Hindi ko ito inaasahan.
Lumuluha pa ako
Nung nakita ko ang iyong pangalan.
Hindi ko sinasadyang mapindot ito
Ngunit doon nagsimula ang ating pagkakaibigan.
Simula noong araw na iyon,
Hindi ko maipaliwanag kung bakit
Lagi kitang hinihintay.
Marahil sadyang ikaw ay mabait,
At dahil dito,
Natuyo ang mga luha ko dahil sa noon.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag
Ang kakaibang kasiyahang aking naramdaman.
Dahil sa pagdating mo sa aking buhay
Napanatag ang aking loob at isipan
At unti-unting naghilom ang basag kong katauhan
Dahil sa binigay mo sa aking lakas at tatag.
Lumipas ang mga araw
At nalaman ko ang iyong pagkatao.
Sa isang iglap
Nawala ang kislap
Dahil sa katangian mong ako'y ayaw...
Ngunit
Natutunan ko itong tanggapin
Dahil naniniwala akong tinanggap mo ako.
Naging kumportable tayo sa isa't isa
At dahil diyan
Ako'y lubhang lumigaya,
Isang pakiramdam
Na kahit kailan, hindi ko pa nararanasan.
At sa isa mong text
Ako'y nabagabag.
Masyadong mabilis
At ang damdamin ko'y nalabag...
Ngunit
Natuwa rin ako
Dahil patuloy akong naniwala
Sa iyong angking kabaitan.
Doon
Sa panahong iyon
Sinabi kong buo na ako.
Sa iyong pagsabing ako'y iyong miss
At sa mga salitang nangangahulugang mga kiss.
Hindi ko hinayaang
Manlinlang ako ng aking pangahas na sarili...
Wala pang nagsabi nito sa akin kailanman
At hindi ko pa naramdaman ang kaligayahan sa loob
Kahit kailan.
Lumipas ang mga araw at gabi
Natulog tayo sa ilalim ng mga bituing may kinang.
Lagi kong inaabangan ang panibagong bukas
Dahil naramdaman ko ikaw sa aking tabi
At nagsilbing aking tanging lakas.
Ngunit,
Sa iyong katahimikan noong gabing iyon
Naramdaman ko na ang isang malaking alon.
Kinabahan ako na baka sa isang iglap
Mawala na naman ang lahat,
Lahat ng inilagay ko na sa loob ng aking puso
At isinama na bilang aking pagkatao.
Nakita ko ang iyong mga mata
Nakita mo ang aking mga mata
At biglang
Nawalan ka na ng pakialam
At biglang
Naiwan akong mag-isa...
Nasira ang aking sirang sarili
Dahil sa pagkukulang na aking taglay.
Tandaan mo lang na hindi kita sinisisi
Dahil sino nga bang gustong makasama
Ang isang taong ayaw sa kanyang sarili?
Ikaw ang naging dahilan
Kung bakit natuyo ang aking mga luha.
Dahil sayo,
Natuto muli akong umasa
Na hindi lang puro lungkot
Ang mundong puno ng pangarap.
Dahil sayo,
Naramdaman kong nabuhay muli ang aking sarili
Na anim na buwang namatay
At nalunod sa mga luha.
Dahil sayo,
Natuto muli akong mangarap
At hindi magpatinag sa hinaharap.
Dahil sayo,
Sinabi kong tao nga ako.
Sana ang taglay kong kasalanan
Para sa iyong mga mata
Ay hindi tuluyang sisira
Sa mga panahong tayo ay masaya...
Huwag ka munang bumitiw...
Ayaw ko nang umiyak...
At ayaw ko na nang mamatay...
Mahirap ito,
Ngunit sana'y bigyan mo pa ako
Ng pagkakataon
Dahil hindi ko na alam
Ang gagawin ko
Kung ika'y maglalaho
Sa buhay kong bigo...
Naniniwala pa rin ako sa iyo
Tuwing titingnan ko ang unang bagay
Na binigay mo sa akin.
Sana, maniwala ka rin sa akin
Dahil talagang hindi ko kakayanin
Ang mawala ka
At maiwan na lang
Ang bus ticket
Bilang isang malayong pangarap
Kasama ang mga alapaap...
Lumuluha pa ako
Nung nakita ko ang iyong pangalan.
Hindi ko sinasadyang mapindot ito
Ngunit doon nagsimula ang ating pagkakaibigan.
Simula noong araw na iyon,
Hindi ko maipaliwanag kung bakit
Lagi kitang hinihintay.
Marahil sadyang ikaw ay mabait,
At dahil dito,
Natuyo ang mga luha ko dahil sa noon.
At hanggang ngayon, hindi ko pa rin maipaliwanag
Ang kakaibang kasiyahang aking naramdaman.
Dahil sa pagdating mo sa aking buhay
Napanatag ang aking loob at isipan
At unti-unting naghilom ang basag kong katauhan
Dahil sa binigay mo sa aking lakas at tatag.
Lumipas ang mga araw
At nalaman ko ang iyong pagkatao.
Sa isang iglap
Nawala ang kislap
Dahil sa katangian mong ako'y ayaw...
Ngunit
Natutunan ko itong tanggapin
Dahil naniniwala akong tinanggap mo ako.
Naging kumportable tayo sa isa't isa
At dahil diyan
Ako'y lubhang lumigaya,
Isang pakiramdam
Na kahit kailan, hindi ko pa nararanasan.
At sa isa mong text
Ako'y nabagabag.
Masyadong mabilis
At ang damdamin ko'y nalabag...
Ngunit
Natuwa rin ako
Dahil patuloy akong naniwala
Sa iyong angking kabaitan.
Doon
Sa panahong iyon
Sinabi kong buo na ako.
Sa iyong pagsabing ako'y iyong miss
At sa mga salitang nangangahulugang mga kiss.
Hindi ko hinayaang
Manlinlang ako ng aking pangahas na sarili...
Wala pang nagsabi nito sa akin kailanman
At hindi ko pa naramdaman ang kaligayahan sa loob
Kahit kailan.
Lumipas ang mga araw at gabi
Natulog tayo sa ilalim ng mga bituing may kinang.
Lagi kong inaabangan ang panibagong bukas
Dahil naramdaman ko ikaw sa aking tabi
At nagsilbing aking tanging lakas.
Ngunit,
Sa iyong katahimikan noong gabing iyon
Naramdaman ko na ang isang malaking alon.
Kinabahan ako na baka sa isang iglap
Mawala na naman ang lahat,
Lahat ng inilagay ko na sa loob ng aking puso
At isinama na bilang aking pagkatao.
Nakita ko ang iyong mga mata
Nakita mo ang aking mga mata
At biglang
Nawalan ka na ng pakialam
At biglang
Naiwan akong mag-isa...
Nasira ang aking sirang sarili
Dahil sa pagkukulang na aking taglay.
Tandaan mo lang na hindi kita sinisisi
Dahil sino nga bang gustong makasama
Ang isang taong ayaw sa kanyang sarili?
Ikaw ang naging dahilan
Kung bakit natuyo ang aking mga luha.
Dahil sayo,
Natuto muli akong umasa
Na hindi lang puro lungkot
Ang mundong puno ng pangarap.
Dahil sayo,
Naramdaman kong nabuhay muli ang aking sarili
Na anim na buwang namatay
At nalunod sa mga luha.
Dahil sayo,
Natuto muli akong mangarap
At hindi magpatinag sa hinaharap.
Dahil sayo,
Sinabi kong tao nga ako.
Sana ang taglay kong kasalanan
Para sa iyong mga mata
Ay hindi tuluyang sisira
Sa mga panahong tayo ay masaya...
Huwag ka munang bumitiw...
Ayaw ko nang umiyak...
At ayaw ko na nang mamatay...
Mahirap ito,
Ngunit sana'y bigyan mo pa ako
Ng pagkakataon
Dahil hindi ko na alam
Ang gagawin ko
Kung ika'y maglalaho
Sa buhay kong bigo...
Naniniwala pa rin ako sa iyo
Tuwing titingnan ko ang unang bagay
Na binigay mo sa akin.
Sana, maniwala ka rin sa akin
Dahil talagang hindi ko kakayanin
Ang mawala ka
At maiwan na lang
Ang bus ticket
Bilang isang malayong pangarap
Kasama ang mga alapaap...
2 comments:
>:D< hug na lang... ahaha.. alam mo naman na hindi ako magaling sa ganito. =P
>:D<
Post a Comment