Showing posts with label Ashita wa Kyou to Onaji Mirai. Show all posts
Showing posts with label Ashita wa Kyou to Onaji Mirai. Show all posts

Sunday, January 6, 2008

Katangahan, Pero Hindi Naman Talaga Katangahan

Hala. Hindi ko masimulan ang post kong ito.

Tanga ka kasi. Hindi ka lang tanga, tanang-tunay ka pa.

Kasi ganito yun. Hindi ba may problema ako sa block ko? Well problema as in wala silang ginawa sa akin, pero masyado kasing volatile ang aking emotions kaya nagkaroon ako ng problema. Wala silang kasalanan, kasalanan kong ganito ang aking nararamdaman dahil ako naman ang nasasaktan, kasi nga ako ang may kasalanan. Ang labo.

Nakatagpo ako ng aking masisilungang bahay. Unti-unting sumigla ang aking buhay kahit papaano dahil sa mga nakatira sa bahay na iyon. Unti-unti akong nagkaroon ng lakas upang tumayong muli matapos kong malaglag sa ikalawa, sa ikatlo, sa ikaapat, sa ikapito, o kahit sa ikasiyamnapu't walong baitang ng hagdanan ng aking mga problemang ako rin naman ang gumawa.

Kahit papaano, ako'y sumiglang muli. Iyan kasi ang aking naramdaman.

Parang Hydrite sa taong may iti. Ay, ang pangit pakinggan. Hindi kasi maganda ang tiyan ni Bianca kanina kaya't pinainom siya ng Hydrite.

Parang Clusivol gana-eat gana-grow sa mga batang walang ganang kumain. Ay, ang pangit pa rin. Lagi na lang kasing wala akong ganang kumain ng "agahan" na alas-dos o alas-tres ng hapon.

Parang sleeping pills sa isang insomniac. O di naman kaya'y isang litrong kape sa isang batugan.

Si Kuratowski kasi at ang kanyang teoriya. Wala talaga siguro silang magawa noong mga panahon nila. Ayan tuloy, ngayong may magagawa na, inaaral naman ang kanilang naisip dahil sa pagkabagot. Kailangan ko pang aralin ang Chapter 11: Introduction to Graph Theory ng aking libro sa AMC125: Discrete Mathematics for Computer Science II. Mali pala, wala akong libro. Aaralin ko pa ang photocopies ko ng Chapter 11 at sasagutan ang Section Exercises. Photocopy ha, hindi xerox, kasi brand iyon ng photocopying machine.

Eh bakit parang lumilihis ka na sa ikunukwento mo kanina? Ganyan ka ba talaga katanga?

Paumanhin. Ayaw ko lang kasing aminin sa sarili ko na nagkakaganito ako. Well, naiinis, naiiyak, nalulungkot, nagdadalamhati, nalilito, nahihirapan, at nananatiling sawi ang aking pakiramdam. Dahil sa bahay na nagbigay sa akin ng silong at tanglaw, naramdaman kong muling umandar ang aking katangahan.

Ganito. Let's put things in a situation kasi it's better and more interesting that way.

...

Ay sandali. Hindi ako makaisip ng interesting situation. Too bad.

...

Hindi talaga ako makaisip. Blind item na lang.

Si Blogger (hindi tunay na pangalan obviously) ay nagkaroon ng internal problem with his friend na si Xanga (na hindi rin tunay na pangalan). Nauhaw kasi siya at natakot siyang humingi ng tubig kay Xanga dahil iisa lamang ang bote ng tubig ni Xanga. Ngayon, dahil martir itong si Blogger, tiniis niya ang kaniyang uhaw dahil alam niyang uhaw na uhaw din si Xanga. Natiis niya ang kanyang uhaw hanggang nakilala niya sa Wordpress (na hindi pa rin tunay na pangalan, I mean, ipapangalan mo ba sa anak mo ay "Wordpress Cruz"?). Tinulungan siya ni Wordpress sa kanyang uhaw, ngunit nagkaroon na naman ng isang pagkakataon na uhaw na uhaw silang pareho at iisa lamang ang 100ml bottle ng Wilkins o Absolute o Summit ni Wordpress. Humiga na lamang si Blogger sa lupa at ibinuka ang kanyang bibig habang bumabagyo. Ang lesson ng story: magbaon ng maraming tubig kung may balak magpiknik.

Eh bakit nga ba laging walang dalang tubig si Blogger?

Lagi niya raw kasing ibinibigay ang tubig niya sa mga pulubing uhaw na uhaw.

Hmp. Tanga nga niya.

Hindi ko kasi alam ang tawag sa kanya eh. So tatawagin ko na lang siyang "tanga."

Ah. So sinong tanga ngayon?

Monday, April 30, 2007

Habang Nakaupo sa Bangketa

Before anything else, happy 19th birthday LT. Yaks. Tanda mo na.

Hay. always remember to trust your instincts. For the nth time in a row, hindi ko na naman ito sinunod. Basta. I had a feeling about tonight, at akala ko hindi na mangyayari. Yun pala, sasabihin ko rin ang mga linyang "at the end of the day, it's just me and my phone." Sad. At mamayang gabi/umaga sa aking pagtulog, malamang, sasabihin ko na "at the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

*sigh*

I wish ganun nga, pero there is no fcuking way na mangyayari yun. Dream on, asshole.

At paki consider na lang po ang following statements or whatever na tawag niyo dito:

IA.
Meron giant acacia tree (acacia ata yun) sa may kanto ng Rainier at Shasta, dun sa bagong bahay na dalawang lote ang sakop. Yung bahay na may fountain at catwalk. Basta, may magandang tree dun na may yellow blossoms na parang orchids. Basta. Ang ganda talaga nung punong ito every summer. Every time na dadaan ako dun, palaging may nalalaglag na yellow petals. So, nababawasan ba ang ganda nung tree everytime nababawasan ito ng yellow petals? No, I don't think so. Miski may malaglag na isa, hindi pa rin nababawasan ang ganda nung puno. Parang walang pakialam yung ibang flowers kung may nalalaglag na isa, kasi hindi pa sila nalalaglag.

IB.
May isang [insert proper collective noun here] of [insert animal here]. Marami. Tapos, sinugod ng [insert predator here] ang [proper collective noun]. May nahuling isa. Nakapatay. Nakain. So, magluluksa ba ang [proper collective noun] dahil sa pagkawala na iyon? Well this time, it depends. Kung ang napatay ay yung leader/boss/dominant male, malamang, there would be a great impact dun sa [proper collective noun]. Pero kung isang pipitsuging member lang ang napatay, well malamang wala, malamang life would go on for the [proper collective noun].

IC.
Isang super sikat na artista ang nagshow. Ang daming fans na nagpunta. Hindi maiiwasang magkasakitan. So ayun, nagkaroon ng injuries. Will the show stop? No, duhness. Kaanu-ano ba nung artista yung fan? At sa tingin mo ititigil ang show dahil lang sa injuries? For crying out loud, someone needs to die. Kailangan kasing kumita eh.

II.
Halos alam mo lahat ng birthdays ng mga kaibigan mo. Um, wrong word usage, mga classmates mo. Miski yung mga hindi mo masyadong close, binabati mo. You spare them the thought. Pagdating ng birthday mo, alam mo na kung sino ang babati sa iyo: yung mga close friends mo na naalala ang birthday mo.

III.
Niyaya ka sa isang party. Medyo hassle sa iyo kasi malayo, pero pumayag ka pa rin kasi niyaya ka mismo. Nakakahiyang hindi pumunta. So ayun, nagkaroon ka na ng feeling na hindi ka mag-eenjoy sa party na iyon. Pero sumama ka pa rin alang-alang sa kaibigan mo. Okay lang sa simula kasi naglalaro ka ng PSP nung isa mo pang kaibigan, pero nung kinuha na niya ito, nakatunganga ka na lang sa air. Kinabahan ka na. Pero dumating ang iyong close friend. "Yes, may makakausap na ako." Pero nagkamali ka. So lumabas ka na lang ng bahay at umupo sa bangketa habang tinetext mo ang isa mong kaibigan. Narinig mo ang ingay ng mga tao sa loob. Narinig mo ang pag pssssk ng mga softdrink at ang kalansing ng mga serving spoon sa mga pyrex na lalagyan. Wala atang nakapansin sa iyo na wala ka sa loob. Walang nakahalatang lumabas ka. Walang naghanap sa iyo. So pumasok ka na lang at kunwari, walang nangyari.

IV.
Excited na excited na excited kang nagpunta sa masayang despidida ng isa mong not-so-close-pero-tinuturi-mo-na-ring-close-kasi-wala-kang-masyadong-real-friends friend. Kasama mo ang 2 mong best friends (na alam mong best friends mo talaga kahit anong mangyari). Ayun, dumating kayo sa lugar nung despidida. Hi dun, hello jan, kain dito, kain doon. After 30 minutes, umupo kayo sa may hagdan. Wala na kasing pumapansin sa inyo except yourselves. So naisipan niyo na lang na maglakad-lakad kasi tutal naman, kayu-kayo rin naman ang nagpapahalaga sa isa't isa. Nagpunta kayo sa Jollibee at nung pabalik na, nagkaroon ng isang engkwentro with goons. Pero you managed to escape and stay alive. Pagbalik, tinanong nung mga naiwan kung saan kayo nagpunta. Nagpicture taking daw kasi eh, at wala kayo. Tapos, sinabi niyo sa isa't isa na wala rin namang mangyayari o mababago kung andun kami sa picture o wala eh. Sinabi mo sa sarili mo, hindi naman mahalaga yung picture na yun eh kasi puno ng mga taong walang pangangahalaga sa iba. Sinabi mo, yung litrato ng mga anino ninyong tatlo ang litratong mas mahalaga, miski na puro anino lang ang andito. Mga anino nga, pero pinahahalagahan naman ang isa't isa.

V.
Isa kang mabait na tao at laging tinutulungan ang iba sa abot ng iyong makakaya. Tinutulungan mo ang lahat ng iyong kilala sa mga problema nila, at ginagawa mo ito sa iyong kusang loob at walang hinihinging kapalit.
Miksi hassle na para sa iyo, ayos lang, basta makatulong. Meron kang mga kaibigang lagi mo na lang tinutulungan. Ang isa, pinapakopya mo, at nililibre ka niya ng lunch in return. Well, inaasar-asar ka rin niya, pero naiintindihan mo na ganito ang kanyang paraan ng pasasalamat. Lumalabas din kasi paminsan sa mga ginagawa niya na nagpapasalamat siya sa tulong mo. Merong isa, tinututor mo at natutulog sa bahay mo tuwing exams, at dahil dito, naging kaibigan mo siya, well, kaibigan sa kagaguhan at kabalastugan. Yung iba namang tinutulungan mo, nagiging mabait sa iyo. Yung iba naman, makapal ang mukha. Lalapit sa iyo, tapos kapag tapos na, itatapon ka na lang. Well, nasanay ka na dito kasi puno ang mundo ng mga taong ganito. Yung iba pa nga, tutulungan mo talaga para hindi bumagsak, pero nagpapabaya pa rin. Nakakalungkot. Hindi pala. Nakakaiyak at nakakasira ng loob na isiping ang lahat ng efforts mo ay bale wala lang pala sa ibang tao. In short, isa kang mabuting trapo. Paminsan, isasampay ka ng maayos ng gumamit sa iyo, mas madalas, ibabalandra ka na lang kung saan, at ang mas masaklap, paminsan, sisirain ka pa. Sira-sira ka na nga, sisirain ka pa. Gagawin kang basahan ng mga basahan, pero ayos lang sayo kasi mabit kang basahan.

VI.
Hindi kasi lahat ng tao ay katulad mo.


Para maiba naman,

*buntong hininga*

Creative ako eh. Whatever.


And so, what is the meaning of life if you are not existent in the life of others? Does this mean na we wake up and go to bed everyday without someone or at least anything to hold on to?

Correction, correction, correction.

Chigaimasu, chigaimasu.(Wrong, wrong.)


"At the end of the day, it's just me, my phone, my bed, and my pillows."

Ashita wa kyou to onaji mirai...

Wednesday, March 14, 2007

Ashita wa Kyou to Onaji Mirai

Ashita wa Kyou to Onaji Mirai
(Tommorow Is the Same Future as Today)

Lyrics/Composition: Yamada Minoru
Performed by: Gomes the Hitman
As seen in: Otogi Zoshi: The Legend of Magatama



Mou kotae wa dokonimo nai
Arasujimo kisokumo naiyouna kono sekai de

Ashita wa kyou to onaji mirai

Ima boku ga nozomu no wa yuruginai hibi to sukoshi no kitai

Sasayaka na sukoshi no mirai

Futatsu no kage ga yurete toki wo kasane
Hokorondeyuku mayonakani

Ima wa omoitsuku kotobatachi subete wo kanata ni
Tsutaetai omoi wo kokoro kara anata ni

Boku wa tada afuredasu koe wo kagiri ni chikau


[Romaji lyrics from Animemp3s.org]

~

Answers don't exist anywhere anymore
In this world, where neither plots nor rules exist.

Tomorrow holds the same future as today.
Right now, what I hope for is a certain "now" and a little bit of expectation --
A little bit of modest future.

The two shadows waver, spend time together,
Then unravel during the night.

Right now, I'm sending all the words I can to a distant place.
With my whole voice pouring out of me, I swear,
The feelings I want to tell you are real.