Monday, May 28, 2007

Mekansm

Ehem. Dahil psych is not love, make love, not war, so psych is war, hinalughog ko yung tambak ko sa kwarto of photocopies, photocopies, and more photocopies of Santrock's Psychology 7. Oh no! Wala ata akong permission to photocopy! Tsk. Mahuhuli ata ako for violating some rules I don't even know. Wala lang.

Naisip ko lang yung mga defense mechanism habang kinast ni [7N] Enchantress yung AoE ng Mekansm nya. +something to armor and heals 200 HP in a 200 AoE around the user ata. Headdress of Rejuvenation at Netherzeim (ewan ko, basta parang ganun) Buckler ang kailangan ng Mekansm.

At dahil dun, nainspire ako (which I haven't recently) na hanapin ang section ni Santrock tungkol sa defense mechanisms. Amp, Chapter 12 pala. Medyo matagal-tagal ko rin kasing hinanap, eh. Gusto ko itong tawaging "The 8 Signs of Deep Depression." O ha, galing yan sa "The 10 Signs of Good Nutrition" ng Nido yata na hindi naman binanggit lahat, puro normal weight at normal height. Ano ba? Akala ko ba 10? Ang cheesy pa nung pagkakakanta ng "The 10 Signs of Good Nutrition." Shet.

Ay oo nga pala, salamat Santrock. Yan ha, binanggit kita, so please huwag mo ako idemanda. *heart*
Ah yes, the scent of Sigmund Freud once again. Sniffffffrnk!

-----------------------------------------------------------------
Defense Mechanisms / The 8 Signs of Deep Depression
-----------------------------------------------------------------

REPRESSION
The master defense mechanism; the ego pushes unacceptable impulses out of awareness, back into the unconscious mind.

*Your childhood was a sad one. It was really bad. You hated it. You were traumatized, in some way or another. Today, you cannot recall any memories about your childhood except for you sitting on the tribal carpet in front of the television watching Cedie, while the yellow-ruffled curtains fluttered at your back.
___
RATIONALIZATION
The ego replaces a less acceptable motive with a more acceptable one.

*You did not get exempted in the finals. You know that you did not do your best. "I'm depressed so I wasn't able to concentrate." Well, maybe you were.
___
DISPLACEMENT
The ego shifts feelings toward an unacceptable object to another, more acceptable object.

*You love someone, but you are too afraid to say it. You are worried that if you do, it would change everything. Deep inside, you want to embrace that person, but it isn't possible. So you just love your pillow instead.
___
SUBLIMATION
The ego replaces an unacceptable impulse with a more acceptable one.

*A person wants to curse everybody around him for being so [insert adjective here]. Due to this, he enjoys playing DOtA with his friends because he gets to curse as much as he wants without getting into trouble.
___
PROJECTION
The ego attributes personal shortcomings, problems, and faults to others.

*A person in deep, deep, depression sees his friend as very depressed and says he needs his help.
___
REACTION FORMATION
The ego transforms an unacceptable motive into its opposite.

*Even though depressed, someone was laughing the whole day with no apparent reason. Hm, I wonder why?
___
DENIAL
The ego refuses to acknowledge anxiety-producing realities.

*Someone doesn't accept reality itself. Simple enough.
___
REGRESSION
The ego seeks security of an earlier developmental period in the face of stress.

*Someone returns once again to Timezone in Gateway to the DrumMania 10th Mix machine there once he feels at the brink of another bout of chronic depression.


Meron na akong Lycander's Flank. Pero nawala yung Windforce. Hay naku, buhay.
Lagi na lang ganito.

"Make *heart*, not *bratatatatatatat*."

Hm... Meron kayang Headdress of Rejuvenation sa hair accessories section ng SM?

Thursday, May 17, 2007

Deaf

I don't know why I keep hurting myself.

Sorry, I feel depressed. No new posts for the meantime.


As if I'm talking to someone right now.

There's the problem. No one is there to listen anymore.

*edit

Hm. Pinag-iisipan ko kung isusulat ko ba dito kung bakit ako depressed. The thing is:

1. Hindi ko alam kung bakit ako depressed.
2. Walang makikinig.

Baka dumami pa ang psychological abnormalities ko eh. "Talking to oneself."


Nanimo kowagaru kotonain dane... Watashi, anata, dakishimeteta yo..

Thursday, May 10, 2007

30-second 15 point quiz

Args. The usual time naman ako umalis ng bahay. Sadyang malas lang talaga ako ngayong araw na ito. Siguro.

Kasi naman. Ang bagal ng mga jeep na naskayan ko. Sila ang may kasalanan, hindi ako.

Sa may Sandigan, ang sinasakyan kong jeep eh yung malapit na mapuno o kaya yung mukhang malapit na umalis kasi alanganin na yung puwesto niya sa sakayan. Ang sinakyan kong jeep kanina, yung parehong mapupuno na at yung alanganin na ang lugar. Aba aba, naghintay pa ako ng 5 minutes bago umalis yung jeep.

TIME: 7:05

So ayun, ininterview pa ako nung mabalahibong driver na yun kung may pasok pa ba ako kasi ang alam niya bakasyon na chuva chuva. Nung isang araw rin, ininterview ako ng isang gurangutan naman na driver na summer na, so bakit sais lang bayad mo. Hindi ko naman sila masisisi kasi hanapbuhay nila yun eh, pero it is one of the few times na honest ako sa strangers. Totoo namang may pasok ako eh, tingnan mo pa yung pink sticker na sobrang pangit at minadali yung pagkakalagay sa ID ko na nakasulat SUMMER 07-08. Gusto ko pa nga sana ipakita yung syllabus ng psych at jap eh.

At ayun, si manong driver na mabalahibo, sinuyod ang kahabaan ng Commonwealth para sa mga potential pasaheros. Parang siyang naghanap ng mga kuto sa isang wooly mammoth. Ganun.

TIME: 7:25

May pag-asa pa ata akong hindi malate masyado. Ay, hindi na pala, mas late na pala ako than usual. Buti na lang, hindi nagchecheck ng attendance si ma'am. Ata.

TIME: 7:28

Uy! mapupuno na yung jeep! Kailangan kong magmadali. Pero sa kasamaang palad, nauna si little miss girl in white blouse. Too bad, isa na lang pala yung kulang. Ampf. Sabi ni kuya Louie, sa harap na daw. Sa harap na nung susunod na jeep. So okay, patience patience. Well, after 5 minutes, napuno na rin naman eh. Five fat minutes akong naghintay sa mainit na jeep na yun.

TIME: 7:33

Tumunganga na lang ako sa kabagalan ng jeep na yun. Ano ba? Overloaded ka ba kaya ang bagal mo? Kainis ka naman eh! Ang init na nga ng jeep mo tapos ang bagal mo pa magpatakbo! Buti na lang, naalala ko yung ridiculous jingle ni Tessie Aquino-Oreta. Hindi na ako masyadong nainis sa driver kasi nainis na ako sa Tayo'y Magsama-sama, Tes-sie-Aqui-no Ore-taa!! na yun.

TIME: 7:45

Hay salamat. Para na. Baba, akyat ng mabilis sa overpass, lakad ng mabilis hanggang sa classroom. Uh, bakit ang tahimik nila?

"Number 12: Name a model or theory of memory." Hindi exact words ni ma'am, hindi pumasok sa isip ko yung exact ones kasi my attention was split in asking for a piece of paper, listening to ma'am, panicking, and cursing all the goddamn slow jeeps on earth. Sana maging mura ang mga nitro packs dito sa Pilipinas.

...

"Number 15: Who is the beadle of this class?" Isusulat ko na dapat Kate, pero naoverwhelm ito ng "wala na atang maisip na tanong si ma'am" at "putangnang mga jeep na mahilig chumismis kung may pasok pa at nanunuyod ng mga pasahero at mga makukupad!"

Uh, nagrecap naman si ma'am. Dito ko nalaman na memory retrieval fails when pressure is applied. Like duh, hindi physical pressure, tonto. Uy, baka maging theory yan ng memory. Yung "Slow jeepney drivers causes memory to relapse or fail." Well anyway, naka-7 points naman ata ako. I can kiss my exemption goodbye I guess (drama lang, alam kong may pag-asa pa kasi may mga stuff pa na kailangan gawin).

Teka, akala ko ba walang surprise quizzes? Baka inanounce, hindi ko lang narinig.

O kaya hindi ko natandaan. Hay, Sustagen, Sustagen.

Well, ayos lang naman yan. Tama ang naging desisyon ko na sumama dun sa APIO kasi wala kaming ginawa kung hindi magXBox lang. Hindi rin ako inabutan ng ulan pauwi. Umulan lang nung ako ay magsisiesta na.

Ay oo nga pala, watch out for Ayn (kung may nagbabasa pa ng blog ko maliban sa akin; naamaze nga ako na 700+ hits na ang combo dahil sa kakaedit ko ng mga posts ko kasi deep inside, there lies an over obsessive being who hates slow jeeps and snooty jeepney drivers who doubt your six peso fare).

Monday, May 7, 2007

Satiety

Tapos ko nang kulayan yung una kong project na ipopost ko dun sa isa ko pang blog. Pero habang tinititigan ko ito ng mabuti, hindi ako naging masyadong kuntento. Ewan ko lang. It was as if na no-match yung happiness na naramdaman ko matapos kong madrawing yung drawing na yun. Parang, kulang talaga.

So, naisipan kong maghanap ng tutorial or some sort para naman mapaganda ko yung drawing. Ayun, nakahanap ako ng tutorial. Naamaze ako kasi hindi ko magawa yung ginagawa nung author nung tutorial. Binasa ko ang Colouring Line Art ni Melissa Clifton and pondered over it for a few moments. At nagkaroon ng war sa pagitan ng "papalitan mo yung coloring mo" side at yung "okay na yun" side. Well syempre, nanalo yung iibahin ko ulit. It feels like kailangan ko talaga palitan. Parang I do not feel the satisfaction and the fulfillment I felt after drawing Ein, Ayn, and Fury kapag tinitingan ko yung coloring ko kay Ayn. Ewan ko lang talaga.

This would only mean na medyo matatagalan pa bago ako makapagpost ng bago dun sa kabila.

Well as if may nagbabasa pa ng blog ko. Hmm, I wonder. Kung murahin ko ba dito si [insert name here], malalaman kaya niya? I guess not. Ooh, the opportunity~

No need to make this post very long like the others I guess. Kuntento na ako with this. Wala rin naman kasi akong makukuwento ngayon eh. Natulog lang ako at nagbasa ng psych.

Hm. Sana lang, lagi akong satisfied, fulfilled, and content every time I embark to something. Well, you can't have it all.

Oo nga pala, kung sino man ang nakakabasa nito ngayon, subukan mong sumigaw sa isang empty place. It is so satisfying and fulfilling. Pero mas fulfilling ang sumigaw sa isang lugar (na pwede kang sumigaw) filled with strangers. I don't know. Try it.

Sunday, May 6, 2007

Si Blood Raven, si Andariel

Naglalaro kasi kami ng Diablo II: Lord of Destruction nina Ej, Thomas, at kuya niya. Nightmare na kami. Yung Frenzy Barbarian ko, lv. 45 na ata, at ang equip eh Ginther's Rift at Shadow Needle na may Sol. So nasa 700+ bawat hit na ang damage ng Frenzy ko kasi lv. 24 na ito at yung Double Swing na +8% damage per level sa Frenzy eh lv. 21 na. So ayun.

Nag-Baal run kami kanina. Pero before that, may topak daw yung video ng LoD ni Ej, so medyo matagal siyang wala. Naligo muna ako tapos pagbalik ko, wala pa rin si Ej. So naisipang kong bumalik sa Cold Plains. Hinanap ko ang Burial Grounds. Hinanap ko si Blood Raven. Tumalon ako papunta sa kanya sabay Frenzy paglanding. Dead agad. Sigh. Samantalang dati, hirap na hirap akong tsugihin si Blood Raven. It literally took me about 10 minutes or so just to kill her for the very first time (naka /players 8 kasi eh). Well, hanggang pagkatapos ni Countess, medyo mahirap pa rin si Blood Raven.

Sumunod kong pinuntahan ang Catacombs Level 2. Hinanap ko ang hagdan pababa, hanggang makarating ako sa lungga ni Andariel, ang act boss ng Act I. After 5 seconds ng Frenzy, dedz rin. Hala, ang hirap patayin dati ni Andariel ng mag-isa kasi ang dami niyang alipores at nakakabanas ang poison niya. Grabe talaga.

