Monday, March 2, 2009

Endangered Specie(s?)

Hindi ko na talaga alam kung ano bang gagawin ko. Sobrang baba na ng tingin ko sa sarili ko ngayon. Well, kailan ba naging mataas ang tingin ko sa sarili ko? Nakakaiyak na talaga, pero ano naman ang magagawa ng pag-iyak ko, 'di ba? Magbabago ba ang mga pagkakamali ko kung iiyak ako ng limang banyera ng dugo? Hindi naman, 'di ba?

Susubukan ko ba? Ayaw ko nga, wala na nga akong masyadong dugo, tapos iiyak pa ako ng limang banyera. Sa tingin ko nga, mabawasan lang ako ng isang kutsaritang dugo, papasok na ako sa isang irreversible state of brain inactivity. Siguro mas mabuti na rin yun kasi mabuti pa ang gulay, masarap at masustansiya.

Kasi naman. Ngayong sem na ito, lagi na lang hindi lumalabas sa mga test na yan ang mga inaaral ko. Aaminin kong hindi todong aral ang nagagawa ko, pero naman! Bumabagsak na ako sa Th131 dahil sinusubukan kong intindihin yung mga concept, pero ang mga lumalabas sa mga test at quizzes ay yung mga taong nag-isip ng mga concept na yun. And I am a jerkfuck in remembering asshat names printed inside a textbook or located deep within paragraphs and paragraphs of scholarly readings. I just suck at things, and more often than not, the things I suck at are the ones most important.

Pero may finals pa. Pusangama naman o. Tutangina. Sabi sa syllabus essay, so I guess I have a better chance of passing that one. Nakakaiyak, pero wala e, ito na. Siguro ako rin talaga ang may mali dahil hindi ako nag-effort more miski na alam kong kailangan ko. Sobrang naging tamad na talaga ako this sem. Maraming reason, pero isa sa mga main reasons ay ang CS162 kay Doc Mana. Nakakaiyak (lagi ka namang naiiyak, what a sissy). Sobrang nakakawalang gana ang class ni Mana to the point na gusto ko nang magshift-out ng BS Computer Science papuntang AB Fine Arts. Walang relationship sa mga sinasabi ko, pero gusto ko pa rin magtrabaho sa Timezone someday. Bakit ka makikipagsapalaran sa isang na kung saan may mas magagaling sa iyo sa lahat ng aspeto? Pero who am I to tell?

Pero may chance pa naman. Pero yun din ang sinabi ko a month ago nung nakita kong medyo alanganin na ako. Hindi ako pwedeng magkaroon ng dalawang D sa card dahil kung hindi, mawawalan (na naman) ako ng scholarship at sigurado akong mahirap na itong i-appeal ngayong incoming senior na ako. May chance pa naman, dahil sabi sa akin ni Kara, nagsuot lang raw siya ng tube dress sa finals ng CS162, at B ang nakuha niyang grade. Mabait naman si Kara at papahiramin niya raw sa akin yung tube top niya at ultra-short kepkep shorts. Ayos.

Hay. At kakasabi ko pa naman kay Jay kahapon na graduating na ako next year sa awa ng Diyos.

Kailangan ko lang ulit maniwala sa sarili ko. Kailangan.



O 'di ba. After a long time of inactivity, rant pa ang post ko.

No comments: