~Yunit NagBa
Inis na inis na ako dahil hindi ako kumain ng tanghalian tapos mag aalas-nuwebe na, hindi pa rin kami kumakain ng hapunan. May kakaibang alien life-form na atang nabubuo sa aking tiyan dahil napakaingay na nang mga garalgal nito. Hinihintay kasi namin si daddy na kinakabag noong araw na iyon. Lagi naman namin siyang hinihintay sa gabi para sabay-sabay kaming kumain ng hapunan. Hindi naman ako kadalasang naiinis sa palagiang paghihintay na iyon. Hindi lang ako siguro kumain ng tanghalian kaya ako nainis noong gabing iyon.
Sa wakas, narinig kong bumukas ang screen door namin. Ayun na, kakain na kami at marahil tatahimik na ang alien life-form sa aking tiyan. Umiinom ng C2 Green Tea si daddy. Sinabi ko sa sarili na bakit ba siya umiinom ng tsaa eh may kabag siya? Bahala siya. Malaki na siya at marahil alam na ang kanyang ginagawa sa sarili. Natikman ko na yung C2 na iyon, at sa totoo lang, lasa itong pinaghugasan ng paa. Hindi pa naman talaga ako nakatitikim ng pinaghugasan ng paa, ngunit dahil sa C2 na iyon ay naalala ko ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na ibinibenta ni Ate Linda na lagi kong iniinom noong nasa mataas na paaralan pa ako. Oo nga pala, hindi ako galit sa daddy ko.
Lagi kong iniinom ang Green Tea na iyon. Madalas ko pa ngang isipin kung talaga nga bang may kiwi yung inuming iyon.
Tuwing sasapit na ang aming lunch break, kasama ko ang aking mga kaibigan na nagpupunta sa caf. Doon, bibili ako ng aking kakainin para sa tanghalian, kasabay nang aking pagbili ng P21.00 Mega size Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na tinda ni Ate Linda. Ito siguro ang naging inspirasyon sa buhay ko noong nasa mataas na paaralan kaya ako laging nasa honor roll. Marahil lang.
Mabait si Ate Linda. Minsan, kinausap ko siya, at nalaman ko na isa siyang dakilang ina sa kaniyang tatlong anak. Siya ang nagtataguyod sa kanilang pamilya dahil separada siya sa kaniyang asawa. Palaging masiyahin at nakangiti, binubuo ni Ate Linda ang aking mga araw sa mataas na paaralan tuwing bebentahan niya ako ng P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious. Para bang nahahaluan nang kanyang tuwa at sigla ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea na kanyang ibinebenta. Pero isang araw, hindi na siya ang nagbebenta sa Nutrilicious. Akala ko nagkasakit lang siya at lumiban ng isa o ilang araw sa kanyang trabaho, ngunit lumipas ang mga araw, mga linggo, at mga buwan, hindi na siya bumalik. Tinanong ko si Ate Chel kung nasaan na si Ate Linda. Umuwi na raw siya sa probinsya.
Simula noong araw na iyon, hindi na ako ganoong nasarapan sa P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na ibinebenta na ni Ate Chel.
Ngunit miski na hindi na ako umiinom ng P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea sa huli kong taon sa high school, nagtapos pa rin ako nang may Ikalawang Karangalan.
~Yunit Go_Na
Enero 20 ang kaarawan ng dating kaklase kong si Alf. Mayaman siya. Mabait siya sa akin dahil pinapakopya ko siya noong magkaklase pa kami. Hinding hindi ko malilimutan si Alf dahil sa kanyang kayamanan, inilibre niya kami sa Timezone Greenhills ng P4000.00 worth of credits. Wow! At doon, nakita ko sa isang sulok ang DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan. Dahil wala masyadong tao, sinubukan ko ito. Gosh, magaling ako para sa isang baguhan! At doon nagsimula ang aking pakikipagsapalaran sa sining ng DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan.
Makalipas ang ilang linggo sa kaarawan ni Alf, nalaman kong may DM10th Mix sa Gateway. Labis ang tuwa ko noong natiyak kong mayroon nga. Marami kaming pinagsamahan nitong DrumMania machine na ito. Patawad dahil hindi ko mailalahad lahat kasi limang pahina lamang ang hinihingi ni G. Jamendang. Basta, tinuri ko siya bilang isang kaibigang hindi ako iiwan kailanman. Marami rin kasing mahahalagang leksiyon ang itinuro niya sa akin, at ang tingnan ang mga kapangitan ng ibang tao para hindi makita ang sariling kapangitan ang pinakamahalagang moral value that it instilled in me. How ironic.
Naaawa nga ako sa machine tuwing naglalaro si Bob, hindi tunay na pangalan, dahil grabe siyang makatapak ng bass pedal. Parang siyang pumapatay ng milyu-milyong ipis kung makapedal. Magaling naman siya, ngunit ubod ng yabang. Tama bang pagtawanan ang kaibigang nag-fail sa isang stage kasi inextreme niya? Gago ka pala Bob eh. Hindi kita idol kasi mayabang ka. Buti pa si Kuya RJ (na itatago natin sa codename Bigote). Ang galing-galing niya pero hindi siya mayabang, hindi katulad mo.
Maraming nangyari sa buhay ko na ang machine na ito ang aking katabi.
Ay, mali pala.
Maraming nangyari sa buhay ko na siya ang aking katabi.
Ngunit noong Huwebes, ika-18 ng Enero 2007, ipinatawag ako ni Sir Jal dahil gusto niya raw makipag-usap sa akin. At ano ang aming pinag-usapan? “Your grades are border, Rudolf.” Well, oo, 2.00 lang ang QPI ko noong nakaraang sem, at inaamin ko iyon. I am still adjusting to this very new environment called college, you see. Tinanong niya ako kung may kailangan ba akong tulong, kung may bumabagabag ba sa akin, at kung may problema ba ako sa pamilya. Wala naman, sabi ko. Wala naman ata. Ayun, natapos yung meeting namin ni Sir Jal nang maayos. Dahil Huwebes, nagpunta ako sa Gateway upang maglaro ng DM. Nakasanayan ko na yun eh, na maglaro tuwing Martes at Huwebes. Habang lulan ng escalator patungong 5th level ng Gateway, inisip ko ang mga sinabi sa akin ni Sir Jal habang nakatingala sa skydome. Borderline ka. May kailangan ka ba? Tutulungan ka namin. Pagdating ko sa Timezone, nandoon sina Bigote at Miss Nurse Girl (isa pang idol ko sa DM). May naramdaman akong kakaiba. Parang bumigat ang loob ko. Parang itinataboy ako. Nalungkot ako noong makita ko ang DM machine na iyon imbis na matuwa. Unang beses kong maramdaman ang kakaiba at nakababagabag na pakiramdam na iyon. Nakangiti ako, ngunit uniiyak ang loob ko sa kahihiyan. Hindi ko maipaliwanag. Basta. Nahiya ako sa aking sarili.
Hindi ako naglaro ng DM noong araw na iyon. Naglaro na lamang ako ng Tekken 5 at natalo sa Stage 4 laban kay Bryan gamit si Xiaoyu. Noong paalis na ako, muli kong sinulyapan ang DM machine kung saan nilalaro ni Miss Nurse Girl ang kanyang extra stage dahil sa kanyang absolutely magnificent performance.
Ano na ba ang nangyari sa iyo?
Marahil, kulang sa Green Tea.
~Yunit Ako
Napilitan lamang akong isulat ito sa Open Lab ng CTC 313. Magsusulat rin daw kasi ng mga munimuni nila ang aking mga kaibigan.
Long Test na naman sa Math bukas. Hindi ko pa naaaral ang Related Rates. Malamang, babagsak ako bukas. Ang galing ko, ano? Hinahanda ko na ang aking sarili na bumagsak imbis na nag-aaral upang hindi bumagsak. You are so great. Just superb. Marahil hinahanap-hanap kong muli ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na benta ni Ate Linda, hindi ni Ate Chel. Hindi ko kasi maipalaiwanag kung bakit ganito na ako ngayon, kaya ito na lang ang dahilan ko para naman creative.
Pero hindi ko na ulit matitikman ang P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious na timpla ni Ate Linda. Umuwi na kasi siya sa kanyang probinsiya. Marahil si Ate Chel din, umuwi na rin sa kanyang probinsiya o ‘di naman kaya’y naghanap na ng ibang trabaho na mas worthwhile.
Ngunit may C2 Green Tea na ngayon na lasang pinaghugasan ng paa.
Umikot na ang mundong aking kinagagalawan. Umikot ito ng hindi ko talagang nararamdaman. At bakit? Ang DrumMania machine na aking pinagkatiwalaan nang mahigit sa isang taon ay hindi nagbago. Tuwing naglalaro ako, naiipit ako sa sarili naming mundo ng DrumMania 10th Mix by KONAMI Japan sa Gateway habang ang mundo sa labas ay matuling nag-iiba. Ngayon ko lang din napansin na makalipas ang isang taon ng mga Martes at Huwebes na jamming sa Gateway, hindi pa rin ako gaanong kagaling.
Hindi kasi ako nagbabago. Ang DrumMania 10th Mix sa Gateway ay hindi rin kasi nagbago, eh. Pero may V3 na ang DrumMania series.
Naiwan na pala ako.
Dapat kong matutunan ang katotohanan na may sariling uri ng sarap ang C2 Green Tea na iyon na lasang pinaghugasan ng paa. Dapat malasahan ko na masarap din pala ito tulad ng P21.00 Mega-sized Green Kiwi Tea ng Nutrilicious ni Ate Linda.
Sana may uwing C2 si daddy mamaya.

No comments:
Post a Comment