Nakina Blood Raven at Andariel dati ang kapangyarihan. Pero ngayon, nasa akin na. Pipitsugin na sila compared sa Ginther's Rift ko no. Wala silang binatbat sa Frenzy ko na daig pa ang Agi Up sa bonuses.

Pero dahil Nightmare na kami, nawala na naman ang kapangyarihan sa akin. Napunta na naman sa forces of evil. Actually, napatay ako kanina ng isang bunch of Zombies. Mind you, 1038 na ang life ko after Battle Command at Battle Orders at Shout. Tuloy, death took a toll of 54687 gold tapos ang mahal pa buhayin yung alalay ko tapos nawalan pa ako ng experience. Hnf.

Sad. Hindi bumalik si Thomas at yung kuya niya. Bibigyan ko pa sana yung Amazon nung kuya ni Thomas (kuya Michael ata eh -- ata ha) ng Buriza-do-Kyanon at Shael, Ko, at Nef runes para sa Melody para naman may magamit siya. Ay oo nga pala, nakakuha ako ng unique Razor bow, Riphook (ata yung pangalan nun eh). Formidable naman para sa Amazon ng kuya ni Thomas.

Sige aaminin ko na, dati sa high school, nasa akin ang "kapangyarihan." Well, siguro to be more correct, nasa akin pa yung confidence ko. I was ready to face anything that came into my way kasi nga I felt I can do it. Pero ngayon, wala na naman. Takot akong magstep-out at mauna. Ewan ko. Siguro, natapos ko na ang Normal difficulty ng life at tinutuloy ko na ang Nightmare part nito. Hell comes after college I guess. O Hell na ang college? Ewan, ewan, ewan.

Ikuwento ko lang rin na kumain kami nina Ej, Thomas, at Yanyan sa Jollibee kasi gumawa kami ng project sa psych. Gutom na gutom kami pare-pareho. Inorder ko, 2-pc. Burger Steak, 2 extra rice, at isang Mango de Crema Ice Craze. Ang sama ko nga eh, medyo natawa ako nung sinabi nung guy that comes up to you kapag may pila "...at isang pong mehnggo crema." Ah, okay lang sana, pero inulit niya kasi yung "mehnggo" later on. Ayos lang yan Mr. Ordertaker ko kanina. We all have flaws.

Pagkauwi ko, sinabi ko yung order ko sa ate ko kasi kakain pa lang sila. Yung kuya ko, being all snooty and stuff, eh humirit na "ayos ah, karpinterong-karpintero order mo ah!" Hnf. Pinigil ko na lang sarili ko. Nakuntento na lang ako nung sinabi ko sa sarili ko na at least hindi ako mataba, hindi katulad mo na may tiyan ng 50-year old daddy of 4 sets of sexcatuplets (meron bang sexcatuplets?!). Pagym-gym pa, pa-less-carbs less-carbs pa, grabe naman kung lumantak. Nagpaorder siya kanina sa McDo. Well, minimum of P150.00 ata ang delivery eh, so isipin niyo na lang yung kinain niya.

Hah akala mo ha. Dati inaasar asar mo ako dahil mukha akong special asado siopao ng Paotsin. Hah, sino ngayon ang mukhang kumain ng sandosenang jumbo special siopao ng 7-11?

Paminsan talaga, naiingit ako kay Thomas na may kuyang kasundo o kaya kay Ej na walang kuyang snooty and all na kasama sa bahay.

I think power is just recycled, never created, nor destroyed. Paminsan, nasa iyo, paminsan, ang kapangyarihan ay nasa itaas mo. At oo, you can't have it all.

Katulad ng happiness. Katulad ng buhay.

Hay sayang. Walang "there is no cow level" o kaya "power overwhelming" sa LoD.

Pero meron ganyan sa buhay. Oo, meron.

Saturday, May 5, 2007

Adobe Photoshop 7.0

For the first time in my life, I successfully drew a man. Well, dahil dito, nagdrawing pa ako ng isa pa.

Muscular yung build nila. Kasi, nung sinubukan kong magdrawing ng hindi muscular man, he looked like a woman without breasts. Yay.

Anyways, nagdrawing din ako ng babae para iparis dun sa lalaki. I wanted to see if I could draw na hindi tinatago ang difficult parts sa damit or somewhere. So I drew the man and the woman just in their underwear. Dapat nga totally naked, pero for morality's sake, binihisan ko na kahit papaano.

