Sa totoo lang, kinilabutan ako kanina. Nagsitindig sa rurok ang mga buhok ko sa braso at naramdaman ko ang kakaibang init na bumalot sa aking katawan.
Nagmadali akong umuwi ng mga 3:30nh, pagkatapos na pagkatapos ng aking Ph101 class. Medyo nagdalawang isip pa ako kasi hindi ko alam kung kasagsagan na ng rally sa may Commonwealth, at baka maglakad na naman ako ng pagkalayu-layo tulad noong nakaraang taon. Kapansin-pansin ang luwang ng kahabaan ng Katipunan dahil ang Loyola Schools lang ang nagpatuloy sa klase. Masyadong marami na raw kasing mga nawalang mga araw dahil sa mga bagyo at kung ano pa mang kanselasyon ng klase.
Habang pauwi, paulit-ulit kong narinig ang boses ni Sir Mike. Tama kasi ang sinabi niya, na mahirap makitang naghihirap ang mga Pilipino kung lagi kang nakasakay sa helicopter, napapalibutan ng mga bodyguard, o nasa ibang bansa.
Sa Central, inisip kong sumakay na lang ng bus dahil malayo ang iikutang ruta ng kadalasan kong sinasakyang San Mateo. Inisip ko rin na mas mabuti na ring sumakay ng bus dahil mas panatag ako sa pagdaan nito sa tabi ng mga raliyista kung ikukumpara sa isang pampasaherong dyip.
At hindi ko inaakalang tama pala ang desisyon kong ito.
Nagsimulang bumagal ang aking sinasakyang ordinary bus noong nasa may Ever na ito. Naroon na kasi ang mga raliyistang nakita kong nasa may Luzon pa lang kaninang umaga. Gaya ng iniisip ko, wala silang kabuhay-buhay: karamihan sa kanila'y natutulog sa loob o sa bubungan ng napakaraming dyip na nagdala sa kanila doon, ang iba'y nagtitsimisan sa ilalim ng overpass, at kung hindi ito ang kanilang ginagawa, sila'y nakatitig lamang sa langit na nagbabanta ng isang malakas na buhos ng ulan. Mukhang binayaran lang sila at papetiks-petiks lang.
Pero noong umusad na ang aking sinasakyan at malagpasan ang mga raliyistang hindi isinisigaw ang kanilang mga hinaing, doon ko na narmdaman ang katotohanang nagaganap sa Pilipinas.
Hindi ko lang talaga maipaliwanag kung bakit ako kinilabutan at pinagpawisan ng malamig. Sanay naman na akong makita ang mga iba't ibang klase ng tao galing sa halos lahat ng estado ng buhay na sama-sama at sabay-sabay na isinisigaw ang "resign" o "pahirap". Sanay na akong makakita ng mga manggagawa, babae't lalaki, na isinisigaw na taasan ang minimum wage. Wala lang para sa akin ang makakita ng mga kababaihang iwinawagayway ang bandila ng Gabriela habang ipinaglalaban ang kanilang mga paniniwala. Sanay na akong makakita nang kung anu-anong bagay lulan ang mga hinaing ng sambayanan na yari sa papier mache. Hindi na bago sa aking paningin ang makakita ng daan-daang mukha ng presidente na may pulang ekis. Ang SONA na ito ay parang katulad lang ng lahat ng SONA na aking dinaanan at hindi pinansin.
Pero yun nga lang, napansin ko kahit papaano ang SONA na ito. Paulit-ulit kong narinig ang alingawngaw ng kahirapan ng lahat nang nagtipon sa harap ng St. Peter's Parish. Hindi ko maalis sa aking isipan kung papaano nila iwinagayway at ibinandera ang kanilang mga sariling bandilang tutol sa mga patakaran ng gobyerno. Tumatak sa aking isipan ang mga mukha ng mga taong aking nakita habang ako'y nakadungaw sa bintana ng pampasaherong bus na iyon.
Habang naglalakad pauwi at dinadaanan ang daan-daang sundalo, pulis, at marino, inisip ko ang Pilipinas. Inisip ko ang mga sinabi ko dati habang tumutugtog ang pambansang awit sa PA system ng Loyola Schools:
"Hindi ko rerespetuhin ang Pilipinas dahil hindi naman nito nirerespeto ang mga Pilipino."
Pero bakit?
Tuwing SONA lang ba magsasama ang mga ng tao galing sa iba't ibang parte ng ating lipunan upang marating ang isang minimithi? Sa mga rally lang ba magiging isa ang diwa ng mga Pilipino? Tuwing sa mga ganitong oras lang ba magtutulungan ang sambayanang Pilipino upang sama-samang umahon sa kumunoy ng kahirapan?
Hindi ko alam. Wala akong pakialam? Hindi naman siguro.

No comments:
Post a Comment