Showing posts with label Ganito na lang Palagi. Show all posts
Showing posts with label Ganito na lang Palagi. Show all posts

Thursday, June 4, 2009

Puro Putang Ina Po Itong Post na Ito, Huwag Nang Basahin Kung Ayaw Makakita ng "Putang Ina"

WAREAGSSGFSHUGSNAKLGHWJIAD! DKSJHAIDUGBASDIGHASB! DJKHSDGJKADH! DSJKGHAHGJAAOO! SDKGHAIODSBGAASDIUASDBGAKSJDGUSS! SSGSSGS? SKHGSSGIHWTAAA! KSHGSKSGHGSLWITHWSLSG! ASDJKGHSDGSHDGSDHDSEOTUEPSHNZD! SAFSA! SGAGAGASGASGAS! ASDGDG! AFAF! DSKGDSSDHPUTANGINASDIGHD!
(Sige nga, basahin mo yan ng hiyang at matatas)

Tinatamad akong mag-English ngayon. Maulan kasi eh. Pupunuin ko rin ng mura itong post ko para ipakita kung gaano ako galit at nalulungkot nang magkasabay. Putang ina! Putang ina mo, mahal kong mambabasa, dahil nabasa mo ang mga katagang "Putang ina!" Nagpapasalamat ako dahil putang ina ako, putang ina ka, at putang ina tayong lahat na nagbabasa ngayon ng mga langtarang pagbabangit ng mga putang inang putang ina na yan. Ang sarap talaga sumigaw at magmura kapag walang nakakarinig sayo. Isipin mo, walang makakaalam na napakabalbal pala ng pananalita't napaka dumi pala ng iyong dila. Lahat na, sabihin mo! Putang ina na ang impit ay nasa Pu. Putang ina na ang damdamin ay nasa tang. Putang ina na damang dama ang pagka-ina ng putang ina. 'Di ba? Mas masarap ibulyaw sa buong mundong hindi ka naman maririnig ang putang ina kung ikukumpara sa son of a bitch. Parang ay, anak ako ng aso? Eh ano naman ngayon kung anak ako ng aso, 'tang ina ka pala e. 'Di ba? Gumaganun na talaga ako ngayon. Putang inaaaa! Ang sarap magmura sobra. Kasi naman, ang daming nangyayari sa mundo na nakakaputang ina naman talaga. Pasensiya na't minura kita kanina, mahal kong mambabasa. Alam mo namang hinding hindi kita taus pusong mumurahin, 'di ba? 'Di ba? Putang ina mo maniwala ka! Kung hindi, putang ina mo na talaga!

Nakakaiyak na nakakainis lang talaga kasi ang buhay. Ang daming nangyayaring ayaw mo sanang mangyari. Ang daming nangyayaring sana, sa ibang araw na lang nangyari kung hindi talaga ito maiiwasang mangyari. Putang ina, biruin mong umiyak ako sa aking kaarawan noong Martes? Sa lahat ng dalawampu't isang kaarawan ko, sa nagdaan lang ako napaiyak. Tanga kasi ako. Sana may umimbento ng gamot na pampatalino. Kung walang iimbento nito, siguro kakainin ko na lang ang mga utak ng mga may regalong kabataang Promil (Promil Gifted Children) para naman tumalino ako kahit kaunti. O kaya iimbento ako ng daungan ng pangkalawakang kinakain sa umaga bus (USB Port) para sa mga utak natin para naman maaaring ilipat sa isang kinang ikalawang bagay na maaaring paglagyan ng alaala ng kompyuter (flash disk) ang mga gusto nating makalimutan na. Nakakainis ang pagkapaulit-ulit nito. Daig pa niya ang nakakairitang pagkamatay at pagkabuhay ng sistemang ginagawa (Systems Develompent Life Cycle). Oo, yun kasi ang ginagawa namin dito sa aming pagsasanay sa trabahong On-the (On-the-Job Training). Palagi na lang kasing ganito, pero tila hindi pa rin ako nasasanay sa kahit gaano karaming beses pa ito mangyari sa akin.

At dahil diyan, sasabihin kong muli ang putang ina. Siguro naman ayos lang naman sayong mabasa ang "putang ina", hindi ba? Binigyan na kita ng babala sa titulo pa lang ng poste ng blog (blog post) kong ito.

Sabihan mo ako ng putang ina, sasabihan rin kita ng putang ina. Gusto mong magkaroon tayo ng palabas pababa ng putang ina (putang ina showdown)? Ayos lang sakin, mehn. Makikinig lang muna ako ng Jai Ho (Ikaw ang Aking Kapalaran) (Jai ho (You are My Destiny)).

Tatlong daan binawasan ng dalawang daan at dalawampu't dalawa ay walongpu't walo. Maaari na akong umalis sa putang inang trabahong ito bukas dahil bukas na namin ipapakita ang aming ginawa, ang sistemang otomatikong mahilig sa pridyider (Automatic Referencing System) at dahil sa Biyernes rin ay lagpas pitongpu't limang bahagdan (ano ba, 75% lang yan baka hindi mo alam) ng kailangan na tatlong daang oras. O 'di ba, may anking talento naman ako sa matematika. Yun nga lang, pang ika-limang baitang lang ang kaya ko. Putang ina mo, hmp.

Wah. Gutom na ako. Kakainin ko na lang nga itong biyoletang kremang tinapay (violet cream loaf) ni Mareng Julie. Sarado kami eh (we're close), inggit ka?

Sunday, November 23, 2008

Desperate Measures [Act V]

Putang ina. Tama nga ako. Sa tingin ko destined talaga akong maging masaya sa isang araw, tapos malungkot sa susunod na araw. Hindi pa nga eh. Destined ata akong maging lubos na masaya sa isang sandali, tapos bumagsak sa isang malubhang state of sadness sa mismong kasunod na oras. Nakakainis talaga. Kasalanan ko bang maisip habang ako'y masaya ang mga bagay-bagay na ikalulungkot ko? Lagi naman kasing nangyayari eh. Ito yung sinasabi kong

"How could something so right turn something so wrong in a span of an hour?"

At ang masama pa nito, miski paulit-ulit nang nangyayari ito sa akin, wala pa ring nagbabago sa akin. Tila ba hindi na ako natutuo sa mga nangyaring kinalungkutan ko o 'di naman kaya'y iniyakan ko. Ganun pa rin ang aking pagiging bukas sa mga maaaring mangyari. Lagi na lang kasi akong umaasa. Nakakairita.

Naiirita na ako sa aking sarili. Hindi ko magawang manatiling masaya sa kung anong meron ako dahil lagi ko na lang naiisip ang mga nasayang na pagkakataon na isinasampal sa mukha ko kung ano ang wala ako na gusto ko sanang magkaroon. Lagi na lang akong tinatamaan ng hyper slap combo in the face ni Life na tila ba laging namamantala ng ridiculously downed state ng aking whatever.

Nakakainis. I mean mas magiging ayos pa ako kung permanently sad na lang ako. Kasi naman ano, nakakainis maging masaya while at the back of your head, natatakot kang mawala ang happiness na meron ka as of the moment. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit tumatayo ang tao pagkatapos nilang madapa. Kasi diba, tama naman yung logic ko na huwag na lang tumayo pagkatapos madapa kasi diba, kapag nasa sahig ka na, hindi ka na pwedeng madapa? Well I mean oo, mukha kang sirenang kakawag-kawag kapag nasa sahig ka lang, pero at least naman hindi ka na madadapa. Pwede kang maapakan, pero mas masakit madapa kasi. And I think it is much more better to stay in the ground when you know that when you get up, you'll just fall down again. Nakakainis naman itong si Life, kasi pagkatapos mong madapa at magdesisyong unti-unti nang tumayo sahil nasa lupa ka na for so long, papatirin ka ulit right after mong makatayo ng tuwid. Putang ina mo Life, mamatay ka na sana. You're so mean kasi.

Well, mabuti na rin siguro ang ganito. Hindi pa masyadong involved ang entire persona ko. Sina Levantine at Zweihander pa lang ang may alam sa kanya. Tsismis pa lang siya para kay Arenne. I know, like all others, this will pass. Lahat naman ng bagay, lumilipas. Lahat: yung paborito mong palabas tuwing gabi sa iyong favorite channel, isang putang inang semester na nakakaiyak dahil sa hirap sa Ateneo, isang araw na mainit at nakakainis dahil kwatro ka lang sa ten-point quiz mo sa theology, friendships miski na sinabi na sa iyo na best friend ka raw niya sa college, relationships, happiness, sadness, and even life. Putang ina mo Life. Sana lumipas ka na before I do para naman mamuhay na ako in peace. How ironic.

Putang ina mo kasi masyado kang mabait.
Putang ina mo kasi utu-uto ka.
Putang ina mo kasi sobrang desperado mo.
Putang ina mo kasi masyado kang umaasa.
Putang ina mo kasi tatanga-tanga ka kasi.
Putang ina mo kasi hindi mo kasi macontrol yang emotions mo.
Putang ina mo kasi putang ina ka.

Putang ina mo kasi ikaw ka.
Putang ina mo kasi si Rudolf ka, at dahil dun

putang ina mo.


Hay.

Hope can be the light amidst a seemingly eternal darkness, but
it can also blind a person after breaking the profound despair inside one's heart.

I think this is bad. Tatlong sunud-sunod nang Desperate Measures.

Thursday, November 20, 2008

Desperate Measures [Act III]

Putang ina mo. Ang akala ko hindi na lalabas ang ganitong uri ng blog post sa iyong putang inang blog. Isa ka palang hangal. Dahil diyan, putang ina mo.

Ang akala ko naman, nagbago ka na. Putang ina mo kasi hindi pa pala. Ang akala ko, simula noong sinabi mo sa sarili mo na wala na siya, wala na sila, at wala na kayong kahit na anong ugnayan sa isa't isa, magiging ayos na ang lahat. Yun ang sabi mo dati e. Dalawa lang yan: nagpauto ako sa iyong mga sinasabi, o sadyang hangal ka lang talaga. Dahil mas mataas ang ihi ko sayo, putang ina mo, hangal ka. Ikaw na ata ang pinakahangal na tao sa balat ng mundo. A, ano? May angal ka ba? Putang ina mo pala eh, malamang ikaw ang pinakahangal na tao sa balat ng mundo dahil ikaw lang naman ang laman ng makasarili at putang inang mundo mo e.

Ano ka ba naman. Move on na pare. Wala ka nang pag-asa sa kanya. Diyos kong mahabagin, halos isang taon na rin ang nakalipas, hindi ba? Ano ba, mahal mo lang talaga siya o sadyang hangal ka lang talaga? Yung tipong nung nagsabog si God Almighty nang katangahan, nasa harapan ka ng lahat at may dala pang timba at tabo? Ganoon ka ba talaga katanga? Sa tingin ko oo. Bakit? Putang ina mo kasi, hangal na walang utak! Mas may silbi pa sayo ang trapo ni kuya janitor sa Sta. Lucia. Mas may silbi pa sayo ang kaning baboy ni Tito Jun. Tangina, mas may silbi pa sayo ang tae ng kalabaw, kasi yun, pwede gawing pataba sa tanim. E ikaw? Ano ka? Some organism living beyond the normal mode of plain existence? Putang ina mo. Mas may silbi pa ang plankton sa iyo ano, at least naman ang mga yun, kinakain ng mga sugpo at hipon. Putang ina mo, hipon!

At ano naman, mamamangka ka sa lahat ng ilog na makita mo? Tangina mo naman pare. Ano nang nangyari sa pinagyayabang mong ideals, ha? Gago ka pala e. Gago na, sinungaling pa. Tangina. Hindi ka nga nagsisinungaling sa ibang tao, pero sa sarili mo? Huwag ka ngang magbulag-bulagan pare. Buti nga umalis na yung masungit na yun, tapos ayan ka na naman at nagpapadala sa sampal ng damdamin mo. Talaga bang lampa ka at miski ang sarili mong damdamin, hindi mo kayang alalayan? Tangina, kaya ka naman pala nasasaktan na lang palagi e. Tapos irereklamo mo na hindi fair ang life? E gago ka pala e. Alam mo namang hindi fair ang buhay. Mas fair pa ang mga kotong cops sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kaysa sa putang inang Life na yan. Mas fair ba sa Life na yan ang dice na limang six ang mukha. Tangina, mas fair pa kaysa sa Life na yan ang dalawang pisong gakulangot na pandesal sa panaderia ni Manang Tiburcia.

Puta, magtinu-tino ka nga. Ang lakas nang loob mong sabihin na ayos ka na, pero ayan ka na naman at iiyak-iyak pagkatapos ng araw? Pare, huwag ka ngang maging puta. Paputa-puta ka na naman e. Mag-isip ka nga muna!

Putang ina mo. Huwag na huwag mong kakalimutan iyan.

Monday, September 15, 2008

Sorry September

Rolf lives to write. Each and every day, he never fails to satiate his drive to write about life, love, and people. He vividly expresses his thoughts with colorful words fresh with the hues of happiness and greatness. His sentences bring music to the seemingly monotonous clicking of the keys of his old keyboard. His words containing the imagery of his boundless imagination and deep reflections about the passing day immortalizes each and every memory into an invisible book free from the boundaries of time. He will just look at his dried daisy framed on the wall, and all manners of eloquence and ideas pours forth from his mind into his hands.

That daisy was given to him by someone special. It was given by a person whom he loved deeply, and whose memories he cherished for forever. The daisy is a reminder of how stagnant time felt the very first time their eyes met. With the minuscule increment of time, he felt each and every surreal feeling inside his deeply wounded heart.

But one uneventful day under a beautiful cerulean sky, the daisy of September died. Somehow, and for some reason, it fell to the concrete floor. The glass that enclosed it from the living air shattered into three pieces: the shard of the past, the piece of the present, and the glimpse of the future. The unique redness of the daisy turned into a lifeless and depressing shade of brown. Its beauty turned into a mourned sorrow as time took its recourse on the flower made eternal by his love.

All Rolf could do was cry. Time moved on, but whether Rolf was left behind or not remained unknown.

---

Blog, sorry. Sadyang abala lang talaga ako at ang dami kong pinagdadaanan ngayon. Gusto ko nang sumuko, ngunit hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang sumuko. Nalulungkot akong sabihin sa iyo na sa mga panahong ito, hindi ka makakatulong sa akin. Kailangan ko ng isang taong talagang makaiintindi ng aking kinalalagyan, ngunit iyan na rin ang problema: wala akong malapitan. Blog, sana kahit sa isang Sabado lang, maging tao ka at tulungan ako. Kailangan ko ngayon ng mayayakap.

Friday, August 29, 2008

Desperate Measures [Act II]

Pasensya na. It seems hindi ako makapagpost ng something substantial sa blog ko these past few days. Lagi na lang kasing siya yung nasa isip ko, at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

Nasa gitna na ang feelings ko. Kapag wala ako doon, hinahanap ko siya, pero kapag andoon na ako, medyo nababawasan yung paghahanap ko sa kanya. Hindi ko alam. Parang unti-unti nang nawawala ang feelings ko para sa kanya, at dahil dito, nalilito na ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nawawala na yung feelings ko para sa kanya. Parang ganito kasi pakiramdam ko, wala namang patutunguhan itong kalokohang ito at mabuti nang maagapan habang maaga. Pero gusto ko ring malungkot dahil gusto ko talaga siya makilala. Sinabi ko dati na magiging masaya ako kung magawa ko nang matingnan siya ulit sa mata, pero sa totoo lang, sinasabi ko lang ito para naman kahit papaano, maging masaya ako sa aking mga pagkukunwari.

Hay. Buhay naman talaga.

Should I let go?

Nakakalungkot lang din isipin ito kasi parang ngayon ko lang talaga naramdaman yung kagustuhan kong ipagpatuloy ang mga ganitong klase ng damdamin.

Wednesday, August 27, 2008

Desperate Measures [Act I]

Hay. Hindi ko na alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Kasi naman eh. Lagi na lang siyang busy. Gusto ko siyang kausapin, pero parang laging may humahadlang. Tapos parang hindi ko na siya kayang tingnan sa mata. Ewan ko ba. Siguro, gusto ko lang talaga siyang makilala as someone more than a staff of Timezone. Sobrang naiinis ako sa sarili ko kasi yun nga, dati naman, wala akong pakialam sa kanya. Pero ano bang nangyari kasi? Bakit nagkaganito ang pakiramdam ko? Yun bang lagi ko na siyang naiisip, tapos hindi ko siya kayang tingnan ng diretso, at hinahanap-hanap ko naman siya kung wala siya doon. Hay nako. Feelings naman talaga o. Pero hindi ko rin alam kung bakit. Parang gusto ko yung ganitong feeling dahil I'm looking forward for something, pero yun nga, masakit siya most of the time. Masakit sa loob. Masakit sa puso. Pero wala, patuloy pa rin ako sa pagtahak ng landas na ito. Hindi ko nga alam eh. Dati naman, hindi ako ganito. Parang kung may feelings ako para sa isang tao, hahayaan ko na lang ito at bahala na kung anong mangyari dito. Pero ngayon, parang pinaglalaban ko yung feelings ko, in some way or another. Parang gusto kong i-pursue ang ganitong feelings at hayaan ang aking sarili na mapadpad sa saanmang lugar, masaya man o malungkot. Hindi katulad ng dati na hinahayaan kong iwanan ako ng aking mga nararamdaman sa pag-usad o paglubog nito. Pero ngayon, parang mahigpit kong tangan ang mga nararamdaman kong ito. Hay. Kahit papaano, masasabi kong hindi ako malungkot kanina. Hindi ko alam kung masaya nga ba ako, pero alam kong hindi ako malungkot. Ang hirap naman kasing maging ganito eh. Parang hindi ko na talaga alam yung gagawin ko. Pero hindi, sinabi ko sa sarili ko na susubukin ko munang iisantabi ang aking mga nararamdaman dahil ito ang higit na makabubuti sa akin. Pero madalas pa rin akong napapaisip kung ano nga ba ang iniisip niya. Totoo nga bang "good signs" yung nag-iisang ngiti niya na iyon? O baka naman wala lang iyon para sa kanya? Feeling ko, wala lang 'yun para sa kanya at ako lang nag naglalagay ng kahulugang gusto ko sanang mangyari talaga. Gusto ko lang sanang makita siyang ngumiti ulit kasi iba talaga yung naramdaman ko nung nginitian niya ako. Parang biglang nabuo ang aking loob. Parang biglang umapaw ang kaligayahan sa aking puso. Naaninag ko ng panandalian ang tunay na kaligayahan noong tiningnan niya ako sa aking mga mata at ngumiti.

Tuesday, August 5, 2008

Nakatitig

Ang hina talaga ng loob ko.

Hindi rin naman kasi normal ang kalagayan ko eh. Hindi ito nangyayari sa lahat nga tao. Nangyayari lang ito sa mga taong katulad ko, katulad namin.

---

Lagi akong masaya tuwing Martes, Huwebes, at Biyernes dahil may pagkakataon akong makita kayong dalawa. Off ni ano yata tuwing Martes, at ikaw naman, hindi ko alam. Si ano kasi, lagi kong nakikita sa Timezone. Ikaw, paminsan wala, paminsan naman naroon ka. Pero gusto ko sanang kaibiganin kayong dalawa.

Nagsimula ang lahat noong nakipaglaro si ano sa akin ng House of the Dead. Mula noon, lagi ko nang napapansin si ano tuwing pupunta ako sa Timezone. Dati-rati, isa lamang siyang tao sa likod ng counter, pero simula noong araw na iyon, nag-iba na ang tingin ko sa kanya. Gumaan ang aking loob sa kanya, ngunit hindi ko ito mailabas ng maigi dahil hindi ko alam ang magiging reaksyon niya. Ikinubli ko na lang ang lahat sa aking loob dahil natatakot ako sa kung anong maaaring mangyari.

Ikaw naman, hindi ko alam. Bigla ka na lang sumulpot sa aking paningin noong isang araw habang hinahanap ko si ano. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang damdamin ko para sa iyo.

Simula ng mga araw na iyon, iba na ang pakay ko sa aking pagpunta sa Gateway. Hindi lang dahil maglalaro ako, kundi dahil gusto ko rin kayong makita, kahit na sa malayo lang. Tuwing paalis na ako sa Timezone, lagi kong hinahanap ang inyong mga mukha upang kahit papaano, may maibaon ako sa aking pag-uwi.

Ngunit hindi ko alam kung papaano kayo kakausapin labas sa kailangang itawag niyo sa akin. Gusto ko talaga kayo kausapin hindi lang dahil may kailangan ako bilang isang taong tumatangkilik sa Timezone, kundi dahil gusto kong malaman kung ano na ba ang nangyari buhay ninyong dalawa.

Gusto ko lang sanang itanong kung kumusta na kayo.

Pero hindi ko ito magawa. Natatakot kasi ako.

Kaya pilit ko na lang kinukuntento ang aking sarili sa pagtitig sa inyong dalawa sa malayo habang ginagawa niyo ang inyong trabaho. Kung mangyari mang mapapatingin kayo sa akin, agad kong binabali ang aking titig sa inyong mga mata at kakabahan na bahagya dahil nga natatakot ako.

Ngunit hahanap ako ng paraan upang maipon ang aking tapang para man lang makangiti ako sa inyong dalawa tuwing magkakasalubong tayo ng daan at magtitinginan sa mata ng saglit.



Kinamumuhian ko ang aking sarili dahil hinayaan kong mamulat ako sa mga ganitong uri ng damdamin.

Ngunit sadyang ganito yata talaga ang nakatakda para sa akin.

Thursday, February 28, 2008

Two Words



NaniniWALA

BeLIEving


Tuesday, February 26, 2008

Pagkalito, Panghihinayang, Pagbabago

Kahit gaano ko man pilitin ang aking sariling hindi maisip ang mga bagay na hindi ko dapat isipin, lagi ko pa rin silang naiisip. Naiinis na talaga ako paminsan, pero kinakaya ko naman. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin kung bakit ba ako nagkakaganito, kung may kailangan nga bang sisihin, o kung sisisihin ko na naman ba ang aking sarili kung bakit lagi na lang akong nagkakaganito. HIndi ko na talaga alam kung bakit.

Siguro, masyado lang talaga akong naging mahina sa nakalipas na tatlong buwan. Hindi ko sisisihin ang mga tao sa aking paligid, dahil ako naman lagi ang may kasalanan. At sa tingin ko naman talaga ay ako ang may kasalanan. Masyado kasi akong umaasa. Hindi ko magawang hindi umasa. Hinding hindi talaga. At ang masama pa nito (kung masama nga ba iyon), sa mga bagay na hindi dapat asahan ako umaasa. HIndi ko na talaga alam. Litung-lito na talaga ako, tulad na lang ng pagkalitong aking naramdaman nung aking sinasagutan ang SQL Lab # 5 kanina sa CS122, pagkatapos na pagkatapos kong malito kung bakit nga ba pinayagan ang mga Jesuits na pumasok sa isang napakakonserbatibong China sa long test ko sa Hi16. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit sumakit na naman ang aking ulo, pero nalito pa rin ako kasi baka mamaya kailangan ko nang magsalamin o baka naman may taning na ang buhay ko dahil meron na palang tumor sa utak kong napupurol na. Exciting naman talaga. Ayaw kong mabuhay ng hanggang 35 years old kung ganito na lang palagi. Pero ayon sa isang pagsusulit na aking nahanap sa net, ako raw ay mamamatay bilang isang matandang nagawa ang lahat sa buhay. Tss.

Sinusubukan ko talagang maging katulad ng dati ang lahat. Sinasalungat ko na nga ang wuwei, isang prinsipyo sa Taoism (bahid ng long test sa Hi16, paumanhin). Sinusubukan ko talaga. O baka naman hindi? Baka naman sinasabi ko lang sa sarili ko na sinusubukan ko, ngunit hindi pala? O baka naman sinusubukan ko nga talaga, pero baka naman wala na talagang pag-asang maibalik ang kahit mamera ng dati? Hindi ko alam. Litung-lito na ang aking isipan at pagod na pagod na ang aking damdamin.

Mahirap kasing tila mabale-wala ng taong importante para sa iyo. Mahirap hindi pansinin o kaya'y kalimutan ng taong mas importante pa sa sarili mo ang turing mo. Pero nakakatuwa at nakakalungkot ding isiping baka naman hindi ka importante para sa kanya.

Pero sige, magiging matatag ako. Wala lang, gusto ko lang maging matatag. Nanghihinayang ako dahil sinubukan kong maging matatag para sa isang tao, pero tila hindi naman pala niya kailangan. Ibang tao pala ang nangangailangan ng aking lakas at sandigan. Pero bakit nga ba importante ang taong iyon para sa iyo?

Mali. Mali. Mali ang lahat ng ito!

Nagbago na ba talaga ang lahat? Nagbago at naiwan ako?

Nalilito ako dahil ayaw kong aminin ang payak na katotohanan.

Nanghihinayang ako dahil ayaw kong tanggapin ng maayos.

Pagbabago. Pagbabago...

Thursday, February 21, 2008

Mga Tanong, mga Sagot (Q&A kung Sosyal Ka)

Katatapos lamang ng Ps140 class ko. Gutom na ako kaya't nagpunta kami sa caf upang kumain. Umakyat ako sa caf up upang bumili ng aking pangkaraniwang kunin-mo-ang-iyong-buhay (take-your-life) barbeque, isa sa mga core components ng aking Tuesday-Thursday nagtitipid-kasi-ako meal. To my horror, wala silang barbeque, at noong tinanong ko sina ate kung magkakaroon ba sila anytime later, bigla niya akong tinapunan ng isang barrage of questions na hindi ko alam kung saan ba nanggaling.

Q: Hi.
A: Hello?

Q: Spell "FUSCHIA"
A: Um.. F-U-C-H.. Ay parang mali. F-U-S-H-I-A hindi hindi! P-I-N-K. Yun.

Q: Anong araw ngayon? Anong date? May date ka ba?
A: Thursday ngayon, February 21, 2008. Wala. Hindi kita type, if ever.

Q: Anong course mo?
A: BS Computer Science.

Q: How will you program the relation of the colors fuschia, pink, emerald, royal blue, asparagus green, canary yellow, and periwinkle to the current ZTE Scandal?
A: They should all go busy themselves with coloring books. I will program a coloring book that will make them all shut up.

Q: Impressive. Sino ang ika-5 presidente ng Tajikistan?
A: Si Tajiri? Ewan ko ate, babai.

Matapos maweirduhan kay ate All-About-Q's, sinabi ko sa sarili ko na siomai rice na lang ang kakainin ko. Siguro naman, mas matino si ate dahil puro steam lang ang nalalanghap niya, hindi katulad ni ate sa itaas na malamang na-lead poisoning na or whatever. Ngunit to my disbelief, nagsimula rin ang weird, weird, weirdness ni ate.

Q: なにをたべますか?
A: えええー? ショマイライセです。

Q: OKAY, whatever. Who do you consider as friends?
A: My friends?

Q: Describe them please. Use vivid adjectives and engaging verbs, if possible. Oh yes, please do not exceed 10 pages, use Garamond font size 12, double spaced, 1" margin on all sides.
A: They are my friends. They are human, and are from Block N.

Q: So kumusta ka naman? Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?
A: Okay naman. Um, hindi naman ako nagkasakit ah.

Q: Hindi. I mean yung nasa loob mo. Kamusta na ang iyong feelings?
A: If you want feelings, bumili ka sa Waffle Time! Bumili ka ng Vavarian Feeling!

Ano ba yun? Stalkress? Or pakialamera? Or simpleng concerned lamang? Well, at least naman, ibinigay niya muna sa akin yung siomai rice ko bago niya ako ininterrogate. Kahit ayaw ko nang bumili dahil baka tanungin na naman ako ng kung anu-ano, nagpunta pa rin ako kay kuya upang bumili ng extra half rice. Hay salamat naman, hindi niya ako finireak out. Nginitian niya lamang ako ng malaswa. Hinubaran niya ako gamit ang kanyang mga matang malagkit ang tingin sa akin. Buti na lamang, hindi niya ako nahubaran ng todo, kung hindi, iskandalo yun.

Pauwi, nakatiyempo agad ako ng jeep na San Mateo-Maly ang ruta. Nagbayad ako.

Q: Saan 'to?
A: Sa Filinvest I po. Studyante.

Q: San ka nag-aaral?
A: Ha? Ako? Sa UP. [hmp, pakialamero]

Q: Kumusta na mga kaibigan mo?
A: Ano po?

Q: Kumusta na pakikitungo mo sa kanila?
A: Ha?

Q: Kumusta naman ang pakikitungo nila sa iyo?
A: Ayos naman.

Q: Eh yung isa?
A: Sino? Siya? Oo, hindi pa po siya nagbabayad.

Q: Kaibigan mo ba siya?
A: Hindi ko nga siya kilala eh. [putangna mo pakialamero!]

Q: Hindi. Kaibigan mo pa ba siya miski "bahala ka, Rudolf"?
A: SA KANTO LANG PO! PUTANGNA MO!






Nakita ko sa jeep: "DESTINY is a MATTER of CHOICE"
At isang vandal sa may Katipunan: beLIEve




Lahat ng tanong, may sagot. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang masaktan. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang masaktan dahil paulit-ulit ka nang nasasaktan. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang masaktan dahil paulit-ulit ka nang nasasaktan dahil na rin sa sarili mong kagagawan.


Lahat ng tanong, may sagot.

Thursday, February 7, 2008

CAT/PET/MRI

Para akong tanga talaga. Nagtataka ako ngayong mga nakalipas na araw kung bakit mag-isa na lang akong naglalakad pauwi papuntang sakayan sa ilalim ng flyover ng Katipunan. Ngayon lamang ako nagtataka makalipas ang isang buwan ng mag-isang paglalakad pauwi. Ngayon lang rin ako nagtataka na tuwing sasakay ako sa dyipni pauwi, umuupo ako sa kaliwang bahagi nito. Lagi na lang kasi akong may inaabangang dumaan. Nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakitang dumaan, ngunit nalulungkot din ako kung sakaling dadaan nga siya. Hindi ko alam. Miski ako ay nalalabuan. Nalalabuan ako kung bakit lagi pa rin akong umuupo sa kaliwang bahagi ng dyipni at maramdaman ang pagkalungkot at pagkabigo, kung saan naman maaari akong umupo sa kanang bahagi ng dyipni tuwing pauwi na ako mula sa aking paaralan.

Hindi naman siguro ito ang sanhi ng madalas na pananakit ng aking ulo. Lagi nang masakit ang aking ulo, miski kumpleto ang aking tulog. May pakiramdam sa aking ulo na hindi nawawala, o kung nawawala man, bumabalik din matapos ang ilang oras. Bigla rin akong nagkakaroon mga sumpong ng panandalian ngunit malakas na malakas na pagkahilo na kung saan tila bibigat ang aking ulo patungo sa isang direksyon at magsisimulang bumagsak patagilid. Naglalakad ako sa may UP kaninang umaga, bigla ko na lamang naramdaman ang isang matinding sapak ng pagkahilo na kung saan muntik na akong matumba sa aking kaliwa at masagasaan ng isang motorsiklo. Kanina rin habang sinasagutan ang ikalawang tanong sa problem solving tungkol sa mga traffic light at DF-F ng aming mahabang pagsusulit sa Ps140, nakaramdam ulit ako ng isang nakakabalikwas na saksak ng pagkahilo sa aking ulong hirap na hirap na sa kakaisip kung bakit kailangan DF-F ang gamitin, samantalang madali lamang kung MOD16 ang gagamitin sa pagpapatupad ng traffic light na iyon.

Huli kong natatandaang mga panahon na nagkaganito ako ay nung ako ay nasa ikatlong taon ng mataas na paaralan. Naaalala ko pang humiga na ako sa sahig sa sakit habang tinatanong ni Nelvin kung ayos lang ba ako. Ngunit hindi rin masyadong pareho, ang masakit sa ulo ko dati ay ang bandang likod, ngayon naman ay ang bandang harap na may kaunting sakit sa loob sa bandang likod.

Habang inerireklamo ko kay Nelvin ang aking nararamdaman, sinabihan niya akong sabihin ko na lang sa mga magulang ko at magpatingin sa doktor. Ayaw ko dahil ayaw kong mag-alala sina Mamie at Dadee sa akin, pero ang totoo niyan, wala rin namang mangyayari kung sasabihin ko ito. Malamang, sasabihin lang sa akin ni Mamie sa galit niyang tono na dahil lagi na lang akong puyat. Mas maaga na nga akong natutulog ngayon eh.

Sa tingin ko, may namumuo nang bara sa mga daluyan ng dugo sa aking utak. Baka isang araw, mamatay na lang ako dahil sa isang aneurysm. Ayaw ko kasing brain tumor dahil masyado itong mahirap. Maaari rin namang may mali sa aking cochlea at sa mga fluid nito na namamahala ng balance ng isang tao. Hindi ko alam, hindi ko alam.

Hindi ko alam ang rason. HIndi ko alam kung bakit lagi pa rin akong umuupo sa kaliwang bahagi ng dyipni.

Kailangan ko ba ng Computed Axial Tomography, Positron Emission Tomography, at Magnetic Resonance Imaging para malaman?

Huwag. Baka malaman kong may taning na pala ang buhay ko.

Monday, February 4, 2008

Inggit

Aaminin kong naiinggit ako sa achievements ng iba.

Laging sumasayad sa isip ko na buti pa sila, nagagawa nila yung mga CS-related stuff. Ewan ko lang. Siguro dala na rin ito ng pagiging CS major ko. Tuwing nakikita kong may isang taong nagpoprogram o 'di naman kaya'y narinig na may nakatapos na ng isang project na kailangan ng programming, naiisip ko na buti pa sila, nagawa nila ang mga bagay na iyon. Naiisip ko na parang bale wala ang aking efforts kung ikukumpara sa mga accomplishments ng iba. Hindi ko naman ito nararamdaman dati, ngunit ngayon oo. Ang masama pa nito, pati ang mga kaibigan ko ay kinaiinggitan ko na rin. Kung dati rati'y masaya ako para sa mga naaabot nilang mga goal sa kanilang buhay, ngayon, masaya pa rin naman ako, yun nga lang, may kasama nang self-interrogation na nagdudulot ng malalim na pag-iisip at malaking damage sa personal ego and self-esteem.

Siguro dala lang ito ng aking three-month bout of chronic depression. Hindi ko alam.

Nalulungkot ako tuwing naiisip ko ito.

Nakalulungkot na nag-aaral ng java programming na cellphone ang platform ang isa kong kaibigan, habang ako ay naglalaro ng Warriors Orochi. Pinag-aaralan niya kung papaano gumawa ng Snake na game, habang pinapatay ko si Lu Bu gamit si Xing Cai na Lv. 82 na. Nakalulungkot na simple lang pala ang madetect ng PC ang cellphone mo. Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa akin kung bakit nagkakaganito na ako. Marahil nagiging erroneous na ang aking SPA (Self-Praise Apparatus, kung nakalimutan mo na). Ewan ko. Ay, hindi ko alam pala. Natutuwa pa rin naman ako para sa kanila dahil ang galing nila, pero yun nga. Nalulungkot ako habang natutuwa para sa kanila. Ang labo.

Pero naiisip ko naman na magaling naman ako sa ibang mga bagay kahit papaano. Yun nga lang, hindi iyon ang mga bagay that matters most ngayon or will matter in the future. I mean, hindi naman maaaring sabihin sa iyong job interview sa isang game development company na "I'm pretty good at rhythm games." Well, it might, kasi pwede akong maging tester or something. Pero hindi lang ganoon kasimple ang naiisip ko. I hope this doesn't spiral out of control once more. I don't want friendships to be tested anymore because I don't want to find out that there wasn't any friendship at all.

Ngayon, pumapasok na naman sa isip ko na lumayo muna sa mga taong ito para naman matalian ko muna ng miski tissue paper man lang ang aking self-esteem. Pero ayaw ko nang maging malungkot na naman. Hay ewan ko naman talaga, bakit ba kasi lagi na lang ganito?

Alam kong kailangan kong hindi ikumpara ang sarili ko sa mga nagagawa ng kahit na sinong tao. Pero wala naman akong ginawang iba eh. Bigla ko na lang naramdaman ang ganitong bagay sa mga taong matatawag kong naging mga best friend ko.







Hala.

"Bigla ko na lang naramdaman ang ganitong bagay sa mga taong matatawag kong naging mga best friend ko."

Naging? Bakit naging? Naging as in an action of the past?

Ano na bang nangyari sa akin.

Well, at least natapos ko na yung Evil-Dog - The Quest of Your Life [Easy] by Zweihander. Papaganahin ko na lang si SPA para naman I won't feel too bad na the world doesn't care na natapos ko na yung beatmap na yan.

Sabi nga ni Nagamasa Azai sa kanyang SSST: Huhh ha hahh! Believe!

Monday, January 28, 2008

Butterflies, Hindi, mga Mariposa Pala

Hindi ko naman naaalalang kumain ako ng pupae for breakfast. Nakabukas ang mga bintana ng kuwarto ko kagabi, pero I doubt na may makakapasok na paru-paro dahil may kurtina naman. Kaya hindi ko alam kung bakit tila may sandosenang mariposa sa loob ng aking J-shaped organ for digestion kaninang umaga.

Nung dinala ako sa ospital dahil natatakot sina mamie na baka dengue na yung lagnat ko ang huling tanda ko na nagkaganito ang aking pakiramdam. Sira yata yung hypothalamus ko noon. Naaalala ko rin na ganito ang pakiramdam ko tuwing aatakihin ako ng aking nosecomophibia, ang fear of hospitals. Well, I do not remember myself going into a hospital for school. Yes yes, alam kong sinabi ko na in the past na mukhang complex ng isang high-end hospital facility yung ikatlong palapag ng SEC A. Pero alam ko naman na SEC A iyan, at hindi isang parte ng FEU-NRMF Hospital.

Ngunit ano nga ba ang feeling na ito? Naaalala kong sinabi ko ang ganitong pakiramdam kay dadee, at sabi niya, "butterflies in the stomach" daw ito. Parang nagki-cringe yung tiyan mo dahil kumain ka ng isang bayong ng kamote, pero you do not feel any urge to release gas, or any excrement for the matter. Parang you want to vomit, ngunit biglang nag-over extend ang iyong epiglottis at nasarahan din ang esophagus, eh dapat na trachea lang ang kanyang takpan. Parang nagka-cramps ang iyong diaphragm kaya bukod sa mahirap, napakaweird din ng pakiramdam huminga. Parang gusto mo nang tumigil huminga, pero hindi mo mapigilan ang involuntary action of contraction and relaxation ng iyong diaphragm kaya patuloy pa rin ang iyong pag-inhale at pag-exhale habang nararamdaman mong nagva-vibrate ang iyong lungs.

Nate-tense lang daw ako sabi ni dadee.

Eh bakit ako natense kanina nung niyaya akong kumain sa labas?

I can't be wrong. I know that feeling of discomfort sa organ filled with gastric juices na kaya hindi nada-digest ang sarili dahil may mucus membrane that protects it from the acids that break down bolus into chyme. Naaalala ko ang weird feeling ng reverse stomach churning at ang reversed peristaltic movement.

Tinanong ako kung uuwi na ba ako after AMC, at niyaya akong kumain sa labas. Naramdaman ko na ang mariposa sa aking tiyan na tinapos ang metamorphosis nito at lumabas na sa kanyang cocoon. Habang tinatanong ko kung sino ang kasama, naramdaman ko na ang nag-iisang mariposa sa loob ng aking tiyan ay nag-undergo sa libu-libong proseso ng asexual reproduction at biglang napuno ang aking tiyan ng mga mariposa na handa na for migration, kung nagma-migrate man sila. Hindi ko alam ang sagot ko. Ngunit nung niyaya na ako ulit, hindi ko na nacontrol ang population explosion ng mga mariposa sa aking stomach at nasabing "Uuwi na ako eh." Paulit-ulit kong tinanong sa aking sarili kung bakit ba hindi madigest ang mga pesteng mariposa na iyon. Malamang may mucus membrane din sila, katulad ng walls ng aking mariposa-infested J-shaped organ.

So bakit ako natense ng ganoon kanina?

Hm. Baka dahil sa fact na hindi na ako kakain ng lunch tuwing Monday upang makatipid. Nag-iipon kasi ako ng P33,000.00 para sa isang laptop na kung saan ang aking current savings ay P600.00.

Or is it?

Sunday, January 13, 2008

High Ako sa Stress+Acads+*Secret Factor*

Nararamdaman kong umaagos ang aking dugo patungo sa aking utak. Sandali lang ha, iinom lang ako ng tubig. Itutuloy ko ang post kong ito mamaya ng kaunti.

(Matapos uminom ng tubig)
Grabe. Umiikot pa rin ang mundo ko. Dahil siguro sa kakabasa ng history. Parang nasusuka nga yata ako eh.

(Matapos tingnan ang EssenceRO)
Halos isang linggo na pala akong hindi naglalaro ng EssenceRO. Hay. Bakit ba ang sakit ng ulo ko bigla? Nakakairita naman talaga.

(Matapos pindutin ang close button ng tab ng isang blog)
Ayun. Ito pala yung rason ng aking pagkahilo. I want to hurl, honestly.

(Matapos maisip ang tag ng post kong ito)
Nakaramdam ulit ako ng isang wave ng hilo. Nanlalabo rin ang paningin ko.

(Matapos tingnan ang contacts sa YM)
Nakakainis naman. Bakit hindi pa rin niya ako ina-IM? Naiinip na ako. Tuloy, nahihilo pa rin ako. Ang labo naman ng mga pinagsasabi ko.

(Matapos ang wave number x ng pagkahilo)
Wala. Piga na ang utak ko. Ginawa ko kasi yung part 2, 3, at 4 nung project proposal namin mula 9:04 kagabi hanggang 6:17 kaninang umaga. Nagising ako ng mga alas-dos na, at may mga tao pa rin dahil may reunion si daddy dito sa bahay kanina. Nagbasa at nagnotes ako sa history ng halos dalawa't kalahating oras, at apat na topics lang ang aking nagawa. Patay. Long test na sa Tuesday, at hindi ko pa tapos basahin yung Mughal Empire at hindi ko pa nababasa at all yung tungkol sa British Sea Power ba yun.

Ang post na ito ay nagsisilbing tanda na sumusuko na naman si Rudolf sa laban. Lampa!

May nagsabi sa akin na kapag nalampasan ng isang tao ang dalawang pagtatangka sa sarili niyang buhay, lalabas siya bilang isang mas malakas na tao. Kapag nakita ng taong iyon na hindi pagpapakamatay ang solusyon, mababago ang kanyang pananaw sa buhay. Makakayanan na niya lahat ng pagsubok na kanyang haharapin. Naniwala ako sa mga sinabi niya, ngunit ngayon...

...nalaman kong nagkamali pala ako. Ang katotohanan, naging masyado na akong marupok na miski ang "pinakamadaling" solusyon sa lahat ng problema ay hindi ko na kayang gawin.

Bahala na nga.

Hmp. Lagi namang "bahala na nga" ang solusyon mo eh.

Sige nga, anong gagawin mo? Anong gagawin natin?

Eh di smile smile. Wala naman tayong magagawa diyan eh. Unfair talaga paminsan.

Punyeta naman.

Putangna talaga.

Bakit naman kasi ganito eh... (habang sinasabing ang mga katagang "Punyetang Putangna naman talaga!!" palabas ng kanyang right nostril).

Awts. Pahingi ngang Mighty Bond na hindi peke. Meron akong kailangang ayusin at gawing isa ulit.

Uy uy, hindi na masakit ulo ko.

Friday, January 11, 2008

Please Carry my Dreams Towards the Sky

I honestly do not know how should I describe what I am feeling right this very moment as I press the keys of the keyboard and as the letters of the words I am typing are appearing from a white background.

I am probably confused, or confused, probably.

I am yearning for some people who I miss so much. I was unable to cry and tell how torn I am to Nanay, Tatay, and Tita Nene because there was construction going on nearby.

I am awkwardly ecstatic for our trip to the bowling lanes tomorrow after I meet my NSTP kids who thought that they will never see me again. I can remember MC running by our jeepney as she held my hand, bade farewell with the other, and shouted "Bye bye Kuya Rudolf! Bye bye!"

I am looking forward to buying the P150.00 Acrylic paint set that I found in National earlier. I am also looking forward to styling my plain, white, canvas shoes with the concepts of water for the left, and fire on the right. I just hope I do it well.

I feel heavy. No. My chest feels heavy, that's why I feel heavy as well.

I am losing an ongoing battle inside of me. I thought I turned the tide of the siege when I decided to return to open my heart once more, but I was thoroughly deceived. I got ambushed right after I declared my strengthening morale and resolve. The sword I forged as an enduring blacksmith struck me a mortal wound as soon as the finishing strike of the hammer to the anvil was heard echoing in the hollowness.

In my eyes, tears welled up. I summoned a bolster of courage I am ignorant of origin to stop those tears from falling. As I sat on the grass, staring on the weak flame of the candle silently persevering against the chilly, empty breeze, rain started to pour down from the cloudy sky.

Were they crying for me?

I found a separate peace in that garden. A peace that made my mind serene for a moment before chaos explodes and disrupts my dream of emancipation once more.

I need to leave. I had to leave. But I had to know the name of the place first.

My memory did not fail me this time. It was the Garden of Salvation.

As I left, I remembered the kite I bought with someone who made a promise to me that we would fly it together. That colorful kite carrying all my humble wishes and simple hopes still remains thirsty to soar across the endless sky to this day.

Please carry my dreams towards the sky.

Wednesday, January 9, 2008

AMC125 Long Test 1

First long test namin bukas sa AMC125. Mamatay kami sa Escaler Hall at 4:30-6:30pm. Ho noes dahil bawal na daw ang cheat sheets/notecards/index cards/some-other-term-for-kodigo. Well, siguro napansin ni Muga na cheating iyon. Kaya ho noes talaga.

Sinubukan ko namang mag-aral para sa long test na iyan no. Gusto ko kasing mag-DL this sem para sa first sem ng junior year ko, papayagan akong mag-overload. Gusto ko kasi sanang magminor in Japanese Studies at kunin yung Specialization Track for Game Design. Overkill daw kasi mag-overload sa senior year dahil daw soupysnax ang thesis. At oo nga pala, non-existent pa ang Specialization Tracks, pero at least naman na kung magkaroon na in the future, macredit yung mga subjects na itetake ko na, kung magawa ko ngang mag-DL. 15 units daw ang specialization, ayon sa mga upper classmen. 18 units ang minor in Japanese Studies, na kung saan natake ko na ang 3 units of JSP I: Introduction to Japanese Language and Culture I at tinetake ngayon ang 3 units ng Hi16: Asian History. Kung hindi ako magsespecialize, 6 units lang ang aking kailangan ioverload. Kung kukunin ko pareho, gagamitin ko lahat ng aking 2 free electives at 3 CS electives para sa specialization, meaning 12 units ang kailangan kong ioverload para sa minor.

O, so anong kalokohan itong ginagawa mo? Bakit hindi ka nag-aaral kung ganun?

Nag-aral na po kasi ako kanina sa Matteo. I tried my best to study. Talaga. As in I tried my best. Sinubukan kong mag-aral mula 1:00 hanggang mga 3:30 ng hapon kasama sina EJ, Sher, Raf, Nelvin, at si Thomas. Sinubukan kong sumagot ng mga exercise para lalo ko pang matandaan yung mga inaral ko, pero hindi ko naman nasagutan lahat. Nakakainis kasi yang Decomposition Theory of Chromatic Polynomials eh. Sino ba na naman kasi yung bored mathematician na gumawa ng Chromatic Number? Dapat kasi kumuha na lang siya ng equivalent ng Crayola nung time nila at yun na lang ang ginamit na pangkulay sa graph. Sumakit talaga ang ulo ko. Nahilo ako at narinig kong tumili ng "TAMA NAA!" ang aking occiptial lobe at naramdaman kong mag-tap out ang aking frontal, temporal, at parietal lobes. Puyat din kasi ako kagabi eh. Pagod na pagod naman ako, pero yung utak ko ay sobrang hyper. Uminom yata ng arnibal at kumain ng Ferrero nang hindi ko napansin. Humiga ako sa kama ko at nakatulog ng mga ala-una ng madaling araw, tapos nagising na lang ako ng mga alas-tres ng umaga dahil umaapaw na yung tubig. Pagkatapos nun, hindi na makapagdesisyon ang aking utak kung papatulugin ba ako o hindi. Sa dalawang oras na iyon, nagkaroon yata ako ng humigi't kumulang 30 instances of power napping. Dalawang panaginip lang yung natatandaan ko.