Yung isa pang man, nagdrawdrawing lang ako ng torso, tapos naalala ko si Bryan Fury. Kaya ayun, naging Bryan Fury inspired tuloy siya. Yung position rin nung kamay niya na 1 hour and 30 minutes ko dinrawing, binura ko rin kasi may mas magandang pose. Nagdalawang isip ako kasi medyo nahirapan ako idrawing yun, pero sabi ko sa sarili ko, gagawin ko yun for the experience and for me to see kung kaya ko bang idrawing yun. So I persevered with that left hand holding a gun for another 45 minutes or so, and I am happy to say na I was pleased na iniba ko. It looks much more better now that before. Come to think of it, bakit nga ba left hand ang may hawak ng baril instead na right? Um, left-handed siya siguro? Ngayon ko lang naisip to ah.

Ang susunod kong project siguro eh yung Bride in Dream o kaya Tentai Kansoku. Well after ko siguro matapos i-photoshop yung Ein/Ayn drawing ko at least.

The past few days, sobrang excited ako bigla magdrawing. Ewan ko kung bakit. So ayun, humiram na rin ako ng Photoshop kay Mistah Dwiz. Si Anboyi-san kasi eh, makakalimutin na. Kulang rin siguro sa Sustagen katulad ko. Tapos akala ko 2787 yung dulo nung product number nung photoshop, 2783 pala. Please write legibly next time. *heart*

So ayun, sinimulan ko na i-photoshop si Ayn after ko madecipher ang hieroglyph na number na iyon. It took me about 2 hours just to retrace, kasi mas maganda ang labas, at siguro mga 2 more hours to color. Well, hindi pa naman tapos eh, pero may kulay na and everything. Bare essentials siguro. Nagsimula ako ng mga 7 ata eh, tapos natapos ng mga bandang 12. Ooh, 5 hours pala. Maybe it took me 3 hours to retrace. Eek, wala pa masyadong detail si Ayn kasi naka lacy pantie and bra lang siya. Paano pa kaya yung mga muscular drawings ko na ang lalaki ng mga cuts nung muscles? Ah, kaya yan.

So ayun, naisip ko na Photoshop is prone to destroying your social life. All that time, nakainvi lang ako sa Y!M. Well, hindi ko naman sinasabing kapag online ako, ang daming kumakausap sa akin. Wala rin eh, so what's the difference? Parang ngayon, hindi na ako nagpapaload or gumagamit ng Unlimitxt kasi for one thing, mahal na, putangjaina, at wala rin naman nagtetext sa akin eh. Hindi sa humihingi ako ng mga textmates, pero honestly, I like it this way. Tahimik ang social life ko. It feels so refreshing sa introverted side ko. Parang mas masaya ako na nagdradrawing or tinititigan ang mga drawings ko ng paulit-ulit habang mag-isa at nakaupo sa kamang hindi na fresh ang yellow-colored beddings sa kuwarto ko compared to um, hindi ko na lang sasabihin. Ewan ko. Inner peace is achieved I guess.

"So ayun, naisip ko na Photoshop is prone to destroying your social life."

Talaga?

Thursday, May 3, 2007

Onaji

Kagaya rin lang pala nila ako.

Akala ko naman, iba ako.

Katulad rin pala ako ng ibang tao na matapos magamit ang isang bagay, itinatapon na ito. Oo nga naman, wala na kasing pakinabang, at magiging kalat at pampasikip lang sa pinaglalagyan. Mas mabuti pang itapon na lamang ang mga bagay na wala nang silbi para mabakante ang estante, at maaari pa itong paglagyan ng mas makakahulugang mga bagay.

Naglinis kasi ng bahay sa kabila. Nakatambak kasi dun yung mga luma naming notebook na puro drawing o scribbles (bakit ba "note" book ang tawag sa mga ganito), test papers na may star o kaya'y moon (kasi naubusan na ng stars si teacher), mga scratch paper na wala namang kalmot, mga luma naming laruan, lumang sapatos na new classmate ang porma, at syempre, ang mga PS1 CDs namin. Iniligpit ang kabilang bahay: sinegregate ang mga white paper, colored paper, brown paper, inihandang ipamigay ang mga lumang gamit na maari pang magamit ng ibang tao, at pinagsama-sama na ang lahat ng mga CD. Baka sakali raw na ibenta. Tinanong sa akin ni ate kung wala na raw ba akong kukunin. Inisip ko na dahil sira ang PS1 ko, hindi ko na magagamit ang mga CD na iyon. So sinabi ko na go, wala na akong kailangan dun.

Matapos lamang iligpit ng mga kalat na narealize ko na kasama palang nailigpit at natipon kung saan ang Deception III: Dark Delusion, Dynasty Warriors 5, at Dynasty Warriors 5 Xtreme Legends (PS2 yan miski wala akong PS2). Sabi ko sa sarili ko na hala, mga all-time favorite ko ang mga ito miski na andyan na ang Trapt at Valkyrie Profile 2: Silmeria. Sinabi ko na lang na okay lang kasi tutal, may mga ibang pinagkakaabalahan na ako sa buhay.

Tapos nung isang Linggo, ibebenta na raw ang mga basurang iyon matapos ang maraming linggong pagtengga sa kabila. Tumulong ako sa pagkarga ng gamit sa sasakyan, at habang inaayos ang mga plastic na iyon, nakita ko ang plastic na pinaglalagyan nung mga CD. Dali-dali ko itong binuksan at tiningnan ang laman. Iniisa-isa kong tinitingnan habang iniisip ang "Dark Delusion... Dynasty 5... Dynasty Xtreme..." Nakita ko naman sila at itinago sa aking kuwarto. Malipas lang ang ilang sandali, umalis na sina mamie para ibenta yung mga yun sa junk shop.

Eh ano naman? Hindi mo naman tinapon eh? Hinanap mo pa nga.

Kasi bawat CD na makita ko, may kasamang "Uy! [insert CD name here]! Hindi ko pa ito natatapos ah..." Natempt akong kunin muli ang bawat CD at hindi ibenta. Muntik nang itago ko lahat ang mga CD na iyon at baka maging kalat at mastagnate na naman sa isang sulok ng bahay. Nag-effort akong putulin lahat ng affection meron ako sa mga CD na iyon kasi nga, alam kong magiging kalat lang sila.

Anyway, pagbalik nina mamie, hindi rin naibenta yung mga CD. Ayun, nakatambak ulit sila sa isang sulok sa kabila maliban lang sa Deception III: Dark Delusion, Dynasty Warriors 5, at Dynasty Warriors 5 Xtreme Legends.

Parang tao.

Kung iyong matatandaan (at kung iyong binabasa ang aking blog), inisip ko na ang bagay na ito. Kung hindi, nasa Habang Nakaupo sa Bangketa post ko yun, part V ata. This could explain kung bakit ang tagal tagal ko inaanticipate ang mga bagay bagay, ngunit mas madali ko itong pinagsasawaan agad. Hay.

Kasi kanina, may isa akong kaibigan na hinihintay ang isa pa niyang kaibigan sa labas ng isang office. Close ako sa taong ito, pero dun sa hinihintay niya, close pero not super close. You know what I mean. Tapos, nagwave siya sa amin. Nagwave naman kami. Tapos nung paalis na kami, hindi ata ako nag-goodbye. Ewan ko. I didn't feel like waving goodbye. Hindi ko na nga kinakausap masyado ang taong ito eh. Ewan ko rin. It doesn't feel right talking to this person anymore, in my point of view. Ewan ko talaga. Meron kasi kaming madalas sabay ginagawa dati, pero ngayon, hindi na. Hay.

Itinatapon na lang basta kapag wala nang silbi.

Akala ko hindi ako ganito.

I'm not different after all.


Well, baka naman hindi ako katulad nila, yung mga taong grabe makagamit ng trapo.
Well I mean, I'm still there if this person needs my help. Baka may issues lang ako sa mga tao na katulad niya (no offense meant, I really mean no offense). O baka naman nagiging detatched na ako sa mundo.

Ewan ko. Sometimes, napakasenseless ng mga pinagsasasabi ko.

Wednesday, May 2, 2007

The Mark of Zweihander

Advertisement lang.

I have a new blog,
Finishing Strike: Final Blast! ~ The Mark of Zweihander

It's a blog where I would be posting my drawings and stuff.
[Nakakatamad ang deviantArt eh.]

This blog (Finishing Strike: Final Blast! ~ The Egde of Zweihander) would still remain active though - I would still keep posting here.

The link is under Shadow Reverie.

Thanks!