Hay nako. Eto na naman yung mga silences sa aking blog dahil hindi ko maayos yung dapat kong maramdaman.
Nung Tuesday, birthday ni Ate. She turned [age withheld due to threats of physical injuries]. Matagal ko na rin pinangarap magpahenna. Kaya ayun, nagpahenna ako nung birthday ni Ate. Gift ko yun sa kanya (well yun yung sinabi ko, pero nagluto ako ng cookies na nasunog ko na naman the day after).
Pinuntahan ko na nung Monday yung maliit na stall sa may Farmers at tinanong kung P150 pa rin ba yung rate nila sa pagpapalagay ng henna. Napadpad ako sa Cubao on a Monday kasi bumili ako ng ingredients para sa cookies sa Rustans sa may Gateway na kung saan muntik ko nang malimutan yung refined sugar at nalaman ko rin na margarine pala ang ginagamit ko at hindi butter, pero ayos lang naman kasi yun yung sabi ni Ate Tin, pinsan kong magaling magbake. Oo daw, pero wala daw dun yung nangtatattoo kasi kumain lang daw saglit. Sinabi ko na babalik na lang ako kinabukasan. So pagkauw i, naghanap ako ng Old English na font, kaso lahat ng nakita ko, puro may bayad. So ang ginawa ko na lang, naghanap ako ng image nung font at inedit na lang yun. Nung birthday ni Ate, bumalik ako sa maliit na stall na iyon at nagpahenna. Nakakangawit pala. Nakakangawit daw talaga yun sabi ni Kuya Joey, kasi raw sa likod ko pinalagay at Old English pa. Sabi niya, 1-2 weeks daw magtatagal yung henna ko, pero medyo nalusaw na siya pagdating ko sa bahay kasi nagpawis ako. Siguro, hindi pa siya entirely tuyo nung umalis ako. At dapat pala maitim na shirt ang isusuot mo kapag magpapahenna. Well anyway, ayos lang naman sa akin kasi at least, nagawa ko na yung matagal ko nang gusto. Nakapagpahenna na rin ako sa wakas. Actually nga, sa birthday ko, gusto ko nang ipatattoo yung ipinahenna ko eh. Makakapagdonate ka pa pala ng dugo miski na nagpatattoo ka na. Isang taon lang naman daw, makakapagdonate ka na ng dugo kung kinakailangan. Well, hindi naman rare ang blood type ko anyway.
Grabe. Napakaweird pala ng feeling na tinititigan ka ng mga tao dahil nagpapahenna ka. Open stall kasi yung pinuntahan ko, at may maliit na kurtina lang sa harap. Nagkataon kasi na may kinokopya yung isang artist nung stall nila sa labas, so ang daming nanonood. So ang dami ring nakasilip ng aking untouched body na natouch na dahil nagpahenna ako kay Kuya Joey.
At sabi naman ni idol Jacob na tolerable naman yung pain na associated sa pagpapatattoo. Yun nga lang, kailangan pag-isipan mabuti yung design at kailangan maghanap ng astig na artist. Exact words yan ni idol. Kailangan kong maghanap nung may license para siguradong safe na safe from sicknesses.
Hay. Sana lang pumayag ang aking very conservative parents about this matter. Sa likod ko naman ipapalagay eh, so hindi siya makikita.
Nung Tuesday, birthday ni Ate. She turned [age withheld due to threats of physical injuries]. Matagal ko na rin pinangarap magpahenna. Kaya ayun, nagpahenna ako nung birthday ni Ate. Gift ko yun sa kanya (well yun yung sinabi ko, pero nagluto ako ng cookies na nasunog ko na naman the day after).
Grabe. Napakaweird pala ng feeling na tinititigan ka
At sabi naman ni idol Jacob na tolerable naman yung pain na associated sa pagpapatattoo. Yun nga lang, kailangan pag-isipan mabuti yung design at kailangan maghanap ng astig na artist. Exact words yan ni idol. Kailangan kong maghanap nung may license para siguradong safe na safe from sicknesses.
2 comments:
woah... old english. OwO
Hmm... Kung magpapatattoo ka, forever na un di ba?
oo.
since via tattooing lang din "mawawala" yung tattoo, forever ka nang may tattoo.
Post a Comment