Showing posts with label Problems na hindi maresolve. Show all posts
Showing posts with label Problems na hindi maresolve. Show all posts

Thursday, November 20, 2008

Desperate Measures [Act III]

Putang ina mo. Ang akala ko hindi na lalabas ang ganitong uri ng blog post sa iyong putang inang blog. Isa ka palang hangal. Dahil diyan, putang ina mo.

Ang akala ko naman, nagbago ka na. Putang ina mo kasi hindi pa pala. Ang akala ko, simula noong sinabi mo sa sarili mo na wala na siya, wala na sila, at wala na kayong kahit na anong ugnayan sa isa't isa, magiging ayos na ang lahat. Yun ang sabi mo dati e. Dalawa lang yan: nagpauto ako sa iyong mga sinasabi, o sadyang hangal ka lang talaga. Dahil mas mataas ang ihi ko sayo, putang ina mo, hangal ka. Ikaw na ata ang pinakahangal na tao sa balat ng mundo. A, ano? May angal ka ba? Putang ina mo pala eh, malamang ikaw ang pinakahangal na tao sa balat ng mundo dahil ikaw lang naman ang laman ng makasarili at putang inang mundo mo e.

Ano ka ba naman. Move on na pare. Wala ka nang pag-asa sa kanya. Diyos kong mahabagin, halos isang taon na rin ang nakalipas, hindi ba? Ano ba, mahal mo lang talaga siya o sadyang hangal ka lang talaga? Yung tipong nung nagsabog si God Almighty nang katangahan, nasa harapan ka ng lahat at may dala pang timba at tabo? Ganoon ka ba talaga katanga? Sa tingin ko oo. Bakit? Putang ina mo kasi, hangal na walang utak! Mas may silbi pa sayo ang trapo ni kuya janitor sa Sta. Lucia. Mas may silbi pa sayo ang kaning baboy ni Tito Jun. Tangina, mas may silbi pa sayo ang tae ng kalabaw, kasi yun, pwede gawing pataba sa tanim. E ikaw? Ano ka? Some organism living beyond the normal mode of plain existence? Putang ina mo. Mas may silbi pa ang plankton sa iyo ano, at least naman ang mga yun, kinakain ng mga sugpo at hipon. Putang ina mo, hipon!

At ano naman, mamamangka ka sa lahat ng ilog na makita mo? Tangina mo naman pare. Ano nang nangyari sa pinagyayabang mong ideals, ha? Gago ka pala e. Gago na, sinungaling pa. Tangina. Hindi ka nga nagsisinungaling sa ibang tao, pero sa sarili mo? Huwag ka ngang magbulag-bulagan pare. Buti nga umalis na yung masungit na yun, tapos ayan ka na naman at nagpapadala sa sampal ng damdamin mo. Talaga bang lampa ka at miski ang sarili mong damdamin, hindi mo kayang alalayan? Tangina, kaya ka naman pala nasasaktan na lang palagi e. Tapos irereklamo mo na hindi fair ang life? E gago ka pala e. Alam mo namang hindi fair ang buhay. Mas fair pa ang mga kotong cops sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kaysa sa putang inang Life na yan. Mas fair ba sa Life na yan ang dice na limang six ang mukha. Tangina, mas fair pa kaysa sa Life na yan ang dalawang pisong gakulangot na pandesal sa panaderia ni Manang Tiburcia.

Puta, magtinu-tino ka nga. Ang lakas nang loob mong sabihin na ayos ka na, pero ayan ka na naman at iiyak-iyak pagkatapos ng araw? Pare, huwag ka ngang maging puta. Paputa-puta ka na naman e. Mag-isip ka nga muna!

Putang ina mo. Huwag na huwag mong kakalimutan iyan.

Friday, August 29, 2008

Desperate Measures [Act II]

Pasensya na. It seems hindi ako makapagpost ng something substantial sa blog ko these past few days. Lagi na lang kasing siya yung nasa isip ko, at hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot.

Nasa gitna na ang feelings ko. Kapag wala ako doon, hinahanap ko siya, pero kapag andoon na ako, medyo nababawasan yung paghahanap ko sa kanya. Hindi ko alam. Parang unti-unti nang nawawala ang feelings ko para sa kanya, at dahil dito, nalilito na ako.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nawawala na yung feelings ko para sa kanya. Parang ganito kasi pakiramdam ko, wala namang patutunguhan itong kalokohang ito at mabuti nang maagapan habang maaga. Pero gusto ko ring malungkot dahil gusto ko talaga siya makilala. Sinabi ko dati na magiging masaya ako kung magawa ko nang matingnan siya ulit sa mata, pero sa totoo lang, sinasabi ko lang ito para naman kahit papaano, maging masaya ako sa aking mga pagkukunwari.

Hay. Buhay naman talaga.

Should I let go?

Nakakalungkot lang din isipin ito kasi parang ngayon ko lang talaga naramdaman yung kagustuhan kong ipagpatuloy ang mga ganitong klase ng damdamin.

Tuesday, March 11, 2008

Contentment

Kalokohan iyang transport strike na iyan. Hindi ko magets ang point kung bakit nila pineperwisyo ang mga nagkocommute. Hindi ko maintindihan kung bakit sila biglang mawawala sa daan, eh hindi naman siguro nagkocommute ang namamahala ng presyo ng krudo. Hindi ba? Salamat ha, wala kayo kanina. Hindi trapik. Walang sagabal at mga barumbadong driver ng jeep na ibaba ka sa susunod na kanto sa susunod na kilometro. Salamat ha, nakapag-exercise pa ako dahil nilakad ko mula Bahay ng Alumni hanggang UPIS dahil wala kayong mga driver na kayo. Salamat talaga, please accept my sincerest and most heart-felt gratitude.

Madali akong napapagod ngayon mga nakalipas na araw. Sabi ko nga sa ate ko, I feel lethargic once again. Siguro mataas ang sugar ng dugo ko o 'di naman kaya'y masyadong nagpoproduce ng bile ang aking liver. Ewan ko, ang labo naman kasi eh. Gusto kong lagi na lang akong tulog. Hindi lang dahil lagi akong pagod, pero dahil hindi ka nag-iisip habang tulog ka.

At least naman, medyo nakakausad na ang aming play sa Hi16. Sa susunod na Martes na kasi iyon eh. At least naman no. At dahil nagpractice kami kanina mula alas-3 ng hapon hanggang mga halos alas-7 ng gabi, napagod ako. Hindi naman ako mabilis mapagod, pero napagod talaga ako kanina. Hindi ko na alam, hindi ko na alam. Hindi naman ako puyat. Well, I think hindi naman ako puyat.

At kanina lang, tinext ako ni Jay Ann na pumanaw na raw ang kanyang nanay. Tinext ko siya kung ayos lang ba siya, at oo naman daw, ayos lang siya. Sorry talaga Jay Ann, hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin para kahit papaano, mabawasan ang lungkot na bumabalot sa iyong puso ngayon.

I'm such a failure.

Dahil nga grateful ako sa mga driver ng jeep, sumabay na lang ako kay Ding pauwi. Right after natapos kasi ang aming history practice, tinamaan na ako ng "pagod." Sinabi ko kay Ding how tired I was nung pauwi na kami.

"Grabe, napagod talaga ako. Ang bilis kong mapagod these days."
"Baka naman puyat ka."
"Hindi ah, pagdating ko nga sa bahay, natutulog na ako agad. Para na nga akong batugan eh."
"Baka naman marami ka lang iniisip.."


Pero may theory ako dito. Sinabi ko kay Ding na ang dami kong ayaw isipin kaya napapagod ako agad. Nagets naman yata ni Ding kung ano yung ibig kong sabihin. Pero yun nga, ang dami ko nga talagang iniisip.

Hay. And I thought everything will be alright.

But nag-usap ang dalawa kong best friends (or naging best friend, or whatever) tungkol sa Block N, kung papaano ito nagigng isang jigsaw puzzle. Sabi nila, dati raw, every piece of the puzzle fit perfectly. Pero ngayon daw, the pieces doesn't seem to fit perfectly anymore.

i'm trying my best
i just want everyone to be happy again
cguru iba na ang happiness kesa sa dati rudolf


I'm just too sensitive na talaga. Or maybe stupid to not see they are happy?

I want to give up. Pero hindi ko magawa. Hindi ko alam kung bakit, but giving up is something I am really incapable of.

I want to feel content. I'd rather be very sad but content rather than bluffing up an empty happiness.

Friday, February 29, 2008

Tapikin mo Siya at Yakapin nang Mahigpit

Hindi ko na talaga alam kung anong nangyayari sa akin.

Lagi na lang akong nagkakaganito talaga. Nakakainis na nakalulungkot dahil hindi ko magawan ng paraan. Sasaya na ako, pero magkakaroon ako ng isang over-emotional sensitivity overload na pupuwersa sa akin para maging malungkot na naman. Masyado kasi akong naniniwala na maaari pang maibalik ang dati, ang dating maayos naman ang lahat, ang dating masaya kaming dalawa.


parang hindi na kasi maibabalik sa dati ang lahat
malay mo

Hindi ko na talaga alam. Napakatanga ko na marahil upang hindi maramdaman ang gusto kong maramdaman, samantalang ginagampanan naman niya ang kanyang nararapat na gawin, ayon sa isa kong kaibigang napalayo sa akin dahil na rin sa "problema" kong ito.

confidential un i trust you
oo nmn
gusto kong sabihin sayo kasi magiging unfair naman sayo
hindi ko lang sinabi agad dahil may problema ka
ah
salamat

Ewan ko na talaga. Hindi ko na alam. Nararamdaman ko na talaga na nagkakaroon na ako ng isa pang pagkatao, maliban sa tatlong pamamaraan ko ng pag-iisip. Ayon sa math, 2 pagkatao at 3 pamamaraan ng pag-iisip ay nangangahulugang 6 na posibleng pagsasama (2 x 3 = 6 kung hindi mo nakuha kung bakit). Ewan ko na talaga. Hindi ko alam. Hindi naman ako ganito, at baka nga nangangahulugang ngang hindi na maaaring maibalik ang dati. Isa ka kasing hangal. Tonto. Bulag ka pala, bulag.

naaapektuhan na ba kita?
medyo
sorry

masyado ba akong complicated?
mas complicated ka sa iba

Hay. Muntik ko pang ibagsak ang Dragon Blade kanina.

Nakakaiyak. Nakakaiyak. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari sa sarili ko. Gusto ko nang tumalon patungo sa kawalan para maging malaya sa masakit na mundong aking ikinukumot sa aking sarili. Gusto kong lumipad at madama ang hangin sa aking mukha. Gusto kong humimpapawid at tumungo sa isang lugar kung saan masaya ang lahat. Katulad na marahil ako ng aking saranggola. Gustong nang maging malaya at maiangat ang sarili mula sa malungkot na lupa patungo sa yakap ng hangin na puno ng pag-asa, ngunit lagi na lamang may nangyayaring hindi kanais-nais kaya't laging nauudlot ang inaasam na tunay na ngiti sa labi.

Nakakaiyak. Isa akong taksil. Taksil sa iba, at taksil sa ibang taong mahal na mahal ko bilang mga kaibigan.


basta, ikaw ang best friend ko sa college
sorry
best friend mo pala ako pero ginaganito kita

Kaya naman nauuwi sa mga bagay na bumabaon sa iyong utak at dahan-dahang tumatarak sa iyong damdaming kababangon pa lamang mula sa isang masakit na pagkakarapa.

pede ba ulit akong maging kaibigan mo?
hindi ba kita kaibigan?
eh best friend?

pwede

gusto mo ba ulit akong maging best friend?
ikaw bahala
kahit ano ayos lang skin


Sawa na ako sa kaalatan ng aking mga luha.

Ngunit ako'y umaasa pa rin. Ayaw ko lamang ipakitang ako'y nananalig dahil hindi ko na kayang saktan ang aking sarili. Hindi ko na kayang yakapin ang aking sarili dahil na rin hindi ko na kilala ang aking sarili. Kasalanan kong lahat.


hindi mo kasalanan lahat rudolf
eh di kasalanan nino?
hindi ko alam, pero huwag mong isisi ang lahat sa iyo


Naduduwal ako dahil umiikot ang paningin ko. Hindi ko kasi alam kung umiikot ba ang mundo ko o kung ako lang iyon. Kailangan ko na talaga siguro ng antipara.

At hindi ko rin maipaliwanag nang mabuti sa aking sarili kung bakit ang isang tapik sa balikat ay mas matimbang pa sa dalawang oras ng patuloy na pakikipag-usap tungkol sa mga bagay-bagay.


Marahil, ito ang nabibigay sa akin ng lakas at tatag upang magpatuloy.

Pero baka ito rin ang dahilan ng pagkawala ng pagkabulag ko sa katotohanan. Hindi ko na alam. Siguro, nakikita ko na talaga ang katotohanan, ngunit binubulag ko ang aking sarili dahil ayaw ko nang masaktan.

Pero nauuwi rin ang lahat sa wala. Lahat ng mga paglaban ko, nawuuwi sa kawalan.

Kaligayahan, yakapin mo ako. Kung ako ma'y pinandidirihan mo, yakapin mo na lang siya nang mahigpit para sa akin.

Tapikin mo siya at yakapin nang mahigpit dahil hindi mo alam kung makikita mo pa siya bukas.

Sunday, January 27, 2008

Dear DrumMania, Tomo I Blg 1

Dear DrumMania,

Kamusta ka na?

Mabuti naman inayos na nila yung ilaw mo sa signboard ng iyong pangalan. Hindi kasi magandang makita yung holographic pink starry background ng DrumMania 10th Mix kapag madilim eh. Ay oo nga pala, yung pinsan mong si Percussion Freaks 5th Mix dun sa ibabang Timezone, grabe ang sira ng snare. Nagrerespond naman siya, pero natatanggal at umiikot yung pad. Nakakatawa nga yung pose ko eh. Hinaharangan ko ng non-bass-foot-tuhod ko yung gild ng snare para hindi umikot. Inipit ko yung machine-provided sticks between sa chair at yung gilid ng sirang snare na yun after ko malaman na masakit palang matamaan ng reverse side ng sticks ko ang tuhod. Oo nga pala, sayang at wala nang Spring sa repertoire ng mga kanta mo DM. Favorite ko kasi yun sa PF eh. Yung Seiron naman, asa akong matatapos ko yung kantang iyon sa iyo kasi mas strict ang iyong timing judgement at mas malaki ang bawas mo sa excitement bar kung magkamali kung ikukumpara sa pinsan mo.

