Thursday, August 30, 2007

Astigmatism and Myopia

Hay. Dahil maaga ako natulog kagabi, late akong nagising for Fil. Nagising ako ng 5:30, 5:35, 5:40, tapos 6:30. Ang galing ng pattern no? Hindi obvious. Anyway, dahil in a state of shock pa ako nung makita ko yung oras, umupo lang ako sa kama ko for about 5 minutes or so. Sobrang idle yung utak ko. After nun, bihis, wala nang kain-kain, wala nang ligo-ligo (well, naligo naman ako bago matulog and besides, I didn't smell like a trash heap at may OHM Heat pa naman ako eh), toothbrush, layas. Nung naglalakad ako papunta sa may gate para mag-abang ng tricycle, iniisip ko kung magkocommute ba ako or magtataxi na lang. Ewan ko kung bakit sumayad sa isip ko yung magtaxi.

Sinabi ko pa naman bago matulog na "Kapag late nagising, cut."

Pero nagtaxi ako. Mabait si manong taxi driver at nagkukuwentuhan pa kami tungkol sa traffic sa iba't ibang parte ng Quezon City. Nung nakita ko yung condition ng traffic sa Commonwealth, sinabi ko na sa sarili ko na shet, parang masasayang ata ang P100.00 ko. Well, inisip ko na traffic sa Katipunan kaya tama yung desisyon kong magtaxi. I deserve a medal for my optimism.


Tama nga na traffic sa may Katipunan. Sobrang funeral march ang andar sa may harap ng MWSS. Sobra. Nakarating ako sa school 5 minutes before magbell. I was so proud of myself.

But not for long.

Freecut pala yung Fil. What's up with that?! It struck me na nasayang yung effort ko na hindi malate. Yun yung sinasabi at nirereklamo ko talaga sa life eh. You'll take the chance, but all would be in vain. Parang you muster all the strength within, pero in the end, you feel everything was not worth it. Miski kahit gaanong transformations or manipulations ang gawin mo, walang nangyayari. Para talagang nasayang ang efforts mo. Well, naeexagerate ko yata yung simpleng example na ito eh. Kasi, kung nalaman kong freecut, papasok ako sa school ng 12:00 instead of 7:30. Ibig din sabihin nito, sa bahay na ako kakain, meaning less gastos, more savings. Pero more importantly, kung nalaman kong freecut, hindi na dapat ako nagtaxi at hindi na sana nasayang yung P100.00 ko. See? Ang laki nung nawala sa akin dahil sa heroism at martyrdom of some sort na pinakita ko. Well ewan ko. Natulungan ko naman si manong taxi driver na maabot yung daily quota niya.

Hmp. Plastic.

Kanina rin, nagparefract ako ng mata. Hindi na kasi clear yung mga distant objects as before. Ayon sa findings:

OD: 0.75 cgh.
OS: 0.25C-0.25x160deg.

Tumaas na pala yung grado ng mata ko. And to add to that, I am nearsighted at has astigmatism on my left eye.

Astigmatism, ayon sa pagkakaintindi ko sa wikipedia, ay yung hindi aligned properly yung axes ng mata. Basta, isipin mo na lang na hindi perpendicular yung parang x-y axis ng mata. Parang hindi nagiging balanced yung pagtinggin mo sa mga bagay.

Ang nearsightedness is well, may preference ang eyes to look at nearer objects compared to farther ones. Just break up the word: "near" and "sighted". Mas clear ang malapit, at palabo na nang palabo ang mga malalayo. Sabi nung optometrist, mas normal na occurrence ang nearsightedness kapag mas bata at mas nagiging mas common ang farsightedness kapag mas matanda na. By the way, ang correct medical term sa near and farsightedness is myopia and hyperopia, respectively.

Naisip ko lang na tama yung adage na parang "The eyes are the windows to one's soul." Hindi ko na kasi mabalance paminsan ang aking emotions. Parang sobrang nagiging negative na ako paminsan. Parang napakadesperate ko pa. Ewan ko ba. And the future seems bleak for me kasi nga, masyado akong nakafocus sa mga things na nangyayari in the present. Parang I live every day as if it was my last. Hindi naman mali yun diba? Pero dahil nawala na ang equilibrium, ang homeostasis, ang internal gyroscope machine, nakafocus na nga ako sa present, at ang masama pa, parang nakafocus pa ako sa mga bad things. It's hard to see the good things in life lalo na kung ang nangyayari lang sa iyo everyday ay yung gagastos ka ng P100.00 out of your daily baon na P150.00 para lang hindi ka malate, pero hindi ka pala talaga malalate kasi freecut sort of event, only in different times, places, and circumstances. Basta, everyday is like that. Hindi ba manlalabo rin ang paningin mo sa future?

Hindi ka na umaasang gaganda ang bukas, but ironically, umaasa ka pa ring may bukas.

Crown Optical, may corrective lenses ba kayo para sa astigmatism and myopia of life?

Tuesday, August 28, 2007

Ang Virus sa Laptop ni Sir Ariel

Uulitin ko na naman yung Parasite Eve 2. Hindi ko kasi binili kay Jodie yung M4A1 eh. Dapat binili ko na talaga. Nagkaroon pa naman ako nung feeling na "kailangan ko 'tong bilhin." Oh well.

Ay. Kakabasa ko lang ng walkthrough. Hindi ko na pala kailangang ulitin kasi ang sabi sa where you can get it ng M4A1 ay "Everywhere weapons are sold." Well, at least naman hindi ko na uulitin. Inulit ko na kasi yan kasi namiss out ko sa Akropolis Tower yung very important Black Card at yung isang Protein Capsule na +5 to HP. Paano ko alam? Sabi ni Kuya eh. I've never played anything like this before, lagi na ko na lang pinapanood si Kuya or si Kuya Omel maglaro ng PE2 or Resident Evil while I scare the crap out of my very imaginative mind back then.

Well anyway, late na naman ako for Fil kanina. Lagi naman eh. Hindi raw gagamitin ni Sir Ariel yung laptop niya kasi nagkavirus daw ito. Naapektuhan daw yung mga word documents niya. Instead na .doc ang file extension, naging .scr or screensaver. Hindi ko alam yun. Napansin niya raw yun nung nagpunta siya sa internet cafe at sinubukang iaattatch yung isang document sa mail. Dun nga niya napansin yung .scr na extension. Nangamba na raw siya , at nung nakauwi siya sa bahay at tiningnan yung mga document files sa laptop niya, dun niya nasabing "Putang ina, may virus 'to." So ayun, kinuwento niya na nagpatulong siya sa kanyang kaibigan na maayos at after 2 hours, natanggal naman daw yung 26 viruses na nahanap. Yun nga lang, nawala lahat ng doc files ni Sir. Parang kapag tinapat mo raw yung cursor sa icon ng isang doc file, bigla na lang daw itong naglalaho.

Ang masama pa raw nito, sa Friday na yung thesis proposal ni Sir para sa kanyang MA. Yung pangalan pa nga raw nung doc file ng thesis niya was something like "Thesis Proposal Home Stretch."

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

"Halaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa."

O syet.

Buti na lang daw, inuupdate niya ang kanyang mentor sa progress ng kanyang thesis. Meaning sinesend niya by parts yung kanyang nagawa para sa thesis niya. So susubukan na lang raw niyang ipagtagni-tagning muli ang kanyang mga naiisip sa pamamagitan ng mga documents na iyon na nasa email. Buti naman. Thank someone for the redundancy or stupidity of sending yourself email. Well, baka mamaya hindi siya stupid at all. To be safe, kailangan maging redundant? Well, sa tingin ko, hindi mo lang talaga maasahan ang kahit ano or kahit sino 100%. Sarili mo lang ang maaasahan mo ng buong buo. Well paminsan pa nga hindi rin eh.

Going back, nabura lahat ng soft copies ng lahat ng long tests, mga guide qeustions, basta lahat ng word documents. Kasama na rin daw sa mga nawala yung mga sinulat na tula, maiikling kuwento, at mga journal entry na ginawa ni Sir Ariel over the past years. Sabi niya, nawala yung identidad niya na binuo niya sa isang iglap.

Totoo naman eh. Kung ano ang isunusulat mo, yun ang expression ng mga damdamin mo, so ang mga sinusulat mo ay ang sarili mo. Parang ganun.

Tapos, hindi alam ni Sir Ariel kung ano ba dapat yung mararamdaman niya: kung maiiyak ba siya or kung maliliberate ba siya. Well, maiiyak kasi ang dami niyang ambitions and dreams para sa future. Sasali daw dapat siya sa Palanca awards. Yung mga inaaspire ng mabubuting Filipino teachers na writers rin someday. Liberating daw kasi parang he could recreate himself anew. Parang he could start making an identity very different from what he is now. But the thing is, hindi niya maimagine ang sarili niya bilang isang straight na straight at lalaking-lalaking flight steward, or kung maimagine man niya, sa tingin niya, magiging mas masaya siya kung ano na siya ngayon. Yun nga lang, parang wala siyang katibayan o patunay ng kaniyang pagiging ganoon.

Pero nung kinukwento yan ni Sir Ariel, parang naluluha talaga yung mga mata niya. Never ko pa siyang nakita at marinig na magsalita sa ganoong paraan.

Yung mga antivirus programs kasi na yan eh. Para kumita sila, gumagawa sila ng mga virus. Tss, get yourselves decent lives! Hindi yang ganyan no. Pesteng mga virus na yan.

Pero ang ganda nung reflection ni Sir Ariel. Especially sa akin na if given a chance, would live another life. I mean, tama si Sir sa pagsabi na kuntento na siya kung ano siya ngayon. Sa totoo lang, malaki ang paghanga ko kay Sir Ariel dahil tanggap niya ang kahit na anong uri ng pagkatao meron siya. Siguro, kung sumali si Sir sa Binibining Pilipinas at tinanong ng tanong sa Q&A ng "If given a chance to change something in your past, what would you change and why?" kind of question, malamang sasabihin ni Sir na wala. Well oo, gasgas na sagot na yan ng mga contestants, pero sincere ba talaga sila? I bet hindi.

Wow, at naisip ko na naman ang favorite lines ko sa Sailing Day:


精一杯 存在の証明 過ちも 間違いも
Seiippai sonzai no shoumei ayamachi mo machigai mo
With all my might, I am proof of existence
自分だけに価値のある財宝
Jibun dake ni kachi no aru zaihou

An error, a mistake, to me those are valuable treasures


Mabuhay ka Sir Ariel. Mabuhay ka.

Saturday, August 25, 2007

After 6 Days and 70 Posts

I think I've neglected my blog.

Six days na pala akong walang post. Sobrang busy kasi eh. O baka naman sinasabi ko lang sa sarili ko na busy lang ako. Hay nako, the usual reason. Hindi rin kasi eh. For the past 6 days, parang wala talaga akong mailagay sa blog. It just feels that way.

At sinasabi ko rin sa sarili ko na puro negative things lang ang nalalagay ko dito. Well, hindi rin naman pala. May mga insights naman pala ako na hindi naman pala all that bad.

Tss. Yung lahat ng nasa taas ng line na ito ay blog fodder.

Ang dami kong gustong sabihin, kaso sobrang gulo ng utak ko. Tapos to think na wala nang hihigit sa pagkarandom ng utak ko, yun pala, meron pa. Random na nga, sabog pa. At least naman yung dati, "organized chaos."

Basta. Ayaw ko lang kasi talaga maisip yung CS midterms na yun. Lalo lang ako naiinis kasi talagang naexploit na tanga ako sa math (itapat mo ang mouse sa title, at tingnan yung ibaba ng window kung saan lumalabas ang URL ng link at malalamang mong mali pa ang pag-add ko sa 14 + 56). Well since nasimulan ko na, might as well ibuhos ko na lahat. Nakakainis na yung math induction part was 15 points tapos yung algorithm making (which was virtually the backbone of the whole purpose of CS110) was only 10 points. Parang what the heck, math midterms ba ito? Nakakainis. Nakakainis kasi naiinis ako sa sarili ko. Ewan ko lang talaga. Naiinis ako sa sarili ko na inubos ko yung oras ko sa forsaken math induction part na yun at dahil dun, wala akong nasagot sa algorithm making. Sobrang nadissipate lahat ng random access memory ko at naghaywire na yung utak ko. Tinanung-tanong ko pa kay Sir Jal kung paano ba yung cyclical sequence na yun, pero wala rin naman akong naisip. Hayayay. Hindi na talaga ako umaasang papasa pa ako sa midterms na yan. Aasa na lang ako sa projects. Dapat sobrang taasan. Dapat super career talaga. Kailangan kong maging masipag. Kailangan. Katulad ni Kuya Rodel. Wala lang. Kasi pinag-uusapan nung babae sa jeep nung isang araw si Rodel. Marami namang Rodel sa Pilipinas. Tapos kanina, akala ko si Kuya Rodel yung kasabay ko sa bus, kasi kamukha niya talaga. Marami naman din sigurong kamukha si Kuya Rodel.

Oo nga pala, masaya magswimming sa Friday class ni Coach Pol. Bukod sa kakaunti lang sila compared sa M-W class namin, mukha naman silang mababait. Ewan ko, nakahiwalay kasi ako eh. Breaststroke na ako, tapos sila, intro pa lang to breaststroke. So pinasama ako dun sa mga "elites" or some sort. Well, nakakapagod, pero ayos lang naman. Yung huli ko ngang dive sa diving block mali eh kasi sobrang sumayad yung noo at ilong ko sa sahig ng pool dahil sa pagod. Masakit. Buti na lang walang nakakita. Kung dati sobrang naiinis ako sa fact na kailangan kong magswimming sa Friday para mawala yung overcut ko, well ngayon, I'm even looking forward sa mga Fridays kasi welcome naman daw pumunta if ever. This means sa three straight days akong maaga gigising, Thursday dahil Filipino, Friday for PE, at Saturday kasi NSTP.

Dahil Saturday at hindi umuulan, may NSTP ako kanina (although sina Ej at Raf wala). Dalawang linggo na rin kaming hindi nakabisita sa Malanday. Masasabing namiss ko naman sina Jude, Krizza, Rachell, Rose Ann, Jonalou, MC, Grace, Yumin, at si Jenalyn (wow, naalala kong lahat ng mga pangalan nila). Okay naman daw sila, well yung mga pumasok lang kanina (sina Rachell, Yumin, MC, Jonalou, at si Grace). Dumating din pala si Ed, yung facilitator namin. Sinabi niya kasi dati na one of these insertions, bibisita siya. Well ayun. Andun siya kanina.

Kanina ko lang rin nalaman na kina Grace pala yung tindahang kulay pink na lagi kong binibilhan ng dalawang Pop Cola worth P5.00 each after bawat insertion. Yung tao ng tindahan nila ay yung nanay niya, si Ate Ebi. Mabait siya, talagang may pleasing personality. Kamukhang kamukha ni Grace ang nanay, at sabi pa nga ni Ate Ebi, "xerox copy ko yan, tingnan mo nga sa kulay pa lang talagang kinuha na mula sa akin!" Nakakatuwa. Hindi na lang dahil sa murang Pop Cola at Fudgee Barr ako matutuwa tuwing bibili ako dun.

Kahapon pala, natanong ko na kay Ate Ruffa yung tungkol sa free game ng Gold member sa Timezone. Hindi pala siya nag-aaccumulate. Basta everyday, meron akong 1 free game valid on yellow swipers. Since wala akong makitang magandang yellow-swipered game sa itaas, sinubukan kong bumaba at tingnan yung Timezone dun. Yung Percussion Freaks 5 at The Fast and The Furious 3, parehong yellow-swipered. So ayun, lagi na akong mapapadpad dun every time ako'y dadayo sa Timezone.

Kachat ko si Ej nung isang gabi at sinabi kong "I feel I've neglected my blog." Sabi ko parang nagiging delusional state of reality yung blog ko. Basta. Mali palang walang babasa ng blog mo kasi babasahin mo rin pala ito. Maiisip mong may tao rin palang nararanasan ang dinadanas mo. Ha? Eh ikaw rin ang nagsulat nun? Kaya nga delusional eh.

"I feel I've neglected my blog."

But my blog has never neglected me.

Sunday, August 19, 2007

Linear versus Logarithmic (Search?)

Namove daw yung midterms sa CS sa Thursday. Sir Jal naman kasi eh, bakit ba may pamidterms-midterms pa kasi? Yung iba namang subjects wala. Hnf. Dahil diyan, boo ka Sir Jal. Boo ka dahil lang naman diyan, at nothing else.

Obviously, hindi pa ako nag-aaral. Nakakatamad eh. Dapat mag-aaral ako ngayon, but I'm too preoccupied about Valkyrie Profile 2: Silmeria. Inulit ko kasi eh dahil yung luma kong file was really "unsatisfactory." Mind you, nasa final dungeon na ako niyan, at tinamad akong tapusin dahil nga parang ang dami kong namiss na secrets and stuff.

Kagabi, I was able to chat again with a friend of mine. Kakagaling lang niya sa Singapore at matagal na talaga kaming hindi nakakapag-usap. Ayun, kamusta ka kamusta ako ritual, so tinanong niya sa akin kung kamusta naman ako. Sabi ko na to start things off, bored ako sa bahay, at everything else ay mahirap pero I'm fine. So ayun, sinabi niya na magkuwento naman daw ako tungkol sa life kasi nga matagal na talaga kaming hindi nakakapag-usap.

"Ano naman ang ikukuwento ko? I find my life very linear."

Natawa daw siya sa sinabi kong linearity of my life. Totoo naman eh. Gising, kain, nood, kain, nood, ligo, nood, kain, tulog kung hindi laro sa everything else. Yung lang talaga ang ginagawa ko ngayon sa bahay. Kung may pasok naman, it's gising, kain, ligo, pasok sa school, uwi, aral, tulog, gising, kain, some activity, tulog. O 'di ba? What a simple life. Well, I guess not. Feeling ko sobrang walang nangyayari sa buhay ko. Well, baka meron naman, hindi ko lang siguro napapansin kasi mabagal yung pag-usad ng aking life sa mainstream.

Para naman masabi ko sa other side ng aking personality na ninanag ako na mag-aral na dapat ako na eto na, may ginagawa na akong measly review of some sort, nakumpara ko ang slowness of something linear sa programming habang kumakain ako kanina ng carbonarang lasang spaghetti noodles sa tabang. Ayon sa Big O, ang linear search ay mas mabagal kung ikukumpara sa binary search. Ang run time ng linear ay n, at ang run time ng binary ay log(n). E ano naman ngayon?

Ang weird kasi for a simpleton like me yung code para sa binary search. Well kaya ko namang intindihin, pero tinatamad lang ako. Compare mo naman yan sa no-brainer code ng linear search no. Para mong sinabi sa isang bata na "1 plus 1 equals?" Parang why bother making your code faster kung you could just buy a better computer with a quadcore with a very nice programming environment with a fast compiler? Joke lang. I get the point. Kailangan gawing efficient ang code kasi kung hindi, bakit ka pa nagcode? Hm. Napapaisip tuloy ako kung bakit ako nagmajor sa CS. Dahil ata aircon yung mga classrooms eh.

So sinasabi ba ng Big O na ang aking linear life which is searching for what every human being in this planet desires in some way or another is inefficient?

So dapat maging binary? Dapat lalo pang humirap ang life para maging mas "efficient" ito?

Wait, so program ang buhay natin? Tayo ang mga programmer ng mga buhay natin? At ang BlueJ/Eclipse/JCreator natin ay ang everyday? So may proper algorithm? May expected input and output? May mga loops? May kung anu-anong variable na nag-iincrement or nagdedecrement or pinadadaan sa compareTo(String s) method ng mga strings na nasa java.util.* package? May binubufferedReader( ) or finafileInputStream( ) tayo?

Wait. First things first. Ano yung sinesearch? Ano exactly yung "what every human being in this planet desires in some way or another"? Ha? Ano nga ba?

Hay.

Even if we could program our lives with tons of ridiculous code to make it better, hindi pa rin yan perfect, kasi errors could exist. Major errors hanggang sa nga stupid syntax errors such as "pubic void eat(Food foodieGrubYumYumJollibee)" instead of "public void eat(Food foodieGrubYumYumJollibee)".

Kung ganyan nga, meron siguro akong run time error na hindi ko madebug-debug o 'di naman kaya'y may error na naooveride lang ng public static void main (String args[ ]) throws Exception.

Geez. Nerdy na rin pala ako up to some point. Biruin mong naisip ko ang mga ganitong bagay.

Maglalaro na lang nga ako ng VP2 ulit. Naka-infinite loop yata kasi it's taking much of my virtual memory.

Saturday, August 18, 2007

Ang Reva Slippers ni Kuya Rodel

currently listening to: Sailing Day (nakaloop)


精一杯 存在の証明 敗北も 後悔も
Seiippai sonzai no shoumei haiboku mo koukai mo
With all my might, I am proof of existence
自分だけに意味のある財宝
Jibun dake ni imi no aru zaihou
Defeat, regret, to me those are meaningful treasures


Wala lang. Medyo matagal na rin kasi since niloop ko ang Sailing Day. Uy ha, may technique na ako sa EXT para hindi sobrang a juices sa haba.


Before anything else, grabe ang ulan ngayong araw na ito. Sobrang more than 7 times yata umulan ng medyo malakas. Walang NSTP ngayon, at I worry about my kids. Yung ilog daw kasi sa area namin sa Malanday ay umaapaw. Hmp, ang plastic ko talaga paminsan. Well, kinda. Meron namang akong 5.346346% genuine concern for my kids. All the rest is show-off, I guess. Candor people. Candor.

Ay grabe. Ang lamok!

Yesterday, bumili si mamie ng slippers para sa akin. Nagrequest kasi ako sa kanya ng tsinelas kasi nga rainy season na, at isa lang ang slippers ko na bulit for rain, na in deplorable condition pa. Kapag sapatos naman, isa na lang rin, kasi yung Converse kong isa isn't made for rain (mesh + green suede = instant mashed socks) at yung luma kong Superstar (na since grade 7 pa yata) eh tinatagusan na ng tubig-ulan from nowhere. Yung barkada trip na itim yung binili ni mamie na P230.00+, pero lagpas ang paa ko. So nagpunta kaming Ever Gotesco Commonwealth Center (kumpleto talaga eh no?) miski hindi pa ako naliligo para mapalitan yung slippers na yun. Sa parking, parang may naghihintay na pala dun sa pinaparadahan namin, pero weirdly, sumenyas yung driver nung Previa na sige na, amin na yung parking slot na yun. Well, salamat driver ng Previa, kung sino ka man at nasaan ka man sa ngayon. Pinadali mo ang buhay namin dahil malapit lang sa entrance yung parking slot na yun.

Medyo matagal na akong hindi nakakapunta sa Ever. Ang last time ko yatang nagpunta dun was mga 3 months ago siguro. Narealize ko yun habang paakyat kami sa department store. Nung nakaakyat at nakarating na kami dun sa men's footwear section, hinanap ni mamie yung nag-attend sa kanya. "Yung chinito, yung kamukha niya" sabi pa ni mamie. Pero wala. Mukha namang mabait yung nag-attend sa amin. Matiyaga siyang naghanap ng size 12 na tsinelas. Meron siyang nakita, Bananapeel ang tatak, pero ang gara nung kulay. Sobrang challenging. Parang brown at light pink stripes yung kulay. Kasya naman, pero sobrang challenging talaga. So sinubukan kong maghanap ng ibang alternative sa ibang rack, at meron akong nakita. Reva, at cheap lang, only P99.75/pair. Wow. Sunggab ako sa opportunity at naghanap ng kasya. Si kuya attendant din, naghanap ng kasya sa akin sa may ibabang parte ng rack ng Reva. Napaubo siya. Yung ubong parang semi-ubo na makati yung lalamunan na parang hindi ubo. Napansin yun ni mamie.

"Puyat ka 'no?"

Diyan magaling si mamie. Sobrang bilib ako sa talent niya to strike a conversation with someone she doesn't know.

Yung asawa niya raw kasi eh.

"Ha? Yung asawa mo may ubo?"

Ano daw?

Oo daw. Yung asawa raw niya ay may sakit sa puso. May bara daw. Kaya kapag inaatake yung asawa niya, napupupuyat siya or kaya wala siyang tulog.

So dun nagsimula yung mahabang conversation ni mamie at ni Kuya Rodel. Parang pinag-uusapan nila yung mga gamot na pwede sa asawa ni Kuya Rodel, tapos parang may kilala si mamie na pwedeng makatulong sa kanila. Kinuha ni mamie yung number ni Kuya Rodel para nga raw matext ni mamie yung details and shizzle. Hindi talaga ako nakinig kasi I was busy looking for slippers na kasya sa akin.

Nung nakapili na ako, bumaba ako sa Customer Service. Tatlo yung kukuha ko kasi dapat magamit yung P230.00 kasi sayang. Dadagdagan na lang daw namin, sabi ni mamie. Nakaupo sina mamie at Kuya Rodel dun sa bench nung umalis ako kasama yung attendant ni mamie earlier. Basta ayun. Mukha rin siyang mabait. Ewan ko.

Inisip ko na kawawa naman si Kuya Rodel. Yun yung primary reason kung bakit tatlo yung kinuha ko. Secondary lang yung refund at dahil mahirap maghanap ng footwear na size 12 or 13.

Nung pag-akyat ko, umupo ako dun sa bench opposite kung saan nakaupo sina mamie at Kuya Rodel. May pinag-uusapan sila tungkol sa Bulacan, sa Sta. Maria, sa may simbahan, at ayon sa pagkakarinig ko, malamang papunta ata kina Lola Taba. Mukhang nanggaling si Kuya Rodel sa Bulacan kasi I distinctively heard him say "nung nasa Malolos pa ako."

Bibili raw kami ng pantalon kasi nga raw sale at naaawa naman daw sa akin si mamie kasi tatlo lang yung pantalon ko tapos yung isa since 2nd year high school pa, tapos yung isa bitin.

Binilin ni mamie kay kuya na kung makita niya si ate, sabihing magpunta sa mga pantalon. Dinescribe naman namin si ate bilang maliit at maputi. Tapos nun, nagpaalam na si mamie kay Kuya Rodel.

"Sige kuya, salamat." Tinapik ko pa sa balikat si kuya.

"Salamat rin, ingat kayo."

Alam ko na kung saan ako nagmana ng kabaitan ko, if people find me mabait, that is.

Pagkauwi, pinaalala ko kay mamie na itext niya si Kuya Rodel. Sinabihan kasi ako na ipaalala sa kanya eh. Parang naisip ko na sincere ba si mamie sa kanyang pinakitang kaibaitan? O parang wala lang? Ako kasi hindi ko talaga nakalimutan, miski na kasing makakalimutin ko lang si mamie. Ewan ko.

Pero mabait talaga si mamie. Alam ko yan.

Grabe no? Ang sipag ni Kuya Rodel. Uwian siya from some lugar na malayo kasi more than P100.00 ang pamasahe niya every working day. May sakit pa yung asawa niya tapos may mga anak pa sila. Well, kailangang maging masipag ni Kuya Rodel.

Eh ako?

Wala akong motivation sa buhay. Seriously, I'm losing interest in life.

Eh ano? Naghahanap ako ng ano?

Kung iisipin ko ang lagay ni Kuya Rodel at yung lagay ko, masasabi kong napakatanga ko para sabihing "Seriously, I'm losing interest in life."

Ang tanga mo. Ang tanga tanga tanga mo. Pero anong magagawa ko?

Kuya Rodel, mag-ingat ka rin at ng iyong pamilya. Sana matulungan ka ni mamie.

Tingnan mo naman ang pinoproblema ko. Namomroblema ako na sobrang nababagot na ako sa bahay. Pero kung ang dami naman ng workload, nagrereklamo rin ako. Hay, napakahirap hanapin ang equilibrium. Sa physics, yung sum ng two forces is zero. Eh sa life? Zero din ba?

Ehek, ewan.

Nakita ko with a different light yung lines na ito sa Sailing Day, well, it struck me more unlike before:


そうだよ まだ 僕は僕の 魂を持ってる
Sou da yo mada boku wa boku no tamashii wo motteru
Yes, I still have my spirit
たった一秒 生きる為に いつだって 命懸け 当たり前だ
Tatta ichibyou ikiru tame ni itsudatte inochigake atarimae da
Risking one's life for just a moment is always reasonable for the sake of living on


"Risking one's life for just a moment is always reasonable for the sake of living on."

Pero anong gagawin mo kung ayaw mo nang magrisk dahil lalo ka lang nawawalan ng reason to live on dahil sa mga outcome of your risks?

You won't have your spirit? Sabi sa kanta eh.

In any case, it feels that way.

Friday, August 17, 2007

o2mania

Dahil wala na namang pasok ngayon at wala raw NSTP bukas sabi ni Ate Hi-C, napakahaba ng weekend ko. Limang araw to be exact, kasi walang pasok sa Monday dahil may holiday na hindi ko alam kung ano.

May bagyo na naman daw, ayon sa TV Patrol/24 Oras/news. Malayo na raw si Egay, pero nagdala ito ng low pressure area na naging bagyo na, si Falcon. Naiinis ako na walang pasok ngayon kasi nga, napsych-up ko na yung sarili ko about swimming for 2 hours. Pero ano na? Suspended na ang classes. Nakakainis. Well ayos lang rin naman considering yung ulan nung nagising ako kanina. Ayaw ko namang lumusong na naman sa mga putikan at maruruming kalye ng Philippines. Nakakadiri kasi yung thought na itubog mo yung paa mo sa baha na somewhere upstream, may patay na pusa in its final stage of rot and decomposition somewhere. Sobrang napapahugas ako ng paa just thinking about it.

Wala akong magawa sa bahay kung hindi mag-Valkyrie Profile of mag-o2mania. Yung VP, tinapos ko na kagabi kasi nga sinabi sakin nung mga 11:59 kagabi na wala na nga raw pasok ngayon. Well actually, narinig ko lang someone say "all levels" at inassume ko na na walang pasok. Well, lumabas din naman ako at tinanong at tinext din ako ni Ej.

Nakakainis si Loki. Wala siyang kwentang final boss. As in grabeng walang kwenta. Well, baka rin sobrang useless niya kasi ang DME ni Valkyrie was 90000 nung kinalaban ko siya. Nagprepare talaga ako nun, binigyan ko silang lahat ng Material Gem (DME +30%) at Power and Magic Bangles (ATK/MAG +30%). Lv. 70 na rin kasi si Valkyrie nun. Oh well. Hindi rin eh. Kasi nung ginamit ni Loki yung supposedly strongest attack in the game, yung great magic na Dragon Orb (kasi spellcaster's magic circle at FMV), ni hindi man lang namatay si Lyseria na yung DME was only 40k+. What a senseless final boss. 2 turns lang, he turned into a bloody pulp. Well, inoverpower rin kasi ni Valkyrie ang sarili niya eh. Sabi sa game [spoiler ito if you are planning to play VP], yung effect daw ng pagcombine ng soul ni Lenneth and yung half-elf homunculus was the power of creation. So ayun, sobrang 9000 bawat hit ng Nibelung Valesti, tapos 25k ata yung spear hit and even more powerful yung explosion.

So ayan, nasa Seraphic Gate na ako. At least mas challenging naman yung mga magiging kalaban dun, hindi katulad ni Loki. Hmp. I was expecting a lot from Loki. I mean, final boss siya sa A ending eh. Diba?

But isn't expecting so much from someone or something or some event bad?

Ang haba talaga ng mga kuwento ko paminsan.

Ang tagal ko ring hindi naglaro ng o2mania. Sobrang "rarely" na yung nakalagay sa Add or Remove Programs. Nakakainis na lagi akong may 1 miss sa Bang! Bang! Bang! at sa Natal Angel. Parang magagawa ko yung part na hindi ko magawa, pero magkakaroon ako ng lapse of concentration at magkakamit ng isang stupid "MISS." Pero inulit-ulit ko talaga ang Bang! Bang! Bang! kasi nga gusto kong maperfect talaga kasi nga isang error lang naman ang nagagawa ko. Sobrang more than 10 times ko yata inulit-ulit yun.

Pero hindi ko pa rin naperfect.

Nainis na ako at one point. Kapag may nagoOL kasi sa YM, naglalag for a split moment yung o2mania. Sobrang naiinis na ako sa mga taong OL offline OL offline OL offline. Sa sobrang inis, tumigil na ako sa kakalaro. Ewan ko na talaga. Siguro frustration set in na talaga.

Nung tumigil na ako, naisip ko na alam ko namang hindi ko yun mapeperfect (kasi I was really lousy sa mga hagdan parts, sabihin mo mang practice lang, like I've been practicing that hagdan technique for ages, at hindi ko pa rin siya kaya at puro chamba lang or button mash), bakit ko pa rin inaasahang mapeperfect ko yun?

Bakit pa ako umaasa sa isang bagay na imposible? (Oo, hyperbole used to make a point -- eh totoo naman eh)

Life is really such a weird thing. Dapat life ang pinag-aaralan, hindi something that could be applied to life (math, literature, all those sucky subjects). Dapat magkaroon ng "Life Studies" or "Biobiology" or something.

At sabi ni Lenneth Valkyrie sa dulo ng credits:

"We can find happiness when we are together." Ay, hindi ata yan yung exact words.

Eh paano yan? Hindi ako makakapagDrumMania this week?

Tuesday, August 14, 2007

Hindi ako Cut?

Wow. Wowoweewa. Grabe ang traffic kanina sa Commonwealth. Grabe talaga. I can't stress it enough. Isipin mo na lang na may one thousand, two hundred thirty seven (marunong pa pala akong magspell ng 1237) na sabay sabay na naglibing. Parang one minute, one centimeter. Grabe talaga yung traffic. Siguro twice or a little under thrice the length lang ng UP hanggang Ateneo yung haba ng Sandiganbayan hanggang Central. Pero grabe talaga. Yung usual 25 minutes na commute time, lumobo to an hour. Kung ganyan lang ang rate ng pagtaas sa sweldo, yayaman na tayong lahat. Actually, usually 10 minutes lang yan kapag drive, or maybe even less. I mean, sa sobrang grabe nung traffic, naging useless na yung counterflow. Naging cause pa nga ata yun ng traffic eh. Kainis. Sa sobrang tagal nung travel time ko, sobrang nanigas na yung kamay ko sa kakahawak dun sa malamig na railings ng bus na yun. Nakikinig na lang ako sa tsismisan nung driver at yung dalawang konduktor para hindi ako mainip. Grabe talaga yung traffic eh. Pinag-usapan nila yung side mirror nung bus, na dapat pataasan yung ng driver kasi ilang beses muntik nang sumayad sa mga katabing jeep yun, na yung bus, dapat palagyan pa ng mga hawakan sa may bandang likuran ng bus para pumunta ang tao dun kapag pinapaatras na sila. Parang, hindi ba dapat yung kompanya nung bus ang sumagot sa mga expenses na yun? Yung windshield ng bus na P14,000 ang halaga, hindi ba dapat sa bus line company ang gastos? Ewan ko ba. Nakaw na lang sila ng side mirror ng Expedition na parang uhaw na uhaw na uhaw at daig pa si Laarni kung lumaklak ng gas. P14,000 daw yun, sabi nung isang konduktor.

So ayun, I lost all hope na hindi ako malate nung nakita ko yung sitwasyon ng traffic sa may Puregold. Sobra naman kasi talaga. And to think na walang ginagawa yung mga MMDA? Ay meron pala. Nanghuhuli ng mga "trespassers of the law: yung mga undisciplined jeep and bus drivers na hindi sa tamang lugar nagsasakay at nagbaba ng mga pasahero nila," sabi nila. Amp. I mean, hello?! Hindi mo ba makita na traffic? Kaway ka lang ng kaway dyan eh! Ano ka ba? Artista? Sa itsura mong yan? Nakakainis lang talaga. Binabayaran natin sila para lang mangotong. Such anuses/ani(pronounced ei-nai).

Hindi ko rin siguro masisisi yung mga kotong freaks na yun siguro kasi sa may tapat ng Inglesia, yung marvelous 5 lanes ng Commonwealth, magiging 2 na lang kasi may construction. Imagine the mass of cars (mass dapat kasi number of cars, hindi space occupied by cars), tapos yung bottleneck na yun. Equation equals 1 hour and 2 minutes of travel. Kung ganito na ang panibagong trend sa Commonwealth, kailangan ko na talagang umalis ng maaga sa bahay, especially bukas na PE na naman at overcut na ako so dapat hindi ako malate. Kung hindi pa plantsado ang PE shirt, well, pakapalin na lang ang mukha at isuot kasi no choice ka na talaga. Kaysa naman isuot mo yung pangpalit mo, e di lumusong na yun sa usok and sweat from the sweaty arms of sweaty people. Hindi na siya fresh kapag sinuot mo ulit.

So habang naglalakad sa may UP pasakay ng jeep, naalala ko yung kamalasang nangyari sa akin nung Monday (25 minutes naghintay para mapuno yung jeep, instead of the usual 5, resulting me to overcut PE). Papaano kung maulit ulit yung ngayon? Ass. Well, okay lang naman kasi isa pa lang ang cut ko sa Fil14. But still, ass pa rin. Bumalik yung pagkainis ko sa aking sarili kasi nga overcut ako sa PE, at sinabi kong papasok na lang ako sa Friday to make up for it, meaning ang dami kong dala nanaman sa Friday, meaning ang laki ng bag ko, meaning mabigat ito, meaning...hay.

Pagpasok ko sa fil, obviously naglelecture na si Sir Ariel. Tinanong ko si Raf kung may pagsasanay ba.

"Late rin ako eh."

Mabuhay ang lahat ng mga latecomers!

Kasi si Sir Ariel din pala ay late. 15 minutes late, ayon kay Melody Kay.

Meaning, hindi siya nagcheck ng attendance kanina. Meaning, hindi ako cut.

Ang swerte ko naman pala. Well baka hindi rin. Umulan kasi nung pauwi ako eh. O di ba? Sa tinagal-tagal ng school hours, saka lang umulan nung uuwi na ako. Weather naman eh, hindi ka nakikisama sa mga commuters like me. Siguro kasamahan mo yung rich old bag of bones ng CHED no?

Kanina, pinakita sa amin ni Sir Ariel si Santa Magdalena de Nagasaki, ang unang haponesang santa. Nakakaaliw, kasi nakakimono talaga siya. Nirebond nga raw nila yung buhok niya eh, kaya mukha raw Sadako talaga.

Meron kayang rebond ang mga kulut-kulot na kalye ng Pilipinas? May pag-asa pa ba ang Pilipinas?

Pero, siguro bago ko tingnan ang Pilipinas, kailangan ko munang tingnan ang aking sarili.

Hindi naman wavy ang buhok ka a! Alam kong coarse ang hair ko, but it's not wavy or kulot.

Gago.

Monday, August 13, 2007

Overcut?

Oh shit. Nalate ako sa PE kanina kasi pinalantsa ko pa yung PE shirt ko. Well, medyo late na rin kasi akong nagising eh. Nakalimutan ko kasing papalantsahin ko pa pala yung PE shirt ko nung nagising ako ng 6:30 ng umaga kanina.

Tinanong ko si Coach Pol kung ilan cuts na ba ako.

"Overcut ka na yata eh! Bakit ka ba nalate?"

At sinabi kong pinalantsa ko pa yung shirt ko. Totoo naman eh.

Natawa na lang si Coach Pol.

"Sir, papasok na lang po ako sa Friday."

"O sige sige, go shower ka na!"

Ayun. So sa Friday, ang dami ko na namang dalang gamit. Pupunta ako sa Gateway na dala ang ganun karaming gamit. Hay. Mas mabuti naman ba siguro yun kaysa naman W ako sa PE. PE na lang nga, W pa? Sayang pati yung scholarship ko no.

Ilang beses nga sumayad sa isip ko kung anong gagawin ko kung ilagay ako sa spotlight ni Coach Pol katulad nung ginawa niya dun sa first year na naovercut rin. Ewan ko, sasabihin ko pa rin sigurong papasok ako sa Friday. Kung hindi pumayag si Coach, sasabihin kong scholar ako. Well, ang mga katagang "scholar ako" has worked on many instances bilang mga palusot. Sheesh. Well, at least naman nagswiswimming si Coach Pol nung dumating ako kanina at isa pa, magkaibang-magkaiba ang ugali namin nung first year na naovercut no.

Kanina lang, naiinis ako sa sarili ko na bakit ba ako nalate kanina. Well, dapat hindi, kaso lang, ang tagal napuno nung jeep sa may UP. Kasalanan ko ba yun? I mean, dapat exactly on time lang ako, kung bakit naman kasi ang tagal napuno nung jeep na yun eh. It took that jeep 25 minutes to fill up, instead of the usual 3 or 5 minutes.

Tell me, kasalanan ko ba yun? Well, probably oo. Ewan ko.

Ewan ko ba sa life.

Celebration ng 18th birthday ni Kim nung Saturday sa Hard Rock Cafe sa Makati. It was really, really, really great. Wala akong pagsisisi sa pagpunta sa debut ni Kim. Sobra. Well baka meron, kasi yung host, sobrang W talaga. As in souper souper W talaga. Promise. Nakakainis yung host. Pero I didn't let that person destroy that night.

Nung natapos yung program, parang naging open na sa lahat yung Hard Rock. Nagkaroon ng mga dancer at singer (Mocha ata, na yung lead singer nila eh pangit yung pwet at sobrang pinagtatawanan namin). Umalis kami ni Ej kasi gusto kong mag-Timezone. Ayaw rin pala ni Ej dun sa mga dancers na yun, na yung isa, mukhang bakla.

I failed Toccata. Well, nahihirapan naman talaga ako sa song na yun eh.

Pagkabalik namin, parang may dance floor na. Nakisali rin ako after some time sa mga kasama ko dun. Grabe yung feeling sa dance floor na yun. Nakakahilo dahil dun sa mga flashing of lights, pero sobrang liberating in some sort of way. At yung feeling na yun, infectious and lasts while you hear music. Grabe. Parang kahit anong gawin mo, ayos lang. Kahit magwala ka dun, ayos lang. Parang kaya mong gawin lahat ng maiisip mong gawin, basta lang gawin mo yun habang umiindak ka sa tunog. Pero nakakapagod din sumayaw nang sumayaw for about 30 minutes or so. Pag upo mo naman, yung mga paa mo, sumasayaw pa rin. It was really weird, but fun.

Parang life? I mean masaya, pero nakakapagod din paminsan. Ewan ko ba.

Tapos kanina lang, sabi ni Ray, parang we keep on yearning for happiness even if it eludes us each and every time. We keep on yearning even though we know it would elude us every time. We keep on yearning even if we know that the happiness we are yearning for would last but a fleeting moment. Nagkaroon kasi siya ng analogy ng gospel sa Road Runner show. Parang si Beep beep, fast, si Wile E., slow, si Beep beep, food para sa isang gutom na coyote. Kung yung ACME (American Company that Makes Everything) really makes everything, bakit hindi na lang daw umorder si Wile E. ng pagkain, instead of buying that latest gizmo that costs ewan ko? Sabi ni Ray, parang ganun daw tayo. Kapag hindi natin maabot ang gusto natin, we turn to our ACMEs: drugs, sex, money, power, fame, at marami pang iba. We do this in the hopes na mapunan ng mga ito yung hapiness na hindi natin makuha kuha dahil sa mga limitations natin, mga limitations na tayo rin ang nagseset. But do we feel happy when we turn to our ACMEs?

Ano kaya sa tingin mo?

No.

Pero, is there a real definition for "happiness"?

We keep on yearning...

Oo nga. Bakit nga ba?

Ang saya-saya ko over the weekend. Biglang ganito naman ngayon.

Well, I'm looking forward on swimming on Friday for 2 hours. Kasi sabi ni Coach, kulang pa ako sa pagpoint ng mga paa sa frog kick.

Or am I? Ewan ko ba.

Friday, August 10, 2007

Timezone Powercard 78641710

Nagpunta akong Gateway kanina. Well, Friday eh, at may fact pa na 1 week akong hindi nakapunta. Dapat kasi kahapon, Thursday, pupunta ako, kaso nga lang, walang pasok. Oh well. I was excited na hindi dahil feeling lethargic at redundant at the same time. Ewan ko. Sometimes I just feel so random.

So ayun. After two weeks of waiting, nakuha ko na rin sa wakas yung Gold card ko sa Timezone sa Gateway. Well, baka kaya ako excited kanina kasi makukuha ko na yung card ko. Well, in my opinion, the regular VIP Powercard looks a lot younger and flashier than this Gold card. Kasi yung card ko na ngayon, parang credit card of some sort yung itsura. Tsk, baka mamaya takaw tingin. Well, hindi naman siguro.

At isa pa, may nakasulat sa harap ng card which I find rather annoying. Nakasulat yung owner, member since, issuing center, and yung birthdate ng member. Parang, bakit kailangang may ganyang info pa? Well, at least naman tama yung naging desisyon ko na "Rudolf" ang ilagay sa application form two weeks ago at hindi yung pangalan ko na nakuha lang sa OB nung nanay ko nung pinanganak ako. Grabe, maswerte na pala ako at hindi "Pullaski" or "Baklusho" yung pangalan nung doktor na nagpaanak kay mamie. But still. Napaka-oddball nung pangalan ko compared sa siblings ko. Well, hindi naman sa gusto kong mapareho sa kanila... bah forget about it.

Sabi ni ate na nag-assist sa akin na i-claim ang aking Gold card (na hindi ko natanong yung pangalan dahil nga ang weird nung insides ko), yung lumang Powercard ko raw ay hindi ko na magagamit sa Gateway, pero magagamit ko pa rin sa ibang outlet. Yung Gold card naman, maari ko ring magamit sa iba, pero ibang account na siya dun sa luma. Oh well. It's quite confusing actually. Hindi ko rin pala natanong yung 1 free game everyday query ko. Itatanong ko sana kung how that part of the package works, pero ang weird talaga ng emotional intestines ko. I felt drowsy and happy at the same time. Weird.

All-star cast ang tao sa DrumMania machine. Si Kuya RJ, GF nya ata (kasi sabi niya, "Ang galing galing naman ni loves" pagkatapos ni "loves" laruin yung Tocatta yata na kung saan sayaw nang sayaw si RJ), Bob, CNG, at si KBJ. Basta ang dami nila dun. At mukhang friends pa silang lahat. Nagkukuwentuhan, nagtatawanan, at naglalaro pa ng PSP sina CNG at "loves." Ewan ko. Nanatili na lang akong nakatago dun sa may Jurassic Park kasi nga I felt somewhat inferior. Well, dapat naman talaga no.

"Ass. Sira yung hi-hat."

Yan talaga yung unang pumasok sa isip ko. Papaano ko mao-auto bass yung Begin? Basta. Disappointing. Anyway, I almost failed Begin sa first stage dahil dun sa sirang hi-hat na yun. Pero, dahil nga ganun, napilitan akong i-manual yung bass nung ibang songs na hindi ko pa kaya. Masaya ako na natapos ko in auto hi-hat yung Toccata ADV. Oi, B pa yung grade ko dyan ha.

Bumili ako ng Ham and Cheese waffle dun sa may Farmers dahil I had the need to make pabarya (yuck naman the taglish shizzle and everythang! so ka-ka-kadiriiiiiii to deathh!). Ano ba yun. Ang lamig nung cheese. Tapos nung binabasa ko yung flavors dun sa wrapper, wala namang nakalagay na Ham and Cheese. Ano yan, illegal flavor? Specialty?

Habang nakasakay sa bus pauwi at pagkatapos kainin yung waffle na illegal, hindi ko maalis sa isip ko yung Traits sa Valkyrie Profile. Yung traits kasi ang nagdedetermine ng Hero Value ng isang character -- yung parang worthiness nung character para ipadala sa Valhalla. Pagkauwi ko, titingnan at ililista ko na sana yung mga traits, kaso pinabili ako ni mamie ng pagkain ni Bianca. Wow. First time kong nagbike sa isang bustling road. Well, I was very skeptical, pero inisip ko, parang paano ako magmomotor kung hindi ako magkakaexperience sa situations na ganito? Well anyway, pagkauwi, inilista ko lahat ng traits sa mga characters ko, at inilagay sa Excel. May limit yung rank ng trait at kung gaano karaming traits pwede ang isang character, pero dahil tinatamad akong mamili, sinubukan kong i-assess ang sarili ko given all those characteristics.

Ano yung result?

Hero Value: 67

Well, sasabihin ko lang na yung maximum attainable was 920 at yung minimum was -1064. At least naman hindi negative, 'di ba?

Sabi rin pala kanina ni ate at nung mga kuya sa Timezone, parang sisirain na yung luma kong card kung hindi ko na raw ito ginagamit sa ibang Timezone. Syempre sabi ko ginagamit ko pa sa iba.

Hahayaan ko na lang bang hanggang dun na lang yung card ko na yun? I mean, ang tagal na ng pinagsamahan namin.

Hay.

Ej, nung sinabi mong "Hindi mo na mababalik yung dati kasi may mga memories as friends na kayo" or some sort na pareho lang yung gist, well, tama ka nga talaga.

Hahayaan ko na lang bang mawala ang isang kaibigan?

Pero iba rin kasi ito eh. It's either me or my friendship with that friend.

Uyy, blind item!

Oh well. Things, when they change, will never be exactly the same way as it did before. Yung dating 67125548, ngayon ay 78641710 na.

Pero ang nilagay ko sa "Stubborn" ay rank 8. Well, that's -16 to my hero value.

Thursday, August 9, 2007

May bagyo ba?

"May bagyo ba?"

Yan yung tanong ko sa bahay nung nagbrownout nung isang kagabi ng mga isang oras. Hassle, nasa PC ako tapos biglang nagbrownout. Pinagchismisan na lang namin tuloy yung pinatay daw sa subdivision namin na itatanong ko kay Enzo kung kilala niya ba yun.

"Nasa Earth ka ba? Heller?? Kita mo ba yung ulan, ha?"

Ang alam ko kasi, may bagyo pero wala sa area of responsibility ng bansa. Maulan kasi nadala nung bagyong malayo na yung hanging habagat or amihan. Not sure kung alin, kasi ang alam kong Habagat ay si Romnick Sarmenta sa Mulawin at Amihan si Iza Calzado sa Encantadia/Etheria. Well, ganun nga raw talaga, pero may nabubuo na raw na bagyo somewhere malapit sa Philippines.

Dati, ang paniwala ko, ang umuulan tuwing umiiyak ang mga angels sa langit. Thunder at lightning yung mga hagulgol nila. Well, alam kong mali ito, kasi kung totoo ito, sa dami ng mga rason para umiyak ang mga angels, the world should be something like Uranus or Neptune. Basta watery.

Ass. Ang hirap magcommute dahil umuulan. As in. Nakakatamad pumasok. Inantabayanan ko sa channel 2 kung may suspension ba ng classes. Sabi, ayon sa Deped, walang pasok sa Metro Manila sa lahat ng antas, ngunit sabi ng CHED, pasok sa kolehiyo, tuloy pa rin. WTFH?! (What The Friggin' Hell?!) Commissioner ng CHED, nakita mo ba yung ulan at hangin kahapon? Hindi mo ba naisip na ang hirap mamasahe? Hmf. If I know, some rich old bag of bones ka, kaya may transpo ka lagi at may driver ba kaya lagi kang tulog kapag nagtatravel. Hmp. Nakakainis ka, kung sino ka man. For that matter, kung ako ang naging presidente, walang pasok kapag umuulan ng malakas. Ang hirap talaga kasi magcommute eh.

