Dahil five years dapat ang BS Computer Science at isa itong four-year course sa aking pamantasan, required ako mag-summer tuwing taon dahil kung hindi kasi, nasa 24 units ang aking normal load. Mas magaan ito kung ikukumpara sa mga kaklase ko dati sa high school na sa UST na nag-aaral. Sabi nila, umaabot sila ng lagpas 30 units kada sem. Ibig sabihin nun, alas-7 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi ang mga klase nila. Okay na rin sana na may summer lagi, kasi may pasok equals may baon, pero nakakatamad kasing maglakad sa ilalim nang mainit na sinag ng araw tuwing alas-10 ng umaga at alas-3 ng hapon. Nakakatamad ding pumasok lalo na't may mga kilala kang papeteks-peteks na lang ngayon habang ikaw ay abala sa pagbabasa ng "When Jesus Shaves" na reading para sa iyong Sa21 class ngayong summer sem. Well, hindi ko naman pinalalabas na hindi rin ako pumepeteks-peteks. Nakakatamad talaga kasi. At isa pa, boring kasi sina Ms. Andie Soco *bang bang* at si Sir Eric Vidal. Dahil isa akong mabuting estudyante, nakikinig ako at nagno-notes. Sabi ko nga kay idol Jacob, nag-aaral ako kasi gusto kong madistract. It turns out, nag-aaral pala ako ng FAQs ng Chrono Cross at Civilization III: Empires at mga clipart ng heraldry designs. Ang astig kasing tingnan ng Old English sa Coat of Arms na susubukin kong gawin.
Hay. Tinatamad talaga ako. Ang dami kong sinisimulan na hindi ko naman natatapos. Yung canvas shoes ko, hanggang ngayon, hindi pa rin tapos miski na kumpleto na ako sa gamit. Nasimulan ko naman na yung left shoe na kung saan deluge ang motif. Ang balak ko sa right shoe ay inferno. At hanggang ngayon, nananatiling hindi nagagalaw at natutuloy ang Firefly ~ Boku wa Ikiteiku.txt. Stuck pa rin ang aking translation sa ikasampung stanza.
Siguro, tamad lang talaga ako. Hindi ko na ngayon tinutuloy ang aking narcissistic regimen tuwing bago maligo. Hindi na rin ako nagbabasa ng readings sa Sa21 on time (like I ever did read a reading on time). Hanggang ngayon, nananatiling makalat at magulo ang aking maliit na silid na malapit nang pintahan ni Kuya Simon.
Pero hindi tinatamad ang isip ko na isipin ang mga alaalang sawa na akong pag-isipan. Nanlamig na ang puso ko sa mga taong kasama sa mga alaalang ito, ngunit tila hindi ako nagsasawang pag-isipan ang nakaraan. Siguro talaga, isa akong tao nang nakaraan.
Wala bang secret pill para tamarin talaga ng tuluyan? As in tatamarin ka rin huminga? Kapag ininom mo yung secret pill na iyon, tatamarin na ang puso mo upang umibig, tatamarin na ang iyong alaala na saktan ka, at tatamarin na rin ang iyong pagkatao para umasa. Kung meron man, tatawagin ko itong "secret pill" kasi kung isinawalat ko ang pangalan nun, e 'di hindi na siya secret.
Ikukuwento ko rin na, nung isang araw, nagyaya si Rai sa kanyang condo. Actually, gusto kong sumama kasi nasa mataas na palapag yung condo niya sa Xanland. Nagyaya si Rai para mag-star gazing kasi may meteor shower daw noon. Nanghina ang loob ko. Naramdaman ko ang paglakas ng daloy ng dugo sa aking katawan at pagbilis ng pintig ng aking puso. Nangatal ang aking paghinga.
Naalala ko ang paborito kong kanta dati. Naalala ko ang Tentai Kansoku.
もう一度君に逢おうとして 望遠鏡をまた担いで
Mou ichido kimi ni aou to shite bouenkyou wo mata katsuide
Intending to meet you once again, I carry the telescope on my shoulder like before
前と同じ 午前二時 フミキリまで駆けてくよ
Mae to onaji gozen niji fumikiri made kaketeku yo
Same as before at two in the morning, I kept running until I reach the railroad crossing
始めようか 天体観測 二分後に 君が来なくとも
Hajimeyou ka tentai kansoku nifungo ni kimi ga konakutomo
Now let's go star gazing, even if you don't come within two minutes
“イマ”という ほうき星 君と二人追いかけている Oh Yeah Ah Ah Ah Yeah
"Ima" to iu houkiboshi kimi to futari oikakete iru
I will still chase after the comet we call "the present" together with you
Pero ngayon, hindi na ito mangyayari. Mag-isa ko na lang hahabulin si "Ima".
---
明日は今日と同じ未来
Ashita wa kyou to onaji mirai
Tomorrow holds the same future as today

4 comments:
ansama!!! dalawang kanta. Naisip ko rin ang tentai kansoku nun niyaya din kami ni rai nun.
kaya mo yan!! >:D<
ay.. kulang sa lyrics un "oh yeah yeah aaah." :P
hindi ko na nilagay kasi hindi naman na kailangnan nun ng transliteration. haha
ahaha... XD oo nga nmn...
Post a Comment