Tuesday, April 28, 2009

Three Hundred Minus Ten and Forty-Two

Nagpapasalamat ako kay Sir Arjay dahil may pinagawa siya sa akin right away. Ang ibig sabihin lang nito ay hindi agad ako na-engage sa Petiks Mode. Medyo naging busy ako for the last two hours, kakabaklas at kakapalit ng mga CPU dahil pinahanap ako ni Sir ng driver para sa computer na iyon dahil nga hindi nila mahanapan ng driver. Hindi ma-activate ang Windows dahil walang internet connection, so nahihirapan akong malaman kung ano nga ba talaga yung model ng computer na ito. More than five pagpapalits na ata ang nagawa ko pero all were for naught. Sabi ni Sir Lloyd (o 'di ba may Sir na kasi close na kami, daw) IBM ThinkCenter M50 raw yung problem unit. M50 nga pero ang problema, maraming klase ng M50. Hindi niya ata mapinpoint kung anong release ng M50 yung unit, pero wala naman atang kaso dahil sa site ng Lenovo/IBM, September 2003 pa ang most recent and official release ng driver para sa onboard ethernet adapter. Sinabihan ko rin kanina na kausapin na nila ni Raf si Ma'am Tina para naman bigyan kami ng project na magagawa namin with minimum supervision. Ngayon kasi para kaming mga hammer-driven nails. De pukpok, hindi babaon hangga't hindi tinatamaan ng martilyo. Gusto ko man magpakita ng initiative on my part, hindi ko magawa talaga kasi parang walang initiative ang mga tao dito sa amin. I mean hindi ko sinasabing maging buhay don kami rito, it's just that sobrang nakakapagod ang pigilan ang inescapable sleepiness for eight hours at nakakaantok ang tumunganga lang sa monitor for four and four hours.

O 'di ba. Wala na ata akong napopost dito sa blog ko na something  about substantially blog-worthy. Puro na lang dahil-walang-ginagawa-sa-office-at-sobrang-inaantok-na-ako ang mga posts ko.

No comments: