Thursday, November 20, 2008

Desperate Measures [Act III]

Putang ina mo. Ang akala ko hindi na lalabas ang ganitong uri ng blog post sa iyong putang inang blog. Isa ka palang hangal. Dahil diyan, putang ina mo.

Ang akala ko naman, nagbago ka na. Putang ina mo kasi hindi pa pala. Ang akala ko, simula noong sinabi mo sa sarili mo na wala na siya, wala na sila, at wala na kayong kahit na anong ugnayan sa isa't isa, magiging ayos na ang lahat. Yun ang sabi mo dati e. Dalawa lang yan: nagpauto ako sa iyong mga sinasabi, o sadyang hangal ka lang talaga. Dahil mas mataas ang ihi ko sayo, putang ina mo, hangal ka. Ikaw na ata ang pinakahangal na tao sa balat ng mundo. A, ano? May angal ka ba? Putang ina mo pala eh, malamang ikaw ang pinakahangal na tao sa balat ng mundo dahil ikaw lang naman ang laman ng makasarili at putang inang mundo mo e.

Ano ka ba naman. Move on na pare. Wala ka nang pag-asa sa kanya. Diyos kong mahabagin, halos isang taon na rin ang nakalipas, hindi ba? Ano ba, mahal mo lang talaga siya o sadyang hangal ka lang talaga? Yung tipong nung nagsabog si God Almighty nang katangahan, nasa harapan ka ng lahat at may dala pang timba at tabo? Ganoon ka ba talaga katanga? Sa tingin ko oo. Bakit? Putang ina mo kasi, hangal na walang utak! Mas may silbi pa sayo ang trapo ni kuya janitor sa Sta. Lucia. Mas may silbi pa sayo ang kaning baboy ni Tito Jun. Tangina, mas may silbi pa sayo ang tae ng kalabaw, kasi yun, pwede gawing pataba sa tanim. E ikaw? Ano ka? Some organism living beyond the normal mode of plain existence? Putang ina mo. Mas may silbi pa ang plankton sa iyo ano, at least naman ang mga yun, kinakain ng mga sugpo at hipon. Putang ina mo, hipon!

At ano naman, mamamangka ka sa lahat ng ilog na makita mo? Tangina mo naman pare. Ano nang nangyari sa pinagyayabang mong ideals, ha? Gago ka pala e. Gago na, sinungaling pa. Tangina. Hindi ka nga nagsisinungaling sa ibang tao, pero sa sarili mo? Huwag ka ngang magbulag-bulagan pare. Buti nga umalis na yung masungit na yun, tapos ayan ka na naman at nagpapadala sa sampal ng damdamin mo. Talaga bang lampa ka at miski ang sarili mong damdamin, hindi mo kayang alalayan? Tangina, kaya ka naman pala nasasaktan na lang palagi e. Tapos irereklamo mo na hindi fair ang life? E gago ka pala e. Alam mo namang hindi fair ang buhay. Mas fair pa ang mga kotong cops sa kahabaan ng Commonwealth Avenue kaysa sa putang inang Life na yan. Mas fair ba sa Life na yan ang dice na limang six ang mukha. Tangina, mas fair pa kaysa sa Life na yan ang dalawang pisong gakulangot na pandesal sa panaderia ni Manang Tiburcia.

Puta, magtinu-tino ka nga. Ang lakas nang loob mong sabihin na ayos ka na, pero ayan ka na naman at iiyak-iyak pagkatapos ng araw? Pare, huwag ka ngang maging puta. Paputa-puta ka na naman e. Mag-isip ka nga muna!

Putang ina mo. Huwag na huwag mong kakalimutan iyan.

5 comments:

Jinjiruks said...

puro potah naririnig ko sa entry na ito. sino ba un? seems that over-concerned ka sa kanya?

Anonymous said...

Ang post na ito ay tungkol sa sarili ko na kinakausap ang sarili ko.

Jinjiruks said...

ah ok na gets ko na. paano pa makakapag move on kung nabubuhay ka pa rin sa nakaraan. nde mo makikita si right one if ur still living with the wrong one.

Anonymous said...

I know, I know.

:)

Jinjiruks said...

forget what i've said. nde totoo mga un.