Grabe. Sa wakas, sem break na ako. Hindi ko maipaliwanag kung bakit miski sem break na ako ngayon, hindi pa rin ako masaya. Dala siguro ito ng linggu-linggong pagpupuyat sa kakaaral para sa Ph101 Orals at kakagawa ng game script para sa game namin sa CS179.15A. Hindi rin masaya ma-pressure sa paggawa ng Final Systems Analysis and Design para sa aming information system project para sa CS123. Napaka-informative kasi ng specifications ni Ma'am Lovenia eh. Biruin mo, one or two liners lang yung instruction sa bawat part? I know, it's so ironic. Tinawag-tawag pa siyang specifications; siguro dahil magandang pakinggan. Well, lahat naman ata ng bagay sa mundo, ironic.
Mixed feelings ako ngayon. Natutuwa ako dahil wala nang pasok. Hindi ko na kailangan mag-struggle sa pakikinig kay Fr. Arcilla. Hindi ko na kailangan mag-aral for caches or for pipelined register paths para sa CS152 kasi baka may quiz next meeting. Wala na rin akong aalalahaning deliverable para sa CS123. Hindi ko na kailangang mag-alala na dapat maganda ang aming deliv dahil notorious si Ma'am Sandra for giving low grades. Pero, nalulungkot din ako kasi maaagnas na naman ako sa bahay sa loob ng isang buwan. Dahil wala na rin akong pasok, wala na akong baon. Matitigil na rin for the meantime ang aking pagpunta sa Timezone at pakikipagtsizmisan ko kay Ate Myles. Kung kailan naman nagkaroon ako ng interest sa paglalaro ng Tekken 6, saka naman mawawalan ako ng pera at hindi mapapadpad sa lugar na may Tekken 6.
Hindi rin kasi ako makapag-decide kung ano ba ang gagawin ko over the sembreak. Gusto kong mag-aral ng Flash Scripting and Animation. Gusto ko ring ipagpatuloy ang aking pagguhit dahil isang taon na yata noong ako'y huling humawak ng lapis at pambura at seryosong gumuhit, yung tipong pinagpuyatan at nilipasan ng gutom dahil hindi makuha ng tama ang itsura ng kamay. Pinag-iispan ko rin mag-apply sa mentorship program ng BlueBlade, dahil I feel worthless as a CS Major dahil kinakalawang na talaga ang aking programming skills. Gusto ko na ring matuto magmaneho past primera at magluto ng isang putahe maliban sa nilaga. Ang dami kong gustong gawin, pero hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. I might end up doing nothing at all again.
Ang hirap ng sem na lumipas. Nahirapan talaga ako dahil puro mahihirap ang napili kong mga prof. Wala rin kasi akong nagawa dahil ang taas ng random number ko last sem. Well, at least naman, this coming sem, 15 na ang aking random number.
Sana naman, wala na akong professor na katulad ni Fr. Arcilla na napaka-closed-minded. Kung hindi ka magaling manghula kung ano ang kanyang iniisip, mababa ang makukuha mong mga grado. Kung hindi mo maintindihan ang kanyang librong puno ng sentences half a page long, magdurusa ka talaga. Wala naman na siguro akong prof na aalis papuntang Mexico ngayong dalawang linggo na lang, finals na. Ikukuwento ko lang na maraming naging athiest dahil hindi sinagot ng Diyos ang mga panalangin nilang "God, huwag na po siya sanang bumalik."
Si Sir Mariano naman kasi, siya pa rin ang aking prof para sa Ph102. Medyo mababa magbigay ng grado, pero maayos naman siyang magturo. At magiging prof ko pa rin naman ata si Sir Diy next sem. Well, sa tingin ko naman, prof ko ulit si Sir Jal next sem kasi CS179.15B na eh.
No comment na lang ako sa ibang professor na kailangan mag-ahit. Baka kailangan nila ng user manual sa kung papaano gumamit ng Gilette, o 'di naman kaya'y Shick?
Hay, pasensya ka na blog. Hindi kita nabigyan ng kaukulang atensyon sa nakalipas na Setyembre. 'Di bale, sisimulan ko na ulit magsulat sa iyo regularly.
Pero ngayon, magbabasa muna ako ng FAQ tungkol sa Civilization IV.

No comments:
Post a Comment