So anyway, napadpad ang aming pag-aaral sa pag-uusap ng mga nostalgic anime pati na rin yung mga bago. Ang dami naming pinag-usapan: Sailormoon, Akazukin Chacha, Yaiba, Wedding Peach, Bleach, Jigoku Shoujo, Cooking Master Boy, at marami pang iba. Basta marami, hindi ko lang maalala ng mabuti dahil disfunctional ang aking memory-retrieval apparatus. Tanga rin nga pala ang translator ng Ericsson phones. Isipin mo bang "Web Mga Pahina" ang translation ng "Web Pages"? Kumain din nga pala kami sa McDo. Doon ko nakita na hindi mga mukhang matalino ang mga taga high school ngayon. Baka daw dahil sa MSGs sabi ni EJ, Monosodium Glutamate yata ang sabi ni Raf.

Naka-uwi ako ng mga 6:30 ng gabi. Magbabasa sana ako ng tungkol sa Sepoy Mutiny para sa history when I decided to have a 10-minute nap. Doon ko lang nalaman na 10 minutes lang pala ang pagitan ng 6:30 at 9:30pm.

"Ditch AMC!" sabi ni Sher kanina. Magical naman kasi ang grading system ni Mugalicious Mugababes eh. Yung isa kong blockie, F lahat ng long tests niya last sem, pero D ang final grade niya.

"Muga is so... inspiring." Nagtawanan silang lahat.

Hindi naman ako namomoblema na babagsak ako sa AMC eh. Alam ko namang kaya ko. What frustrates me is that I cannot deliver adequately and appropriately to my satisfaction all the material I studied. Naiinis ako na nag-aral naman ako, pero ang baba pa rin ng mga nakukuha kong grade. F for F-fort talaga, ftw.

Well, baka naman kasi my best isn't good enough. Well lagi namang ganun.

Nanay, alam kong nasa heaven ka na ngayon. Hanapin mo naman si Kuratowski or si Euler or yung nag-imbento ng Graph Coloring and Chomatic Number at pakirequest naman na sapian ako bukas ng 4:30-6:30 ng hapon. Pakisabi rin na hanggang 6:30 lang silang pwedeng sumanib kasi pupunta akong Gateway bukas pagkatapos ng long test na ito dahil nung Monday ko pa gustong pumunta at hindi ako tumutuloy dahil pinag-aaralan ko ang kanilang genius.

Tatlong taon ka na palang wala sa piling namin nanay. Miss ka na namin. Miss na kita. Miss ko na yung mga hopia mong paborito, yung pagsagot mo ng Filipino crossword ng People's Tonight, yung makapal mong salamin, yung mga tawa mong tinatapos mo palagi sa "ay", at yung ganda ng iyong ngiti dahil maganda ang iyong pustiso.

Kung hindi ko man nasabi nung nandito ka pa, mahal na mahal kita nanay. Sana ay masaya ka na ngayong kapiling mo nang muli si tatay.


Sunday, January 6, 2008

Katangahan, Pero Hindi Naman Talaga Katangahan

Hala. Hindi ko masimulan ang post kong ito.

Tanga ka kasi. Hindi ka lang tanga, tanang-tunay ka pa.

Kasi ganito yun. Hindi ba may problema ako sa block ko? Well problema as in wala silang ginawa sa akin, pero masyado kasing volatile ang aking emotions kaya nagkaroon ako ng problema. Wala silang kasalanan, kasalanan kong ganito ang aking nararamdaman dahil ako naman ang nasasaktan, kasi nga ako ang may kasalanan. Ang labo.

Nakatagpo ako ng aking masisilungang bahay. Unti-unting sumigla ang aking buhay kahit papaano dahil sa mga nakatira sa bahay na iyon. Unti-unti akong nagkaroon ng lakas upang tumayong muli matapos kong malaglag sa ikalawa, sa ikatlo, sa ikaapat, sa ikapito, o kahit sa ikasiyamnapu't walong baitang ng hagdanan ng aking mga problemang ako rin naman ang gumawa.

Kahit papaano, ako'y sumiglang muli. Iyan kasi ang aking naramdaman.

Parang Hydrite sa taong may iti. Ay, ang pangit pakinggan. Hindi kasi maganda ang tiyan ni Bianca kanina kaya't pinainom siya ng Hydrite.

Parang Clusivol gana-eat gana-grow sa mga batang walang ganang kumain. Ay, ang pangit pa rin. Lagi na lang kasing wala akong ganang kumain ng "agahan" na alas-dos o alas-tres ng hapon.

Parang sleeping pills sa isang insomniac. O di naman kaya'y isang litrong kape sa isang batugan.

Si Kuratowski kasi at ang kanyang teoriya. Wala talaga siguro silang magawa noong mga panahon nila. Ayan tuloy, ngayong may magagawa na, inaaral naman ang kanilang naisip dahil sa pagkabagot. Kailangan ko pang aralin ang Chapter 11: Introduction to Graph Theory ng aking libro sa AMC125: Discrete Mathematics for Computer Science II. Mali pala, wala akong libro. Aaralin ko pa ang photocopies ko ng Chapter 11 at sasagutan ang Section Exercises. Photocopy ha, hindi xerox, kasi brand iyon ng photocopying machine.

Eh bakit parang lumilihis ka na sa ikunukwento mo kanina? Ganyan ka ba talaga katanga?

Paumanhin. Ayaw ko lang kasing aminin sa sarili ko na nagkakaganito ako. Well, naiinis, naiiyak, nalulungkot, nagdadalamhati, nalilito, nahihirapan, at nananatiling sawi ang aking pakiramdam. Dahil sa bahay na nagbigay sa akin ng silong at tanglaw, naramdaman kong muling umandar ang aking katangahan.

Ganito. Let's put things in a situation kasi it's better and more interesting that way.

...

Ay sandali. Hindi ako makaisip ng interesting situation. Too bad.

...

Hindi talaga ako makaisip. Blind item na lang.

Si Blogger (hindi tunay na pangalan obviously) ay nagkaroon ng internal problem with his friend na si Xanga (na hindi rin tunay na pangalan). Nauhaw kasi siya at natakot siyang humingi ng tubig kay Xanga dahil iisa lamang ang bote ng tubig ni Xanga. Ngayon, dahil martir itong si Blogger, tiniis niya ang kaniyang uhaw dahil alam niyang uhaw na uhaw din si Xanga. Natiis niya ang kanyang uhaw hanggang nakilala niya sa Wordpress (na hindi pa rin tunay na pangalan, I mean, ipapangalan mo ba sa anak mo ay "Wordpress Cruz"?). Tinulungan siya ni Wordpress sa kanyang uhaw, ngunit nagkaroon na naman ng isang pagkakataon na uhaw na uhaw silang pareho at iisa lamang ang 100ml bottle ng Wilkins o Absolute o Summit ni Wordpress. Humiga na lamang si Blogger sa lupa at ibinuka ang kanyang bibig habang bumabagyo. Ang lesson ng story: magbaon ng maraming tubig kung may balak magpiknik.

Eh bakit nga ba laging walang dalang tubig si Blogger?

Lagi niya raw kasing ibinibigay ang tubig niya sa mga pulubing uhaw na uhaw.

Hmp. Tanga nga niya.

Hindi ko kasi alam ang tawag sa kanya eh. So tatawagin ko na lang siyang "tanga."

Ah. So sinong tanga ngayon?