Wednesday, June 6, 2007

もういちど ヅラメイニャー

「Mou ichido DrumMania」

Ayan. Dahil siniseryoso ko ang aking plans of becoming a Japanese minor, expect more of these hiragana and katakana characters. Well, for mastery's sake.

--
Kanina, nagpunta akong Gateway matapos ang endless pagdadalawang-isip habang pauwi na kami ni Thomas (na pinautang ako ng P700.00 kasi meron palang P657.35 ata na lab breakage deposit na hindi kasama sa scholarship) [as if naman makakabasag ako ng phallic symbol na test tubes or flasks no]. Hay, どうもありがとうございます 「doumo arigatou gozaimasu」 talaga master Thomas, hindi na ako babalik para makiwowowee para magbayad. Medyo nasoup pa nga yung sapatos ko na not-made-for-rain-kasi-suede. Buti na lang, hindi nabasa ang akin socks at nagkaroon ng instant mashed potatoes out of nowhere.

Nung dumating ako sa Gateway, andun si chubby nurse girl (CNG for short) at isa niyang friend na kamukha ni Billy John ng CompSAt (na tatawagin nating KBJ -- Kamukha ni Billy John). Isa lang masasabi ko sa kanya: ang galing galing niya. Idol ko na siya kasi friendly siya at magaling (like kuya RJ/Bigote) -- natapos niya ang Timpiece phase II (EXT. 92) na walang auto (at puro S nga pala ang grade niya dun sa 4 songs, manual lahat). Demn. Napanganga talaga ako sa absolutely magnificent performance niya. Gusto ko ngang kamayan siya at sabihing "I'm a fan!," pero nashy ako. Pero grabe talaga. Tapos naglaro na si CNG. Si KBJ ang namimili ng kanta, at medyo nahirapan si CNG. Natuwa ako sa kanila kasi they were having fun. Ang saya-saya talaga nila, kaya ang saya nilang panoorin.

So ako na. Syempre, hindi mawawala sa aking repertoire of 4 songs ang 天体観測 「Tentai Kansoku」. Tapos, 妬けのが原 「Yakeno ga Hara」 na auto bass pero pinapractice ko yung bass. Muntik na ako magfail. Tapos nun, 「begin」. Big decision ito, kasi third stage pa lang. Oo, lifeless ako nung natapos ko yung song. Buti na lang. Natuwa ako kina CNG at KBJ kasi narelieve sila nung matapos ko yung song, sabi pa nga nila, "Ano ba yun bakit ako yung kinakabahan!" Natuwa ako. After nun, Yakeno ga Hara ulit pero auto cymbal naman. Mahirap lang talaga yung sabay-sabay lahat. Nung paalis na ako, I waved a little kay CNG. Well, medyo friends naman na talaga kami since hiniram niya yung sticks ko a long time ago.

So, matapos nun, naisip ko ang mahahalagang points na ito tungkol sa DrumMania and autobassing:

1. Start bassing early. Kung hindi, mahihirapan kang matutunan ito.
2. Well, if you didn't start bassing early (like me), kapag magpapractice ng bass, huwag i-auto ang bass. Auto something else so that you get to feel the bass and actually see if your notes hit. Kung nalilito, stop hitting the auto and concentrate sa bass.
3. Practice sa bahay yung parts na mahirap. I'm telling you, effective.

No comments: