Monday, January 29, 2007

Assassin Cross

Gusto kong maging Assassin Cross.

Ang Assassin Cross o sinx (read as sin-ex) ay ang transcendent job ng isang Assassin. Ang mga Thief na nagtiyatiyaga ay nagiging mga Assassin (o kaya Rogue), at kung lalo pang nagtiyaga ang Assassin ay maari siyang maging Assassin Cross. Mahirap maging sinx. Kailangan mo munang maging Lv. 99 Assassin at babalik sa pagiging isang Novice at Thief bago ka maging isang ganap na sinx. Matagal ang hihintayin bago maging sinx ang iyong Assassin, ngunit ang paghihintay na iyon ay worth it.

Long Test namin sa Lit ngayon. Mahirap. Fill in the blanks ang part I tungkol sa 14 poems ng Romantic Period. Kasabay din nitong binalik ni Mr. Acuña yung nakaraang long test namin. Masama. D ako. 13 out of 40 ako sa pesteng fill in the blanks na iyon.

Yakisoba lang ang kinain ko para makatipid. May painag-iipunan kasi ako eh. Pero I considered eating something more cheaper tulad nung Tuna Sandwich nung katabi ng Bento. P20.00 lang eh, may P15.00 savings ako nun. Wow.

Ayos lang naman, dahil tapos na ang aking kalbaryo, for the moment. May darating pa, pero at least naman ngayon, medyo easy-easy na nang kaunti.

Freecut pa yung math. Ang saya. Naglaro pa kami ng O2Mania sa laptop ni Wil at nakatong-its pa ako. Imagine?

Pero, D pala ako sa CS. Akala ko naman yun ang sasalo ng iba kong grades. Yun pala ang sasaluhin ng iba. Yaddah yaddah yaddah.

Binigay ko yung butterfly clip kay Kim. I was happy because she liked it and was very happy. That warmed my frozen heart.

Dati, madalas kong sinasabi sa mga kaklase kong may problema sa academics na ayos lang yan. Tapos, sinabi sa akin ni Garde, isa sa mga pinakamatatalik kong kaibigan, na napakawalang-kuwenta ang mga katagang iyon at hindi dapat sinasabi. Paano nga naman maayos ang problema? Dapat mo itong harapin. Simula nun, ang sinasabi ko na sa aking mga kaibigang nangangailangan ay "Andito lang naman kami, eh" o kaya "Kaya mo yan. Dito lang naman ako eh."

At kanina, naintindihan ko na ng lubos ang sinabi sa akin ni Garde.

Tahimik akong naglakad papunta sa terminal ng UP Toki. Ewan ko kung bakit. Pagbayad ng P7.00 na dapat P6.00 lang dahil isa akong estudyante, sumakay ako sa jeep na iyon at umupo sa may kanang bahagi nito. Mainit kasi sa kaliwa eh. Pagkaupo ko, nilagay ko sa harapan ko ang aking malaking bag at pumikit kasi ang bigat ng mga mata ko.

Tumulo ang luha ko sa kanan kong mata. Buti na lang, nakatakip yung bag ko at walang nakakita o nakapansin.

Pag-uwi ko ng bahay, naramdaman kong kinailangan kong gamitin ang banyo. Ang tagal kong namalagi sa banyo. Tahimik kasi eh. Mabuti para sa magulo kong isipan. Paglabas ko, hindi ako kuntento at bumalik ulit ng sandali sa banyong iyon. Excuse me, that is not poetry in the banyo, by the way.

Hay.

Mahirap maging sinx. Ngunit worth it ang lahat ng hirap dahil malakas ang sinx. Sa aking pagkakaalam, may dalawang build ang sinx: ang sdsinx at critsinx. Ang sandata ng sdsinx ay ang Soul Destroyer, kung saan kapag mababa ang depensa ng kalaban, tiyak na patay ito agad [Soul Destroyer Base Damage = Physical Total Damage + {(SkillLV * Player's INT) * 5} + Random Damage (500 ~ 1000), Final Damage = Soul Destroyer Base Damage / Enemy DEF + Soul Destroyer Base Damage] Karaniwang umaabot ng higit sa 8000 damage ang Soul Destoyer, ngunit para umabot ito ng ganito kalakas, kailangang mataas ang Int ng sdsinx, na hindi pangkaraniwan sa mga natural na talento ng mga Thief class na job. Umaasa naman sa lakas ng katar at critical hits ang critsinx. At para lalo pang mapalakas ang kanyang bawas, gumagawa siya ng Deadly Poison na mahirap likhain. Kapag mali ang paggawa ng Deadly Poison, malaking bawas ang naghihintay sa nagkamali. Ngunit kapag nagtagumpay ang isang critsinx sa paggawa at nailagay na niya ito sa kanyang armas sa pamamagitan ng Enchant Deadly Poison, mag-ingat-ingat ka na.

Bigla na lamang lumilitaw kung saan-saan ang sdsinx at sa isang iglap, patay na ang kalaban at wala na ang sdsinx, samantalang hindi mapantayan ang bilis ng pagsugod at ang kakayahan umiwas sa mga pagsugod nang isang critsinx.

Alamin mo muna kung tunay mo ngang kaibigan ang isang Assassin Cross. Dahil baka mamaya, ikaw ay malason ng isang Deadly Poison Enchanted +10 Double Bloody Critical Jur o naman kaya'y makatanggap ng 12830 damage sa isang iglap.

Baka masira ang iyong buhay sa piling ng isang Assassin Cross.

Ingat lang.

No comments: