Wednesday, January 24, 2007

Assassin na ako

Nagising ako sa text ni Vitto.

"Job 40 na"

Joyful joyful joy.

Sobrang tinatamad akong pumasok kaninang umaga sa CS. For one thing, hindi maganda pakiramdam ko. And another, um, a serious attack of katamaran and idleness. So ayun. For some unknown reason, I ate, took a bath, got dressed and left. At oo nga pala, sabi ng daddy ko:

"Ano ba yang pantalon mo? Umurong?"

Yung pantalon ko kasi eh yung 3/4s.


But before that, nainis ako ng kaunti sa mom ko kasi sobrang inayos pa niya talaga yung pants ko kasi daw pilipit. Sabi ko sa sarili ko na ano ba?! Disiotso na ako for crying out loud!

"Ingat, anak."


Ang sama ko. Grabe.

So matapos makipagsapalaran sa mga tambutso ng Commonwealth Avenue at sa mga kilikiling mabubuhok ng mga lalaking nakasando sa dyip sa Katipunan, nakarating na rin ako sa school. Nakita ko sina Andrea at Liban na magkasabay papunta sa class, sa favorite class naming CS21B. Tapos tinext ako ni Ej tapos ni Thomas ng:

"Freecut cs"
"Walang cs! Yay!"


Oh shit. Shit na malagket.

I should have indulged myself into that little pool of laziness earlier on. A, gusto ko palang pumasok ng CS kanina kasi gagawa ako ng homework ko sa English. I'm such a great student.

And I got a 19 out of 21 sa isang haphazard homework na ginawa sa CTC 313. Nakakatamad kasi eh. Buti nga ginawa ko pa.

English transpires, Lit passes on. Oh shit. Long test na sa Lit sa Monday.

Ang daming poems!

Ang haba nung The Lotos-Eaters!
Dapat pang i-memorize yung Tyger!
[Tyger! Tyger! Burning bright, In the forests of the night!]

OMFG. Ang daming gagawin. Ang konti ng oras.
Kaunti yung oras kasi kailangan ko pang mag-O2Jam at mag-Ragnarok.

Yakimeshi, double rice sa lunch. Bakit walang lasa ngayon? Hay. Dati Isang order, isang kidney stone. Ngayon naman, wala. Naubusan na ata sila ng secret ingredient nila eh.

Math. Integrals. Oh shit.

Is this the punishment for my sins? Ang sama ko kasi eh.
Truly, math is a four letter word for evil. Or maybe yet, it is a four letter word for punishment.
But at least something nice happened in math. Nanalo ako sa Tong-its Speed. Weeeeeee.

PE. The polar expedition sa harap ng Panasonic aircon na naka high-cool at naka-off ang air swing. 4 times colder daw ang North Pole compared dun sa lamig nung aircon na iyon, ayon kay Thomas.


Si Thomas na naiwan ang bag sa PE Lec Room. Buti na lang, andun pa nung binalikan niya.

Na tinext sa akin na nakuha na niya habang ako'y nasa harap ng jeep katabi ang isang black person. I'm so sorry to be judgmental or anything, but he was hairy. Parang naglalakad na furball or something like that. Anyway, nakatulog ako.


Bumaba yung katabi ko kung saan din ako bababa. Hindi naistorbo ang panaginip kong X-rated.

Andun si manang. Yes, medyo gutom ako eh.

"Dalawa po."

"Alin?"

"Kikiam."


Habang kinakain ko ang aking kikiam, may isang tropa na nagkitakita dun kay manang. Atenista dati yung dalawa.
Lumapit yung babae sa simple at humble fishballan ni manang.

"Miss, two fish nuggets nga po please."

Ano daw?

"Miss, two fish nuggets nga po please."

Fish nuggets? What the heck?

"Eto o."

Kikiam pala.

At dahil dun, tinapon ko ang stick ko ng fish nuggets kung saan-saan lang. Hey, this is a free country, isn't it? Anyway, wala namang nakatingin nung ginawa ko yun, eh.

Sumakay ako sa harap ng jeep sa may Commonwealth na. The old woman seemed nice.

"Sandigan, studyante."

"Saan?"

"Sandigan."

"Ha?"

"Sandigan ho. Sandigan. Studyante ho."


So ayun, nakita ko na naman yung billboard nina Richard at Raymond Gutierrez. Wow, magkamukha nga pala talaga sila. "The Perfect Pair."

Bumaba ako ng Sandigan matapos mapakinggan ang kuwentuhan nung driver, asawa niya na katabi ko, at yung isang pasahero na nagtatrabaho raw sa isang pabrika ng ewan lang sa may OLGM. She earns P325.00 a day.

Hindi ako tsismoso. Bored lang at hindi inaantok.

So nilakad ko ang approximately 1,339 steps mula Sandigan hanggang sa bahay.

Sinubukan ko agad ang O2Jam. Ayos na ang patience problem. Natapos ko ang Bride in Dream after x tries.
Dreaming..
Dreaming..
Dreaming..

Pinakain ko si Bianca. Grabe, gutom na gutom siya. Sinama ko rin siya sa kabilang kalye nung bumili ako ng load. Pasaway ang gaga.

So ayun, nag-O2 ulit ako pagbalik. Hoy, Dinownload ko naman yung mga slides at examples sa moodle.

After that, nothing much really happened. Hindi kasi interesting sa bahay eh. Oh yeah, natapilok pala si ate. Pinahilot na, pero masakit pa rin daw.

Namiss ko si Thomas kasi hindi kami sabay umuwi ngayon.

Buti pa ang Tentai Kansoku, laging andyan for me if I need it. I don't understand it, but it understands me.
Uhm, save lang kung walang ilaw at the same time wala akong bat.

A, ngayon ko lang naisip. Miski pala brownout, blackout, blueout, redout, kung ano pa bang kulay yan at wala akong battery etc etc, andun pa rin ang Tentai Kansoku. It is in my mind and heart.

Tentai Kansoku
BUMP OF CHICKEN
Released in
Percussion Freaks 5th Mix / DrumMania 5th Mix / GuitarFreaks 6th Mix

Tentai Kansoku means Star Searching, as far as I know.



[tunog ng critical hit]
[tunog ng critical hit]

[tunog ng normal hit]
[tunog ng normal hit]
[tunog ng critical hit]
[tunog ng critical hit]
[tunog ng normal hit]
[dying sound]
0.2% Base Experience gained.
0.7% Job Experience gained.

[ Sonic Blow !! ]

And the lesson?

Assassin na ako. Aanuhin ko naman ang Lv10 Steal kung Assassin ako? And besides, 9 lang ang final Dex ko.
Ang importante, Lv10 ang Envenom para sa Poison React.


Mileina

image generated by ragnarokcs.com

No comments: