akong bat.

A, ngayon ko lang naisip. Miski pala brownout, blackout, blueout, redout, kung ano pa bang kulay yan at wala akong battery etc etc, andun pa rin ang Tentai Kansoku. It is in my mind and heart.

Tentai Kansoku
BUMP OF CHICKEN
Released in
Percussion Freaks 5th Mix / DrumMania 5th Mix / GuitarFreaks 6th Mix

Tentai Kansoku means Star Searching, as far as I know.



[tunog ng critical hit]
[tunog ng critical hit]

[tunog ng normal hit]
[tunog ng normal hit]
[tunog ng critical hit]
[tunog ng critical hit]
[tunog ng normal hit]
[dying sound]
0.2% Base Experience gained.
0.7% Job Experience gained.

[ Sonic Blow !! ]

And the lesson?

Assassin na ako. Aanuhin ko naman ang Lv10 Steal kung Assassin ako? And besides, 9 lang ang final Dex ko.
Ang importante, Lv10 ang Envenom para sa Poison React.


Mileina

image generated by ragnarokcs.com

Monday, January 22, 2007

Hindi na Lasang Paa

~Yunit NagBa

Inis na inis na ako dahil hindi ako kumain ng tanghalian tapos mag aalas-nuwebe na, hindi pa rin kami kumakain ng hapunan. May kakaibang alien life-form na atang nabubuo sa aking tiyan dahil napakaingay na nang mga garalgal nito. Hinihintay kasi namin si daddy na kinakabag noong araw na iyon. Lagi naman namin siyang hinihintay sa gabi para sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Hindi naman ako kadalasang naiinis sa palagiang paghihintay na iyon. Hindi lang ako siguro kumain ng tanghalian kaya ako nainis noong gabing iyon.

Sa wakas, narinig kong bumukas ang screen door namin. Ayun na, kakain na kami at marahil tatahimik na ang alien life-form sa aking tiyan. Umiinom ng C2 Green Tea si daddy. Sinabi ko sa sarili na bakit ba siya umiinom ng tsaa eh may kabag siya? Bahala siya. Malaki na siya at marahil alam na ang kanyang ginagawa sa sarili. Natikman ko na yung C2 na iyon, at sa totoo lang, lasa itong pinaghugasan ng paa. Hindi pa naman talaga ako nakatitikim ng pinaghugasan ng paa, ngunit dahil sa C2 na iyon ay naalala ko ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na ibinibenta ni Ate Linda na lagi kong iniinom noong nasa mataas na paaralan pa ako. Oo nga pala, hindi ako galit sa daddy ko.

Lagi kong iniinom ang Green Tea na iyon. Madalas ko pa ngang isipin kung talaga nga bang may kiwi yung inuming iyon.

Tuwing sasapit na ang aming lunch break, kasama ko ang aking mga kaibigan na nagpupunta sa caf. Doon, bibili ako ng aking kakainin para sa tanghalian, kasabay nang aking pagbili ng P21.00 Mega size Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na tinda ni Ate Linda. Ito siguro ang naging inspirasyon sa buhay ko noong nasa mataas na paaralan kaya ako laging nasa honor roll. Marahil lang.

Mabait si Ate Linda. Minsan, kinausap ko siya, at nalaman ko na isa siyang dakilang ina sa kaniyang tatlong anak. Siya ang nagtataguyod sa kanilang pamilya dahil separada siya sa kaniyang asawa. Palaging masiyahin at nakangiti, binubuo ni Ate Linda ang aking mga araw sa mataas na paaralan tuwing bebentahan niya ako ng P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious. Para bang nahahaluan nang kanyang tuwa at sigla ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea na kanyang ibinebenta. Pero isang araw, hindi na siya ang nagbebenta sa Nutrilicious. Akala ko nagkasakit lang siya at lumiban ng isa o ilang araw sa kanyang trabaho, ngunit lumipas ang mga araw, mga linggo, at mga buwan, hindi na siya bumalik. Tinanong ko si Ate Chel kung nasaan na si Ate Linda. Umuwi na raw siya sa probinsya.

Simula noong araw na iyon, hindi na ako ganoong nasarapan sa P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na ibinebenta na ni Ate Chel.

Ngunit miski na hindi na ako umiinom ng P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea sa huli kong taon sa high school, nagtapos pa rin ako nang may Ikalawang Karangalan.



~Yunit Go_Na

Enero 20 ang kaarawan ng dating kaklase kong si Alf. Mayaman siya. Mabait siya sa akin dahil pinapakopya ko siya noong magkaklase pa kami. Hinding hindi ko malilimutan si Alf dahil sa kanyang kayamanan, inilibre niya kami sa Timezone Greenhills ng P4000.00 worth of credits. Wow! At doon, nakita ko sa isang sulok ang DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan. Dahil wala masyadong tao, sinubukan ko ito. Gosh, magaling ako para sa isang baguhan! At doon nagsimula ang aking pakikipagsapalaran sa sining ng DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan.

Makalipas ang ilang linggo sa kaarawan ni Alf, nalaman kong may DM10th Mix sa Gateway. Labis ang tuwa ko noong natiyak kong mayroon nga. Marami kaming pinagsamahan nitong DrumMania machine na ito. Patawad dahil hindi ko mailalahad lahat kasi limang pahina lamang ang hinihingi ni G. Jamendang. Basta, tinuri ko siya bilang isang kaibigang hindi ako iiwan kailanman. Marami rin kasing mahahalagang leksiyon ang itinuro niya sa akin, at ang tingnan ang mga kapangitan ng ibang tao para hindi makita ang sariling kapangitan ang pinakamahalagang moral value that it instilled in me. How ironic.

Naaawa nga ako sa machine tuwing naglalaro si Bob, hindi tunay na pangalan, dahil grabe siyang makatapak ng bass pedal. Parang siyang pumapatay ng milyu-milyong ipis kung makapedal. Magaling naman siya, ngunit ubod ng yabang. Tama bang pagtawanan ang kaibigang nag-fail sa isang stage kasi inextreme niya? Gago ka pala Bob eh. Hindi kita idol kasi mayabang ka. Buti pa si Kuya RJ (na itatago natin sa codename Bigote). Ang galing-galing niya pero hindi siya mayabang, hindi katulad mo.

Maraming nangyari sa buhay ko na ang machine na ito ang aking katabi.

Ay, mali pala.

Maraming nangyari sa buhay ko na siya ang aking katabi.

Ngunit noong Huwebes, ika-18 ng Enero 2007, ipinatawag ako ni Sir Jal dahil gusto niya raw makipag-usap sa akin. At ano ang aming pinag-usapan? “Your grades are border, Rudolf.” Well, oo, 2.00 lang ang QPI ko noong nakaraang sem, at inaamin ko iyon. I am still adjusting to this very new environment called college, you see. Tinanong niya ako kung may kailangan ba akong tulong, kung may bumabagabag ba sa akin, at kung may problema ba ako sa pamilya. Wala naman, sabi ko. Wala naman ata. Ayun, natapos yung meeting namin ni Sir Jal nang maayos. Dahil Huwebes, nagpunta ako sa Gateway upang maglaro ng DM. Nakasanayan ko na yun eh, na maglaro tuwing Martes at Huwebes. Habang lulan ng escalator patungong 5th level ng Gateway, inisip ko ang mga sinabi sa akin ni Sir Jal habang nakatingala sa skydome. Borderline ka. May kailangan ka ba? Tutulungan ka namin. Pagdating ko sa Timezone, nandoon sina Bigote at Miss Nurse Girl (isa pang idol ko sa DM). May naramdaman akong kakaiba. Parang bumigat ang loob ko. Parang itinataboy ako. Nalungkot ako noong makita ko ang DM machine na iyon imbis na matuwa. Unang beses kong maramdaman ang kakaiba at nakababagabag na pakiramdam na iyon. Nakangiti ako, ngunit uniiyak ang loob ko sa kahihiyan. Hindi ko maipaliwanag. Basta. Nahiya ako sa aking sarili.

Hindi ako naglaro ng DM noong araw na iyon. Naglaro na lamang ako ng Tekken 5 at natalo sa Stage 4 laban kay Bryan gamit si Xiaoyu. Noong paalis na ako, muli kong sinulyapan ang DM machine kung saan nilalaro ni Miss Nurse Girl ang kanyang extra stage dahil sa kanyang absolutely magnificent performance.

Ano na ba ang nangyari sa iyo?

Marahil, kulang sa Green Tea.



~Yunit Ako

Napilitan lamang akong isulat ito sa Open Lab ng CTC 313. Magsusulat rin daw kasi ng mga munimuni nila ang aking mga kaibigan.

Long Test na naman sa Math bukas. Hindi ko pa naaaral ang Related Rates. Malamang, babagsak ako bukas. Ang galing ko, ano? Hinahanda ko na ang aking sarili na bumagsak imbis na nag-aaral upang hindi bumagsak. You are so great. Just superb. Marahil hinahanap-hanap kong muli ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na benta ni Ate Linda, hindi ni Ate Chel. Hindi ko kasi maipalaiwanag kung bakit ganito na ako ngayon, kaya ito na lang ang dahilan ko para naman creative.

Pero hindi ko na ulit matitikman ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na timpla ni Ate Linda. Umuwi na kasi siya sa kanyang probinsiya. Marahil si Ate Chel din, umuwi na rin sa kanyang probinsiya o ‘di naman kaya’y naghanap na ng ibang trabaho na mas worthwhile.

Ngunit may C2 Green Tea na ngayon na lasang pinaghugasan ng paa.

Umikot na ang mundong aking kinagagalawan. Umikot ito ng hindi ko talagang nararamdaman. At bakit? Ang DrumMania machine na aking pinagkatiwalaan nang mahigit sa isang taon ay hindi nagbago. Tuwing naglalaro ako, naiipit ako sa sarili naming mundo ng DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan sa Gateway habang ang mundo sa labas ay matuling nag-iiba. Ngayon ko lang din napansin na makalipas ang isang taon ng mga Martes at Huwebes na jamming sa Gateway, hindi pa rin ako gaanong kagaling.

Hindi kasi ako nagbabago. Ang DrumMania 10th Mix sa Gateway ay hindi rin kasi nagbago, eh. Pero may V3 na ang DrumMania series.

Naiwan na pala ako.

Dapat kong matutunan ang katotohanan na may sariling uri ng sarap ang C2 Green Tea na iyon na lasang pinaghugasan ng paa. Dapat malasahan ko na masarap din pala ito tulad ng P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious ni Ate Linda.



Sana may uwing C2 si daddy mamaya.


Thursday, January 11, 2007

Insecurity: [check]

This post contains graphic usage of words. Reader discretion is highly advised.



Thursday, January 11, 2007 = putangna.

Ewan ko lang. Naiwan na naman kasi akong mag-isa eh. Pero gusto ko naman ang nag-iisa. Pero asar lang kasi nga, putangna.

Papunta na akong caf noon pagkatapos nung math LT na yun na parang shet na hindi maflush-flush. Puno na siguro yung poso negro. Shet talaga.

Nakita ko yung crush ko. Deadma ako kasi nga alam ko na miski kantahin ko ang "Forever's Not Enough" ni Sarah Geronimo ng ilang milyong beses, hindi talaga kami magkakatuluyan. Putangna. Ang masama pa niyan, na-LSS tuloy ako sa kajologans na yan ni Sarah Geronimo. Shet na hindi maflush-flush.

So okay. Naflush na rin sa wakas ang shet na hindi maflush-flush matapos itong buhusan ng sangkatutak na timbang tubig. Nagpunta kami sa caf para magmeet para sa Project 2 ng PE101 sec H. Tapos, imbento na lang daw. Game talaga ako dun kasi tamad akong makipagplastikan sa mga tao at sabihing "Hi, I'm Rudolf, and we are having a survey about physical fitness and activities. Do you have some spare time? Really? Great! Thanks!" yaddah yaddahng klase ng arte. Fuck-up naman o. Sabi ko sa sarili ko hindi na ako magsisinungaling, at ayun ako't pumapayag na magsinungaling sa ngalan ng isang fuck-up na proyekto na iyan. [Hindi ako galit, btw.] Naibsan din naman ang fuck-up sa ilang laro ng tong-its na natalo ako sa halos lahat ng laro at isang order ng yakisoba sa bento na sa tingin ko ay nagbubuo na ng mga kidney stones sa alat nito paminsan. Mura kasi eh. Tapos yun. May punyetang nangyari na hindi ko na sasabihin kung ano dahil may mangyari pang follow-up punyeta. [Ano pa ang dahilan at sinabi mong may punyeta tapos hindi mo rin pala sasabihin?] [[Bakit ba, this is my blog entry asshole!]]
[Gago ka pala eh!] [[Putangna mo gumawa ka na lang ng sarili mong blog! Gawin mong www.iamanasshole.blogspot.com fuck you!]] Basta yun. Naibsan rin naman yung punyeta na yun dahil may umutot sa loob LRT. Pucha. Tocinolog with extra garlic ata ang kinain. Matapos ang ilang sandali nang pagtitiis, bumukas na sa wakas ang pinto ng LRT. Ako naman, sabay dive palabas kasi nga kailangan ko ng fresh air. Tapos yun, may inambush interview sa platform ng Cubao station. Ang daming camera, ang daming sundalo, at ang daming baril.

The hell? As in WTF. Hindi na ba talaga interesado ang mga tao sa mga nangyayari sa kanilang mga buhay kaya buhay na ng ibang tao ang pinakikialaman nila? WTF the press. WTF those people. WTF din yung mga usisero. Pero okay lang, makikita ko naman si bespren, si DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan. So yehey, masaya na ako nun syempre. Miski may naglalaro na isang noobie, nagswipe na ako ng card ko. [protocol: naunang magswipe = mauunang mag-laro (maliban sa ilang pagkakataon)] Sobrang taas na nga ng dopamine levels ko nun kasi makakapaglaro na rin ako sa wakas ng DM, tapos, Libra pa ang pinatutugtog. O di ba? What more can you ask for more?! Pero dahil isa siyang novice, nagfail siya. I was so proud of him dahil sumubok siya ng kantang hindi pa niya kabisado. Tapos nairita na talaga ako sa ginawa nung putangnang tabachoy na bano na yun. Biruin mong nagswipe at naglaro ulit!! Fuck you. Tangna mo. Magdiet ka nga. Marami kang banil no? Sorry talaga. Nainis lang ako. Well, nanahimik na lang ako kasi ayaw ko ng gulo. Nanood na lang ako sa kanyang miserableng performance
[nainis talaga ako] at hinintay na alisin niya ang kanyang fatty ass sa upuan. Sa wakas. Ako na. Basta, imagine niyo na lang ang mga naganap.

Naglaro rin ako ng Tekken 5: Dark Resurrection. Nakastage 4 naman ako gamit si Lili in her very nice costume. Bitch si Anna kasi hindi ko magawa yung Garland Kick Combo ni Lili sa kanya kaya ako natalo. B-I-T-C-H! So ayun umuwi na lang ako kasi naglalaro si Patrick sa DM. Well, neutral na ang alignment ko sa taong yun kasi nagiging less mayabang na siya sa tingin ko.

Lakad lakad lakad. Tingin sa matangkad na lalaki dahil matangkad siya ("Ang tangkad naman nito"). (Lakad lakad sakay ng escalator.) x 3 Lakad lakad lakad tawid lakad sakay lakad upo sa dulo ng bus. Hintay hintay "Sandingan, studyante."

Wala namang nangyari sa bus. Ay naipit pala ako nung super beefy man na tumabi sa akin na sa Sandigan din bababa. Lecheng beefy man na yan, inipit ako sa sulok na iyon.

Pero weirdly, I felt safe.

At dahil dun, nakatulog ako. Muntik pa ngang tumulo ang laway ko e. Buti na lang hindi.

Malapit na sa Sandigan nung nagising ako. Putangna umuulan. Paano kaya ako makakatipid ng P14.00 sa hindi pagsakay ng tricycle? So wala akong nagawa at sumakay na lang ng trike imbis naman maputikan pa ako at ang aking soft supple skin. Putangna mo trike driver, ang mahal ng pasahe mo! Katorse pesos wala pang isang kilometro! Naisip ko yung yakisoba, yung juice, yung paglalakad ko para makatipid. Putangna ang kuripot ko talaga.

Pagdating ng bahay, masaya ako at nakita ko si Bianca, ang aming Chowchow. Ang cute niya kasi talaga eh. Oo, aaminin kong hindi ako natuwa nung nakita ko yung nanay ko at kapatid ko. Ewan lang. Dumerecho ako sa aking kuwarto, nagbihis, at sinimulang gawin ang close reading ng "I Wandered Lonely As A Cloud" ni William Wordsworth. Tangna, buti na lang patay na siya kung hindi ako ang papatay sa kanya. [Again, hindi ako galit.] Ang asshole eh. Buti sana kung tight asshole, eh isa siyang asshole na pinasukan ng sampung talong na sabay-sabay. Literal na asshole siya. After nun, nakipaglaro ako kay Bianca. Ang cute niya talaga kasi eh.

So naglaro na lang ako ng Yu-Gi-Oh! KAIBA THE REVENGE kasi tinatamad pa akong magresearch tungkol sa English paper ko tungkol sa self-chosen topic ko na Homosexual Persecution. Tangna mo Kaiba! Dugasero ka sapagkat ang gaganda na ng mga duel cards mo! Pero nanalo pa rin ako dahil sa aking superior intellect and tactics. Joke lang. Putangna kasi si William Wordsworth eh. Manyakis.

So yaddah yaddah yaddah at naisipan kong i-text ang isang tao, na itatago natin sa pangalang John_Doe41. Putangna mo! Bakit ba ganyan ang mga tao ngayon?! Mga inggrato! Hindi nagrereply, naka-unli naman! Mga puta magsama-sama kayo sa isang putahouse! Shet talaga. Punyemas. So tinigilan ko na lang siya kasi naman, kung ayaw niya, eh di huwag. HUWAG! Punyeta magsama kayo ni Kaiba sa putahouse niyo no! Magsibakan kayo dun mga putaragis!

At sa wakas, nakarating na tayo sa "present" ng time of events. O di ba, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito, past na yung mga nauna dito yaddah yaddah yaddah. You get the fuckin' picture I bet.

So ano ang napulot ko sa pagdududutdot ng keyboard after a long time?

INSECURITY
[CHECK]

Yun lang naman ang masasabi ko eh. At least naman ngayon naamin ko na na isa akong shitty asshole na trying hard magpakabuti at makipagplastikan sa mga tao kahit na intrinsically evil naman talaga siya. So ayun. Layuan niyo na ako if you want.

Ano kaya yung sinabi sa akin nung matangkad na lalaki na nakasalubong ko?

("Ang tangkad naman nito")

See what I mean?

Sorry kung napahaba. I am just proud to be a shitty asshole na trying hard magpakabuti at makipagplastikan sa mga tao kahit na intrinsically evil naman talaga.

Saturday, January 6, 2007

Strength...?

Something or someone is extremely wrong.


I don't know

who

or

what

or

why.


I just know that something is extremely wrong.
And someone is slowly moving inward...

It pains me to realize it.
Why does it have to come to this?

And for that...
I will quietly vanish from the current world

Until everything is all right again.


I won't mind if you call me a coward.



The thing is,

I want to fight, but

I am not strong enough.

The sword is getting blunt..
And the fire is burning out...