Sampung minuto pa lang noong sinamahan ako ni Miss Tina sa aking magiging work area for an indefinite period of time, naramdaman ko nang nag-activate ang Petiks Mode. Tapos na ang pagiging bum. Tapos na ang buhay sa bahay habang ang lahat ng mga kaibigan mo ay nagsisimula na sa kanya-kanyang mga OJT. Oras nang magpapetiks-petiks ulit kaya't muli kong nalasap ang Petiks Mode.
Hanggang ngayon wala pang pinapagawa sa akin si Lloyd, yung person na pinaubaya ni Miss Tina para magbigay sa akin ng trabaho. Mukhang busing-busy kasi siya at ilang beses niya rin nabanggit na wala talaga siyang maibigay na trabaho sa akin, so ito, bagot na bagot na ako at gusto ko nang mag 5:05pm. Medyo nalate kasi kami kanina dahil kailangan ko pang magbihis sa Mcdo sa tabi ng One World Square. So kumusta naman ako? Well ito, buhay pa kahit papaano. Nakakabaliw kung gaano katahimik sa sobrang laking office na ito. Nakakabingi na ang monotonous humming ng sobrang lamig na aircon. Kung hindi iyon ang maririnig mo, paminsan-minsan may mga yabag na lalagpas sa iyo habang may pumipindot ng backspace doon sa kabilang mesa. I looked forward in seeing the long and short hands of the wall clock hanging about 10 meters away from me to align at 12, pero sabi sa akin ni Amboy mga 12:30pm raw sila kumakain kasi masyado raw maraming tao kapag eksaktong 12. Nung mga 12:15pm, inaya ako ni Lloyd kumain pero sabi ko sa kanya thanks, hintayin ko na lang sina Raf at Amboy. Yun ata yung sinasabi nilang "business friendly". The whole time kasi focused na focused si Lloyd sa tables sa kanyang laptop.
Grabe. Mukhang kailangan talaga noong Scope of Work na binigay ko kay Miss Tina kanina. Sana talaga bigyan kami ng project para naman hindi kami parang mga tuod dito na panakaw-nakaw ng tulog. Patuka-tuka dahil hindi na mapigilan, papikit-pikit sa maliwanag na ilaw at nagluluha nang mga mata sa antok, at pasulyap-sulyap kung may pagkakataon bang matulog kahit 47 seconds lang.
Nag-aaral na lang ako ng basic PHP para naman maging productive kahit papaano ang unang araw ko dito sa 3M. Nakatulog na nga ako actually dahil sa sobrang wala akong ginagawa. Ngayon lang ako nainis na wala akong ginagawa. Bukod sa pag-aaral ng basic PHP (na nag-a-allow pala na makapag-embed ka code and function sa loob ng HTML, sorry naman hindi ko yun alam), ginamit ko ang Blackle upang makapagtipid ng kuryente para kay Mother Earth at inilagay ang "How to gain weight". Mukhang kailangan ko atang mag-resistance training ng at least 30 minutes a day at kumain ng over 2,300 healthy calories para maabot ang ideal weight kong 160 lbs. At wow, ngayon ko lang rin nalaman na hindi pala ako 50 lbs underweight, 30 lbs lang pala. Bigla tuloy akong namotivate ituloy ang workout routine ni Scooby. Pero ang sabi, ang cardio exercises raw ay to lose fat, pero gusto ko siyang gawin para tumaas ang aking stamina at resistensiya. Mukhang wala na nga talaga akong gagawing office-related today kasi may meeting ngayon si Lloyd and guess what, 5:00pm ito matatapos. So, may ipapagawa kaya siya sa akin in 5 minutes? Tingnan natin. Babalik na muna ako sa aking Hyper Petiks Mode Overdrive na nag-activate noong nagsialisan ang mga big boys and girls (literally yung isang girl) dahil may meeting sila na ayon kina Raf at Amboy, halos araw-araw daw.
No comments:
Post a Comment