Saturday, May 5, 2007

Adobe Photoshop 7.0

For the first time in my life, I successfully drew a man. Well, dahil dito, nagdrawing pa ako ng isa pa.

Muscular yung build nila. Kasi, nung sinubukan kong magdrawing ng hindi muscular man, he looked like a woman without breasts. Yay.

Anyways, nagdrawing din ako ng babae para iparis dun sa lalaki. I wanted to see if I could draw na hindi tinatago ang difficult parts sa damit or somewhere. So I drew the man and the woman just in their underwear. Dapat nga totally naked, pero for morality's sake, binihisan ko na kahit papaano.

Yung isa pang man, nagdrawdrawing lang ako ng torso, tapos naalala ko si Bryan Fury. Kaya ayun, naging Bryan Fury inspired tuloy siya. Yung position rin nung kamay niya na 1 hour and 30 minutes ko dinrawing, binura ko rin kasi may mas magandang pose. Nagdalawang isip ako kasi medyo nahirapan ako idrawing yun, pero sabi ko sa sarili ko, gagawin ko yun for the experience and for me to see kung kaya ko bang idrawing yun. So I persevered with that left hand holding a gun for another 45 minutes or so, and I am happy to say na I was pleased na iniba ko. It looks much more better now that before. Come to think of it, bakit nga ba left hand ang may hawak ng baril instead na right? Um, left-handed siya siguro? Ngayon ko lang naisip to ah.

Ang susunod kong project siguro eh yung Bride in Dream o kaya Tentai Kansoku. Well after ko siguro matapos i-photoshop yung Ein/Ayn drawing ko at least.

The past few days, sobrang excited ako bigla magdrawing. Ewan ko kung bakit. So ayun, humiram na rin ako ng Photoshop kay Mistah Dwiz. Si Anboyi-san kasi eh, makakalimutin na. Kulang rin siguro sa Sustagen katulad ko. Tapos akala ko 2787 yung dulo nung product number nung photoshop, 2783 pala. Please write legibly next time. *heart*

So ayun, sinimulan ko na i-photoshop si Ayn after ko madecipher ang hieroglyph na number na iyon. It took me about 2 hours just to retrace, kasi mas maganda ang labas, at siguro mga 2 more hours to color. Well, hindi pa naman tapos eh, pero may kulay na and everything. Bare essentials siguro. Nagsimula ako ng mga 7 ata eh, tapos natapos ng mga bandang 12. Ooh, 5 hours pala. Maybe it took me 3 hours to retrace. Eek, wala pa masyadong detail si Ayn kasi naka lacy pantie and bra lang siya. Paano pa kaya yung mga muscular drawings ko na ang lalaki ng mga cuts nung muscles? Ah, kaya yan.

So ayun, naisip ko na Photoshop is prone to destroying your social life. All that time, nakainvi lang ako sa Y!M. Well, hindi ko naman sinasabing kapag online ako, ang daming kumakausap sa akin. Wala rin eh, so what's the difference? Parang ngayon, hindi na ako nagpapaload or gumagamit ng Unlimitxt kasi for one thing, mahal na, putangjaina, at wala rin naman nagtetext sa akin eh. Hindi sa humihingi ako ng mga textmates, pero honestly, I like it this way. Tahimik ang social life ko. It feels so refreshing sa introverted side ko. Parang mas masaya ako na nagdradrawing or tinititigan ang mga drawings ko ng paulit-ulit habang mag-isa at nakaupo sa kamang hindi na fresh ang yellow-colored beddings sa kuwarto ko compared to um, hindi ko na lang sasabihin. Ewan ko. Inner peace is achieved I guess.

"So ayun, naisip ko na Photoshop is prone to destroying your social life."

Talaga?

No comments: