Showing posts with label Isang Araw sa Buhay ni.... Show all posts
Showing posts with label Isang Araw sa Buhay ni.... Show all posts

Monday, October 12, 2009

Part of the Family

Today, my family and I went to Bulacan since it was my cousin Diane's birthday last Wednesday. We also took the time to visit since it was like forever since we last ate in our Tita Nene's hut kitchen. Iyhan, a good friend of mine, always visits us during weekends and spends his days in our place until early Tuesday mornings, when he needs to go to work. Meaning Iyhan tagged along to our family's trip back to my ancestral home.

I actually felt uneasy with him going with us. I don't know why, but maybe it was because of the sharp, cynical, but secretive eyes my relatives in Bulacan make when faced with strangers.

While eating lunch fit for a princess, Ate introduced Iyhan to Tita Nene.

Si Iyhan, classmate ni Rudolf. Parang pamilya na namin yan!

That made my day.

Friday, April 10, 2009

Kapuso (Part III? Not Really)

My day became boggled when I learned that I needed to call KFC and Mister Donut Philippines to confirm my interest in continuing my application for internship in their comapany. I did not sleep during the night -- my plan was to call as soon as they were available, 9:00am, set my appointment later that day, then go to sleep and wake up a two hours before my scheduled exam and interview. I groggily dialed their number, and after a few rings, a man answered the phone. A series of questions and answers followed, and after a few redirections of the line, I was left with the hassled feeling of the need to come in business attire and the need to aquire Ma'am Jess' signatures for the documents the company was requesting from me. Half past ten, I suddenly became even more pressured as Ma'am Jess announced that the department was only open up until noon. I rushed to print my resume, endorsement, and recommendation. Time was running short, too short that if I failed to arrive at Katipunan at twelve, not only would I fail to get the signatures, but I will probably bomb my chances of entering the company as I will be coming there with incomplete documents. After barely being touched by my soap in a very crude bath, I searched for my slacks, only to find its pockets still stitched after working in Robinsons Supermarket Marikina as a bagger. Getting a sharp object lying in my parent's bedroom, I passed it through the thread that bound the pockets and set them free again to hold my phone, wallet, handkerchief, and rosary. After getting dressed, I fumbled in opening the box of my leather shoes, the same shoes that I wore the previous day. As I wore the shoes, I remembered how cumbersome my feet felt. But the man said to come in business attire, so I didn't have any other choice.

Good thing Mamie was supportive enough that she all the way to Leong Hall, a few meters away where Ma'am Jess was waiting. And the heat started to make my back trickle with beads of sweat as soon as I left the cold air-conditioning provided by our car.

Putang ina naman ang init na 'to. 'Tang ina talaga.

Half past eleven, I was done with my documents. But my schedule was not until three in the afternoon. I went to Gateway and decided to kill time there by spending what was left of my load in Timezone. It was weird to see myself go there and play the games I usually play dressed in my favorite (but I'm not saying I wear this often, it's just that its the best looking one I have) striped long-sleeved polo, black slacks, and leather shoes. I sensed a hidden curiosity in them on why I was dressed like that. I could tell by the way they looked at me the first time they saw me wearing get-up. I can't blame them since not many people come there in sleeves and slacks, let alone someone they are used to seeing wearing just casual clothes and sneakers or canvases. Time moved on quickly, and soon, I was eating a hurried fifty-peso lunch in McDonalds Panay Avenue. It was almost two in the afternoon, and I had to leave as soon as possible since I still had to navigate along uncharted roads in seach for the place of my exam. I tried to fix my appearance and look fresh, but I can't say I managed to do so. The intense heat that bore on me as I travelled has worn me out. Good thing there were cabs waiting outside, and the one I hopped into knew where RAMCOR Building along Roces Avenue was.

The driver had such a pleasing personality. We clicked instantly as soon as he said he knew the place. Each one of us threw half-jokes and kept each other entertained
, in some way or the other. He was worried that he might not make the boundary since there wasn't much people on the streets, and I was worried on what was to take place and what I involved myself to.

I arrived at the place half past two. Sir Carl approached me a few minutes after I arrived and said that I was early, and that we had to wait for the other applicant to arrive. The other applicant, a girl whose first impression on me was she was a rich kid, arrived quarter to three. There was a clear separation of people in that hall: the ones dressed in business attire, and the ones who were dressed casually. I don't want to jump into conclusions, but I did not like that division at all.

Nothing happened even an hour after I arrived. My lack of sleep heavily invited my eyes to close and sleep, but before I fell to sleep, Sir Carl gathered the two of us i
nto a room at the end of the reception hall. Inside, we were asked to fill up forms, and it was there that I learned that the other applicant, Geoanna, was also an Atenean. But Sir Carl gave me no time to chat with Geoanna as he administered the test right away. It was difficult, especially the Verbal part.

After squeezing my brains out for over an hour, I was able to chat with Geoanna. I initiated a small talk about her also hailing from Ateneo, which in turn became a long conversation about how difficult it was for us to find a job, when our own friends had their respective job sites already. I forgot how sleepy I was until she was called to another room where Sir Jim was to interview her.

As I sat in the now empty reception hall, I stared
to feel anxious. I didn't know what I would tell the good-looking man with a nice smile. I didn't know if I should brag about my achievements or if I would remain true to my humility of heart. Unable to anticipate what his questions were, I started to feel afraid. It was during that moment that a Kuya mopped the floor. Employees did not take notice of what he was doing, and left the mopped tiles printed with dirt again. Kuya, with patience, mopped the floor clean anew. Seeing his tired arms, shoulders, and eyes, I lifted my feet up and stepped on the dark tiles of the floor's simple design.

Kuya, nadudumihan, eh.

Ayos lang yan!

As I looked on my leather shoes, I remembered how uncomfortable it was wearing that pair of shoes. However, during that moment, I felt different. My feet felt light that I was able to move them so that a persevering man's efforts wouldn't be wasted. Fourteen past six, Geoanna came out of the room, which unveiled my moment of truth. Like a thunderbolt in a cloudy but silent night sky, the tall man's voice tore the silence that embraced and protected me. My feet, lifting my small frame, slowly led me inside the room where my prior anxieties would be realized or dispelled.

Tuesday, April 7, 2009

Kapuso (Part II)

I approached the security guard and told him that I had an appointment with Miss Ali Dedicatoria on the seventh floor. He was unsure whether Miss Ali was already upstairs, so he asked for identification and dialed the local of the seventh floor. As soon as he read my last name, he asked whether Miss Ali and I are related in any way.

Ah, pinsan ko po.

Pareho kasi kayong Nokom, eh.

He told me that she was still not in her office, and asked me to wait in the waiting lounge. I entered the small, air-conditioned room that was almost full of people fr
om different walks of life. The television tuned into channel seven (of course) distracted them from looking at each other, questioning themselves the different reasons why the people waiting in there met in that small, cramped, window-lit room. My eyes tried to wander around and look at the people around me, but the discomfort my feet which have only worn sneakers for the past three years felt in wearing leather shoes stopped me from my attempts. I ended up watching Gelli, Janice, and Carmina cook different sorts of food for almost twenty minutes. But from time to time, people who looked like social workers came in and questioned people sitting beside me and behind me. As it turns out, those people where there because of their lost children, siblings, or relatives. They brought along pictures of their missing loved ones, and all the poeple attending to them could do was to tell them they would do their best to air their grief. What relief would that do, I thought.

I went outside and asked Kuya if Miss Ali is already upst
airs. After a few minutes, he gave me a visitor's ID and directed me to the building where all the important people of the Kapuso network is. After almost getting lost several times, I managed to arrive at the lobby and press the call button of the three elevators. An elevator soon opened, and after the surge of people rushing out, I stepped in, along with several other people.

As the elevator paneled with three mirrors hummed and climbed its vertical corridor, I thought how fast life is. As I looked at the man in the mirror staring directly a
t me, I realized that I'm no longer a kid. In less than a year or so, I will be the ones walking all over the metro for a well-paying job, or at least a job one likes to have. Well, my search for a company for internship is not different, I guess.

As the elevator produced its familiar ding-dong on the seventh floor, I prepared myself for what was to come. As the doors slid open, I was fascinated by what greeted me: there inside glass cabinets were the armors of Danaya, Alena, Pirena, and Amihan; the four Sang'gres of Encantadia, a show which I avidly watched during the time it was aired in the station. That made me build my
courage and as I turned and entered the entertainment division, I saw Miss Ali and addressed her that way, even if we were cousins.

I brought my documents, but apparently, they needed the letters from the school. She directed me to Miss Princess, who would forward my application directly to the HR department. Before I left the floor, Miss Ali wrote her number in a small pink piece of Post-it, and handed it to me as she said to update her on my progress. I thanked her plenty, and without further delay, headed to Ateneo and acquired Sir Agloro's signatures for both Endorsement and Recommendation letters. Rushing back to the GMA Complex, I handed over my complete documents to Miss Princess and texted Miss Ali about it.

"Ok, tnx!: )"

For some reason, my size thirteen feet kept buggin
g me. It kept irritating me that I missed the chance to casually talk to people sitting next beside me. Everyone knows the feeling of everyone looking at you when you enter a room, but not everyone knows the weird atmosphere of people still looking at you fifteen minutes after you have entered the same room.

Kapuso (Part I)

I am writing this in the morning of the day I am to meet with Ali Marie N. Dedicatoria, Executive Producer of GMA 7. I will be meeting her later at 11:00am in the Entertainment Division, 7/F GMA Building, Edsa corner Timog Avenue, Diliman, Quezon City. I have revised my resume and my objective now reads as follows:


Use and apply my skills in programming as an Intern to gain working experience in the field of Interactive Multimedia


which directly applies to my chosen course


Bachelor of Science in Computer Science
Specialization in Interactive Multimedia


I hate to admit it but, I am heavily banking in meeting Miss Ali for internship. I have inquired and applied for so many companies, but none of them replied.



I think the contact details in my resume are wrong? Nah.

Friday, January 9, 2009

Gusto Ko Maging

"Ang gusto ko maging trabaho ko sana in the future eh isang supervisor ng isang branch ng Timezone."

(simangot)

"Nyek! Nakasimangot. Bakit naman?"

"Ayan ang hirap kapag laki ka sa ginhawa eh. Hindi aggressive. Tutal ako, laki sa hirap, kaya talagang naging agresibo ako."

"Eh Ma, kung hindi ka naman masaya sa work mo, hindi ka rin naman magiging successful 'di ba?"

"Anak, hindi lahat ng gusto mo pwedeng masunod. At kung hindi ka naman magso-survive sa mundo, eh ano pa ang trabaho mo miski na masaya ka?"

(titig sa labas ng bintana kung saan maraming tao galing sa bawat yapak ng lipunan ang naglalakad)

("Pero gusto ko talagang magtrabaho sa Timezone. Hindi ko alam kung bakit, pero tuwing nasa ano mang branch ako ng Timezone, maayos na maayos ang pakiramdam ko. Eh ano naman kung maliit ang sweldo? Sasaya ba ako kung limpak-limpak ang pera ko't lumalangoy ako sa pera dahil sa yaman ko? Ayaw kong yumaman, Ma. Gusto ko lang maging masaya dahil sa totoo lang, hindi na ako masaya.")

("Hindi talaga.")

"Let's go?"

(tango habang nakatitig pa rin sa labas)

Sunday, December 7, 2008

Ang Pagiging Bagger sa Lane One (Express Lane)

Noong natapos ang duty namin sa Robinsons noong nakaraang Sabado, sinabi ko sa sarili ko na sana, maging bagger ako sa susunod na Sabado. Bukod sa nakakapagod, nakakahilo at nakakainis din ang maghanap ng mga stray item sa mistulang walang katapusang mga hilera ng paninda. Nakakahilong hanapin ang tamang lugar ng isang mumunting chichirya sa daan-daang pang ibang chichirya na halos magkakapareho ang itsura ng wrapper. Nakakaantok na hindi tingnan nang tingnan ang mga makikintab na disenyo sa mga wrapper. Nakakainis makakita ng cotton buds sa mga de lata, at limang piraso ng Kit-Kat sa mga inuming nakabote. Nakakairita rin ang mga customer na mahuhuli mong inilalagay ang isang item kung saan-saan lang lalagyan. Kung pwede lang sana, binigyan ko na ng Spinning Heel Drop yung masungit na babae na basta-basta na lang iniwan ang napkin sa mga mantika; Megawatt Uppercut yung batang hinalughog ang buong shelf ng Oishi dahil naghahanap ng Cubee, eh Monde yun at wala ito sa mga chichirya dahil classified ito bilang isang wafer; at isang lumalagitik na Piercing Thorn Fortissimo yung machong lalaki na iniwan ang isang galong mineral water sa may asukal. Eh paano kung matapon yun dun? Masasayang ang pinaghirapan naming ayusin nina Kuya Tyrone.

Kaya pagpasok ko kanina sa selling area, dali-dali akong nagpunta sa mga Cashier. Nilapitan ko ang tahimik na babae na nasa likod ng point of sales system sa lane one. Hindi siya mukhang masungit, kaya kinausap ko siya nang walang pagdadalawang isip.

Ate, kailangan mo po ng bagger?

Express lane ito eh, wala masyadong iba-bag. Pero okay lang.

Mabait si Ate Brenda. Mahinahon niya akong tinuruan at tinulungang mag-bag ng mga binibili ng mga customer. Itinuro niya sa akin kung nasaan ang extra extra small, extra small, small, medium, at large grocery bags (na biodegradable daw, ayon sa nakasulat dito). Sinabihan niya rin ako na lagyan ko ng karton ang bag kapag maraming de lata o bote ang customer. Tinulungan niya akong ihiwalay ang mga sabon at toiletries sa mga food at non-food items. Siya na ang nagbabalot ng mga karne at iba pang mga item na nanggaling sa fresh section ng grocery. Sa mga panahong wala kaming ginagawa, kinakausap at nakakausap ko naman siya. Baguhan pa lang si Ate sa Robinsons bilang cashier. Wala pa raw siyang isang buwang nagtatrabaho doon. Kung anu-ano rin ang pinag-usapan namin: mula sa mga nagsasalita sa PA system hanggang sa mga policy nila doon sa Robinsons. Inalalayan ko ang mga tanong ko dahil tila nahihiya pa si Ate. Ako rin, kung tutuusin, medyo nahihiya pa.

Ate, ang bagal ng oras, ano?

Oo. Madalang kasi ang customer tuwing hapon. Mainit kasi, at tinatamad lumabas ng bahay. Usually yan, mga gabi dumadami ang customer.

Lalo na kung Linggo no, Ate?

Oo.

Ano yun, yung pila, sobrang haba? O hindi naman?

Hindi naman. Mga limang customer na naghihintay, yung tipong ganun ba. Ngayon kasi, madalang ang customer. Hapon kasi, at baka wala pa silang pera.

Nakakatuwang kausapin si Ate Brenda. Yung mga sandaling wala kaming ginagawa at tila napabagal umusad ng oras, napabilis niya dahil sa pakikipag-usap niya sa akin.

Makalipas ang isang oras, may isang parada ng mga babae na may suot na Santa Hat at may dala-dalang mga bakal na kahon ang dumaan sa aming harapan. Isa-isa silang lumabas ng selling area, at nagpuntahan sa mga cashier. Lunch break na raw nina Ate Brenda na opening shift. Papalit muna sa kanila ang mga kakapasok pa lang na closing shift. Iniligpit ni Ate Brenda ang pera sa drawer ng kanyang cash register, at inilagay sa kanyang bakal na kahon. Matapos noon, nagpaalam siya sa akin at umalis na.

Ang pumalit sa kanya ay si Ate Aileen. Mabait din siya, at mas maingay kaysa kay Ate Brenda. Sa pakikipag-usap sa kanya, nalaman kong 25 years old na si Ate, at tulad ni Ate Brenda, wala pang isang buwan sa kontrata nilang limang buwan doon sa Robinsons. Tinuro rin sa akin ni Ate Aileen ang mga boss, boss ng boss, at ang boss ng lahat doon. Sinabi rin niya sa akin na may pamangkin siyang nag-aaral din sa Ateneo. Basta, nakakatuwa ring kausapin si Ate Aileen.

Matapos ang mabagal na pag-usad ng oras dahil wala kaming ginagawa ni Ate Aileen, bumalik na mula sa kanilang lunch break si Ate Brenda.

Lunch break na namin! O di ba, kakapasok pa lang namin, lunch break na agad? Ikaw, hindi ka ba magbe-break?

Hindi na ate, 20 minutes lang kasi ang break namin, eh.

Ay, talaga? Ang ikli naman. Wala ka ngang magagawa sa 20 minutes. Ang sikip sikip kasi ng canteen namin eh.

At matapos ang isa pang oras, bumalik na sina Ate Aileen mula sa lunch break nila. Coffee break naman ng opening shift. At matapos noon, coffee break na nang closing shift. Sa aming pag-uusap nina Ate Brenda at Ate Aileen, hindi nila gusto ang ganoong pagsasalitan nilang mga kahera. Sina Ate Brenda kasi, buwal na sa gutom dahil matagal-tagal din bago ang lunch break nila. Habang sina Ate Aileen naman, wala nang break pagkatapos ng kanilang coffee break na iyon. Wala na silang oras para kumain ng hapunan.

Bumalik sina Ate Aileen mula sa kanilang break. Sabi sa akin ni Ate Brenda, magiging bagger muna sila habang nandoon pa sila. Alas-sais kasi ang alis nina Ate Brenda. Noong bumalik sina Ate Aileen, malapit na ring mag-alas-singko noon. Malapit na kaming mag-time out.

O! Malapit na kayong umalis! Makakakain ka na! pabirong winika ni Ate Aileen. Sa totoo lang, umiikot na ang tumbong ko sa gutom. Para bagang kinakain na ng tiyan ko ang sarili nito dahil sa gutom. Nanunuyo na rin ang labi at kumakapal na ang laway ko sa kakasabi ng Thank you po! o kaya Salamat po! sa mga customer namin. Hindi nagtagal, oras na para umalis kami.

Nagpaalam ako kina Ate Brenda at Ate Aileen na may malaking malaking ngiting nakapinta sa aking mukha. Pagud na pagod na ako sa kakatayo; hindi ko na maramdaman ang mga binti ko sa tinagal ng apat na oras nang pagtayong walang pahinga, ngunit nagawa ko pang kumaway ng masayang-masaya kina Ate Brenda at Ate Aileen.

Sa maikling panahong nakasama ko silang dalawa, ang dami kong natutunan. Ang dami kong nakitang kahit kailan ay hindi ko makikita kung hindi nila sa akin ipinakita. Ang dami kong dinanas na kahit kailan ay hindi ko daranasin kung hindi sila ang mga naging kasama ko. Ang dami kong natutunan na bago, na kahit kailan ay hindi ko matututunan kung hindi sila ang nagturo sa akin ng mga bagay na ito. Dahil sa kanila, lalo kong napapansin ang mga maliliit na bagay na nagpapatakbo at nangyayari sa paligid ko. Dahil sa kanila, naging masaya ako, kahit papaano.

Ate Brenda, Ate Aileen, next week ulit.

Wednesday, December 3, 2008

Kakaibang Bladder Experience

Isang drum na yata ang inihi ko ngayong araw na ito. Paano ba naman kasi, tatlong beses yata akong umiihi sa loob ng isang oras. Hindi na siya nakakatuwa, ano. Alam niyo namang mahirap nang pigilan ang wiwi dahil baka mauwi ito sa urinary tract infection. Naaawa naman ako sa urethra ko kaya ito ako, ihi lang ng ihi kapag naiihi. Yun naman talaga ang gagawin ng taong naiihi 'di ba? Alangan namang tatambling o makikipagtsikahan pa sa isang hindi kilala na nakasabay sa jeep dahil excited na silang pareho dahil malapit nang bumaba ang pamasahe?

Nakakabanas nang pabalik-balik ako sa banyo. Kanina ata sa school, mahigit sa labinlimang beses yata akong nagpabalik-balik sa banyo. Nagsawa na ako sa mapanghing amoy ng mga ihi ng mga Atenistang lalaki. Ginusto ko na ngang umihi sa palikuran ng babae, para naman maiba-iba ng kaunti. Hindi ko tuloy masyadong naintindihan ang lecture ni Doc Vergara dahil nakatuon ang pansin ko sa pagkatok ng aking ihi sa sphincter ng aking bahay ihi, nagmamakaawang buksan na ang lagusan patungo sa pinangakong paraiso. Nakakahiyang lumabas at umihi dahil late na akong dumating, as usual.

Hay, pero ang sarap pala talaga ng pakiramdam kapag nakaihi ka na matapos ang maingay na paghihintay ng iyong ihi sa rurok ng iyong hangganan. Para silang preschool children na atat na atat nang tumawid ng kalsada kasi nasa kabila si Manong DICK (Dirty Ice Cream, ewan ko kung saan nanggaling yung K), si Kuya Bodjie habang sinasakyan si Pong Pagong, o kaya naman ang purple freak na si Barney habang maligayang-maligaya niyang kinakawag ang mahaba, makapal, at matigas niyang buntot. Naaalala ko bigla ang eksena sa pelikulang Evan Almighty na kung saan nasira ang dam at biglang babahain ang buong siyudad sa tuwing iihi ako sa mga urinal na kung saan may mga nalagas na mga buhok. Tatapat ako doon sabay pakakawalan ang mala-tsunaming bugso ng tubig. Hindi kasi sila nag-conditioner.

At kanina, nainis ako dahil dyuminggel na ako sa school bago umalis, pero wala pang kalahating oras, naramdaman ko na naman ang makulit na pagkatok ng aking ihi sa aking bladder. Naaawa na nga ako sa bladder ko e, siguro unat na unat na unat na ito dahil laging napupuno ng dyinggel. Gusto ko na nga sanang bumili ng Doctor P Adult Diaper, kaso wala akong pera at wala namang tindang ganoon si Ate Kikiam Pishbol. Ni Huggies, Pampers, EQ, o Kimbies nga, wala siyang tinda, Doctor P pa kaya? Napahanap pa tuloy ang ng palikuran sa may UP nang wala sa oras. Ayaw ko namang tumalikod na lang kung saan at umihi, ano. Kadirs naman yun.

Dahil siguro sa lamig kaya ako ihi ng ihi. Hay nako ewan ko, mabuti na rin yung ganito dahil napapainom ako lagi dahil ihi ako ng ihi. Sa ganoong paraan, sigurado akong tubig ang iihi ko. Mahirap na kasi baka mamaya, atay o kaya pancreas ko na yung lumabas sa pantog ko.

Thursday, October 16, 2008

Beat the Polygraph: The Moment of Truth (First Pulse)


The Moment of Truth is a game show wherein contestants, before the show, are asked fifty or more questions while they are connected to a polygraph. The contestants are asked to answer the questions as truthfully as they can, as the results of the test are not revealed to the contestants. During the show, he or she is asked twenty-one questions from the pool of questions they were asked during the lie-detector test. The questions progressively get more and more personal, and the contestant only has to answer these questions as truthfully as they can to win the half million dollars.

I was watching an episode of The Moment of Truth earlier this evening. It was amusing to watch the female contestant in her despair as she tried to contain her emotions. She endlessly shifted her bottom on her seat. She always sighed a big breath of relief whenever the female voice would say the word "TRUE". The questions revolved around her relationship with her current husband, which apparently was not her first, second, or third spouse. Very personal questions were thrown at her, but she all answered those truthfully. Her reveal that she would not marry her husband if he didn't had the money won her $100,000. But the question that made her win $200,000 was about her mother. She answered no when she was asked the question if her mother was terminally ill and wanted to end her life, would she do it or not.

As I was silently laughing at her struggle, thoughts came to my head. I told myself that one has no reason to worry if in all his or her life, he or she did not do anything that is against his or her conscience, or something embarrassing for the matter. I wondered what would happen to me if I was the one seated in that modern seat, being barraged with questions pertaining to the most private aspects of my life. Will I shift endlessly in the seat as well? Will I get teary-eyed when the host asks me a question about something that I never thought of even saying to my family?

Are people that desperate for money that they are willing to throw away their dignity and risk the most important relationships they have in their lives?

Tuesday, October 14, 2008

My Eye!

After playing for a week as Isabella of the Spanish in Civilization 4: Warlords from midnight until the faint blue color of the skies crept up my window, my right eye started to complain. It became sore most of the time, with me paying little or no attention to it. After a few days, the soreness went away, only to be replaced by an even more irritating counterpart, a stye. I woke up with my right eye jammed with a sticky and terribly grotesque paste. I will save the details (especially the color) because it will be enough for someone to hurl their week's worth of food or start a period of extreme loss of appetite of epic proportions.

I immediately told my sister who is a nurse about my awful right eyelid. At first, I thought it was a pimple since a dot of pus emerged from my eyelid, but upon further reasoning, my sister and I concluded that the horrible abomination that lived in my eyelid is nothing more but a kuliti. We figured that if it was a pimple, why was it in the eyelid, and not on the surface of it? She told me that these horrible things were caused by bacteria, hence the pus. As the day progressed, the dot of pus grew larger and larger. Every time I gingerly checked my eye, the small dot of discoloration grew more and more. It was like a small, yellow green balloon being inflated to its extremes.


And then, it happened.


Well, the discomfort of something always poking my eye is less now as compared to before. I guess I should start getting some sleep. Hell week has taken a chunk out of my resistance, and what I'm doing now isn't helping either.

Friday, August 22, 2008

Semikal Tres

Matagal ko nang gustong magpasemikal. Ngunit hindi ko ito magawa dahil lagi na lang tumututol si Mamie. Hindi ko alam kung bakit ayaw niya akong magpagupit ng semikal, miski yung hindi maikling maikli ang buhok. Nagdadalawang-isip din ako kahit papaano dahil una, meron akong puting marka sa aking noo dahil nagkaroon ako ng vetiligo noong ako'y sanggol pa, at ikalawa, baka hindi bagay sa akin ang semikal dahil sa aking pagsasalat at paghihimas sa aking ulo, tila yata hindi maganda ang hugis nito. Tinanung-tanong ko rin ang aking mga kaibigan, at sinabi nila na baka nga raw hindi bumagay sa akin ang semikal. Medyo patag kasi ang likod ng ulo ko. At ang sabi pa sa akin ni Ate noong isang araw, ang semikal daw ay para lamang sa mga gifted.

Kaya kanina, nagpasemikal ako. Sinunggaban ko na ang pagkakataong wala sa bahay si Mamie dahil may project siya sa Mindoro.

Pagkababa ko ng bus galing sa Gateway, tumungo agad ako sa parlor ni Milai. Wala siyang inaasikaso, kaya natanong ko agad siya kung babagay ba sa akin ang semikal.

Oo naman noh, 'di ba nga i-semikal na dapat kita dateh?

Tinanong ko rin sa kanya kung gaano kahaba ang tres.

Mahaba!

Pati na rin yung dos.

Mas maikli sa tres. Yung uno kashi, ano, halos ahit na ahit na.

Sinabi ko na lang kay Milai na tres na lang muna, dahil madaling gawing dos ang tres. Medyo mahirap yatang ibalik sa tres ang dos dahil sandamakmak na pandikit ang kailangan ng prosesong iyon.

Pinaandar ni Milai ang kanyang razor. Napuno ng huni ang buong parlor nila. Ikinabit ni Milai ang ngipin ng razor para sa tres, at sinimulang araruhin ang malago kong buhok.

Ang bilis kasing humaba ng buhok mo eh, ano?

Matapos ang ilang saglit ng pagdaan ng kanyang razor sa aking bumbunan, nakita ko na ang hugis ng aking ulo. Hindi ako makapaniwala dahil maayos naman pala ang itsura nito. Medyo hindi pa lang nga ako sanay tuwing mananalamin ako. Medyo sumasayad pa rin sa isip ko na

Sino ba itong kaharap kong ito? Ang pogi naman niya.
Ay teka, ako ito eh.

Haha. Sabaw na kasi ako sa pag-aaral para sa aking Ph101 oral midterm exam sa Sabado.

At ang gaan-gaan na ng aking ulo.

Thursday, August 21, 2008

Dahil sa Reva Slippers ni Kuya Rodel

When I woke up yesterday morning, it was raining. The rain poured as if there was no tomorrow. Fighting all the strong urges not to go to school, I readied myself to leave. I stepped outside and looked at the weather. The sky was a deep gray, but somehow, the sun was peeping through the curtain of impending showers. As it drizzled mildly outside, I quickly wore a pair of jeans and shoes, opened my umbrella, and left as soon as possible to take advantage of the slightly nice weather. But things turned bad as soon as I hopped off the tricycle.

The gentle drizzle which broke the sunlight into a wonderful splash of colors suddenly turned into a violent maelstrom that ripped the rays of the sun into nothingness. My puny umbrella was no match against the strong and cold winds that battered the street. I tightly embraced my bag and protected my laptop which was deep within my bag. The rains slightly hampered its attack which left me wet from my belt below.

I decided to turn back, and change. I was in no condition to go to school that wet.

Things raced across my mind as I was heading back home. I told myself I should have had just worn slippers and shorts instead of shoes and jeans. But my back tingled in a negative way whenever I thought of the floodwater which carried whatever things I don't want to mention, or even think about. I have always worn shoes because of that compulsive reason. And in jeans, my legs were kept warm inside my air-conditioned classrooms.

I got home, at ako ay sinalubong ni Ate Rosie, ang aming plantsadora.

Grabe! Biglang bumuhos yung ulan!

Dapat kasi hindi ka na lang pumasok eh! Haha

Nagmamadali akong pumasok sa aming bahay at sumugod sa aking silid. Inalis ko agad ang aking basang pantalon at sapatos at inilagay ang mga ito sa likod ng prigider. Hinanap ko ang shorts kong matagal ko nang hindi nagagamit, at ang tsinelas kong Reva na binili namin kay Kuya Rodel dati.

Kumusta na kaya si Kuya Rodel ngayon? Kumusta na kaya yung asawa niyang may bara sa puso? Hindi ko rin kasi alam kung natulungan nga ba ni Mamie sina Kuya Rodel, eh.

Nagmadali ulit akong umalis ng bahay. Tinangay ko ang isa naming payong dahil walang silbi ang aking payong sa hagupit ng ulan at hangin. Naramdaman ng aking mga paa ang lamig ng tubig -baha, at nabasa ang aking mga binti sa lakas ng buhos ng ulan.

At sa isang hindi kanais-nais na sitwasyon, natubog ang aking paa sa putik.

Sa totoo lang, nandiri ako.

Buti na lang, may malakas na agos ng tubig-baha na kung saan hinugasan ko ang aking putikang paa at puri.

Pero nandiri pa rin ako.

Noong bumaba ako sa Central at tumawid sa tulay, muli na namang nadumihan ang aking mga paa. Diring-diri ako pero wala akong magawa dahil huling-huli na ako sa aking klase. Doon, nakita ko si nanay na hindi makatawid dahil baha. Nilalagpasan lang siya ng mga taong nakakasalubong niya.

Nanay.

Inabot ko ang aking kamay. Malugod na inabot din ito ni nanay at naramdaman ko sa kanyang palad ang malaking pasasalamat.

Ay naku, maraming salamat!

Tinulungan kong tumulay si nanay sa mga batong inihagis niya sa bahang lagpas bukong-bukong.

Ngunit sa pagkakataong iyon, hindi ako nandiri sa tubig-bahang hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo nanggaling at kung ano ang nilalaman.

Napakaganda ng aking pakiramdam na natulungan ko si nanay na makatawid sa may Central. Dahil ako'y nakatsinelas, nagawa ko siyang matulungan, hindi katulad ng ibang mga nakasapatos at nakapantalon. Dahil sa Reva Slippers ni Kuya Rodel, naramdaman kong muli kung gaano kadiri ang putik sa pa at ang tuyong tubig-baha sa mga binti. Naramdaman kong muli kung gaano nakakailang ang pakiramdam ng may dumi sa talampakan, at ang pakiramdam na matalamsikan ng maitim na putik sa binti.

Dahil sa Reva Slippers ni Kuya Rodel, naranasan ko ang isang uwang ng buhay ng mga taong nakatira sa laylayan ng lipunan. Dahil sa Reva Slippers ni Kuya Rodel, naranasan kong muli kung gaano kasaya mamuhay habang nilalasap ang mga mumunting bagay na lagi na lang hindi binibigyan ng pansin.

Natuto muli akong umapak sa lupa, at makita ang mga dapat makita.

---

Nagkatinginan tayo
Ngumiti ka
Nabuo ang araw ko.

Monday, July 14, 2008

Rant?

Nakakainis. Hindi na ako makapagpost ng something substantial sa aking blog ngayong mga nakaraang araw at linggo yata. Ang dami ko kasing ginagawang requirements para sa school. Kailangan magbasa ng libro para sa Hi165 kasi ang hassle ng grading system. Kailangan galingan sa pagkilatis ng mga takdang readings para sa Ph101 dahil mahirap na, baka kasi bigla akong mabulaga sa isang pagsusulit. Kailangan aralin palagi ang slides sa CS152A kasi lagi na lang may quiz na binibigay si Mr. Diy at kailangan ko kasing bawiin yung 67 kong long test. May mga project proposals pa kaming ipipresent sa Monday (mamaya, kasi 1:30am na ngayon) na madalian naming ginawa dahil sinapian kami ng mga diyos at diyosa ng procrastination, o kung hindi naman, sadyang naging abala sa mga naunang dahilan. May lab pa nga kami sa CS152B eh, at may defense pa! Asar. Meron pa akong ethics paper sa CS179.15A - Philosophy Module na due sa Wednesday, pero hindi ko alam ang gagawin kasi hindi pinost sa Moodle yung powerpoint na naglalaman nung specs. At take note, ongoing pa yung Packrat Unit Test namin sa CS179.15A - Games Module. Grabe. Sobrang pagod ako lagi tuwing pagdating ko sa bahay. Kailangan kong matulog kahit na sandali kasi kung hindi, masasabaw ang utak ko sa paggawa ng kahit na anong nabanggit sa itaas at kailangang saluhin sa may kaliwang tainga gamit ang isang disposable plastic cup. Nagkaroon kami ng discussion kung bakit yung mga bata raw, hindi kailangan matulog sa hapon, pero kaming mga matatanda na, kailangan na. Sabi nung iba, dahil mas mahirap na ang mga ginagawa naming jsim circuits at mga pag-iintindi ng mga diyalogo ni Socrates kung ikukumpara sa mga penmanship drills at flashcard drills ng mga grade school. Ewan ko naman kasi ever since bata ako, natutulog na talaga ako sa hapon.

Ngayon kasi hinihintay kong i-send sa akin ng isa kong kagrupo sa CS123 yung proposal niya. Ieedit ko pa kasi at ipuproofread, bago ko maiprint.

Yun lang po. Salamat.

Sunday, May 18, 2008

Mahirap Kapag Brownout

So andito ako ngayon sa bahay ni Nelvin. Umuulan nang malakas habang pinopost ko ang blog post kong ito. Gumagawa kasi kami ng project kasama si Amboy, at fun naman kasi nagawa ko na yung simple movement ng aming character sa environment doon sa game na ginagawa namin. Kailangan na lang matapos ni Amboy yung room para maexport na sa XNA at magawa ko na yung necessary camera angles. Fixed camera angles kasi yung gagawin namin kasi mas madali kung ikukumpara sa first or third person cameras.

Ang hassle lang talaga kasi gipit sa oras. One week lang talaga yung binigay sa amin para tapusin yung game. Sana kasi sinabi na lang ni Sir Vidal nang mas maaga yung specs ng final project para naman nasimulan na namin ng maaga kahit papaano. Paulit-ulit kong sinasabi kay Nelvin na saka na lang kami magpaka-OC dahil baka hindi namin matapos on time kung sobrang gagandahan namin. Ginagawa niya kasi yung armatures sa model ng character, and it's taking him a long time kasi ang complicated (pero maganda) ng model na ginawa ni Andrea.

"Ang hirap."

Doon sinabi ko sa kanya na miski mahirap, fulfilling naman yung ginagawa namin. Naniniwala kasi ako na tama ang pinili mong course sa college at future career kung miski mahirap ang trabaho, ginagawa mo pa rin ito. Binibigay mo ang makakaya mo sa ginagawa mong iyon, at kung matapos mo ito, kakaibang contentment ang mararamdaman mo o kaya kung hindi ka naman palaring matapos ito, sasabihin mo sa sarili mo na gagalingan mo pa sa susunod na pagkakataon.

Tama naman, hindi ba?

At nakakatuwa lang kasi nung Friday, biglang nag-brownout bago ang CS177 class namin. Sobrang lakas pa nung ulan na bigla-biglang bumuhos matapos kong bumili ng Juzi Boom Ba Coffee sa JuiziJuiz. Dahil walang ilaw, freecut kami, not to mention na freecut na kami a few days before kasi raw pressured si Sir Vidal with something. Wala lang. Napakadependent na talaga ng mga tao ngayon sa technology at sa electricity na nagpapatakbo dito. *shrug* Oh well. CS major ako, so huwag mo akong irapan.

Grabe. Ang lakas talaga ng buhos ng ulan. Sana naman hindi mag-brownout dahil baka hindi na namin talaga matapos yung aming game na excited talaga akong macode ang camera angles at maanimate ang mga characters ng mabuti.

Tuesday, May 6, 2008

Midterms (ng Alin?)

Napakabilis ng panahon.

Parang nung isang araw lang nung nakatayo ako sa may harap na ng Berchmans dahil sa haba ng pila sa cashier. Parang the other lang nung pumila ako para magbayad nang wala. Parang last Wednesday lang din nung paulit-ulit kong tinanong sa aking sarili kung bakit mas marami ang available tellers (dahil hindi ko alam kung ano ba ang dapat itawag sa kanila) sa check payments kaysa sa cash gayun namang mas marami ang nakapila papuntang Xavier hall dala-dala ang mga sobreng naglalaman ng humigit sa P80,000.00 kung sila man ay magbabayad ng isang bagsakan.

Parang kahapon lang ang first day of summer classes na kung saan pinagpawisan ako ng galon galon dahil sa init. Naaalala ko pa yung pagmumura ko sa aking isipan tuwing hahakbang ako dahil sobra ang init noon. Naaalala ko pa yung pitong daan animnapu't siyam na ehepletibong kumain sa aking isipang hindi napapagod pag-isipan yung mga bagay na hindi naman na dapat pag-isipan. Naaalala ko pa yung moments na kung saan nainis ako sa sarili ko dahil hindi ako umupo sa ilalim ng ceiling fans at naupo sa isang miserableng sulok ng SOM203 na kung saan tinabihan pa ako ng isang plump person. Kahapon ko lang din yata nalaman na si Sir Vidal pala si chubby long hair sa DrumMania sa Gateway. Parang kani-kanina lang nangyari yung second day ng summer classes na kung saan masaya ako dahil lumipat ako sa other side ng SOM203 dahil permanent seats na daw for the summer sem ayon kay Mrs. Lopez. Parang kanina lang din nagpakilala si Anton sa akin, when in fact, halos tatlong linggo nang nangyari iyon.

Bumibilis na naman ang takbo ng oras. Bumibilis na ulit ang takbo ng oras.

Kanina, midterms namin sa CS177. In general, madali lang siya, pero nakakalito pa rin kasi hindi mo malaman yung mga tamang values na ilalagay mo dun sa mga fields ng mga matrices na involved. Well, may 20-item 60-point matching type naman na medyo sisiw, kaya ayos lang miski na sabog yung matrices involved para makuha yung bagong coordinates ng nunal ni Charlize Spheresomthing sa left side ng kanyang neck matapos ang kanyang pagpapataba along the X and Z axes at yung pag-tilt ng kanyang ulo para umanggulo at makuha ang kanyang "snapshot to stardom."

Parang kailan lang nung una kong makilala ang Block N nung OrSem naming Viaje. Pero sinabi ko na itong mga bagay of the same line as this many many many times already.

Nakakagulat lang isipin na nasa kalahati na ako ng aking pag-aaral sa college. Hindi rin ako makapaniwala na in less than 30 days, 20 years old na ako. Hindi ko pa rin talaga ma-imagine na 20 na ako, kasabay ng hindi ko ma-imagine kung ano na ang ginagawa ko sa buhay kapag 30 na ako.

Hay nako.

Siguro, lahat tayo ay 3-D lamang talaga. Well, sabi ng iba, oras daw ang fourth dimension. Yes, we live in our own time, but we can't do anything to control it. We can't do anything to make happy moments extend to eternity or make depressing moments vanish in a blink of an eye.

Ang bilis talaga ng panahon. At dahil sa bilis nito, ang dami kong hindi nakitang mga magagandang bagay na nangyayari na pala sa buhay ko. Ang tagal kong nanatili sa dilim. Sobrang tagal na hindi pa rin ako makakita miski na napadpad na ako sa liwanag.

---

Call my name and save me from the dark
- Evanescence, "Wake me up Inside"

Wednesday, April 30, 2008

Summer Classes: Masakit na Ito sa Ulo (May na Bukas Edition)

Tatlong gabi na rin akong hindi nakakatulog ng mabuti. Kung mabuti naman ang aking pahinga, matagal akong makatulog. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nangyayari sa akin. Mararamdaman ko ang aking antok, at kapag napagpasyahan ko nang mahiga sa kama kong nabibihisan ng lagpas dalawang linggong punda, biglang nawawala ang pagod ko. Hindi ko malaman kung bakit naaalala ko pa rin ang nakaraan. Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit kong binubuksan ang mga sugat na unti-unti nang naghilom sa isang pilit na pamamaraan. Pero makalipas ng isang oras na pag-iisip kung katulad ba ng balahibo ni Bianca ang buhok ni Kuya Symon, ang gumagawa sa bahay, nakakatulog ako. Pangarap ko kasing mahaplos ang ulo ni Kuya Symon at tiyakin kung katulad ba talaga ito ng balahibo ni Bianca. Magkamukha kasi sila.

Paggising ko kaninang umaga, maayos naman ang pakiramdam ko. Ininit ko ang hapunan kagabi dahil sa kung anong rason, hindi ko na gusto ang ginisang giniling na may patatas at carrots. Wala akong masyadong gana kaninang umaga kaya kakaunti lang ang nakain ko. Umalis ako ng bahay nang medyo gutom, kasi nga, wala akong ganang kumain. Baka ito ang subconscious secret ng aking skinny physique.

Pagkababa ko ng tricycle sa may Sandigan, naramdaman ko na ang sakit aking ulo. Naisip ko na baka dahil sa puyat, pero alam ko ang sakit ng ulo dahil sa puyat. Ni hindi nga masakit ang ulo ko kapag puyat ako. Nahihilo ako kapag napupuyat ako, at hindi naman exactly hilo ang naramdaman ko matapos kong inabot ang sais pesos sa makalyong kamay ni manong tricycle. In any case, umakyat ako sa overpass. Doon ko na nakita ang mga kakaibang pangitain. Nakakita ako ng mga taong walang mga mata, at pinapakyaw nila ang mga shades nina manong at manang ambulant-vendor-ng-shades. Yung isang babae pa nga, hinahabol yung kanyang left eyeball na gumugulong dahil napabahing siya na parang nag-summon siya ng isang high-level water elemental creature. Ang spray ng kanyang saliva ay nakagawa ng matingkad na bahaghari na nakapagpangiti sa akin kahit papaano, kasi ang sakit talaga ng aking ulo.

Nakatiyempo ako ng Mersan na hindi masyadong puno pagkatapos noon. Maswerte ako kasi hindi na ako masyadong nabilad sa scorching heat. As it turns out, medyo puno pala yung bus dahil sa may bandang likod na akong naupo. Misleading kasi yung kundoktor na kamukha ng anak nina Pokwang at ni Osama Bin Laden, if ever na magkaroon sila ng juicy affair. Pagkatapos kong magbayad, nilapitan ako ng isang bangaw at ibinulong sakin kung alam ko raw bang 500 years ang decomposing time ng isang disposable baby diaper. Binulong ko sa kanya na oo, alam ko iyon, dahil natutunan ko iyon sa isang class na nagngangalang "Ecology with Jim Paredes". Dahil nadisappoint siya kasi feeling niya hindi ko iyon alam, nag-dive na lang siya sa isang kadiring pool ng plemang kulay asparagus. Niyaya pa niya akong sumama sa kanya, pero buti na lang, nasa Central na pala kami. Kadiri talaga yung sick spot of phlegm na iyon. Sana naman nilunok na lang nung kung sinong sick person yung kanyang kadiring mucus. Or at least man lang, tinabunan niya ng mga ticket ng Mersan yung plema niya para naman mas presentable tingnan. Aakalain mong pang mint bubblegum iyon at hindi plemang kadiri.

Papasok sa UP, ang dami kong nakasalubong na mga taong may suot ng condom. Mukha kasi silang may suot na condom. Yung security guard, yung katsismisan niyang hardinero, yung machong kalbong balbon, yung lola at lolo, yung obese lady kasama yung anak niyang malnourished, yung classmates, at yung hot chick na may beautiful hazel flowing hair at bra na cup size D. Lahat sila, parang may suot na condom. Dahil hindi na ako makatiis dahil hindi ako mapalagay kung Trust, Frenzy, Trojan, o Reynolds Wrap ba mga suot nilang condom, tinanong ko yung mamang namumulot nung mga bunga na mukhang undersized tomato o oversized olive ang itsura kung ano ang suot niyang protection. Yung kinse pesos daw na plastic wrapper sa National.

Medyo puno ang jeep na nasakyan ko papuntang Katipunan. Nagbayad agad ako ng aking pasahe. Inabot sa akin ng isang babaeng mukhang nerd na nagbabasa ang dalawang volume nang trigonometry for her bedtime story ang sukli ko. Nagpasalamat ako sa kanya habang nakatingin sa kanyang mga matang over magnified dahil sa salamin niyang tila bulletproof na sa kapal. Hindi ako makapaniwalang after 5 minutes, nakatitig pa rin siya sa akin. Nakatitig pala sa akin ang lahat ng pasahero ng jeep na iyon. Miski nga yung driver, nakatitig din sa akin. Bigla akong pinagpawisan ng malamig at malapot dahil ayaw kong nao-on the spot ako nang ganun. Matapos kong manliit sa likuran ng aking bag, napabahing ang isang lola ng "tampon" at napautot yung isang lalaki ng "intrauterine device contraception is painful and unsafe". Doon ko lang naintindihan kung bakit sila nakatitig sa akin ng masama. Nung sumilip ako, nakita kong sila pala ay nakasuot din ng condom. Naiingit sila doon sa mamang may suot ng plastic wrapper kasi raw, tinanong ko siya kung ano ang suot niyang protection against sexually transmitted diseases. So isa-isa ko silang tinanong kung ano ba ang mga suot nila, at mula sa Trust na napulot sa Manila Bay hanggang sa pambalot ng longganisa ang kanilang naging mga sagot.

Pagbaba ko sa jeep na iyon, nagpaalam silang lahat sa akin. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o ano, pero pagkatapos noon, binugahan ako ng tambutso ng jeep ng smoke and fumes toxic to a human person. Napaubo ako sa tapang ng carbon monoxide na umatake sa aking alveoli sa lower section ng aking left lung. Na-irritate ang aking bronchi kaya napaubo ako nang napaubo. Napapikit ako, at pagmulat ko, kaharap ko na si Kuya Symon habang sinasagot ang tanong niya na "O, anong nangyari sayo?" Nasamid pala ako dahil uminom ako habang naglalakad.

Um..

Nakauwi na pala ako.

Bumalik na pala ako sa reality na masakit ang aking ulo.

Bumalik na pala ako sa reality na bukas, May na, at wala pa ring nangyayari.

Tuesday, April 15, 2008

Summer Classes : 3 BS CS na Ako

Kahapon, nagsimula na ang aking summer classes. 6 units lang naman. 3 units ng SA21: Intoduction to Sociology and Anthropology at CS177: Computer Graphics Programming. Mainit at boring ang SA21 class ni Ms. Soco *bang bang* (dahil siya ay nasa States pa, at ang substitute ay si Mrs. Lopez) at malamig at boring din ang CS177 class ni Sir Vidal (siya pala yung isang magaling mag-DM at yung sinasabi ni kuya RB na si "Eric na taga-Ateneo rin"). Well, nakikinig naman ako sa parehong classes kasi I'm a good student, you know.

Dahil naubusan na ng slots ang section D ng SA21 classes, napilitan tuloy akong mag-enlist na lang sa section G. Gusto ko sana sa section D kasi alam kong may makakasama akong mga kakilala ko. Kaso, dahil high 900 ang aking random number, 4th batch pa lang ng enlistment, 9 slots na lang ang class ng popular SA21 prof na si Sir Apolonio dahil ayon sa mga sources, umaamzing race daw ang kanyang mga classes sa Nueva Ecija na kung saan daw may corruption na nagaganap sa funding. Oh well. Ayos lang naman din daw si Ms. Andrea Soco *bang bang* dahil ayon sa Reggie Blue, "boring, but lots of opportunities to get an A." Yun nga lang, wala akong kasamang kablockmate. So making new friends time ako. Kanina, lumipat ako ng upuan kasi ang init dun sa inupuan ko kahapon. May tumabi sakin at nagpakilala. E 'di yun. Friends na kami ni Anton. Ayos 'di ba? Ikinuwento niya na third year na siya sa UST kaso lumipat siya sa Ateneo. Graduating na raw sana siya. At ayun, first year na naman siya. Basta, nagsimula ang aming not-so-long-pero-hindi-rin-super-short conversation dahil tinanong niya kung anong year na ako. Sabi ko, "Third year na ako."

Huhu. Time flies so fast. Naaalala ko pa yung OrSem. Naaalala ko pa si Iwel, si Ate Aisa, at si Pau. Naaalala ko pa ang feeling gapangin ang MA18AB na 6 units (D ako, huhu). Parang kailan lang nung isinulat ko ang unang paper ko sa En12 na nakalimutan ko na kung tungkol saan. Naaalala ko pa yung first impression ko kay Sir Acuna. Basta. Ang bilis ng mga panahon. Naaalala ko pa na nung graduation ko nung high school, ako ay 17 years old, at ngayon, in less than two months, ako ay 20 na.

Well, boring ang pamamaraan ng pagtuturo ni Sir Vidal, pero interesting ang graphics. Ayaw ko lang nung math involved, pero hindi maiiwasan dahil graphics is a science. Sespecialization kasi ako in Interactive Multimedia, at ang lalabas sa aking diploma at transcript kung ako'y gagraduate pa sa Ateneo (dahil may isang unforeseen event na nangyari kanina that made my Ateneo education unsure in the next semester) ay "Bachelor of Science in Computer Science Specialization in Inteactive Multimedia." Gusto ko sana "Bachelor of Science in Computer Science Specialization in Inteactive Multimedia Minor in Japanese Studies" ang lumabas, kaso ang dami ko pang things na kailangan iconsider. Ang mahal kasi ng isang subject sa Ateneo eh.

At kahapon rin pala, ako ay nagkaroon ng allergy attack. So kaninang umaga, medyo nilalagnat na ako.

Oh well. Summer naman. Kaya siguro I'm hot, literally. Pero dahil sa climate change, umaaligid sa area of responsibility si Ambo. Oo, close kami eh.

Wednesday, March 19, 2008

mmHg

Kung tama ang akin pagkakaalam at pagkakatanda, ang normal na blood pressure ko ay 100/70. Parang mababa na yata yan dun sa pinakamagandang blood pressure na 120/80, pero yan ang normal para sa akin. Hindi ko alam kung bakit ganyan. Isa kong theory ay hindi nahihirapan ang aking heart na tumibok. Parang isang heartbeat lang, malayo na ang nararating ng oxygen-rich blood na na-aerate sa alveoli sa lungs.

