Ay, may pasok na pala ako.
Hindi naman sa hindi ko narealize na may pasok na ako. Parang wala kasing nagbago sa aking buhay miski na nagkaroon na ako ng pasok since Monday.
Medyo marami na ring nangyari ngayong week na ito. Nakita ko na lahat ng mga professor ko. HIndi ko alam. Medyo mixed ang feelings ko. Masaya ako na mababa ang random number ko kaya nakuha ko si Sir Rochester for Th131 na tungkol sa Marriage and Human Sexuality. Ayos siya, in my opinion, kasi ang light ng feel ng class niya. Parang walang pressure, hindi katulad nung kay Fr. Arcilla last sem. Dahil dun, masarap makinig sa class niya, bukod sa fact na medyo interested ako sa subject na yun. Medyo natatakot lang nga ako na baka masunog ako sa aking seat dahil sa tagal ko nang hindi nagsisimba. Actually, nahilo ako nung Monday sa class niya. Siguro dahil na rin isang taon na akong walang kahit na anong theology classes. Alam mo yung feeling na umiikot yung mundo mo miski naman alam mong nakaupo ka lang? Ganun yung feeling ko habang napapalibutan ako ng words coming straight from the Bible. Akala ko nga, kinukuha na ako ni Lord eh. Sobrang omaygad talaga.
Pero as usual, merong mga class na hindi maiwasang antukin. Most CS subjects are painfully designed that way. Puro kasi concepts, algorithms, or terms ang itinuturo. Wala ring application masyado. Well, wala akong magagawa kasi yan ang pinili kong course. Ayos lang naman, nakakantok lang talaga sina Doc Mana at Doc Vergara. Ang hihina ng boses nila kaya hindi ko talagang maiwasang maprolong ang pagkurap ng aking mga mata mula sa milliseconds to about two seconds each. Ayos lang naman, may CS179.15B naman ako eh. Bukod na si do-anything-you-want Sir Jal ang prof, bago pa ang terminals sa F204. Grabe. Nakakawindang sa bilis at ganda.
Wala akong magagawa sa Ph102 ko. Required kaming manatili sa piling ni Sir Mike. Maayos naman siyang magturo, yun nga lang, hindi siya mabait sa pagbigay ng grades. Siyempre hindi maaalis sa isang estudyante ang maging grade conscious to a certain extent, pero ako naman, kahit papaano, nabawas-bawasan ko na ang pagiging grade conscious. Kailangan rin naming magtrabaho at makasama ang mga tao sa laylayan ng ating lipunan. Required siya sa para sa formation program ng Ateneo. Medyo maswerte nga ako na sa Robinsons Supermarket Marikina ako magtatrabaho ng tatlong Sabado, pero gusto ko sanang maging basurero. Wala lang. Mukha kasing exciting mangolekta ng basura ng iba.
Kaya nung nakaraang linggo, lagi na lang akong pagod pag-uwi. Hindi na ako makapag-isip ng mabuti sa antok. Paglapat ng likod ko sa aking kama, wala pang isang minuto ay wala na akong malay.
Nakakapagod.
Pero mas napapagod na ako sa mga panandaliang pagtigil ng daloy ng oras tuwing ako'y napapatitig sa kawalan, at naiisip ang nakaraan.

6 comments:
nakaka miss din ang buhay estudyante minsan. ang arcade at playstation nung mga panahon na iyon.
Well I'll never know until magtapos ako. :)
Until then, estudyante pa rin ako.
honga eh.balita ko prof mo si mugen.
Hehe. Mabait si Kuya Joms. :)
napanood ko sa youtube. OMG. 99999999 damage ng JP version ng Valkyrie profile.. not once but almost 99 times din mula kay freya. maski si Lenneth ganun din ang damage. over rated damage talaga.
Hahaha. Meron din atang video na 999 hits.
Post a Comment