Birthday ni ate kanina (well, kahapon to be exact). She turned 25, at sabi ko sa kanya, gurangutans na siya. Well, mukha pa rin naman siyang bata kasi petite ang size niya. Sabi naman niya, sinasabihan na siya ng "ma'am" kapag rumarampa siya sa SM. Eh ako rin naman eh. Um "sir" ha, hindi "ma'am." Kaunting utak naman dyan please.
Halos buong araw ako hindi gumamit ng PC yesterday (kasi Monday na ngayon). Ewan ko. Ah, kasi may pila. So ayun, pinabayaan ko na lang sila. Considerate person ako eh, I'm not greedy or gahaman or any of that sort. Well, maybe sometimes though.
Habang nakahiga sa kama, naalala ko ang movie na 300. Naalala ko ang mga beefy men na andun. Naalala ko na sinabi ko sa sarili ko a few years back na magpapagayot ako some way or another. Yung kuya ko kasi eh, inaasar ako nung mga araw na nilalamon ako ng obesity. Horrible horrible. I had like 3 layers of bilbil, and my face was chakaness like siopao. So ang first step sa "Operation Jetajeta" was to slim down. After 2 weeks of not eating dinner, from 140+ lbs, naging mga 120+ na ako. Hah hah hah, I was laughing behind my brother's back. Nyeh nyeh, tataba ka rin someday! And he did, para siyang sedentary tatay sa tiyan niya ngayon. Beh. Anyway, sinabi ko na ngayong payat na ako, Magpapalaki na ako ng katawan. Sinabi ko dati na gagawa ako ng at least 20 push-ups, 20 sit-ups, basta mga exercises na magagawa sa bahay. So ayun, after 3 days, I stopped. Last year, I got motivated again, and after 1 week, tumigil rin ako. Sobrang excited na excited ako maglaro ng Moomoo. Ngayon, hindi na. Hindi na rin ako masyadong naglolog-in sa ArdentRO (in fact, 1 week na ata). Gusto ko ko na kasi maglaro ulit ng Diablo II: Lord of Destruction. Miss ko na si Zion, ang aking lv. 80+ Vengeance Paladin. Oo, nakapangalan yun after Zion Laterre, yung player nung Ateneo. Sad, hindi Douglas yung name nung barbarian ni Ej.
Napansin ko lang na ang bilis ko mabagot sa mga bagay na sobrang inasam ko in some way or another. I promise my self na gagawin ko ito or ayun, pero hindi ko naman nagagawa. Pero kung magpromise ako sa ibang tao, it's either nagagawa ko or hindi ko sonasadyang makalimutan kasi kulang ako sa "Memory Enhancers" ng Sustagen. Napapansin ko rin na lagi kong inuuna ang iba, at hinuhuli ko ang aking sarili. This isn't a bad thing isn't it? Alam ko hindi. Pero sabi ng mga close friends ko, "Give time for yourself. Learn how to say 'no' sometimes Rudolf." Like syempre I will say no kung pinakiusapan akong tumalon sa 3rd floor ng Gonzaga. I appreciate the concern, pero I don't see what is their concern for me all about. Naabuso na raw ako. Hindi pa naman ako nagagang-up at nabubugbog, so medyo hindi ko gets.
Or baka I just refuse the truth na inaabuso at tinitake for granted lang ako. Is this optimism or already a delusion?
Niwais, habang nakaupo ako sa long john at hinihintay si mamie matapos iedit ang letter niya, naisip ko na tumatanda na kaming mga anak nila. Sila rin, tumatanda na. 54 na si dadee. Dumadami na ang mga puting buhok ni mamie. Kaka 25th birthday lang ni ate. May trabaho na si kuya. II BS CS na ang nasa ID ko, hindi na I BS CS. Inimagine ko ang nuclear family ko na parang pamilya ni Nelvin habang nakatitig sa 6 na bote ng Summit Clear Sparkling Water na nakapila sa banggerahan sa kusina. Si Kuya Edwin, matagal nang nasa States. Si Ate Eilyn, nasa Indonesia, nagtuturo sa preschool if I'm not mistaken. Si Ate Kathryn, nasa States na rin ata ngayon. Ang mga magulang ni Nelvin, retired na, pero patuloy pa rin sa family business nila. Napaisip talaga ako. Naisip ko kung ano ang gagawin ko sa pinakauna kong sweldo kapag graduate na ako. Inisip ko kung anong bill ba ang babayaran ko kapag may trabaho na ako. Inisip ko kung ano na ang ginagawa ng bawat member ng pamilya ko.
Tinitigan ko si mamie.
Tiningnan ko si dadee.
Pinakinggan ko ang hilik ni kuya.
Pinakiramdaman ko kung ano ang ginagawa ni ate sa itaas.
Pinag-isipan ko ang lahat ng mga ito habang pinagsisisihan ang flavor nang sparkling water na pinalamig ko. Apple Pear. Dapat White Grape. Fuck. Yun yung masarap eh.
Inisip ko, "Siguro, mabait talaga ako." I mean, miski naaabuso na ako, okay lang, basta makita ko ang isang tao na maayos ang kalagayan: walang problema at masaya. Masaya na akong makitang masaya ang iba.
Pero, masama rin ata ako. Ewan ko. I thought my family had a problem. Pero I guess, ako ang may problema.
Fuck. Lasang panis na pinaghugasan ng 20 pairs of brazilian feet yung Apple Pear. Fuck fuck fuck.

No comments:
Post a Comment