Ayon sa wikipedia,


The adjective "diastolic" is used to refer to the relaxation of the heart between muscle contractions. It is used to describe portions of the cardiac cycle related to contraction. More typically it is used as one component of measurement of blood pressure. "Diastolic pressure" refers to the lowest pressure within the arterial blood stream occurring during each heart beat. The other component of blood pressure is systolic pressure, which refers to the highest arterial pressure during each heart beat. When stating blood pressure, systole and then diastole is mentioned; for example: 120/80.


So ayun. Medyo mababa lang ng kaunti ang lowest pressure sa aking heart kung ikukumpara sa above-mentioned 120/80. Well, mas maganda nga yata yun kasi sa tingin ko, hindi agad madadamage ang aking arteries kasi nga wala namang masyadong pressure na nabubuo. Hindi ako isang nurse pero hindi ba mas dangerous ang hypertension (commonly known as high blood pressure, hence the prefix hyper-) kaysa sa hypotension (na low blood pressure naman dahil sa hypo-)?

Kasi, hindi na ako nakakatulog agad these past week. Miski na pagod na pagod na talaga ako, it would take me at least an hour bago ako makatulog. Tapos, either magigising ako sa kalagitnaan ng tulog ko o kaya naman paggising ko sa umaga (or hapon), pagod na pagod pa rin ako. Paminsan, pareho. Oo, aaminin kong paminsan, sinasapak ako ng insomnia, pero parang iba yata itong nangyayari sa akin these days. Dati, ayos lang naman sakin miski na tatlong oras ang inaabot bago ako makatulog, pero ngayon, hindi. Hindi na kasi kinakaya ng katawan ko.

Ilang araw na kasi akong puyat at kulang ang tulog. Nung isang araw, 100/60 na yung blood pressure ko. At kaninang umaga, matapos ang isa na namang struggle para makatulog, bumaba sa 100/50 yung aking presyon. Lagi na akong nahihilo, inaantok, light-headed, at paminsan, hindi na makaisip ng mabuti. Recently lang, nawawalan na ako ng gana kumain kahit na gutom ako at kanina, hindi tinanggap ng aking katawan yung Nissin Mini Cup Noodles Beef. Oo, hindi tinanggap ng katawan ko, in short, idinuwal ko siya sa banyo sa harap ng chapel sa school. At oo nga pala, 118lbs na lang ang timbang ko, 10lbs lighter than my usual 128lbs.

Medyo nag-aalala na rin ako na baka mamaya, maging anemic na ako. Ang normal reference value kasi ng red blood cells ng isang lalaki ay 5.5 - 6.5 E 12/L, samantalang ayon sa luma kong hematology, ang RBC count ko ay 5.54 E 12/L. Borderline na ako ng minimum RBC. At dahil lagi pa akong napupuyat, malamang, bumaba na yan.

Kanina lang, pinagod ko ang aking sarili dahil naisip ko na kung sobrang pagod na pagod ako, baka makatulog agad ako paglapat na paglapat ng aking likod sa kama. Nilakad ko mula Gateway hanggang Philcoa. Dahil doon, ang kadalasang P20.00 na pamasahe ko mula Farmers ay naging P12.00 na lang kasi sa Philcoa na nga ako sumakay ng bus. Mga dalawa't kalahiting oras yata ako naglakad kahit na medyo nahihilo. Nilakad ko ang ganoon kalayo dahil gusto kong patunayan sa sarili ko na kaya ko. Nilakad ko rin iyon dahil kailangan kong pag-isipan kung ano na ba ang nangyari at nangyayari sa buhay ko.

Kaya ngayon, I feel a little warm.

Hay. I've been sickly for the past month, especially these past two weeks. Hindi pa rin stable masyado yung temperature ko. Paminsan, feeling ko may sinat ako (at occasionally meron nga) tapos nun, I feel better.

Ang dami kasing pumapasok sa isip ko tuwing hihiga ako sa aking kama sa gabi (pero usually madaling araw) at pipikit para makatulog. Ang dami kong iniisip na hindi ko naman dapat isipin, pero naiisip ko pa rin. Ang dami kong iniisip, kaya ang dami ko ring pilit na hindi iniisip para mapanatag ang aking loob para makatulog, kahit papaano. Ang dami kong balikwas na ginagawa at unang niyayakap para lang makatulog, pero nahihirapan pa rin akong makatulog.

Pero ngayon, kailangan kong gawin yung php namin sa CS122 kasi sabi ko kay Raf, ako na ang gagawa.

Hay. I feel tired. So tired.

Tuesday, February 26, 2008

Pagkalito, Panghihinayang, Pagbabago

Kahit gaano ko man pilitin ang aking sariling hindi maisip ang mga bagay na hindi ko dapat isipin, lagi ko pa rin silang naiisip. Naiinis na talaga ako paminsan, pero kinakaya ko naman. Hindi ko alam kung sino ang dapat kong sisihin kung bakit ba ako nagkakaganito, kung may kailangan nga bang sisihin, o kung sisisihin ko na naman ba ang aking sarili kung bakit lagi na lang akong nagkakaganito. HIndi ko na talaga alam kung bakit.

Siguro, masyado lang talaga akong naging mahina sa nakalipas na tatlong buwan. Hindi ko sisisihin ang mga tao sa aking paligid, dahil ako naman lagi ang may kasalanan. At sa tingin ko naman talaga ay ako ang may kasalanan. Masyado kasi akong umaasa. Hindi ko magawang hindi umasa. Hinding hindi talaga. At ang masama pa nito (kung masama nga ba iyon), sa mga bagay na hindi dapat asahan ako umaasa. HIndi ko na talaga alam. Litung-lito na talaga ako, tulad na lang ng pagkalitong aking naramdaman nung aking sinasagutan ang SQL Lab # 5 kanina sa CS122, pagkatapos na pagkatapos kong malito kung bakit nga ba pinayagan ang mga Jesuits na pumasok sa isang napakakonserbatibong China sa long test ko sa Hi16. Siguro ito na rin ang dahilan kung bakit sumakit na naman ang aking ulo, pero nalito pa rin ako kasi baka mamaya kailangan ko nang magsalamin o baka naman may taning na ang buhay ko dahil meron na palang tumor sa utak kong napupurol na. Exciting naman talaga. Ayaw kong mabuhay ng hanggang 35 years old kung ganito na lang palagi. Pero ayon sa isang pagsusulit na aking nahanap sa net, ako raw ay mamamatay bilang isang matandang nagawa ang lahat sa buhay. Tss.

Sinusubukan ko talagang maging katulad ng dati ang lahat. Sinasalungat ko na nga ang wuwei, isang prinsipyo sa Taoism (bahid ng long test sa Hi16, paumanhin). Sinusubukan ko talaga. O baka naman hindi? Baka naman sinasabi ko lang sa sarili ko na sinusubukan ko, ngunit hindi pala? O baka naman sinusubukan ko nga talaga, pero baka naman wala na talagang pag-asang maibalik ang kahit mamera ng dati? Hindi ko alam. Litung-lito na ang aking isipan at pagod na pagod na ang aking damdamin.

Mahirap kasing tila mabale-wala ng taong importante para sa iyo. Mahirap hindi pansinin o kaya'y kalimutan ng taong mas importante pa sa sarili mo ang turing mo. Pero nakakatuwa at nakakalungkot ding isiping baka naman hindi ka importante para sa kanya.

Pero sige, magiging matatag ako. Wala lang, gusto ko lang maging matatag. Nanghihinayang ako dahil sinubukan kong maging matatag para sa isang tao, pero tila hindi naman pala niya kailangan. Ibang tao pala ang nangangailangan ng aking lakas at sandigan. Pero bakit nga ba importante ang taong iyon para sa iyo?

Mali. Mali. Mali ang lahat ng ito!

Nagbago na ba talaga ang lahat? Nagbago at naiwan ako?

Nalilito ako dahil ayaw kong aminin ang payak na katotohanan.

Nanghihinayang ako dahil ayaw kong tanggapin ng maayos.

Pagbabago. Pagbabago...

Thursday, February 21, 2008

Mga Tanong, mga Sagot (Q&A kung Sosyal Ka)

Katatapos lamang ng Ps140 class ko. Gutom na ako kaya't nagpunta kami sa caf upang kumain. Umakyat ako sa caf up upang bumili ng aking pangkaraniwang kunin-mo-ang-iyong-buhay (take-your-life) barbeque, isa sa mga core components ng aking Tuesday-Thursday nagtitipid-kasi-ako meal. To my horror, wala silang barbeque, at noong tinanong ko sina ate kung magkakaroon ba sila anytime later, bigla niya akong tinapunan ng isang barrage of questions na hindi ko alam kung saan ba nanggaling.

