Kagaya rin lang pala nila ako.
Akala ko naman, iba ako.
Katulad rin pala ako ng ibang tao na matapos magamit ang isang bagay, itinatapon na ito. Oo nga naman, wala na kasing pakinabang, at magiging kalat at pampasikip lang sa pinaglalagyan. Mas mabuti pang itapon na lamang ang mga bagay na wala nang silbi para mabakante ang estante, at maaari pa itong paglagyan ng mas makakahulugang mga bagay.
Naglinis kasi ng bahay sa kabila. Nakatambak kasi dun yung mga luma naming notebook na puro drawing o scribbles (bakit ba "note" book ang tawag sa mga ganito), test papers na may star o kaya'y moon (kasi naubusan na ng stars si teacher), mga scratch paper na wala namang kalmot, mga luma naming laruan, lumang sapatos na new classmate ang porma, at syempre, ang mga PS1 CDs namin. Iniligpit ang kabilang bahay: sinegregate ang mga white paper, colored paper, brown paper, inihandang ipamigay ang mga lumang gamit na maari pang magamit ng ibang tao, at pinagsama-sama na ang lahat ng mga CD. Baka sakali raw na ibenta. Tinanong sa akin ni ate kung wala na raw ba akong kukunin. Inisip ko na dahil sira ang PS1 ko, hindi ko na magagamit ang mga CD na iyon. So sinabi ko na go, wala na akong kailangan dun.
Matapos lamang iligpit ng mga kalat na narealize ko na kasama palang nailigpit at natipon kung saan ang Deception III: Dark Delusion, Dynasty Warriors 5, at Dynasty Warriors 5 Xtreme Legends (PS2 yan miski wala akong PS2). Sabi ko sa sarili ko na hala, mga all-time favorite ko ang mga ito miski na andyan na ang Trapt at Valkyrie Profile 2: Silmeria. Sinabi ko na lang na okay lang kasi tutal, may mga ibang pinagkakaabalahan na ako sa buhay.
Tapos nung isang Linggo, ibebenta na raw ang mga basurang iyon matapos ang maraming linggong pagtengga sa kabila. Tumulong ako sa pagkarga ng gamit sa sasakyan, at habang inaayos ang mga plastic na iyon, nakita ko ang plastic na pinaglalagyan nung mga CD. Dali-dali ko itong binuksan at tiningnan ang laman. Iniisa-isa kong tinitingnan habang iniisip ang "Dark Delusion... Dynasty 5... Dynasty Xtreme..." Nakita ko naman sila at itinago sa aking kuwarto. Malipas lang ang ilang sandali, umalis na sina mamie para ibenta yung mga yun sa junk shop.
Eh ano naman? Hindi mo naman tinapon eh? Hinanap mo pa nga.
Kasi bawat CD na makita ko, may kasamang "Uy! [insert CD name here]! Hindi ko pa ito natatapos ah..." Natempt akong kunin muli ang bawat CD at hindi ibenta. Muntik nang itago ko lahat ang mga CD na iyon at baka maging kalat at mastagnate na naman sa isang sulok ng bahay. Nag-effort akong putulin lahat ng affection meron ako sa mga CD na iyon kasi nga, alam kong magiging kalat lang sila.
Anyway, pagbalik nina mamie, hindi rin naibenta yung mga CD. Ayun, nakatambak ulit sila sa isang sulok sa kabila maliban lang sa Deception III: Dark Delusion, Dynasty Warriors 5, at Dynasty Warriors 5 Xtreme Legends.
Parang tao.
Kung iyong matatandaan (at kung iyong binabasa ang aking blog), inisip ko na ang bagay na ito. Kung hindi, nasa Habang Nakaupo sa Bangketa post ko yun, part V ata. This could explain kung bakit ang tagal tagal ko inaanticipate ang mga bagay bagay, ngunit mas madali ko itong pinagsasawaan agad. Hay.
Kasi kanina, may isa akong kaibigan na hinihintay ang isa pa niyang kaibigan sa labas ng isang office. Close ako sa taong ito, pero dun sa hinihintay niya, close pero not super close. You know what I mean. Tapos, nagwave siya sa amin. Nagwave naman kami. Tapos nung paalis na kami, hindi ata ako nag-goodbye. Ewan ko. I didn't feel like waving goodbye. Hindi ko na nga kinakausap masyado ang taong ito eh. Ewan ko rin. It doesn't feel right talking to this person anymore, in my point of view. Ewan ko talaga. Meron kasi kaming madalas sabay ginagawa dati, pero ngayon, hindi na. Hay.
Itinatapon na lang basta kapag wala nang silbi.
Akala ko hindi ako ganito.
I'm not different after all.
Well, baka naman hindi ako katulad nila, yung mga taong grabe makagamit ng trapo. Well I mean, I'm still there if this person needs my help. Baka may issues lang ako sa mga tao na katulad niya (no offense meant, I really mean no offense). O baka naman nagiging detatched na ako sa mundo.
Ewan ko. Sometimes, napakasenseless ng mga pinagsasasabi ko.

No comments:
Post a Comment