"Ayos" lang naman ako DM. [Naantala ang post na ito dahil nalimutan kong nagpopost pala ako dahil naghanap ako ng Seiron sa GDAmania, ngunit wala pala sila. Naglaro na lamang ako ng Osu! dahil gagawan ko nga sana ng beatmap ang nasabing kanta, na kung saan naitaas ko ang aking rank to #154. Doon ko lang naalala na nagpopost pala ako] Nagsusurvive pa naman ako. Katulad ng pagsurvive ko sa Himawari na lagi kong hindi napapasa dati. Hindi ko lang matandaan kung pumasok ba ang excitement bar sa danger zone. Mahina na ang aking memory gaya ng pagkalimot kong nagsusulat nga pala ako sayo, DM.

Ano sa tingin mo? Ang pagiging makakalimutin ko kaya ay isang nang defense mechanism? Ay, babawiin ko. Hindi pala. Siguro kulang lang talaga ako sa memory-enhancing vitamins and minerals, whatever they are. Wala kasing silbi ang aking short term memory eh. Nalilimutan kong nag-iipon ako ng tubig sa banyo, nakakalimutan kong nagpopost pala ako, nakalimutan ko ng paulit-ulit yung naka-duel ko nung fencing nung absent si Ace, at lagi ko ring nakakalimutan na babatiin ko pala yung isang tao dahil birthday niya o kaya itanong sa girlfriend ng blockmate dati kung kamusta na ba siya dahil hindi ako sigurado kung siya nga ba iyon o hindi. At isa pa, hindi ko makalimutan yung mga bagay na kailangan kong makalimutan panandalian, para naman sumaya ako kahit papaano. Hanggang ngayon, bumabalik-balik pa rin sa aking isipan yung mga sandali na kung saan nakita ko silang tatlo na naglalakad sa harap ng Blue Eagle Gym habang nakasakay na ako sa jeepney pauwi. Naaalala ko pa ang mangiyak-iyak kong paningin at ang paglatag ko ng aking mukha sa aking bag dahil baka nga maiyak ako. Ang dami kong naaalala na ayaw ko na sanang maalala, ngunit lagi ko naman silang naaalala. Ang tanging mga bagay na nakakapagpalimot sa akin ngayon ay yung Warriors Orochi, na kung saan Lv. 76 na si Xing Cai at Ambition na ang kanyang weapon at ikaw, DM. Dati naman, nakakalimutan ko ang aking mga problema kapag kasama ko ang aking mga kaibigan, ngunit parang wala na yata yan ngayon.

Hay. Gaya ng sabi ko dati sa ikalawang post yata ng blog ko, problems are just forgotten. Never yata silang nabibigyan ng solusyon.

Ano bang ginawa ko sa sarili kong buhay?

Haha. Ang dami ko na namang sinabi. Pasensiya ka na DM ha. Sige hanggang dito na lang muna at maglalaro na ako ng Warriors Orochi. Hanggang sa susunod nating pagkikita. Ingat ka.




                            Nagmamahal,
Rudolf na gusto nang maging masaya, pero hindi niya magawa

Monday, January 21, 2008

Ipaaalam Ko Lang sa Iyo na...

...nakapagdecide na rin sila sa wakas kung ano ang project namin sa Ps140 lab. PC-controlled RC Car using Warning Sounds yata eh. Sorry ha, offline ako ng mga oras na iyon. Basta alam ko na ako ay kabilang (kasama sina Amboy at si Nelvin) dun sa gagawa nung collision alarm system.

...nasira na naman yung PC ko. Hindi ko alam kung bakit, pero ayaw na niyang pumasok sa Windows. Nadiskubre ko ito nung gagamit sana si Mamie ng PC nung Sabado dahil titingnan niya raw ang kaniyang email (na lagi namang walang new messages; maglalaro din siya siguro ng Bookworm na kung saan "SHORELINES" ang pinakamahabang salita na aking nagawa).

...birthday ni Honey Lynne nung Sabado, January 19. Kaarawan din nga pala iyan ni Tita Nene kung siya'y buhay pa ngayon. Tita Nene, sana ay masaya ka na sa piling nina Nanay at Tatay. Pasensiya ka na kung hindi ko na masyadong matandaan ang iyong mukha dahil dalawang taong gulang pa lang ako nung ikaw ay pumanaw. Ngunit alam kong mabait ka dahil taglay ito ng iyong kagandahan sa iyong mga larawan.

...maayos naman yung NSTP ko nung Sabado. Pumasok sina MC, Grace, Rose Ann, Yumin, Jonalou, at si Jude. Nagbutt spelling kami at naglaro ng "Arrange Yourselves According to..." dahil alam naman naming alam na nila ang tunog ng mga patinig na E, O, at U. Wala kaming magagawa, iyan ang nasa modules namin na bigay ng OSCI.

...nagtuturo ngayon si Felix ng Depth-First Search Algorithm. Nakikinig ba ako? Obviously medyo. Loves ko si Felix "Mugalicious Mugababes" Muga eh. Sana lang magbigay siya ng visual example kasi hindi ko maintindihan (kasi hindi ako nakikinig masyado). I'm a visual learner, you know.

...birthday ni Alfie kahapon. Too bad hindi na ulit siya nanlibre sa Timezone ng P4000.00 worth of credits. Sa huli kong kita kay Alf nung get together namin kina Lucky, mataba pa rin siya. Waha alam mo namang loves din kita Alf. Pinapakopya nga kita dati eh, remember?

...2 years na ang aking parasitic relationship with DrumMania. Parasitic dahil ako lang ang nakikinabang, at nasisira lang yung machine sa tuwing paggamit ko. Bilib ako sa DrumMania dahil namemeasure niya accurately ang aking "current status." Merong kantang natatapos ko na without danger, ngunit recently, twice nang lumabas ang mga katagang "Stage Failed." Napansin ko rin na ang karaniwang A/S/S sa PF5 at ang kadalasang A/S/A/B o 'di naman kaya'y S/S kung long version sa DM10 ay B/A/A at B/A/A/Fail o A/S lamang.

...sinubukan ko nang ayusin ang problema ko kahapon, kasabay ng pagiging dalawang taon ng aking parasitic relationship with DrumMania. Ngunit sasabihin kong parang nabigo ako. Hindi, nabigo pala talaga ako. O baka naman dahil inaasahan kong siya'y magrereply pa, ngunit hindi na pala? Ewan ko. Para tuloy akong tanga na every 5 minutes, tinitingnan kung may nagtext. Pero ngayon, narealize ko na parang isang parasitic relationship din ang aking nagawa, ako lamang ang nakikinabang habang siya ay hindi, ayon sa makitid kong pananaw. Gago, iba ito sa pagiging user-friendly. Hindi ako ganoong klaseng tao. O baka naman ganoon ang nangyari? Kapalaran ko bang manatili sa ganitong estado for life? Sorry talaga. Kung tama ngang ako ay naging isang parasite (in some sort of way na hindi ko maexplain), kalimutan mo na ako. Layuan mo na ako. You don't deserve to be slowed down by someone pathetic. Hindi na talaga ako magtataka this time around with this paradigm running up my narrow brain.

...akala ko maaayos ko na ang lahat, yun pala, hindi pa.

Pathetic. You are really pathetic. This is your fault anyway. You're not just pathetic, but you are a pathetic weakling as well. Go sit in your corner and die. The world will be better off without you, asshole.
I'm sorry to say but there is no turning back now. Don't lose faith. No, even if you lose faith, please don't stop believing. Please.
Just hold on a little longer. You just need more time.

Buti nga sana kung ganoon.

Wednesday, January 16, 2008

Imcomplete?

Mabighami ako sa post mi Melody Kay. Basahim mo amg post miya dito.

Mabasa ko amg post ma iyam sa ikalawamg math period mamim. Pero makimig mamam ako kay Felix. Makimig ako pagkatapos komg maglaro mg Dragom Quest. Imulit lamg mamam miya kasi yumg timuro miya mumg umamg period eh. Tumgkol ulit kay paremg Djikstra.

Walamg mamgyari kamimamg lab time. Himdi pa kasi kami makakapili mg amimg gagawimg project dahil lagimg himdi kami kumpleto o kumg kumpleto mamam, walamg mamgyayari. Hay. Sabi mi Mr. Calasamz, mag-attemd ma lamg daw lahat mg members mg grupo mamim sa Biyermes para mapako ma kumg amo amg amimg gagawim. Sayamg daw kasi amg oras, at himdi ko ipimagkaila amg bagay ma iyam. Makakalumgkot makita amg ibamg grupo ma may mga plamo ma at makausap ma si Mr. Calasamz, habamg kami ay wala pamg gimagawamg seryosomg pag-iisip kumg amo amg gusto mamimg gawim. Maglaro lamg kami mg x-rated tetris mi Amboy kamima. Merom palamg itimatagomg mga juicy, juicier, at juiciest secrets amg kamyamg flash drive. Myaha.

Kumaim ma lamg ako sa Jollibee, kumg saam daw bida amg saya. Umorder ako mg Crispy Chickem Steak ma solo lamg kay Ate Rose (close dim daw kami eh myaha). Kamima ko lamg makita kumg gaamo kamipis talaga yumg chickem sa Crispy Chickem Steak ma iyom matapos komg kaimim yum mg higit ma sa dalawampumg beses. Mgayom lamg kasi ako magimg overly semsitive sa mga bagay-bagay. Well, semsitive ako, pero himdi semsitive emough para mapamsim amg mipis mg chickem ma iyom. Mapaisip pa mga ako kumg chickem mga ba talaga iyom dahil lasamg chickem lomggamisamg gawa mamam talaga sa baka. Amg labo.

Dumaam ako sa Gateway para maglaro mg Percussiom Freaks 5th Mix at DrumMamia 10th Mix. Libre yumg PF dahil gold ma amg akimg card, at maglaro ako mg tatlomg beses dum sa DM. Ewam ko, I just felt like playimg amd playimg.

Kakauwi ko lamg mgayom. Maglalaro kasi ako mg Warriors Orochi mamaya kaya mgayom ma ako magpopost. Makakaimis kasi si Da Ji eh. Matatalo ko ma siya dapat kagabi, kaso gumawa siya mg super chiater move kaya madedz si Zhao Yum. Kaasar yumg mga gamomg pamgyayari mo. Hulimg kalabam ma, saka ka pa mamamatay. Sayamg yumg ability mi Yue Yimg ma makuha ko sama kumg himdi lamg magimg chiatress (babaimg chiater) yamg si Da Ji.

Hay.

Malulumgkot ako dahil malumgkot ako. Himdi ko ma talaga alam kumg bakit. O kaya mamam ayaw ko lamg tamggapim amg mga rasom dahil mamimiwala pa rim ako sa mga taomg pimagkatiwalaam ko. Malamamg frustrated ako sa mga pamgyayari recemtly. Amg dami ko kasimg regrets. Amg dami komg magimg kasalamam sa akimg sarili.

Amg daya mo talaga buhay. Bakit ba lagi mo akomg bimibigyam mg mga problemamg himdi ko alam kumg papaamo maayos? Alim yam sa dalawamg drama mo, yumg "mamimiwala ako sa kakayaham mo" o yumg "Walamg problemamg himdi mo kayamg malutas"? O baka mamam gusto mo lamg imudmod sa pagmumukha ko ma tamga ako?

Kasi mamam. Wala bamg clue?

Hmph. Buti pa si Djikstra, simasapiam si Felix para ituro sa amim amg kamyamg algorithm.

Friday, January 11, 2008

Please Carry my Dreams Towards the Sky

I honestly do not know how should I describe what I am feeling right this very moment as I press the keys of the keyboard and as the letters of the words I am typing are appearing from a white background.

I am probably confused, or confused, probably.

I am yearning for some people who I miss so much. I was unable to cry and tell how torn I am to Nanay, Tatay, and Tita Nene because there was construction going on nearby.

I am awkwardly ecstatic for our trip to the bowling lanes tomorrow after I meet my NSTP kids who thought that they will never see me again. I can remember MC running by our jeepney as she held my hand, bade farewell with the other, and shouted "Bye bye Kuya Rudolf! Bye bye!"

I am looking forward to buying the P150.00 Acrylic paint set that I found in National earlier. I am also looking forward to styling my plain, white, canvas shoes with the concepts of water for the left, and fire on the right. I just hope I do it well.

I feel heavy. No. My chest feels heavy, that's why I feel heavy as well.

I am losing an ongoing battle inside of me. I thought I turned the tide of the siege when I decided to return to open my heart once more, but I was thoroughly deceived. I got ambushed right after I declared my strengthening morale and resolve. The sword I forged as an enduring blacksmith struck me a mortal wound as soon as the finishing strike of the hammer to the anvil was heard echoing in the hollowness.

In my eyes, tears welled up. I summoned a bolster of courage I am ignorant of origin to stop those tears from falling. As I sat on the grass, staring on the weak flame of the candle silently persevering against the chilly, empty breeze, rain started to pour down from the cloudy sky.

Were they crying for me?

I found a separate peace in that garden. A peace that made my mind serene for a moment before chaos explodes and disrupts my dream of emancipation once more.

I need to leave. I had to leave. But I had to know the name of the place first.

My memory did not fail me this time. It was the Garden of Salvation.

As I left, I remembered the kite I bought with someone who made a promise to me that we would fly it together. That colorful kite carrying all my humble wishes and simple hopes still remains thirsty to soar across the endless sky to this day.

Please carry my dreams towards the sky.

Sunday, January 6, 2008

Katangahan, Pero Hindi Naman Talaga Katangahan

Hala. Hindi ko masimulan ang post kong ito.

Tanga ka kasi. Hindi ka lang tanga, tanang-tunay ka pa.

Kasi ganito yun. Hindi ba may problema ako sa block ko? Well problema as in wala silang ginawa sa akin, pero masyado kasing volatile ang aking emotions kaya nagkaroon ako ng problema. Wala silang kasalanan, kasalanan kong ganito ang aking nararamdaman dahil ako naman ang nasasaktan, kasi nga ako ang may kasalanan. Ang labo.

Nakatagpo ako ng aking masisilungang bahay. Unti-unting sumigla ang aking buhay kahit papaano dahil sa mga nakatira sa bahay na iyon. Unti-unti akong nagkaroon ng lakas upang tumayong muli matapos kong malaglag sa ikalawa, sa ikatlo, sa ikaapat, sa ikapito, o kahit sa ikasiyamnapu't walong baitang ng hagdanan ng aking mga problemang ako rin naman ang gumawa.

Kahit papaano, ako'y sumiglang muli. Iyan kasi ang aking naramdaman.

Parang Hydrite sa taong may iti. Ay, ang pangit pakinggan. Hindi kasi maganda ang tiyan ni Bianca kanina kaya't pinainom siya ng Hydrite.

Parang Clusivol gana-eat gana-grow sa mga batang walang ganang kumain. Ay, ang pangit pa rin. Lagi na lang kasing wala akong ganang kumain ng "agahan" na alas-dos o alas-tres ng hapon.

Parang sleeping pills sa isang insomniac. O di naman kaya'y isang litrong kape sa isang batugan.

Si Kuratowski kasi at ang kanyang teoriya. Wala talaga siguro silang magawa noong mga panahon nila. Ayan tuloy, ngayong may magagawa na, inaaral naman ang kanilang naisip dahil sa pagkabagot. Kailangan ko pang aralin ang Chapter 11: Introduction to Graph Theory ng aking libro sa AMC125: Discrete Mathematics for Computer Science II. Mali pala, wala akong libro. Aaralin ko pa ang photocopies ko ng Chapter 11 at sasagutan ang Section Exercises. Photocopy ha, hindi xerox, kasi brand iyon ng photocopying machine.

Eh bakit parang lumilihis ka na sa ikunukwento mo kanina? Ganyan ka ba talaga katanga?

Paumanhin. Ayaw ko lang kasing aminin sa sarili ko na nagkakaganito ako. Well, naiinis, naiiyak, nalulungkot, nagdadalamhati, nalilito, nahihirapan, at nananatiling sawi ang aking pakiramdam. Dahil sa bahay na nagbigay sa akin ng silong at tanglaw, naramdaman kong muling umandar ang aking katangahan.

Ganito. Let's put things in a situation kasi it's better and more interesting that way.

...

Ay sandali. Hindi ako makaisip ng interesting situation. Too bad.

...

Hindi talaga ako makaisip. Blind item na lang.

Si Blogger (hindi tunay na pangalan obviously) ay nagkaroon ng internal problem with his friend na si Xanga (na hindi rin tunay na pangalan). Nauhaw kasi siya at natakot siyang humingi ng tubig kay Xanga dahil iisa lamang ang bote ng tubig ni Xanga. Ngayon, dahil martir itong si Blogger, tiniis niya ang kaniyang uhaw dahil alam niyang uhaw na uhaw din si Xanga. Natiis niya ang kanyang uhaw hanggang nakilala niya sa Wordpress (na hindi pa rin tunay na pangalan, I mean, ipapangalan mo ba sa anak mo ay "Wordpress Cruz"?). Tinulungan siya ni Wordpress sa kanyang uhaw, ngunit nagkaroon na naman ng isang pagkakataon na uhaw na uhaw silang pareho at iisa lamang ang 100ml bottle ng Wilkins o Absolute o Summit ni Wordpress. Humiga na lamang si Blogger sa lupa at ibinuka ang kanyang bibig habang bumabagyo. Ang lesson ng story: magbaon ng maraming tubig kung may balak magpiknik.

Eh bakit nga ba laging walang dalang tubig si Blogger?

Lagi niya raw kasing ibinibigay ang tubig niya sa mga pulubing uhaw na uhaw.

Hmp. Tanga nga niya.

Hindi ko kasi alam ang tawag sa kanya eh. So tatawagin ko na lang siyang "tanga."

Ah. So sinong tanga ngayon?

Saturday, December 29, 2007

Ang Ngayon at ang Kahapon

Sana naman magtuluy-tuloy na itong nararamdaman ko. Well hindi lahat siguro. Ewan ko ba.

Mga a week ago, ako ay binalitaan ni Lucky na may birthday party/reunion ang F sa December 28 sa kanyang bahay. Well, walang buhay akong nag-oo dahil sumasailalim ako sa isang period ng aking periodic depression (kaya nga period kasi periodic eh). Hindi ko ako naging masyadong excited kasi nga magkakaroon pa kami ng party ng block sa December 18. Basta yun.

Araw ng physics LT ko nun. Kinamusta ko yung isa kong kaibigan:

"Kamusta na kayo ni [pangalan]?"

"Ayos naman kami. We are in good terms."

"Ah."

Tapos nanahimik siya for some time. Tinanong ko kung pupunta ba siya sa Christmas Party namin later that evening. Oo naman daw, pero baka sandali lang kasi ayaw na niya raw mag-mingle sa block. Medyo naintindihan ko naman kung bakit ganun yung feelings niya. As a friend, inintindi ko yun at hindi na nag-probe in further. As a friend, I tried to be there when he needed a friend, especially nung isang time na yun. Wala akong nasabi kasi wala talaga akong alam na masasabi na makakatulong. Pero sinubukan ko pa rin talaga siyang samahan kasi kailangan niya ng kaibigan.

"Ayaw ko nang mag-mingle kasi hindi ka naman sasaluhin ng college friends mo kapag namroblema ka eh. High school friends mo ang tutulong at sasalo sa iyo. Tingnan mo ako, nung [nangyari yung nangyari], yung mga kaibigan ko sa high school ang tumulong sa akin. Yung college friends, sila pa yung naging simula ng problema ko sa buhay eh." Well, hindi yan exact quote dahil ang memory ko ay oh so poor.

I tightly held my heart in my mind and stopped the tears that were filling my eyes from falling. I had to be strong for the people I value the most. I had to be strong. Well, I have to be strong. Hindi totoo yung mga sinabi niya. Hindi yun totoo. Sinabi lang niya yun dahil depressed lang siya sa mga bagay na nangyari sa kanya.

Oh yeah, yung physics LT na yun was like icing on a crappy, crappy cake that no one wants to eat because it reeks of vomit. Biruin mong right minus wrong? UPCAT yata yung ftw LT na yan eh.

Nung papunta na kaming Christmas party, nakita ko si Garde sa may harap ng Rustans. For once in the whole day and the whole afternoon, ngumiti ako. I felt seriously happy when I saw him. I got out from my blockmate's van and had a seriously needed chat with a best friend of mine na taga-F, hindi taga-N. Too bad he had to go before we needed to.

Honestly, nung araw ng Christmas party namin, I didn't feel like partying at all. I would be like insulting my prideful self when I felt the need to party. Wala talaga. So I just stayed outside with the bags and tried to sleep. I stayed outside and pretended to be asleep. Until one voice said:

"Dofie, are you okay?"

Sinabi kong inaantok lang ako. Pero alam ko na alam niyang I have something going on inside of me kasi sinabi ko sa kanya one time na whenever I feel sad and is unable to keep it all in, I just tell everyone "Inaantok ako" when they ask why I'm sad. One part of me tells myself na don't make people worry because you will feel more worried, another part tells me na hindi naman nila maiiintindihan yung situation mo, and another one tells me na what the f*ck is with these guys snooping around other people's lives.

"You want to talk about it?"

I shook my head. Ayaw kong pag-usapan kasi hindi ko pwedeng pag-usapan. Pero my eyes cannot hold it in any much longer. I cried. I really, really cried.

That moment, inaaproach ako ng isa kong friend. He tried to talk to me pero I didn't want to talk to anyone. In fact, I felt na I didn't need anyone.

"Dahil ba sa Physics?" Hell no.

"Meron ba akong nasabi?" Sinabi kong wala. Pero nagsinungaling ako. Meron siyang sinabi right before that ftw LT.

"Just leave me alone. Please."

"Hindi yun pwede. Kakaunti na lang nga sa block yung tinuturi kong kaibigan, tapos iiwanan ko pa? Hindi yun pwede."

Iyak pa rin ako ng iyak, pero deep inside, nagpapasalamat ako sa kanya.

Yes, I have to admit na dahilan nga ng mga problema ko ang mga friends ko ngayon. There is this so-near-yet-so-far thing going on between me and another blockie. At alam kong hindi niya alam yun kasi apathetic siya. That person told me na sasaluhin niya ako kapag nadulas ako. Well it turns out, masakit palang madulas sa isang thick and solid slab of concrete ng iyong mga problema. And I distinctly remember asking this person na "[Name], bakit ka sad?" when that person was showing something different that that person's usual smile.

After that night, I chose to be silent. I need the solitude once and for all. I was running away from it, but it eventually caught up with me. Napapagod din naman ang tao sa kakatakbo, unless na naka-steroids siya or something.

And the people were asking kung ayos lang ba ako. Obviously hindi.

Ewan ko lang ha. Mahirap talagang mag-expect ng mga bagay sa isang tao.

Kagabi lang, nagkita ko ulit ang Fboys. Halos walang pinagbago ang samahan. Halos wala. Ang dami kong kinuhang pictures. Ang dami talaga. Ang dami, dami, dami talaga.

And for almost three weeks, naramdaman ulit ng aking facial muscles ang electric impulse to smile. Ecch, what a geek I have become.

Nung pauwi na ako, sinabi ko dun sa sinabayan ko na grabe, ang dami kong kinuhang pictures. Ako daw kasi, kuha ng kuha.

That time, sinabi ko sa sarili ko na baka nga tama yung isa kong kaibigan.

Or baka naman depressed lang din ako?