Monday, May 7, 2007

Satiety

Tapos ko nang kulayan yung una kong project na ipopost ko dun sa isa ko pang blog. Pero habang tinititigan ko ito ng mabuti, hindi ako naging masyadong kuntento. Ewan ko lang. It was as if na no-match yung happiness na naramdaman ko matapos kong madrawing yung drawing na yun. Parang, kulang talaga.

So, naisipan kong maghanap ng tutorial or some sort para naman mapaganda ko yung drawing. Ayun, nakahanap ako ng tutorial. Naamaze ako kasi hindi ko magawa yung ginagawa nung author nung tutorial. Binasa ko ang Colouring Line Art ni Melissa Clifton and pondered over it for a few moments. At nagkaroon ng war sa pagitan ng "papalitan mo yung coloring mo" side at yung "okay na yun" side. Well syempre, nanalo yung iibahin ko ulit. It feels like kailangan ko talaga palitan. Parang I do not feel the satisfaction and the fulfillment I felt after drawing Ein, Ayn, and Fury kapag tinitingan ko yung coloring ko kay Ayn. Ewan ko lang talaga.

This would only mean na medyo matatagalan pa bago ako makapagpost ng bago dun sa kabila.

Well as if may nagbabasa pa ng blog ko. Hmm, I wonder. Kung murahin ko ba dito si [insert name here], malalaman kaya niya? I guess not. Ooh, the opportunity~

No need to make this post very long like the others I guess. Kuntento na ako with this. Wala rin naman kasi akong makukuwento ngayon eh. Natulog lang ako at nagbasa ng psych.

Hm. Sana lang, lagi akong satisfied, fulfilled, and content every time I embark to something. Well, you can't have it all.

Oo nga pala, kung sino man ang nakakabasa nito ngayon, subukan mong sumigaw sa isang empty place. It is so satisfying and fulfilling. Pero mas fulfilling ang sumigaw sa isang lugar (na pwede kang sumigaw) filled with strangers. I don't know. Try it.

No comments: