Sunday, July 27, 2008

Box-Office Hits Disc 1: Bago ang SONA

Hindi ako masyadong involved sa mga usapang politics, pero iba na ang usapan tuwing sasapit ang taunang State of the Nation Address ng pangulo. Kasi naman no, halos sa may bukana lang ng access road papuntang subdivision namin yung Batasang Pambansa. Off topic, pero nayanig ang mga salamin namin noong binomba ang isang bahagi ng gusaling iyon.

Naiirita pa rin ako sa mga magaganap sa lugar namin bukas miski na alam kong naghihirap na ang mga tao sa Pilipinas. Hindi naman na kasi natapos ang mga welgang iyan eh. Magtitipun-tipon ang mga tao sa harap ng St. Peter's Parish, mga isang kilometro ang layo mula sa tuntungang tatapakan ni Ate Gloria (hindi kami close by the way). Doon, paulit-ulit nilang isisigaw ang super rain chant na "Patalsikin si Gloria, sobra nang pahirap" habang iwinawagayway ang mga bandila nilang yari sa katsa kung saan nakapinta ang mga katagang "Gloria Resign". Ewan ko lang kung magagawa pa nilang marecycle yung mga ginamit nilang props nung nakaraang SONA, kasi naman, feeling ko, tungkol sa sobrang mahal na presyo ng krudo ang isisigaw nila. Hindi naman sa "Patalsikin si Krudo, sobra nang pahirap", pero yun nga lang talaga, sobrang laki na talaga ng pagkakaiba sa presyo ng langis at pati na rin pamasahe noong isang taon. Wala naman kasi yatang magagawa si Ate Gloria sa digmaan dun sa may Central Asia diba? I mean, magpapadala ang Pilipinas ng mga machines of warfare na karag-karag? Mas mabuti yatang ibenta na lang ang mga iyan sa Starback's Junk Shop ng por kilo eh, mas marami pang matutulungang mga gutom na mga mamamayan.

Ang dami na namang tao bukas sa may lugar namin. Ganoon ba talaga kasikat si Gloria kaya pinipilahan siya ng daan-daan niyang fans from all over the country? Ganoon ba talaga kagaling ang kanyang mga kanta ukol sa ekonomiya at kaunlaran kaya nahuhumaling ang mga mahihirap na sabayan siya sa kanyang pag-awit? Ang hassle naman kasi ng mga nangyayari sa bansa natin eh.

Ang daming naghihirap at nagdurusa,

ang daming nagugutom at nagkakasakit,

ang daming walang maayos na tirahan at napapabayaan,

at ang daming kabataang hindi nabibigyan ng sapat na edukasyon.

Pero, heto ako, nagrereklamo sa world dahil kailangan kong pumasok ng maaga bukas, miski na 10:30am pa ang aking klase.

2 comments:

. said...

Naghahanda ako para sa isang SONA entry bukas. Hayaan mo na silang magrally. Kung wala sana akong pasok bukas, sasama ako sa Sona para ma-feel ko lang ang energy ng mga tao roon.

Anonymous said...

Sa karanasan ko sa mga naglipas na mga SONA, maraming mga raliyista ang tipong binayaran. Hindi kasi sila "nakikibaka." Ewan ko lang ngayon dahil talagang malalaki ang mga isyu ng Pilipinas.