Saturday, December 29, 2007

Ang Ngayon at ang Kahapon

Sana naman magtuluy-tuloy na itong nararamdaman ko. Well hindi lahat siguro. Ewan ko ba.

Mga a week ago, ako ay binalitaan ni Lucky na may birthday party/reunion ang F sa December 28 sa kanyang bahay. Well, walang buhay akong nag-oo dahil sumasailalim ako sa isang period ng aking periodic depression (kaya nga period kasi periodic eh). Hindi ko ako naging masyadong excited kasi nga magkakaroon pa kami ng party ng block sa December 18. Basta yun.

Araw ng physics LT ko nun. Kinamusta ko yung isa kong kaibigan:

"Kamusta na kayo ni [pangalan]?"

"Ayos naman kami. We are in good terms."

"Ah."

Tapos nanahimik siya for some time. Tinanong ko kung pupunta ba siya sa Christmas Party namin later that evening. Oo naman daw, pero baka sandali lang kasi ayaw na niya raw mag-mingle sa block. Medyo naintindihan ko naman kung bakit ganun yung feelings niya. As a friend, inintindi ko yun at hindi na nag-probe in further. As a friend, I tried to be there when he needed a friend, especially nung isang time na yun. Wala akong nasabi kasi wala talaga akong alam na masasabi na makakatulong. Pero sinubukan ko pa rin talaga siyang samahan kasi kailangan niya ng kaibigan.

"Ayaw ko nang mag-mingle kasi hindi ka naman sasaluhin ng college friends mo kapag namroblema ka eh. High school friends mo ang tutulong at sasalo sa iyo. Tingnan mo ako, nung [nangyari yung nangyari], yung mga kaibigan ko sa high school ang tumulong sa akin. Yung college friends, sila pa yung naging simula ng problema ko sa buhay eh." Well, hindi yan exact quote dahil ang memory ko ay oh so poor.

I tightly held my heart in my mind and stopped the tears that were filling my eyes from falling. I had to be strong for the people I value the most. I had to be strong. Well, I have to be strong. Hindi totoo yung mga sinabi niya. Hindi yun totoo. Sinabi lang niya yun dahil depressed lang siya sa mga bagay na nangyari sa kanya.

Oh yeah, yung physics LT na yun was like icing on a crappy, crappy cake that no one wants to eat because it reeks of vomit. Biruin mong right minus wrong? UPCAT yata yung ftw LT na yan eh.

Nung papunta na kaming Christmas party, nakita ko si Garde sa may harap ng Rustans. For once in the whole day and the whole afternoon, ngumiti ako. I felt seriously happy when I saw him. I got out from my blockmate's van and had a seriously needed chat with a best friend of mine na taga-F, hindi taga-N. Too bad he had to go before we needed to.

Honestly, nung araw ng Christmas party namin, I didn't feel like partying at all. I would be like insulting my prideful self when I felt the need to party. Wala talaga. So I just stayed outside with the bags and tried to sleep. I stayed outside and pretended to be asleep. Until one voice said:

"Dofie, are you okay?"

Sinabi kong inaantok lang ako. Pero alam ko na alam niyang I have something going on inside of me kasi sinabi ko sa kanya one time na whenever I feel sad and is unable to keep it all in, I just tell everyone "Inaantok ako" when they ask why I'm sad. One part of me tells myself na don't make people worry because you will feel more worried, another part tells me na hindi naman nila maiiintindihan yung situation mo, and another one tells me na what the f*ck is with these guys snooping around other people's lives.

"You want to talk about it?"

I shook my head. Ayaw kong pag-usapan kasi hindi ko pwedeng pag-usapan. Pero my eyes cannot hold it in any much longer. I cried. I really, really cried.

That moment, inaaproach ako ng isa kong friend. He tried to talk to me pero I didn't want to talk to anyone. In fact, I felt na I didn't need anyone.

"Dahil ba sa Physics?" Hell no.

"Meron ba akong nasabi?" Sinabi kong wala. Pero nagsinungaling ako. Meron siyang sinabi right before that ftw LT.

"Just leave me alone. Please."

"Hindi yun pwede. Kakaunti na lang nga sa block yung tinuturi kong kaibigan, tapos iiwanan ko pa? Hindi yun pwede."

Iyak pa rin ako ng iyak, pero deep inside, nagpapasalamat ako sa kanya.

Yes, I have to admit na dahilan nga ng mga problema ko ang mga friends ko ngayon. There is this so-near-yet-so-far thing going on between me and another blockie. At alam kong hindi niya alam yun kasi apathetic siya. That person told me na sasaluhin niya ako kapag nadulas ako. Well it turns out, masakit palang madulas sa isang thick and solid slab of concrete ng iyong mga problema. And I distinctly remember asking this person na "[Name], bakit ka sad?" when that person was showing something different that that person's usual smile.

After that night, I chose to be silent. I need the solitude once and for all. I was running away from it, but it eventually caught up with me. Napapagod din naman ang tao sa kakatakbo, unless na naka-steroids siya or something.

And the people were asking kung ayos lang ba ako. Obviously hindi.

Ewan ko lang ha. Mahirap talagang mag-expect ng mga bagay sa isang tao.

Kagabi lang, nagkita ko ulit ang Fboys. Halos walang pinagbago ang samahan. Halos wala. Ang dami kong kinuhang pictures. Ang dami talaga. Ang dami, dami, dami talaga.

And for almost three weeks, naramdaman ulit ng aking facial muscles ang electric impulse to smile. Ecch, what a geek I have become.

Nung pauwi na ako, sinabi ko dun sa sinabayan ko na grabe, ang dami kong kinuhang pictures. Ako daw kasi, kuha ng kuha.

That time, sinabi ko sa sarili ko na baka nga tama yung isa kong kaibigan.

Or baka naman depressed lang din ako?

Wednesday, December 19, 2007

Apathy

...

Being lifeless is different from being dead.

Lifelessness is not void of life, but the feeling of being alive.
In the absence of life, death approaches.
In the valley of death, freedom emerges.

Why?

Why...

...

Ironic.
Lifeless, yet pain is felt.
Capable of feeling, yet unable to see happiness.
Incapable of happiness, yet content with lifelessness.
Ironic.
Lifeless, yet pain is felt.
Capable of feeling, yet unable to see happiness.
Incapable of happiness, yet content with lifelessness.
Ironic.

...

Apathy.

...


Scared. So scared.
Frightened.

But aware.

...

Tuesday, December 4, 2007

O, Anong Nangyari sa November mo?

To tell you the truth, kung sino man ang kausap ko, hindi ko alam.

Kanina lang, nagquiz kami sa physics, history, at CS. Well basically, lahat ng subjects ko kanina ay may quiz. Perfect ko yung sa physics, sobra pa nga kasi nakuha ko yung bonus last week, at surprisingly, madali yung quiz ko sa history. Medyo nasad pa nga kami kasi hindi lumabas si Krsna Dvaipayana Vyasa, yung supposedly author ng Mahabhrata. Yung CS, well 4 out of 10 lang ako. Hindi ko naaral kasi I was busy studying for history. At alam niyo bang 4 cans a day of SPAM ang nakakain ng mga Hawaiians? Wala lang. Yan kasi yung bonus eh na hindi ko nakuha.

Going back, lagi kasing parang may stopping force tuwing may gusto akong ipost dito. Hindi ko talaga alam. I will try to fight that force and go back to the usual, random self I portray in my blog. Ang daming nangyari na hindi ko naikuwento sa blog ko no. Basta. Ewan ko. Baka lang nagiging busy ako these days. Well oo, busy sa EssenceRO, pero hey, there are much more bigger things happening than that.

Ang lakas ng Maximum Over Thrust. Mahal, pero super worth it talaga.

I would stop here kasi I don't want to lose my momentum. Gagawin ko pa yung project proposal sa CS eh.

Anong nangyari sa November ko? Ayun, nagdaan lang katulad ng lahat ng Novembers ng lahat ng mga tao.

So much for the "kawawa naman si November dahil kasunod niya si December" drama shizzle fizzle.

Tuesday, November 20, 2007

Oo, Alam Kong November na

Itapat mo ang iyong mouse sa itaas ng title ng previous post ko. Tingnan mo ang address ba na lalabas sa ibaba ng browser mo. Makikita mo ang katagang "Novermber na." Zoom ko lang ha, "NOVERMBER NA."

Ngunit ano ba ang nangyari?

a. Malabo na ang aking paningin.
b. My typing skills are going gonzo.
c. Sira keyboard ko pero I doubt it kasi kaya ko naman i-type ang "November."
d. May fixation ako sa letter R kasi R din first letter ng pangalan ko.
e. Nabobobo na ako mag-spell.
f. All of the above.
g. None of the above dahil all of the below.
h. Others, please specify: ___________________________.
i. Spice spice burgers.
j. Nakalimutan kong ilagay na baka distracted ako.

Wala lang. Kasi yun nga, November na, pero parang wala pa rin talaga akong mailagay sa blog ko. Or maybe meron, pero hindi maaaring ilagay publicly. Ewan ko ba.

Well, masasabi ko lang kaninang pag-uwi ko, pagod na talaga ako at sobrang inaantok. Sumakay ako sa jeep at sinubukang matulog, pero hindi ako nakatulog. Ang bigat-bigat na ng mga mata ko, pero hindi ako nakatulog. Nainis nga ako dun sa mamang katok nang katok kasi bababa na siya, eh hindi yata siya naririnig nung driver na ewan ko ba kung hindi ba niya talaga naririnig or bingi lang talaga. Bakit naman kasi hindi na lang sabihin nung mama na "para" eh o kaya "sa tabi lang". Siguro mas cool daw yung pagkatok sa kisame ng jeep. Hindi ko alam kung paano nila yan ginagawa, pero nung sinibukan ko, nasaktan lang ang kuko ng aking index finger. So hindi yata yun ang pangkatok. Anyway, hindi talaga ako boto para dyan sa mga pagkatok-katok na iyan or yung mga "hila mo, tigil ko" drama. Parang hindi kasi tao yung driver kapag ganyan eh. Yung parang nagiging driving object na lang siya instead na driver siya. Miski na isa siyang ass dahil grabe siyang umapak sa preno at sa gas, I still try my best na mag "po" or "kuya" man lang dun sa driver. I mean nagpapasalamat ako dahil nakarating ako sa Central or sa may kanto or sa may Ilang-Ilang.

35 days na lang daw at pasko na, ayon kay Julius Babao.

At naiinis din ako na whacked out na naman ang PC ko. Well hindi sira, it's just that you cannot directly open text or wordpad files. Kailangan mo pang buksan via Notepad or Wordpad. Well, it's not a big issue, pero paranoid ako eh. Paumanhin.

Ang dami nang "read" na homework sa Sci10, pero hindi ko magawa dahil wala akong libro. Nakakainis.

Miraculously, hindi ako bored sa Hi16. Baka talagang interested lang ako, or baka dahil lagi kong naiisip na kamukha ni Ma'am Nazareno si Rica Peralejo kapag same age na sila. At ang haba ng reading tungkol sa Aryan and Vedic Ages. Grabe.

Hindi ko pa naiinstall yung printer at yung DVDRW-ROM.

Inaasume ko na alam na ng lahat ng tao na November na. So ano naman ngayon kung November na?

Yan ang problema. Wala lang, November na. Kawawa naman si November kasi hindi siya pinapansin. Si December kasi yung star-of-all-endings-of-years eh.

Ang sinasabi ko lang sa sarili ko, ang dami kong namimiss out na mga maliliit na bagay. Ang dami kong natetake for granted. Hindi ko naiisip na dahil sa mga little things na iyan, nagkakaroon nung mga big things na napapansin ko.

Pero everything is easier said than done. Well maybe not everything, pero most of the things.

Tamang tama. Distraction ang palabas sa JackTV.

Thursday, November 15, 2007

November na

November na. Malapit nang matapos ang unang linggo ng pasok. Hindi ko rin alam kung bakit matagal akong hindi nakapagpost. Hm, siguro dahil ang daming nangyari at mangyayari ngayong November.

Sa November 23, isang taon na ang blog ko. Parang kung kailan lang at natataandaan ko pa yung first post kong entitled "Memories". At ngayon, after almost a year, aaminin kong paminsan, masarap ang feeling ng nostalgia.

Sa November 25, isang taon na ang phone kong Motorola V3x. Masaya ako kasi masasabi ko namang naalagaan ko ito ng mabuti.

I think I would like History. Wala lang. Hindi ako nabore kanina eh, which is especially remarkable sa mga hour-and-a-half subjects. Parang you sit your ass off waiting for the bell to ring, pero I didn't feel this way. Well siguro na rin dahil sa kwento ni Ma'am Nazareno tungkol dun sa friend ng friend niyang namatay sa north face ng Mt. Everest. This guy died because he froze his nether regions off. He went outside their tent to take a leak, but his hands froze up and he was unable to pull his pants up. Nung tinanong nga sa amin ni ma'am kung may questions ba kami, gusto ko sanang itanong kung anong nangyari sa tutoy niya eh. Kasi yung friend ni ma'am, when he took his glove off, 2 of his fingers fell due to extreme gangrene and frostbite more or less. Ecch.

I think Miss Jess is fun. I want her cookies too. Masarap eh. Sasabihin ko dapat "I want your cookies. Teach me how to bake your cookies." pero may sinabi si Gillian tungkol sa cookies, so sinabi ko na lang na my name is spelled with an "F" rather than a "PH." Well well, ngayon ko lang naisip na tama rin pala na yan ang sinabi ko, considering na malapit na ang panahon ni Rudolph the red-nosed reindeer.

At sa Monday, there would be something sad happening. Well, I can't say it here, pero let's hope for the best for my two best friends.

Dahil may pasok na, I would be able to update my blog again frequently.

Once again, naglalaro kami ng Ragnarok. Ewan ko. Nostalgia eh. Ay hindi pala, Raf wanted to play. Buti na lang may free server na ang pRO.

I feel the randomness flowing inside me again.

Wednesday, October 31, 2007

Dangwa

Kahapon, I was really really pissed out sa kuya kong napakagaling at very very uberly disappointed sa Silkroad. Yung kuya ko kasi sobrang galing talaga. Kailangan niyang maging administrator dahil meron siyang bagong iPod so kailangan niyang mag-Limewire and stuff. So nagkaroon ng C:\WINDOWS\system32\liveup.exe nung October 28, 2007 at 2:34:29am. Siya yung gumagamit ng mga panahon na yan. O di ba? Sabi ko sa inyo eh, ang galing maglagay ng trojan ni Kuya sa PC. Sobra talaga. At syempre, ako ang tagaayos and everything. Remember, ako yung kapatid niyang CS ang kinukuha sa college kaya malamang ako ang "marunong" kung papaano mag-ayos ng mga ganitong bagay. Well, like it's better NOT to have trojans/viruses/worms in the first place. Hindi pala niya nirarun yung antivirus kapag nadidisable. Sheesh. Tapos yung SRO, super lag for some unknown reason. As in nakakapika na talaga yung lag. Hindi naman ganoon yung SRO ko eh tapos bigalang super talaga. Parang pumapatay kami ng party monster, tapos hindi ko na talaga nakita yung laban. Nakita ko na lang yung corpse nung monster at sobrang daming white and red numbers. Well, abnormal daw talaga yung lag sabi ni Amboy.

Server maintenance ng SRO ngayon. So natulog na lang ako after manood ng ilang episodes ng Yu-Gi-Oh! GX. Nagising ako ng mga 3, at ayun, tsaka palang gumamit si Ate. Hay. Well okay lang sakin. Alam ko namang safe ang PC sa mga kamay niya eh.

Pagkakain ko ng champoradong may gata, pinagamit na ako ni Ate. Dahil sinapak ako ng aking OCness, inayos ko yung Challenge ng Tentai Kansoku sa StepMania. Hindi ako nasatisfy eh. Nung mga panahong iyon, nagbibihis na si Mamie kasi pupunta siyang Dangwa kasi nga Undas na sa Thursday. Pupunta na kaming Loyola bukas (well, mamaya kung past 12 am na). Susunduin dapat niya si Dadee tapos sila ang mamimili ng bulaklak. Nung tumawag si Mamie sa hotel, nagagalit daw si Dadee kasi bakit daw ayaw namin samahan si Mamie na mamili ng bulaklak. Eh hindi ba siya yung kasama niya? Baha raw. So yun, pinilit ako ni Mamie na sumama na may bantang magagalit siya kapag hindi ako pumayag. Wala akong magagawa. Baha eh. Hmp.

Sobrang nainis ako kasi gusto kong malaman kung sobrang lag pa rin ba yung SRO. Kasi baka mamaya, PC ko na yung may problema. Well, to tell the truth, naiinis ako dahil gusto ko talagang makalaro dahil hindi ako makakalaro for 2 days or so kasi uuwi kaming Bulacan.

Wala akong nagawa talaga.

Ang daming tao sa Dangwa. Ang dami pating bulaklak. Basta marami. May kulay dilaw, pula, puti, lila, peach, pink, at yung mga artificially-colored na blue, at pati nga green eh. Well, hindi mabango sa Dangwa miski na puro bulaklak. Amoy pawis, putik, bad breath, body odor, basura, kanal, pollen, dahon, at yung fragrant fragrance ng mga bulaklak na para maamoy, kailangang ibaon mo yung ilong mo dun sa bouquet ng mga bulaklak na nakabalot sa diyaryo na yakap yakap mo kasi ikaw yung tagabitbit.

At least naman kumain kami sa Tropical Hut.

Pagkauwi, gumagamit ng PC si Kuya. Ayos lang naman, basta naka-on yung system monitor. Pero hindi eh.

Hindi ko lubusang masasabing nag-enjoy ako sa aking excursion sa Dangwa. Antisocial kasi ako at hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang kakaunti pa raw yung ganung karaming tao na iyon. Well, at least nakalabas muli ako sa bahay for such a long time, pero yun nga lang, napilit kasi ako. I would have rather stayed home and leveled-up my Warrior/Cleric na meron nang Bless Spell.

Nagagandahan ako dun sa environment ng SRO kasi parang may flowers pa and stuff. Pero it's much better to see, touch, and smell the real thing.

Pero sometimes, reality isn't all that good.

Saturday, October 27, 2007

Si Bianca

Binigay ni Tito Kurtz si Bianca sa amin. Nanay niya si Ganda, at tatay naman niya si Hero also known as Dugie. Kapatid ni Bianca sina Bea at Sam.

Bakit ko ginagawan ng post itong si Bianca?


Birthday pala niya nung October 10. Hindi namin alam kasi yung mga papeles niya, nasa pinakailalim ng mataas na stack ng diyaryo na nakapatong sa speaker nung component system namin. Actually, muntik na namin yung maibenta kasama yung mga diyaryong nakapatong sa itaas.

Mahal na mahal ko si Bianca. Medyo nalungkot ako na nagdaan ang kanyang kaarawan na hindi ko man lang siya nabati o nayakap o nakamot sa paborito niyang lugar. Hindi ko talaga sinasadya.

Pero kahit ganun, sa tingin ko love pa rin naman ako ni Bianca eh. Nakikipaglaro pa rin siya sakin, naghu-hoop-hoop pa rin siya, tapos kinakawag pa rin naman niya yung buntot niyang may itim sa dulo kapag sinusutsutan ko siya o 'di naman kaya'y tinatawag sa kanyang pangalan.

Gusto ko lang din kasi ipakita sa buong bansa kung gaano kacute at kaganda ni Bianca. Haha. At mahirap pang makakuha ng quality photos ni Bianca kasi siya ay camera shy. No joke.

Si Bianca Habang Siya ay Trapped sa Kanyang Cage Kaya Siya ay No Choice Kung Hindi Magpapicture kay Kuya




Si Bianca Nung Siya ay Pinagtripan Namin Dahil Bored na Kami sa Pagkakabit ng Kurtina sa Sala



Ang cute niya no? But most of all, malambing yang si Bianca. Kaya naman loves na loves yan ni kuya eh. Alam mo yun? Kahit anong mangyari, kahit pagalitan mo siya or something dahil nilamutak niya yung bagong tanim na halaman or umihi siya sa newly polished floor, mahal ka pa rin niya. Or is it?

Anyway, loves ko yan si Bianca.


Thursday, October 25, 2007

Administrator-ship

Oo. Nasira yung hard disk ko. Meaning lahat ng files ko, nawala. Ngayon ko lang narealize na lahat ng pictures I took got fried as well. Inexplore ko kasi kanina yung phone ko ulit habang nanonood ng Boy and Kris kasi si Cheska Garcia at si Doug Kramer yung guests nila. Ikakasal na pala sila next year eh. Oh well, bagay naman sila. Oh well, hindi kami close anyways. Ay oo nga pala, sa Amazing Cones sila ininterview ni Kristeta. Ewan ko ba kung innovative yung tawag, pero they make pizza in cones. Great. It doesn't look very tasty though. At ang Jigoku Shoujo season 2 ay may replay pala sa Animax tuwing 10:30am. Hindi kasi ako makapanood sa gabi kasi either may nanonood ng Zaido/Marimar/Ysabella, or naglalaro pa ako ng Silkroad kasi hindi pa ako naglelevel-up. Aba, lv. 23 na yung Warrior/Cleric ko no.

So going back, nawala lahat ng programs kasi nga pinalitan yung hard disk. So nung nilagyan ko ng Windows, lahat ng accounts (Bebe, Bong, Hernan, Portia, Zweihander) ay may administrative privileges. Nung weekend, gumamit si kuya ng PC. Mabuti naman akong kapatid at hinahayaan ko siyang gumamit tuwing mga rare occasions na matagal siyang nasa bahay. So nilagyan niya ng Warcraft III: Reign of Chaos at expansion nitong Frozen Throne. Naglalaro pa kasi si kuya ng DoTA eh, while ako, hindi na. Pero hindi niya napagana yung DoTA for some reason. Tama naman daw yung patch and so. Ewan ko lang talaga kung bakit. So ireinstall na lang niya raw some day yung Warcraft. Ayos lang naman sakin, tutal Warcraft lang naman yun at hindi some unknown program na hindi ko alam kung saan nanggaling at kung ano ang use. Well-known si kuya pagdating sa mga unknown programs na yan at mga vanishing 10.0GB of your disk space. Imagine, hindi pa siya administrator niyan dati ha, at ganyan na kagrabe. Pero this time around, I tried to trust him dahil inaasahan kong alam na niya na more than 80% of the viruses I've cleaned ay nanggagaling sa mga ginagawa niya tuwing nakaupo siya sa harap ng computer. I trusted him to be an administrator of the PC as well. Besides, PC din naman niya ito eh.

First time he uses, he goes to a friggin' porn site. Medyo nainis na ako dito. Kakareformat ko pa lang tapos iyan agad? Wala naman daw siyang dinadownload eh. Ako nga nagpunta lang sa Firefox Homepage tapos nagkavirus na eh.

Tapos sabi ni Dadee, at around 3am, gumagamit pa rin ng PC si kuya, only for me to find out na naglagay siya ng Xvid na hindi ko alam kung ano ang use niya para sa program na iyan.

So, ako na lang ulit ang administrator sa PC namin ngayon. All I'm asking is for them to be cautious kapag gumagamit sila. Kasi naman no, kapag bumagal yung PC, wala silang gagawin. Kapag nagkavirus, ako ang mastrestressed out sa kakaayos.

Nung irireinstall na niya yung Warcraft, hindi raw niya mainstall. Siyempre, limited yung account niya eh. So kailangan ko pang i-Run as yung installer ng Warcraft.

"Sus, may lock pa! Ano ba yan!"

Wala akong magagawa. Kahit anong gawin ko, kapatid ko pa rin siya. Nagtimpi na lang talaga ako.

Nung matapos siyang gumamit ng PC, tinanong ko kung naayos niya.

"HUWAG NA! NAIINIS LANG AKO EH!"




*Ahem* Ayaw ko nang magsalita tungkol sa mga nangyari. Kapatid ko siya eh, wala akong magagawa.



You try to trust someone na alam mong very capable na sirain yung trust mo. But you still trust the person anyway. You want to give the person a chance because deep inside, you believe that the person is capable of holding up your trust.

I don't want to be mean or something in doing this, pero anong magagawa ko? Kapatid niya lang ako eh.

Saturday, October 20, 2007

Ang Power Supply ng PC named "Shasta"

"Ang Virus sa Laptop ni Sir Ariel part 2" ang subtitle nito.

Halos 3 weeks na rin since yung huling post ko. Ewan ko ba. Siguro ang main factor kaya hindi ako nakapost agad ay dahil hell week tapos heller-than-hell week tapos finals week. I was simply too busy. Well, hindi lang ako busy sa oras, busy rin ang aking emotions na ayusin yung sarili ko at busy rin yung utak ko na magpanic and everything instead na mag-aral. Basta yun.

Amazing. B+ ako sa PE na overcut at overlate ako. Siguro hindi ako W kasi ako lang sa PE103 C ang nakipagkamay kay Pullaski Delos Reyes (ayon dun sa certificate of completion thingy na parang ID card na binibigay sa culminating activity ng swimming) matapos yung finals sa PE. Ewan ko lang ha. Pero mabait talaga yang si Coach Pol. Hindi nga ako dumating ng maaga nung finals eh. "Ikaw talaga!" sabi niya sa akin. Oh well. Nagising kasi ako ng 3:00am nun tapos natulog ako ulit. Nung nagising ako, 6:30 na. Well, anong magagawa ko? Kakagaling ko lang sa sakit nun eh. Naaalala ko pa yung lamig nung pool nung araw na yun. Akala ko talaga mabibinat ako sa sobrang lamig.

Tapos napakaamazing din na C+ ako sa AMC124. Parang hindi ko talaga inaasahan. I mean, hindi ko talaga pinakinggan si Dr. Felix Muga kahit kailan. Sobrang hindi talaga. Ewan ko lang kung hindi ko pa rin siya pakikinggan next sem.

At medyo ayos naman yung finals ko sa CS110. Buti na lang nakinig ako kay Sir Jal nung diniscuss niya si Djikstra at yung algorithm niya. Pwede ko nang kalimutan sina Kruskal at sina Prim at yung DFS at BFS na yan. Well, kalimutan temporarily I guess. CS major ako. Baka may use pa sila sa future.

Ewan ko sa Ps21. Sabog physics ko. Lalo na yung finals. Nag-overlap kasi yung schedule sa Th121 kaya hindi ko talaga tinapos. Yung theo naman, madali lang. Well, madali lang naman talaga, pero ewan ko lang yung standards ni Ray. By the way, I kind of liked his poem nung last class namin. I was 23% moved.

Nakakalaro na rin pala ako ng Silkroad Online sa bahay kasi binigyan ako ni EJ ng 256 RAM. Binigyan. Presyong kaibigan daw kasi.

Hindi rin pala ako nakapagpost dahil nasira yung power supply ng PC ko for the second time in a month. Isang linggong walang PC. It's hard to redeem yourself of sanity when your source of sanity is nowhere to be found.

Kasi, nung late September, nasira yung power supply ng PC ko. Well, medyo inaasahan ko nang mangyari yun kasi may ground yung CPU eh. Ang nangyari, hindi na siya nag-on ulit. May green light, pero hindi umaandar yung motherboard. After 3 days yata, naayos at pinalitan yung power supply. Nawala yung ground ng CPU ko. Siyempre natuwa talaga ako. Yun nga lang, hindi na gumana yung CDRW ko.

Nung umaga ng Thursday ng CS110 finals, habang naglalaro ako ng SRO:

"Something smells fishy."

Akala ko may nakasalang sa stove. Inamoy ko yung CPU.

"Oh shet!"

At nagblackout na yung PC ko. Naaalala ko pang inis na inis ako kasi malapit na akong maging level 16 meaning may bagong weapon. After 2 days, dinala ni dadee kay Jun yung PC. Si Jun yung technician nila sa hotel at yung naglagay rin ng power supply. So nung Sunday, sinabing hindi na raw madetect yung hard disk at yung CDRW drive.

"Ha?!"

Probably nasunog silang pareho when the power supply gave way. At dito ko lang rin nalaman na second hand lang pala yung power supply na ikinabit.

Yung pinakaunang concern ko was Silkroad. Parang shet, kailangan ko na namang i-download at maghintay ng pagkatagal-tagal. Nung Monday, bumili kami ni mamie sa Gilmore ng DVDRW Drive, 120GB Hard Disk Drive, at Branded Power Supply na Dual Fan. I have to stress na branded ito at dual fan, hindi lang some power supply na kinuha lang sa isang karag-karag na PC ng hotel ng dadee ko.

A week after nasira, dumating na sa wakas yung PC. Nilagyan na ni Jun ng XP. And to my surprise, may virus. Ewan ko lang ha, baka sa bahay na nakuha yung virus, pero I doubt it kasi may anti-virus na nung inaccess ko yung internet. So nung inayos ko yung network connections, dun na nagmanifest yung virus or worm na kung tama yung pagkakaalala ko, nagkaroon na yung PC nun dati. Hindi ko lang alam kung paano ko naayos. Basta, yung nangyari, nawala sa Control Panel yung Windows Firewall at yung Security Center, tapos paminsan humihingi ng password yung account miski na wala naman talagang password. Ang dami pang programs na nakalagay. Naaalala kong "XP at Office lang po" yung sabi ko sa kanya nung tinanong niya ako kung ano yung ilalagay niya. Sheesh. At dalawang beses pa niyang nireformat kasi nung unang installation ng XP, nakatulog daw siya kaya naghaywire of some sort yung XP. Tapos dapat nung Wednesday pa dumating yung PC, pero may problema daw yung DVDRW Drive na hindi pa nila maayos. Tinatanong ko kung ano, pero ayaw naman sabihin.

So kahapon, nagpunta ako kina Nelvin para humiram ng XP at Antivirus. Office din sana, kaso wala pala si Nelvin nun. Sandali lang ako kina Nelvin kasi aayusin ko pa yung PC eh. So I successfully installed XP and everything else. Wala naman akong na-encounter na problema nung iniinstall ko yung DVDRW. Wala nang virus. Okay na yung PC ulit. Sinimulan ko na rin ulit i-download yung Silkroad.

So ngayon, well I could say na back to normal na ulit yung PC. Kaso wala pang Office.

Nung kausap ko sa Thomas sa YM, dun ko lang naisip lahat ng mga files na nawala. Yung mga line art ko sa Photoshop na pinaghirapan ko, yung mga kanta sa StepMania na inedit ko, yung mga program na sinulat at pinagpuyatan ko, mga documents, mga presentations, mga save files sa Diablo II: Lord of Destruction, yung bookmarks ko sa Firefox, basta stuff that I made. Naisip ko yung mga sinabi ni Sir Ariel na nawala yung identidad na sinikap at pinaghirapan niyang buuin sa isang iglap. Nawala lahat matapos yung wierd smell na yun. Nawala.

Hay, ewan ko ba. You put your full trust into people in taking care of your problems you can't handle, but they don't put their best into it. Ewan ko. I feel selfish in saying this. I mean anyway, hindi naman nila problema yun tapos sila yung gagawa ng solusyon sa problema ng iba. Ewan ko lang talaga ha.

Kasi ako, kung may problema yung isang tao, gagawin ko ang lahat para matulungan yung taong iyon. Siguradong brand new at walang virus yung ibibigay kong effort. Eto na naman yung compare-ikaw-at-ako thing.

Talaga. Sometimes it's really that sad. Sometimes hindi mo maiwasang mag-rely sa iba dahil hindi mo na talaga kaya, pero lalo ka pang nawawalan ng pag-asa sa huli.

Friday, September 28, 2007

Hypothalamus

Grabe. Nung pumasok ang month na September, nagkasakit ako. Ngayong mag-o-October na, nagkasakit ulit ako. Parang imagine? Sobrang nakakainis at sobrang ang galing-galing ng timing kasi bukas, finals ko na sa PE. Parang sheesh, may sakit ako! Paano ako lalangoy ng Freestyle na event number 1 at Butterfly na event number 9 to death?! Ah well. Dahil mabait si Coach Pol, pinapapunta niya ako bukas ng mga 6:30 ng umaga para daw tumulong ako sa set-up and everything. Sabi niya, at least naman daw dun eh bumawi ako kasi super overcut at overlate na talaga ako sa PE. Ang hilig ko raw kasing gumimik, sabi niya kay Jong, yung maintenance person ng pool. Hmp, I wish.

Nung Monday kasi, nagsindi si dadee ng katol. Ewan ko, pero mukhang hindi Baygon Floral Fresh yung sinindi niya. Parang Lion Katol ata (kasi may kahon sa itaas ng ref). Malayo naman na sa akin yung katol, pero nung Tuesday, nangati na yung lalamunan ko. Nung kumain ako sa Jollibee that day, medyo sumayad na sa isip ko na magkakasakit ako kasi parang symptoms ng allergic reaction ko yung mga nangyayari sa akin nung mga panahong yun. So ayun, nung gabi, medyo mainit na yung pakiramdam ko. Naligo ako to hope na guminhawa ang pakiramdam ko, at oo, guminhawa naman, yun nga lang, for just 10 minutes. Natulog na ako nung natuyo yung buhok ko. Nagising ako ng mga 5 ng umaga at presto, 38.9 degrees Celcius na ang aking body temperature, ayon sa thermometer. Well, pumasok pa rin ako kasi kailangan, dahil nga overcut at overlate na ako sa PE. So ayun, nadisappoint si Coach Pol kasi nga relays na kami tapos ayun ako, hindi pwedeng lumangoy ng free at fly kasi nga may lagnat. Tapos ang [insert some adjective here] pa nung substitute namin sa physics. Hmp. Namiss ko talaga si Sir Nan/Ivun Culazba.

Pinauwi na rin ako nung doktor sa infirmary, kasi nga raw may lagnat ako at baka makahawa pa ako ng ibang tao. Pero hindi ako umuwi kasi nga kailangan kong magnotes sa theo. So ayun. Ang dami kong notes nung araw na iyon. Super.

Nung gabi ng Wednesday, yung temperature ko eh umabot sa record high na 39.7 degrees. Pero it was weird na hindi ako nanghihina whatsoever. I just felt warm, at yun lang. Hindi ako nahilo, hindi masakit ulo ko, hindi ako nasusuka, hindi masakit yung muscles ko, yung stuff like that na usually na nararamdaman mo kapag may lagnat ka or sakit for the matter. Tinourniquet na ako, pero wala namang lumabas na rashes. Natatakot kasi si mamie na baka dengue na yung lagnat ko. After nun, natulog na kaming lahat, at nung mga 5:20 ng umaga, ginising ako ni mamie, pupunta raw kami sa ospital para magpacheck-up. Mahirap na daw kasi eh. Baka dengue. Well, siyempre ayaw ko dahil ako ay nosocomephobic. Pero wala akong magagawa.

Sa emergency room ng FEU-NRMF ako dinala. Tahimik. Amoy ospital. After ng primary routine, pinahiga ako sa isang kama. Siyempre, hindi ako humiga. Grabe. Sobrang takot talaga ako sa mga ospital. Hindi ako nilalamig, pero yung ribs ko, parang magcocolapse na any minute. My stomach was lurching with discomfort and weird emotions. Nung bumalik na si mamie after magpunta sa laboratory, pinilit niya akong humiga sa tabi niya. Ang baho nung sheets. Amoy tuyong dugo at mga gamot na pilit inalis gamit ng chlorox at detergent. Sobrang nakakakilabot. Nakakabaliw din yung inaassess na pasyente na parang may appendicitis na hindi dun sa kabila ng kurtina, yung batang nadengue at sumuka sa other side, yung ingay ng nebulizer nung matandang mukhang ewan ko ba, yung lalaking nangingisay na nagdudugo yung ilong at yung mata miski na may gauze at bulak na, at yung pasyenteng hanggang mukha ang taklob ng kumot. Scary. After 1 hour and 30 minutes ng paghihintay sa forsaken emergency room na iyon, dumating na rin si Dr. Edelweise Merin, yung doktor na magsasabing "normal naman yung results ng hematology at urinalysis niya." Hay, hindi ko madescribe yung feeling ng marinig ko yan. Ayun, sabi niya rin sa strict bed rest for 2 days na hindi ko naman sinunod strictly.

It's sad na absent ako sa huling Fil14 class. Grabe. Mamimiss ko talaga si Sir Ariel. Oh well. Wala din ako sa blow-out ni Wil sa bahay ni Andrea ngayon kasi siya yung nanalo sa DISCS Programming Open. I was looking forward to it pa naman. Oh well. Well, at least naman wala na akong lagnat ngayon. Siguro naman makakaswim na ako bukas.

Napakarough kasi ng September ko eh. The downs outweigh the ups. Ewan ko, siguro nagkaroon na ng neural short-circuit sa aking katawan kaya parang yung mga hormones or whatsoever eh naging abusurdly imbalanced.

My hypothalamus got whacked. Ano ba ang plural ng hypothalamus? Hypothalami? Ang singular form ba ng salami ay salamus?

Tiger Katol kasi eh.

Tuesday, September 25, 2007

Ang Vandalism sa Armchair ni Vandals sa CTC305

Malapit na ng finals week. Malapit na ang death-of-all-deaths. Handa na ba ako? Malamang, hindi pa. Nakakainis din na hindi kaya ng PC ko ang Silkroad Online miski na pasok ito sa minimum requirements nung game, at sira pa yung ISO ng Parasite Eve 2 na hinintay ko ng mga 5 hours para madownload sa utorrent. Nakakainis. Sira yung part na papuntang Neo Ark or sa lift papuntang EVE Access tunnel. It's saddening na sabay pa talaga dapat mangyari itong dalawang bagay na yan. Hay buhay.

Kanina, nagpresent sina Wimbie sa theo about Contraception. They were arguing with the "for" side. As always, it was another boring theo class (including ours I guess, Ray implicitly told us so although he recognized my effort in putting together the Warcraft III map). Huy ha, hindi ko naman sila pinararatangan and stuff like that, yun lang talaga kasi generally yung nagyayari sa theo eh. So ayun, nakaupo kami sa may likuran, at ako naman ay nagte-take ng notes habang excited na excited sa Silkroad at habang iniisip na rin kung ano yung ipapangalan ko dun sa akin sanang Warrior-Cleric character. Napansin ko sa aking table ang vandals na ito:


When you know
What you are and
what you want
the less you
let things
upset you

Pagkabasa na pagkabasa ko pa lang sa vandals na ito (vandals = the act of vandalism, the result of the act of vandalism, or the person in act of vandalism), sinabi ko sa sarili ko na gagawan ko agad ito ng blog entry. Eh kasi naman eh no, mali yung nakalagay sa chair na yun sa CTC305 na mainit kung hindi lang mahangin at maulan these days.

Parang, "What you are"? As in, bakit what? Alien ba ang nagsulat nito? At bobo, kung alam mo na kung ano ka at kung ano ang gusto mo, mas lalo kang nagiging sensitive even to the minutest details of the events happening around you. You are expecting some thing from someone or something, kaya ka nagiging concerned talaga.

At ayan na, kapag hindi na natupad ang iyong inaasam, babasagin na nito ang "the less you let things upset you."

See? If you know what you are even if you do not accept the truth and face reality, and you know what you deeply desire in order to be given another chance to life, even the littlest and the most meaningless of things can catch your attention and upset you terribly, forcing you to a momentary state of static depression.

Even a vandalism on a rickety armchair. Even that.

Monday, September 24, 2007

After 20 Days

So ayan. September 23 na (well, actually 24 na). Ang huli kong post was September 3, 2007, a solid 20 days ago. Kung natatandaan kong mabuti, sinabi ko sa post ko na iyon na parang "what a great way to start September" or some shizzle of the like. Well, sobrang stressful both physically and emotionally ang September ko. Grabe talaga. Parang mamamatay na talaga ako, pero here I am writing again sa blog na nalegnect ko for such a long period of time. Pasensiya ka na blog ko ha.

Basta. Ang daming nangyari talaga. Sa sobrang dami, hindi ko na maalala masyado. Pero ang masasabi ko lang: super roller coaster ride talaga ako nun. Para akong drug addict na paulit-ulit nagkakaroon ng withdrawal tendencies sa isang oras. Grabe talaga. Sobrang mood swings yung mga naramdaman ko. Sabay-sabay daw ba kasi yung Th121 Against the Ordination of Women into the Ministerial Priesthood presentation na ako lahat ang gumawa (well, about 97.4589734% of it), Fil14 Tandang Basio Macunat na halos wala akong ginawa (mga 3.2375632% lang), at yung CS110 LTOBranchSim project na yan. Grabe talaga. Ang masama pa niyan, walang gumawa sa amin ni EJ dun sa CS kasi siya gumagawa sa fil, tapos ako sa theo. Parang kailangang-kailangan ko pa naman yung project na yun kasi sa lahat ng other components sa CS bagsak ako. Jeez. I really don't want to go back to the emotions that ate me alive during that time. Well, kung buhay pa nga ba ako.

Nagkaroon pa ako ng severe emotional distress. Grabe. Isabay daw ba yan sa academic pressures? Kasi yung taong inaasahan kong sasalo sa akin kapag bumitaw na ako, hindi pala niya ako masasalo, miski na sinabi niyang sasaluhin niya ako. It was really, really sad. Parang sobrang nagkaroon na talaga ng schism yung personality ko: may isang over-ecstatic always-hyper-mode-on part ako, at may distressed-depressed-suicidal part of me. Ewan ko. Nakalimutan ko na ang Psy101 eh kaya hindi ko alam kung anong klaseng disorder yan. Pero basta. Parang in one minute, kaya kong i-shift yung personality ko. Ewan ko talaga. Nangyari yan dun sa CS. Parang iyak na ako nang iyak kasi sobrang frustrated na ako at dahil parang napakaunfair ng buhay and everything under it, pero after 30 seconds, go na ako para matapos yung ass project na yun at ang saya-saya ko pa kasi malapit ko nang matapos. Ewan ko talaga. Siguro survival mechanism ko na yan.

But the past week, tuluyan nang nagpakamatay yung parang automatic garbage collector ng java (yuck geeky CS major go away) part ng sarili ko, yung distressed-depressed-suicidal part of myself. This means na hindi na ako kumpleto. But recently, may signs na nagbalik na siya. So out of the 50%, siguro 45-5 ang current distribution. Kung may mamatay na namang part ng sarili ko, well, I'd be living a fourth of my original self. Well, you get the math. Exponentially nagdidecrease yung will ko to live life to the fullest. Eh kasi naman eh no, parang lagi na lang ako naiiwan or iniiwan ng mga taong inaasahan ko. Hay, if I could only state names, I would para naman maging aware sila na sobrang importante sila para sa akin. Ang sakit kasi sa damdamin nung rejection na hindi ka pala importante kahit isang kusing dun sa taong mas importante pa sa lahat ng importanteng bagay sa buhay mo.

Hay. Kakasabi ko lang na ayaw ko nang balikan ang lahat niyan eh.

Well anyway, I love my new shirt.

Tinanong ko kay Thomas kung anong mangyayari kung walang automatic garbage collector ang java.

"Death."

Tapos death means change?

Ewan ko. Basta inappease ko lang yung part ng sarili ko na gusto na ulit magblog.

Monday, September 3, 2007

Centrum, Vitamin E, at Calcium sa Umaga; Glutathione sa Gabi

What a great way to start September.

I feel sick. Pero hindi naman talaga kasi nung nagpunta ako sa infirmary kanina, 37.2 lang daw ang temperature ko ayon kay Nurse Marivic. Binigyan niya ako ng Biogesic, na ininom ko after kumain nung P45.00 5-piece siomai rice meal ng House of Waffles. Well, medyo nagsisi ako dun sa siomai rice na yun kasi sobrang lasang toyo at hugis macaroons pa. Hindi siya sulit miski na P45.00 lang kasi hindi masarap. Feeling ko nga, kapag walang toyo yun, lasang kanin yung siomai. Tapos kung pinapapak mo lang yung siomai, malamang lasang plastic fork yun or lasang toothpick. Matapos kong inumin yung Biogesic, patuloy pa rin nag-init ang aking katawan (take this very literally, kasi kung hindi, magmumukhang porn scene) at kumirot ang aking ulo. Ang init init na ng pakiramdam ko pero hindi ako nagpapawis at normal lang yung temperature ko tapos sobrang grabe yung sakit ng ulo ko, parang binibiyak ng isang dosenang +10 Double Critical Bloody Jur. Haha wala lang.

Nagsimula yun nung nahawa ata ako kay Nelvin sa sipon niya. Nagkaroon ako ng remarkable symptoms nung Friday, August 31. Birthday yun ni Andrea. Sa bahay niya, I seldom sneezed compared sa mga times na mag-isa lang ako. Oo, napansin ko rin na nung naghihintay ako sa CompSAt room, hindi rin ako masyadong nagsisneeze. Oh well. Napakaremarkable na nahawa pa ako kasi nagvavitamins na ako everyday without fail and everything (I drink glutathione as well dahil pinilit ako ni mamie, pero hindi pa rin ako pumuputi). I was like sneezing for at least thrice every five minutes tapos may super chain combo of sneezes na parang mga 25+ sneezes under one minute. Grabe yung feeling. Sobrang barado yung ilong ko at hindi na ako tumigil sa kakasniff. Walang use yung pagsinga eh, it just flows back. Well at least hindi ako nagkaubo.

Tapos hindi talaga nakatulong yung amoy yosing set ng Buwan at Baril. Bukod sa nangamoy yosi yung damit at especially yung panyo ko, nangati pa ang lalamunan ko. Hindi yung kating parang magkakaubo ka, yung kati dahil parang inaalergy ka. So yun. Kumain kami sa McDo, tapos nung pagkauwi, uminom muna ako ng Rexidol, tapos natulog na ako. Hindi talaga mabuti yung pakiramdam ko nun. Well, yung Rexidol didn't help so much either. Oo nga pala, nacorrupt yung memory card ng ePSXe ko, pero buti na lang, nakapagsave state ko.

Kahapon, naglinis ako ng bahay. Nagdusting ako at nagwalis. Hindi ko na nilinis yung mga electric fan kasi baka mamaya mamatay na ako dahil sa complications due to severe and repetitive allergic reactions. Allergic ako sa alikabok, pero ako ang nagwawalis at nagdudusting. This time, uminom naman ako ng Decolgen. Well, I felt better after nung nap ko habang sinusubukang mag-aral ng probability sa math. Nothing else important happened that night, besides na yung ulam namin for dinner was Nilagang Baka na may Mais. Sarap.

Pagkagising ko kanina, ang sakit nung right part ng throat ko. Sumasakit kapag nagsasalita or lumulunok. Suspicion ko is tonsillitis. Well, i usually contract this kapag nagkakaroon ako ng severe allergic reactions. Naaalala ko dati, twice na akong nagkalagnat ng tatlong araw dahil nga sa mga allergies na yan. Mataas ang tolerance ko to pathogens, pero kapag bumaba ang immune system ko, talagang sobrang kaboom. Isipin mo na lang na parang nagkatsunami dahil may nadisplace na area sa mga convergence zones ng mga continental plates. Sorry ha, nanood kasi ako ng National Geographic kahapon, tapos yung feature nila sa The Best of The Week ay yung killer tsunami last 2004 or 2005.

Going back, ang sakit ng lalamunan ko. Well, pumasok pa rin ako kasi swimming, at swimming is love. Grabe. Bukod sa nilamig ako sa tubig, hindi pa ako makahinga ng mabuti habang nagwawarm up ako ng freestyle. Parang walang pumapasok na hangin sa mouth ko every time I roll my body sideways to take in air. Well, ewan ko, I made it through PE alive. Fun naman kasi pinag-dolphin kick kami with flippers on. Sobrang bilis. Talagang magegets mo yung concept ng merfolk.

After nun, sa physics, dun na nagsimulang uminit yung pakiramdam ko. Sumakit na rin yung ulo ko. Well at least ngayon I feel better compared to kanina. Sleeping really helps. Yun nga sabi sa akin ni Nurse Marivic eh, drink lots of water, at mamaya, matulog ka ng maaga. Tsk. Guilty.

So matapos kong "maayos" ang aking emotional self, eto na, bumibigay na yung katawan ko. Sinusubukan ko nang harapin ang mga problema ko, pero ano naman ang kapalit nito? Maybe I'm just overreacting. Well, hindi mo naman siguro ako masisisi kung yung burp ko kanina tasted like chewed-up siomai dipped in toyo and stomach acids plus bile and peristaltically-moved chyme hindi ba? Tapos yung mga gamot na ininom ko, parang fake yata kasi walang effect. Sobrang wala talaga.

Aargh. Ang burden naman kapag lulunukin ko yung laway ko.

So kung papipiliin ako, which kind of sickness ang pipiliin ko? Emotional or physical?

Ano ba! Sino namang tao in his/her right state of mind ang mamimili sa dalawang yan! Both are just wrong. Hindi tamang magkasakit sa kahit na anong paraan. Sabi nga, "Bawal Magkasakit!" Hindi ba?

Naku, umandar yung randomness ko. Commercial ng gamot yung nagsasabing bawal magkasakit, pero kung walang magkakasakit, sinong bibili ng product nila? Ay, Clusivol ata yung commercial na yan. Vitamins. Okay okay, may point naman pala.

"Bawal Magkasakit!"

Yeah, may vitamins for your body, pero may vitamins ba para sa non-physical attribute ng isang tao?

Life, may Centrum complete from A to Zinc ka ba for the soul? May Antipyretic ka ba para sa mga lagnat ng iyong pagkatao?

Pahingi naman o.

Thursday, August 30, 2007

Astigmatism and Myopia

Hay. Dahil maaga ako natulog kagabi, late akong nagising for Fil. Nagising ako ng 5:30, 5:35, 5:40, tapos 6:30. Ang galing ng pattern no? Hindi obvious. Anyway, dahil in a state of shock pa ako nung makita ko yung oras, umupo lang ako sa kama ko for about 5 minutes or so. Sobrang idle yung utak ko. After nun, bihis, wala nang kain-kain, wala nang ligo-ligo (well, naligo naman ako bago matulog and besides, I didn't smell like a trash heap at may OHM Heat pa naman ako eh), toothbrush, layas. Nung naglalakad ako papunta sa may gate para mag-abang ng tricycle, iniisip ko kung magkocommute ba ako or magtataxi na lang. Ewan ko kung bakit sumayad sa isip ko yung magtaxi.

Sinabi ko pa naman bago matulog na "Kapag late nagising, cut."

Pero nagtaxi ako. Mabait si manong taxi driver at nagkukuwentuhan pa kami tungkol sa traffic sa iba't ibang parte ng Quezon City. Nung nakita ko yung condition ng traffic sa Commonwealth, sinabi ko na sa sarili ko na shet, parang masasayang ata ang P100.00 ko. Well, inisip ko na traffic sa Katipunan kaya tama yung desisyon kong magtaxi. I deserve a medal for my optimism.


Tama nga na traffic sa may Katipunan. Sobrang funeral march ang andar sa may harap ng MWSS. Sobra. Nakarating ako sa school 5 minutes before magbell. I was so proud of myself.

But not for long.

Freecut pala yung Fil. What's up with that?! It struck me na nasayang yung effort ko na hindi malate. Yun yung sinasabi at nirereklamo ko talaga sa life eh. You'll take the chance, but all would be in vain. Parang you muster all the strength within, pero in the end, you feel everything was not worth it. Miski kahit gaanong transformations or manipulations ang gawin mo, walang nangyayari. Para talagang nasayang ang efforts mo. Well, naeexagerate ko yata yung simpleng example na ito eh. Kasi, kung nalaman kong freecut, papasok ako sa school ng 12:00 instead of 7:30. Ibig din sabihin nito, sa bahay na ako kakain, meaning less gastos, more savings. Pero more importantly, kung nalaman kong freecut, hindi na dapat ako nagtaxi at hindi na sana nasayang yung P100.00 ko. See? Ang laki nung nawala sa akin dahil sa heroism at martyrdom of some sort na pinakita ko. Well ewan ko. Natulungan ko naman si manong taxi driver na maabot yung daily quota niya.

Hmp. Plastic.

Kanina rin, nagparefract ako ng mata. Hindi na kasi clear yung mga distant objects as before. Ayon sa findings:

OD: 0.75 cgh.
OS: 0.25C-0.25x160deg.

Tumaas na pala yung grado ng mata ko. And to add to that, I am nearsighted at has astigmatism on my left eye.

Astigmatism, ayon sa pagkakaintindi ko sa wikipedia, ay yung hindi aligned properly yung axes ng mata. Basta, isipin mo na lang na hindi perpendicular yung parang x-y axis ng mata. Parang hindi nagiging balanced yung pagtinggin mo sa mga bagay.

Ang nearsightedness is well, may preference ang eyes to look at nearer objects compared to farther ones. Just break up the word: "near" and "sighted". Mas clear ang malapit, at palabo na nang palabo ang mga malalayo. Sabi nung optometrist, mas normal na occurrence ang nearsightedness kapag mas bata at mas nagiging mas common ang farsightedness kapag mas matanda na. By the way, ang correct medical term sa near and farsightedness is myopia and hyperopia, respectively.

Naisip ko lang na tama yung adage na parang "The eyes are the windows to one's soul." Hindi ko na kasi mabalance paminsan ang aking emotions. Parang sobrang nagiging negative na ako paminsan. Parang napakadesperate ko pa. Ewan ko ba. And the future seems bleak for me kasi nga, masyado akong nakafocus sa mga things na nangyayari in the present. Parang I live every day as if it was my last. Hindi naman mali yun diba? Pero dahil nawala na ang equilibrium, ang homeostasis, ang internal gyroscope machine, nakafocus na nga ako sa present, at ang masama pa, parang nakafocus pa ako sa mga bad things. It's hard to see the good things in life lalo na kung ang nangyayari lang sa iyo everyday ay yung gagastos ka ng P100.00 out of your daily baon na P150.00 para lang hindi ka malate, pero hindi ka pala talaga malalate kasi freecut sort of event, only in different times, places, and circumstances. Basta, everyday is like that. Hindi ba manlalabo rin ang paningin mo sa future?

Hindi ka na umaasang gaganda ang bukas, but ironically, umaasa ka pa ring may bukas.

Crown Optical, may corrective lenses ba kayo para sa astigmatism and myopia of life?

Tuesday, August 28, 2007

Ang Virus sa Laptop ni Sir Ariel

Uulitin ko na naman yung Parasite Eve 2. Hindi ko kasi binili kay Jodie yung M4A1 eh. Dapat binili ko na talaga. Nagkaroon pa naman ako nung feeling na "kailangan ko 'tong bilhin." Oh well.

Ay. Kakabasa ko lang ng walkthrough. Hindi ko na pala kailangang ulitin kasi ang sabi sa where you can get it ng M4A1 ay "Everywhere weapons are sold." Well, at least naman hindi ko na uulitin. Inulit ko na kasi yan kasi namiss out ko sa Akropolis Tower yung very important Black Card at yung isang Protein Capsule na +5 to HP. Paano ko alam? Sabi ni Kuya eh. I've never played anything like this before, lagi na ko na lang pinapanood si Kuya or si Kuya Omel maglaro ng PE2 or Resident Evil while I scare the crap out of my very imaginative mind back then.

Well anyway, late na naman ako for Fil kanina. Lagi naman eh. Hindi raw gagamitin ni Sir Ariel yung laptop niya kasi nagkavirus daw ito. Naapektuhan daw yung mga word documents niya. Instead na .doc ang file extension, naging .scr or screensaver. Hindi ko alam yun. Napansin niya raw yun nung nagpunta siya sa internet cafe at sinubukang iaattatch yung isang document sa mail. Dun nga niya napansin yung .scr na extension. Nangamba na raw siya , at nung nakauwi siya sa bahay at tiningnan yung mga document files sa laptop niya, dun niya nasabing "Putang ina, may virus 'to." So ayun, kinuwento niya na nagpatulong siya sa kanyang kaibigan na maayos at after 2 hours, natanggal naman daw yung 26 viruses na nahanap. Yun nga lang, nawala lahat ng doc files ni Sir. Parang kapag tinapat mo raw yung cursor sa icon ng isang doc file, bigla na lang daw itong naglalaho.

Ang masama pa raw nito, sa Friday na yung thesis proposal ni Sir para sa kanyang MA. Yung pangalan pa nga raw nung doc file ng thesis niya was something like "Thesis Proposal Home Stretch."

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

"Halaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

O syet.

Buti na lang daw, inuupdate niya ang kanyang mentor sa progress ng kanyang thesis. Meaning sinesend niya by parts yung kanyang nagawa para sa thesis niya. So susubukan na lang raw niyang ipagtagni-tagning muli ang kanyang mga naiisip sa pamamagitan ng mga documents na iyon na nasa email. Buti naman. Thank someone for the redundancy or stupidity of sending yourself email. Well, baka mamaya hindi siya stupid at all. To be safe, kailangan maging redundant? Well, sa tingin ko, hindi mo lang talaga maasahan ang kahit ano or kahit sino 100%. Sarili mo lang ang maaasahan mo ng buong buo. Well paminsan pa nga hindi rin eh.

Going back, nabura lahat ng soft copies ng lahat ng long tests, mga guide qeustions, basta lahat ng word documents. Kasama na rin daw sa mga nawala yung mga sinulat na tula, maiikling kuwento, at mga journal entry na ginawa ni Sir Ariel over the past years. Sabi niya, nawala yung identidad niya na binuo niya sa isang iglap.

Totoo naman eh. Kung ano ang isunusulat mo, yun ang expression ng mga damdamin mo, so ang mga sinusulat mo ay ang sarili mo. Parang ganun.

Tapos, hindi alam ni Sir Ariel kung ano ba dapat yung mararamdaman niya: kung maiiyak ba siya or kung maliliberate ba siya. Well, maiiyak kasi ang dami niyang ambitions and dreams para sa future. Sasali daw dapat siya sa Palanca awards. Yung mga inaaspire ng mabubuting Filipino teachers na writers rin someday. Liberating daw kasi parang he could recreate himself anew. Parang he could start making an identity very different from what he is now. But the thing is, hindi niya maimagine ang sarili niya bilang isang straight na straight at lalaking-lalaking flight steward, or kung maimagine man niya, sa tingin niya, magiging mas masaya siya kung ano na siya ngayon. Yun nga lang, parang wala siyang katibayan o patunay ng kaniyang pagiging ganoon.

Pero nung kinukwento yan ni Sir Ariel, parang naluluha talaga yung mga mata niya. Never ko pa siyang nakita at marinig na magsalita sa ganoong paraan.

Yung mga antivirus programs kasi na yan eh. Para kumita sila, gumagawa sila ng mga virus. Tss, get yourselves decent lives! Hindi yang ganyan no. Pesteng mga virus na yan.

Pero ang ganda nung reflection ni Sir Ariel. Especially sa akin na if given a chance, would live another life. I mean, tama si Sir sa pagsabi na kuntento na siya kung ano siya ngayon. Sa totoo lang, malaki ang paghanga ko kay Sir Ariel dahil tanggap niya ang kahit na anong uri ng pagkatao meron siya. Siguro, kung sumali si Sir sa Binibining Pilipinas at tinanong ng tanong sa Q&A ng "If given a chance to change something in your past, what would you change and why?" kind of question, malamang sasabihin ni Sir na wala. Well oo, gasgas na sagot na yan ng mga contestants, pero sincere ba talaga sila? I bet hindi.

Wow, at naisip ko na naman ang favorite lines ko sa Sailing Day:


精一杯 存在の証明 過ちも 間違いも
Seiippai sonzai no shoumei ayamachi mo machigai mo
With all my might, I am proof of existence
自分だけに価値のある財宝
Jibun dake ni kachi no aru zaihou

An error, a mistake, to me those are valuable treasures


Mabuhay ka Sir Ariel. Mabuhay ka.

Saturday, August 25, 2007

After 6 Days and 70 Posts

I think I've neglected my blog.

Six days na pala akong walang post. Sobrang busy kasi eh. O baka naman sinasabi ko lang sa sarili ko na busy lang ako. Hay nako, the usual reason. Hindi rin kasi eh. For the past 6 days, parang wala talaga akong mailagay sa blog. It just feels that way.

At sinasabi ko rin sa sarili ko na puro negative things lang ang nalalagay ko dito. Well, hindi rin naman pala. May mga insights naman pala ako na hindi naman pala all that bad.

Tss. Yung lahat ng nasa taas ng line na ito ay blog fodder.

Ang dami kong gustong sabihin, kaso sobrang gulo ng utak ko. Tapos to think na wala nang hihigit sa pagkarandom ng utak ko, yun pala, meron pa. Random na nga, sabog pa. At least naman yung dati, "organized chaos."

Basta. Ayaw ko lang kasi talaga maisip yung CS midterms na yun. Lalo lang ako naiinis kasi talagang naexploit na tanga ako sa math (itapat mo ang mouse sa title, at tingnan yung ibaba ng window kung saan lumalabas ang URL ng link at malalamang mong mali pa ang pag-add ko sa 14 + 56). Well since nasimulan ko na, might as well ibuhos ko na lahat. Nakakainis na yung math induction part was 15 points tapos yung algorithm making (which was virtually the backbone of the whole purpose of CS110) was only 10 points. Parang what the heck, math midterms ba ito? Nakakainis. Nakakainis kasi naiinis ako sa sarili ko. Ewan ko lang talaga. Naiinis ako sa sarili ko na inubos ko yung oras ko sa forsaken math induction part na yun at dahil dun, wala akong nasagot sa algorithm making. Sobrang nadissipate lahat ng random access memory ko at naghaywire na yung utak ko. Tinanung-tanong ko pa kay Sir Jal kung paano ba yung cyclical sequence na yun, pero wala rin naman akong naisip. Hayayay. Hindi na talaga ako umaasang papasa pa ako sa midterms na yan. Aasa na lang ako sa projects. Dapat sobrang taasan. Dapat super career talaga. Kailangan kong maging masipag. Kailangan. Katulad ni Kuya Rodel. Wala lang. Kasi pinag-uusapan nung babae sa jeep nung isang araw si Rodel. Marami namang Rodel sa Pilipinas. Tapos kanina, akala ko si Kuya Rodel yung kasabay ko sa bus, kasi kamukha niya talaga. Marami naman din sigurong kamukha si Kuya Rodel.

Oo nga pala, masaya magswimming sa Friday class ni Coach Pol. Bukod sa kakaunti lang sila compared sa M-W class namin, mukha naman silang mababait. Ewan ko, nakahiwalay kasi ako eh. Breaststroke na ako, tapos sila, intro pa lang to breaststroke. So pinasama ako dun sa mga "elites" or some sort. Well, nakakapagod, pero ayos lang naman. Yung huli ko ngang dive sa diving block mali eh kasi sobrang sumayad yung noo at ilong ko sa sahig ng pool dahil sa pagod. Masakit. Buti na lang walang nakakita. Kung dati sobrang naiinis ako sa fact na kailangan kong magswimming sa Friday para mawala yung overcut ko, well ngayon, I'm even looking forward sa mga Fridays kasi welcome naman daw pumunta if ever. This means sa three straight days akong maaga gigising, Thursday dahil Filipino, Friday for PE, at Saturday kasi NSTP.

Dahil Saturday at hindi umuulan, may NSTP ako kanina (although sina Ej at Raf wala). Dalawang linggo na rin kaming hindi nakabisita sa Malanday. Masasabing namiss ko naman sina Jude, Krizza, Rachell, Rose Ann, Jonalou, MC, Grace, Yumin, at si Jenalyn (wow, naalala kong lahat ng mga pangalan nila). Okay naman daw sila, well yung mga pumasok lang kanina (sina Rachell, Yumin, MC, Jonalou, at si Grace). Dumating din pala si Ed, yung facilitator namin. Sinabi niya kasi dati na one of these insertions, bibisita siya. Well ayun. Andun siya kanina.

Kanina ko lang rin nalaman na kina Grace pala yung tindahang kulay pink na lagi kong binibilhan ng dalawang Pop Cola worth P5.00 each after bawat insertion. Yung tao ng tindahan nila ay yung nanay niya, si Ate Ebi. Mabait siya, talagang may pleasing personality. Kamukhang kamukha ni Grace ang nanay, at sabi pa nga ni Ate Ebi, "xerox copy ko yan, tingnan mo nga sa kulay pa lang talagang kinuha na mula sa akin!" Nakakatuwa. Hindi na lang dahil sa murang Pop Cola at Fudgee Barr ako matutuwa tuwing bibili ako dun.

Kahapon pala, natanong ko na kay Ate Ruffa yung tungkol sa free game ng Gold member sa Timezone. Hindi pala siya nag-aaccumulate. Basta everyday, meron akong 1 free game valid on yellow swipers. Since wala akong makitang magandang yellow-swipered game sa itaas, sinubukan kong bumaba at tingnan yung Timezone dun. Yung Percussion Freaks 5 at The Fast and The Furious 3, parehong yellow-swipered. So ayun, lagi na akong mapapadpad dun every time ako'y dadayo sa Timezone.

Kachat ko si Ej nung isang gabi at sinabi kong "I feel I've neglected my blog." Sabi ko parang nagiging delusional state of reality yung blog ko. Basta. Mali palang walang babasa ng blog mo kasi babasahin mo rin pala ito. Maiisip mong may tao rin palang nararanasan ang dinadanas mo. Ha? Eh ikaw rin ang nagsulat nun? Kaya nga delusional eh.

"I feel I've neglected my blog."

But my blog has never neglected me.

Sunday, August 19, 2007

Linear versus Logarithmic (Search?)

Namove daw yung midterms sa CS sa Thursday. Sir Jal naman kasi eh, bakit ba may pamidterms-midterms pa kasi? Yung iba namang subjects wala. Hnf. Dahil diyan, boo ka Sir Jal. Boo ka dahil lang naman diyan, at nothing else.

Obviously, hindi pa ako nag-aaral. Nakakatamad eh. Dapat mag-aaral ako ngayon, but I'm too preoccupied about Valkyrie Profile 2: Silmeria. Inulit ko kasi eh dahil yung luma kong file was really "unsatisfactory." Mind you, nasa final dungeon na ako niyan, at tinamad akong tapusin dahil nga parang ang dami kong namiss na secrets and stuff.

Kagabi, I was able to chat again with a friend of mine. Kakagaling lang niya sa Singapore at matagal na talaga kaming hindi nakakapag-usap. Ayun, kamusta ka kamusta ako ritual, so tinanong niya sa akin kung kamusta naman ako. Sabi ko na to start things off, bored ako sa bahay, at everything else ay mahirap pero I'm fine. So ayun, sinabi niya na magkuwento naman daw ako tungkol sa life kasi nga matagal na talaga kaming hindi nakakapag-usap.

"Ano naman ang ikukuwento ko? I find my life very linear."

Natawa daw siya sa sinabi kong linearity of my life. Totoo naman eh. Gising, kain, nood, kain, nood, ligo, nood, kain, tulog kung hindi laro sa everything else. Yung lang talaga ang ginagawa ko ngayon sa bahay. Kung may pasok naman, it's gising, kain, ligo, pasok sa school, uwi, aral, tulog, gising, kain, some activity, tulog. O 'di ba? What a simple life. Well, I guess not. Feeling ko sobrang walang nangyayari sa buhay ko. Well, baka meron naman, hindi ko lang siguro napapansin kasi mabagal yung pag-usad ng aking life sa mainstream.

Para naman masabi ko sa other side ng aking personality na ninanag ako na mag-aral na dapat ako na eto na, may ginagawa na akong measly review of some sort, nakumpara ko ang slowness of something linear sa programming habang kumakain ako kanina ng carbonarang lasang spaghetti noodles sa tabang. Ayon sa Big O, ang linear search ay mas mabagal kung ikukumpara sa binary search. Ang run time ng linear ay n, at ang run time ng binary ay log(n). E ano naman ngayon?

Ang weird kasi for a simpleton like me yung code para sa binary search. Well kaya ko namang intindihin, pero tinatamad lang ako. Compare mo naman yan sa no-brainer code ng linear search no. Para mong sinabi sa isang bata na "1 plus 1 equals?" Parang why bother making your code faster kung you could just buy a better computer with a quadcore with a very nice programming environment with a fast compiler? Joke lang. I get the point. Kailangan gawing efficient ang code kasi kung hindi, bakit ka pa nagcode? Hm. Napapaisip tuloy ako kung bakit ako nagmajor sa CS. Dahil ata aircon yung mga classrooms eh.

So sinasabi ba ng Big O na ang aking linear life which is searching for what every human being in this planet desires in some way or another is inefficient?

So dapat maging binary? Dapat lalo pang humirap ang life para maging mas "efficient" ito?

Wait, so program ang buhay natin? Tayo ang mga programmer ng mga buhay natin? At ang BlueJ/Eclipse/JCreator natin ay ang everyday? So may proper algorithm? May expected input and output? May mga loops? May kung anu-anong variable na nag-iincrement or nagdedecrement or pinadadaan sa compareTo(String s) method ng mga strings na nasa java.util.* package? May binubufferedReader( ) or finafileInputStream( ) tayo?

Wait. First things first. Ano yung sinesearch? Ano exactly yung "what every human being in this planet desires in some way or another"? Ha? Ano nga ba?

Hay.

Even if we could program our lives with tons of ridiculous code to make it better, hindi pa rin yan perfect, kasi errors could exist. Major errors hanggang sa nga stupid syntax errors such as "pubic void eat(Food foodieGrubYumYumJollibee)" instead of "public void eat(Food foodieGrubYumYumJollibee)".

Kung ganyan nga, meron siguro akong run time error na hindi ko madebug-debug o 'di naman kaya'y may error na naooveride lang ng public static void main (String args[ ]) throws Exception.

Geez. Nerdy na rin pala ako up to some point. Biruin mong naisip ko ang mga ganitong bagay.

Maglalaro na lang nga ako ng VP2 ulit. Naka-infinite loop yata kasi it's taking much of my virtual memory.

Saturday, August 18, 2007

Ang Reva Slippers ni Kuya Rodel

currently listening to: Sailing Day (nakaloop)


精一杯 存在の証明 敗北も 後悔も
Seiippai sonzai no shoumei haiboku mo koukai mo
With all my might, I am proof of existence
自分だけに意味のある財宝
Jibun dake ni imi no aru zaihou
Defeat, regret, to me those are meaningful treasures


Wala lang. Medyo matagal na rin kasi since niloop ko ang Sailing Day. Uy ha, may technique na ako sa EXT para hindi sobrang a juices sa haba.


Before anything else, grabe ang ulan ngayong araw na ito. Sobrang more than 7 times yata umulan ng medyo malakas. Walang NSTP ngayon, at I worry about my kids. Yung ilog daw kasi sa area namin sa Malanday ay umaapaw. Hmp, ang plastic ko talaga paminsan. Well, kinda. Meron namang akong 5.346346% genuine concern for my kids. All the rest is show-off, I guess. Candor people. Candor.

Ay grabe. Ang lamok!

Yesterday, bumili si mamie ng slippers para sa akin. Nagrequest kasi ako sa kanya ng tsinelas kasi nga rainy season na, at isa lang ang slippers ko na bulit for rain, na in deplorable condition pa. Kapag sapatos naman, isa na lang rin, kasi yung Converse kong isa isn't made for rain (mesh + green suede = instant mashed socks) at yung luma kong Superstar (na since grade 7 pa yata) eh tinatagusan na ng tubig-ulan from nowhere. Yung barkada trip na itim yung binili ni mamie na P230.00+, pero lagpas ang paa ko. So nagpunta kaming Ever Gotesco Commonwealth Center (kumpleto talaga eh no?) miski hindi pa ako naliligo para mapalitan yung slippers na yun. Sa parking, parang may naghihintay na pala dun sa pinaparadahan namin, pero weirdly, sumenyas yung driver nung Previa na sige na, amin na yung parking slot na yun. Well, salamat driver ng Previa, kung sino ka man at nasaan ka man sa ngayon. Pinadali mo ang buhay namin dahil malapit lang sa entrance yung parking slot na yun.

Medyo matagal na akong hindi nakakapunta sa Ever. Ang last time ko yatang nagpunta dun was mga 3 months ago siguro. Narealize ko yun habang paakyat kami sa department store. Nung nakaakyat at nakarating na kami dun sa men's footwear section, hinanap ni mamie yung nag-attend sa kanya. "Yung chinito, yung kamukha niya" sabi pa ni mamie. Pero wala. Mukha namang mabait yung nag-attend sa amin. Matiyaga siyang naghanap ng size 12 na tsinelas. Meron siyang nakita, Bananapeel ang tatak, pero ang gara nung kulay. Sobrang challenging. Parang brown at light pink stripes yung kulay. Kasya naman, pero sobrang challenging talaga. So sinubukan kong maghanap ng ibang alternative sa ibang rack, at meron akong nakita. Reva, at cheap lang, only P99.75/pair. Wow. Sunggab ako sa opportunity at naghanap ng kasya. Si kuya attendant din, naghanap ng kasya sa akin sa may ibabang parte ng rack ng Reva. Napaubo siya. Yung ubong parang semi-ubo na makati yung lalamunan na parang hindi ubo. Napansin yun ni mamie.

"Puyat ka 'no?"

Diyan magaling si mamie. Sobrang bilib ako sa talent niya to strike a conversation with someone she doesn't know.

Yung asawa niya raw kasi eh.

"Ha? Yung asawa mo may ubo?"

Ano daw?

Oo daw. Yung asawa raw niya ay may sakit sa puso. May bara daw. Kaya kapag inaatake yung asawa niya, napupupuyat siya or kaya wala siyang tulog.

So dun nagsimula yung mahabang conversation ni mamie at ni Kuya Rodel. Parang pinag-uusapan nila yung mga gamot na pwede sa asawa ni Kuya Rodel, tapos parang may kilala si mamie na pwedeng makatulong sa kanila. Kinuha ni mamie yung number ni Kuya Rodel para nga raw matext ni mamie yung details and shizzle. Hindi talaga ako nakinig kasi I was busy looking for slippers na kasya sa akin.

Nung nakapili na ako, bumaba ako sa Customer Service. Tatlo yung kukuha ko kasi dapat magamit yung P230.00 kasi sayang. Dadagdagan na lang daw namin, sabi ni mamie. Nakaupo sina mamie at Kuya Rodel dun sa bench nung umalis ako kasama yung attendant ni mamie earlier. Basta ayun. Mukha rin siyang mabait. Ewan ko.

Inisip ko na kawawa naman si Kuya Rodel. Yun yung primary reason kung bakit tatlo yung kinuha ko. Secondary lang yung refund at dahil mahirap maghanap ng footwear na size 12 or 13.

Nung pag-akyat ko, umupo ako dun sa bench opposite kung saan nakaupo sina mamie at Kuya Rodel. May pinag-uusapan sila tungkol sa Bulacan, sa Sta. Maria, sa may simbahan, at ayon sa pagkakarinig ko, malamang papunta ata kina Lola Taba. Mukhang nanggaling si Kuya Rodel sa Bulacan kasi I distinctively heard him say "nung nasa Malolos pa ako."

Bibili raw kami ng pantalon kasi nga raw sale at naaawa naman daw sa akin si mamie kasi tatlo lang yung pantalon ko tapos yung isa since 2nd year high school pa, tapos yung isa bitin.

Binilin ni mamie kay kuya na kung makita niya si ate, sabihing magpunta sa mga pantalon. Dinescribe naman namin si ate bilang maliit at maputi. Tapos nun, nagpaalam na si mamie kay Kuya Rodel.

"Sige kuya, salamat." Tinapik ko pa sa balikat si kuya.

"Salamat rin, ingat kayo."

Alam ko na kung saan ako nagmana ng kabaitan ko, if people find me mabait, that is.

Pagkauwi, pinaalala ko kay mamie na itext niya si Kuya Rodel. Sinabihan kasi ako na ipaalala sa kanya eh. Parang naisip ko na sincere ba si mamie sa kanyang pinakitang kaibaitan? O parang wala lang? Ako kasi hindi ko talaga nakalimutan, miski na kasing makakalimutin ko lang si mamie. Ewan ko.

Pero mabait talaga si mamie. Alam ko yan.

Grabe no? Ang sipag ni Kuya Rodel. Uwian siya from some lugar na malayo kasi more than P100.00 ang pamasahe niya every working day. May sakit pa yung asawa niya tapos may mga anak pa sila. Well, kailangang maging masipag ni Kuya Rodel.

Eh ako?

Wala akong motivation sa buhay. Seriously, I'm losing interest in life.

Eh ano? Naghahanap ako ng ano?

Kung iisipin ko ang lagay ni Kuya Rodel at yung lagay ko, masasabi kong napakatanga ko para sabihing "Seriously, I'm losing interest in life."

Ang tanga mo. Ang tanga tanga tanga mo. Pero anong magagawa ko?

Kuya Rodel, mag-ingat ka rin at ng iyong pamilya. Sana matulungan ka ni mamie.

Tingnan mo naman ang pinoproblema ko. Namomroblema ako na sobrang nababagot na ako sa bahay. Pero kung ang dami naman ng workload, nagrereklamo rin ako. Hay, napakahirap hanapin ang equilibrium. Sa physics, yung sum ng two forces is zero. Eh sa life? Zero din ba?

Ehek, ewan.

Nakita ko with a different light yung lines na ito sa Sailing Day, well, it struck me more unlike before:


そうだよ まだ 僕は僕の 魂を持ってる
Sou da yo mada boku wa boku no tamashii wo motteru
Yes, I still have my spirit
たった一秒 生きる為に いつだって 命懸け 当たり前だ
Tatta ichibyou ikiru tame ni itsudatte inochigake atarimae da
Risking one's life for just a moment is always reasonable for the sake of living on


"Risking one's life for just a moment is always reasonable for the sake of living on."

Pero anong gagawin mo kung ayaw mo nang magrisk dahil lalo ka lang nawawalan ng reason to live on dahil sa mga outcome of your risks?

You won't have your spirit? Sabi sa kanta eh.

In any case, it feels that way.

Friday, August 17, 2007

o2mania

Dahil wala na namang pasok ngayon at wala raw NSTP bukas sabi ni Ate Hi-C, napakahaba ng weekend ko. Limang araw to be exact, kasi walang pasok sa Monday dahil may holiday na hindi ko alam kung ano.

May bagyo na naman daw, ayon sa TV Patrol/24 Oras/news. Malayo na raw si Egay, pero nagdala ito ng low pressure area na naging bagyo na, si Falcon. Naiinis ako na walang pasok ngayon kasi nga, napsych-up ko na yung sarili ko about swimming for 2 hours. Pero ano na? Suspended na ang classes. Nakakainis. Well ayos lang rin naman considering yung ulan nung nagising ako kanina. Ayaw ko namang lumusong na naman sa mga putikan at maruruming kalye ng Philippines. Nakakadiri kasi yung thought na itubog mo yung paa mo sa baha na somewhere upstream, may patay na pusa in its final stage of rot and decomposition somewhere. Sobrang napapahugas ako ng paa just thinking about it.

Wala akong magawa sa bahay kung hindi mag-Valkyrie Profile of mag-o2mania. Yung VP, tinapos ko na kagabi kasi nga sinabi sakin nung mga 11:59 kagabi na wala na nga raw pasok ngayon. Well actually, narinig ko lang someone say "all levels" at inassume ko na na walang pasok. Well, lumabas din naman ako at tinanong at tinext din ako ni Ej.

Nakakainis si Loki. Wala siyang kwentang final boss. As in grabeng walang kwenta. Well, baka rin sobrang useless niya kasi ang DME ni Valkyrie was 90000 nung kinalaban ko siya. Nagprepare talaga ako nun, binigyan ko silang lahat ng Material Gem (DME +30%) at Power and Magic Bangles (ATK/MAG +30%). Lv. 70 na rin kasi si Valkyrie nun. Oh well. Hindi rin eh. Kasi nung ginamit ni Loki yung supposedly strongest attack in the game, yung great magic na Dragon Orb (kasi spellcaster's magic circle at FMV), ni hindi man lang namatay si Lyseria na yung DME was only 40k+. What a senseless final boss. 2 turns lang, he turned into a bloody pulp. Well, inoverpower rin kasi ni Valkyrie ang sarili niya eh. Sabi sa game [spoiler ito if you are planning to play VP], yung effect daw ng pagcombine ng soul ni Lenneth and yung half-elf homunculus was the power of creation. So ayun, sobrang 9000 bawat hit ng Nibelung Valesti, tapos 25k ata yung spear hit and even more powerful yung explosion.

So ayan, nasa Seraphic Gate na ako. At least mas challenging naman yung mga magiging kalaban dun, hindi katulad ni Loki. Hmp. I was expecting a lot from Loki. I mean, final boss siya sa A ending eh. Diba?

But isn't expecting so much from someone or something or some event bad?

Ang haba talaga ng mga kuwento ko paminsan.

Ang tagal ko ring hindi naglaro ng o2mania. Sobrang "rarely" na yung nakalagay sa Add or Remove Programs. Nakakainis na lagi akong may 1 miss sa Bang! Bang! Bang! at sa Natal Angel. Parang magagawa ko yung part na hindi ko magawa, pero magkakaroon ako ng lapse of concentration at magkakamit ng isang stupid "MISS." Pero inulit-ulit ko talaga ang Bang! Bang! Bang! kasi nga gusto kong maperfect talaga kasi nga isang error lang naman ang nagagawa ko. Sobrang more than 10 times ko yata inulit-ulit yun.

Pero hindi ko pa rin naperfect.

Nainis na ako at one point. Kapag may nagoOL kasi sa YM, naglalag for a split moment yung o2mania. Sobrang naiinis na ako sa mga taong OL offline OL offline OL offline. Sa sobrang inis, tumigil na ako sa kakalaro. Ewan ko na talaga. Siguro frustration set in na talaga.

Nung tumigil na ako, naisip ko na alam ko namang hindi ko yun mapeperfect (kasi I was really lousy sa mga hagdan parts, sabihin mo mang practice lang, like I've been practicing that hagdan technique for ages, at hindi ko pa rin siya kaya at puro chamba lang or button mash), bakit ko pa rin inaasahang mapeperfect ko yun?

Bakit pa ako umaasa sa isang bagay na imposible? (Oo, hyperbole used to make a point -- eh totoo naman eh)

Life is really such a weird thing. Dapat life ang pinag-aaralan, hindi something that could be applied to life (math, literature, all those sucky subjects). Dapat magkaroon ng "Life Studies" or "Biobiology" or something.

At sabi ni Lenneth Valkyrie sa dulo ng credits:

"We can find happiness when we are together." Ay, hindi ata yan yung exact words.

Eh paano yan? Hindi ako makakapagDrumMania this week?