Nakakainis. Hindi na ako makapagpost ng something substantial sa aking blog ngayong mga nakaraang araw at linggo yata. Ang dami ko kasing ginagawang requirements para sa school. Kailangan magbasa ng libro para sa Hi165 kasi ang hassle ng grading system. Kailangan galingan sa pagkilatis ng mga takdang readings para sa Ph101 dahil mahirap na, baka kasi bigla akong mabulaga sa isang pagsusulit. Kailangan aralin palagi ang slides sa CS152A kasi lagi na lang may quiz na binibigay si Mr. Diy at kailangan ko kasing bawiin yung 67 kong long test. May mga project proposals pa kaming ipipresent sa Monday (mamaya, kasi 1:30am na ngayon) na madalian naming ginawa dahil sinapian kami ng mga diyos at diyosa ng procrastination, o kung hindi naman, sadyang naging abala sa mga naunang dahilan. May lab pa nga kami sa CS152B eh, at may defense pa! Asar. Meron pa akong ethics paper sa CS179.15A - Philosophy Module na due sa Wednesday, pero hindi ko alam ang gagawin kasi hindi pinost sa Moodle yung powerpoint na naglalaman nung specs. At take note, ongoing pa yung Packrat Unit Test namin sa CS179.15A - Games Module. Grabe. Sobrang pagod ako lagi tuwing pagdating ko sa bahay. Kailangan kong matulog kahit na sandali kasi kung hindi, masasabaw ang utak ko sa paggawa ng kahit na anong nabanggit sa itaas at kailangang saluhin sa may kaliwang tainga gamit ang isang disposable plastic cup. Nagkaroon kami ng discussion kung bakit yung mga bata raw, hindi kailangan matulog sa hapon, pero kaming mga matatanda na, kailangan na. Sabi nung iba, dahil mas mahirap na ang mga ginagawa naming jsim circuits at mga pag-iintindi ng mga diyalogo ni Socrates kung ikukumpara sa mga penmanship drills at flashcard drills ng mga grade school. Ewan ko naman kasi ever since bata ako, natutulog na talaga ako sa hapon.
Ngayon kasi hinihintay kong i-send sa akin ng isa kong kagrupo sa CS123 yung proposal niya. Ieedit ko pa kasi at ipuproofread, bago ko maiprint.
Yun lang po. Salamat.
Ngayon kasi hinihintay kong i-send sa akin ng isa kong kagrupo sa CS123 yung proposal niya. Ieedit ko pa kasi at ipuproofread, bago ko maiprint.
Yun lang po. Salamat.
2 comments:
Galing ng paraan mo para mag-unburden ng stress ah! Hehehe.
Hindi siya masyadong effective. Haha
Post a Comment