Q: Hi.
A: Hello?

Q: Spell "FUSCHIA"
A: Um.. F-U-C-H.. Ay parang mali. F-U-S-H-I-A hindi hindi! P-I-N-K. Yun.

Q: Anong araw ngayon? Anong date? May date ka ba?
A: Thursday ngayon, February 21, 2008. Wala. Hindi kita type, if ever.

Q: Anong course mo?
A: BS Computer Science.

Q: How will you program the relation of the colors fuschia, pink, emerald, royal blue, asparagus green, canary yellow, and periwinkle to the current ZTE Scandal?
A: They should all go busy themselves with coloring books. I will program a coloring book that will make them all shut up.

Q: Impressive. Sino ang ika-5 presidente ng Tajikistan?
A: Si Tajiri? Ewan ko ate, babai.

Matapos maweirduhan kay ate All-About-Q's, sinabi ko sa sarili ko na siomai rice na lang ang kakainin ko. Siguro naman, mas matino si ate dahil puro steam lang ang nalalanghap niya, hindi katulad ni ate sa itaas na malamang na-lead poisoning na or whatever. Ngunit to my disbelief, nagsimula rin ang weird, weird, weirdness ni ate.

Q: なにをたべますか?
A: えええー? ショマイライセです。

Q: OKAY, whatever. Who do you consider as friends?
A: My friends?

Q: Describe them please. Use vivid adjectives and engaging verbs, if possible. Oh yes, please do not exceed 10 pages, use Garamond font size 12, double spaced, 1" margin on all sides.
A: They are my friends. They are human, and are from Block N.

Q: So kumusta ka naman? Mabuti na ba ang iyong pakiramdam?
A: Okay naman. Um, hindi naman ako nagkasakit ah.

Q: Hindi. I mean yung nasa loob mo. Kamusta na ang iyong feelings?
A: If you want feelings, bumili ka sa Waffle Time! Bumili ka ng Vavarian Feeling!

Ano ba yun? Stalkress? Or pakialamera? Or simpleng concerned lamang? Well, at least naman, ibinigay niya muna sa akin yung siomai rice ko bago niya ako ininterrogate. Kahit ayaw ko nang bumili dahil baka tanungin na naman ako ng kung anu-ano, nagpunta pa rin ako kay kuya upang bumili ng extra half rice. Hay salamat naman, hindi niya ako finireak out. Nginitian niya lamang ako ng malaswa. Hinubaran niya ako gamit ang kanyang mga matang malagkit ang tingin sa akin. Buti na lamang, hindi niya ako nahubaran ng todo, kung hindi, iskandalo yun.

Pauwi, nakatiyempo agad ako ng jeep na San Mateo-Maly ang ruta. Nagbayad ako.

Q: Saan 'to?
A: Sa Filinvest I po. Studyante.

Q: San ka nag-aaral?
A: Ha? Ako? Sa UP. [hmp, pakialamero]

Q: Kumusta na mga kaibigan mo?
A: Ano po?

Q: Kumusta na pakikitungo mo sa kanila?
A: Ha?

Q: Kumusta naman ang pakikitungo nila sa iyo?
A: Ayos naman.

Q: Eh yung isa?
A: Sino? Siya? Oo, hindi pa po siya nagbabayad.

Q: Kaibigan mo ba siya?
A: Hindi ko nga siya kilala eh. [putangna mo pakialamero!]

Q: Hindi. Kaibigan mo pa ba siya miski "bahala ka, Rudolf"?
A: SA KANTO LANG PO! PUTANGNA MO!






Nakita ko sa jeep: "DESTINY is a MATTER of CHOICE"
At isang vandal sa may Katipunan: beLIEve




Lahat ng tanong, may sagot. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang masaktan. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang masaktan dahil paulit-ulit ka nang nasasaktan. Lahat ng tanong, may sagot na maaaring alam mo na at ayaw mo lang tanggapin dahil natatakot kang masaktan dahil paulit-ulit ka nang nasasaktan dahil na rin sa sarili mong kagagawan.


Lahat ng tanong, may sagot.

Friday, February 1, 2008

Dear DrumMania, Tomo II Blg 2

Dear DrumMania,

Kamusta ka na?

Pundido na naman pala yung ilaw mo sa iyong pangalan. Pundido rin ang iyong card swiper kaya nahirapang makita nung sumunod sa akin kung magkano ang apat na kanta sa iyo. Binago rin pala nila ang iyong puwesto. May dumatig palang Tekken 6 at inilagay doon sa dati mong puwesto. Medyo napaisip nga ako kung sino yung naglalaro kasi ang daming nanonood, yun pala, Tekken 6 pala iyon kung saan pinagsawaan ng mga nanonood ang Asuka versus King o Bob versus King. Sabagay, kasing lapad at kasing chibiuso naman nung naglalaro si Bob. Medyo naamaze nga ako dahil sa taba ni Bob (siguro mga sampung ako ang kakasya sa kanyang pantalon na batak na batak na batak na batak), nakakalaban pa siya kay King. Naamaze din ako dahil super macho pala talaga ni King dahil nagagawa niyang mabuhat si Bob na parang labintatlong kargada ng mantika. Kumita yata ng P200.00 ang Timezone dahil sa pride nung player 1 na iyon, ayon kay EJ na kasama ko sa mga oras na iyon.

Nakalibre rin nga pala ako ng laro sa Tekken 5: Dark Resurrection na bumaba ang presyo to P15.00 dahil siguro meron na ngang Tekken 6. Umalis kasi yung naglalaro eh siya naman yung nanalo. Basta weird. Pero ginawang bloody pulp ni Christie si Lili eh. HIndi kasi ako magaling sa Tekken (si Bryan lang ang alam kong gamitin, at nakalimutan ko na kung papaano yung juggle niya na pinractice ko dati) at isa pa, walang Dark Resurrection sa PS2 so hindi talaga ako marunong.

Ayos na yung pinsan mo DM. Inayos nila yung snare niya. Siguro next time, susubukan ko ang Seiron ADV na manual lang. ang hirap kasi nung hihat x3 - snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -
snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 -snare - hihat x3 - snare - hihat x3 combo eh. Parang Rolling1000toon. Hindi ko masyadong nabigyan ng atensyon yung bass dahil nakakapagod sa braso yung ganyang combo. Ah oo nga pala, maging proud ka naman sa akin DM dahil nagawa ko yung final continuous cymbal part ng Himawari ng walang mali. Yun nga lang, umulan ng good, but still, improvement na iyon kasi alam mo namang finifail ko ang part na iyan.

Hindi na ako mag-isang kumain sa Jollibee kanina. Sinamahan ako ni Edward John, Melody Kay, at ni Thomas (telenovela ba ito?). Sinabi ni Meki na bilisan ko raw kumain, pero nagtaggal kami doon ng hanggang mga 5:30. Kumain muli ako ng Ice Craze pero this time, Ube Queso naman na umaapaw sa cheezy goodness ng some cheap cheese. Kailangan ko kasing mapatunayang hindi lamang ako nananaginip o nahigop sa isang Time Space Warp sa overpass. Kailangan kong mapatunayang totoo ang mga nangyayari, at napatunayan ito sa pangingilo ng aking huling molar sa kaliwang bahagi ng aking panga matapos kong ipiggy yung Ice Craze na iyon. Oo nga pala, napagana ko na yung primary stage ng aming Collision Detector System kanina. Well, medyo masaya naman ako. Napakarelieving na pindutin ng pindutin yung switch na yun na parang inaatake ka ng epileptic seizures. Take note, seizures na hindi umaawas ang saliva.

Mataas ang life ni EMMY ngayon. Sana lang, hindi siya matamaang muli ng Eternal Agony Portal of Death Crystal Scatter Combo ni Orochi or yung Orbs of Ruin Special Purple Icicle Shatter Blast ni Da Ji or mahampas ng Sky Scorcher Burning Rage Unblockable Taunt Grapple True Musou ni Lu Bu. Ayos lang kung yung Qiao Beauty Whirlwind Fireball Raging Inferno Release ni Da Qiao o kaya yung Dark Moon Flute Paradise Cannon Shrapnel Charge Kick ni Zhen Ji kasi friends naman kami.

DrumMania, nagsisimula na naman akong umasa. Mabuti ba ito o hindi?

Sandali lang. Sandali lang as in wait wait wait wait wait.

Kailan ba ako tumigil umasa?




Nagmamahal,
Rudolf na currently confused dahil tinamaan ng Diva Divine Double Mace Enchanting Final Light Strike Attack ni Diao Chan at ng Sol Chakram Sparkling Triple Cartwheel Proximity Axis Throw Assault ni Sun Shang Xiang (pero ayos lang kasi friends din kami)