So after theo, umuwi na agad ako. Actually, ayaw ko pa talaga kasi umuulan ng malakas, pero umuwi na rin ako nonetheless. Wala rin kasi akong tatambayan sa school eh, so might as well na umuwi na lang ako. At doon sa pag-uwi ko na yun nalaman kong dapat tumawid ako sa overpass sa harap ng Jollibee kasi lagpas paa yung tubig dun sa may Landbank. Nakasapatos ako nun (considering na Wednesday, may swimming, so dapat slippers lang), so nagkaroon ako ng malamig na mashed potatoes sa aking toes. Sinabi ko sa sarili ko na dapat pala yung soles ng paa ko ang pinantapak ko nung lumusong ako dun sa brown current of acid rain, at hindi dapat ako nagtiptoe. Oh well. Even if I did cross that current successfully using that technique, mababasa pa rin ang paa ko dahil may mas malalim at mas malapad na murky rain current sa may overpass sa Central. Hay nako, dapat kasi nagslippers na lang ako eh. Well, meron nga akong dala, kaya lang, yung dala ko wasn't made for rainwater wading. Tsk. Well, ayaw ko rin kasing magslippers kasi ang kadiri ng tubig ulan na umaagos sa daan. May kahalo na yung stuff na ayaw ko nang banggitin kasi nga lalo lang akong nawawalan ng ganang magslippers kapag umuulan.

At ngayon, wala raw pasok. Eh hindi nga masyadong umulan eh, for crying out loud. Dapat nagcancel sila ng pasok nung Wednesday. Well, ayos lang, kasi may swimming sa Wednesday (na nag-best time trial kami, 3rd ako sa backstroke with a time of 29'54" at 5th sa freestyle in 24'32" -- baka ko kasi makalimutan eh), at kung may pasok ngayon, 7:30am agony. Oh well. Cancelled na lang dapat for both days para walang problema.

Naalala ko tuloy bigla yung babaeng grasa sa may ilalim ng C-5 flyover at yung matandang pulubi na gusto kong bigyan ng pagkain sa may footbridge sa Sandiganbayan. Ano kayang nangyari sa kanila ngayong maulan? Tinatanong rin ba nila sa mga tao kung may bagyo? It's so sad na miski man gusto nilang hindi maging pulubi, nanatili silang ganun sahil na rin sa society. Nananatili silang ganun dahil sa mga taong katulad natin. Hmm. Nakalimutan ko na kung sino yung nagsabi nyan sa akin eh, sorry.


Sometimes, you wonder if decisions made by people are correct.

You wonder about your decisions as well. You wonder and ask yourself, "Is this the best decision? What could've happened if I chose otherwise?"

"Rain, rain, go away, don't come back again another day..."

Pero naisip ko, kung hindi na umulan, paano na yung Angat Dam? Paano na yung irrigation ng poor farmers? Paano na yung mga umaasa sa ulan?

At sa mundong ito, you can't get it all. Miski na yung sinasabing "nasa gitna", "equal", or "balanced", napakahirap din makuha.

Hay grabe. Sana ang lahat ay even para laging divisible by 2.

Nahihirapan akong tapusin ang post na ito. Siguro, my mind has turned just like the sky in the past few days: dark and cloudy.

Yung reason? Parang yung weather rin. There's a storm inside me, tossing every memory I hold dearly near my heart into the chaotic grasp of confusion.

"May bagyo ba?"

Meron nga pala talaga.

Tuesday, August 7, 2007

Mongol No. 2 Pencil

Yellow ang favorite color ko, pero after kanina, siguro hindi ko muna ito magiging favorite after some time.

Sinabi ko na kasi sa sarili ko na kailangan ko nang magservice hours. Paano ba naman kasi, Napenalty ako ng 2 hours kasi hindi ko dala yung card ko nung ass na registration na yan. Nagpunta ako sa OAA at naghintay ng mga 5 minutes sa sobrang lamig na office na yun. Sabi ni Miss Tin, Psychology department daw. So nagpunta ako despite my minor handicap (yung aking stiffening lower back). Pagdating ko dun, walang tao. Sabi nung mabait na secretary nila, maghintay-hintay lang daw ako kasi wala pang tao. Wala pa raw kasi yung may mga ipapabalot. Remember na may bagong building ang SOSS, yung chinese shizzle building na yun. Kasama ang psych department sa mga lilipat, katunayan nga, meron pa silang "our new home" neon-orange memo. Sabi ko, babalik na lang ako sa ibang araw kasi nga, sayang ang oras. 20 minutes na akong naghihintay sa wala. At kung may kinalaman ang aking clerical work sa psych department sa pagbubuhat, well decline muna ako, kasi may discomfort ako sa ligament connecting the last two vertebrae.

Sinabi ko sa sarili ko habang palabas at paalis sa SSC, sa CMO muna ako pupunta, tapos kung wala, sa infirmary. Pagpasok ko sa CMO, wala si Miss Monette, yung karaniwang nagbibigay ng service hours. Tinanong ko dun sa isang guy kung magbibigay ba sila ng service hours, tapos may isang babae na magbibigay daw. Binigyan niya ako ng 4 na kahon ng lapis, isang butal na dosena, at Angel Clear-5 sharpener Best Quality ata yung pangalan nun. Magtasa raw ako ng lapis.

"Enjoy ha!"

So ayun. Sa loob ng dalawang oras, nakapagtasa ako ng 3 packs x 6 boxes x 12 pencils. Ayon sa aking Aurora SC582 Scientific Calculator, 216 na Mongol No. 2 pencils ang tinasa ko. So ang average speed ko sa pagtasa ay 1.8 pencils per minute. Dahil bored na bored, binilang ko rin kung gaano karaming pihit dun sa handle nung green metal sharpener na yun bago matasa ang isang lapis. humigi't kumulang mga 30 times. So dahil 216 na lapis ang aking tinasa, pinihit ko ang arm ng Angel Clear-5 sharpener Best Quality ata yung pangalan nung sharpener ng about 6480 times, sabi ulit ng aking trusty Aurora SC582 Scientific Calculator na worth P450.00 na binili ni Ej para sa akin dahil may PE ako dati.

Grabe. I was excited sa simula, pero after the first pack, nakakangawit na. Yung fresh smell of pencil shavings, naging mabaho at nakakairita na sa ilong. Yung soft pencil shavings, naging magaspang na after the 65th pencil or so. Hay. Naiinis pa ako na "graphite" dapat ang tawag dun sa maitim at sumusulat na part ng pencil, hindi "lead."

Grabe. After 4 hand washings and 2 apllications of apple scent alcogel na binigay ni Kim nung pasko (na yung "Merry Christmas Rudolf" card ay nakadikit pa rin), maitim pa rin yung thumb ko dahil sa dust nung graphite. Naaamoy ko pa rin yung lapis sa mga kamay ko.

Kasi naman, I wanted to make October medals. Diyahe yang mga lapis na yan o.

Binilhan ako ni mamie ng bagong polo shirt. Yellow.

Monday, August 6, 2007

Hot Water Bottle

Sumakit ulit ang aking lower back nung nakaraang Wednesday. Naglalakad lang ako sa hallway nang biglang namilipit ang left side ng aking torso. Sobrang sakit ng likuran ko, at nanghihina sa sakit ang kaliwang bahagi ng aking katawan. Hindi ako makahinga ng mabuti sa sakit. Pero naligo pa rin ako kasi kailangan kong pumasok sa PE kasi nga, 2 cuts na ako.

Ang weird ng lakad ko papasok. Nakataas yung left shoulder ko. Well, hindi naman masyadong halata kasi naka-backpack naman ako. Pero still, ang sakit talaga ng likod ko.

Hindi ako nag-swimming nung PE. Late akong dumating, pero sinabi ko kay Coach Pol na hindi ako lalangoy dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Nag-aalinlangan kasi akong tumubog sa malamig na tubig kasi baka mamaya, mag-intensify yung sakit. Makinig na lang daw ako sa kanya. Introduction to Backstroke yung lesson, so medyo ok lang kasi medyo marunong naman ako mag-mabackstroke. Well, medyo lang.

Nagpunta ako sa infirmary nung araw na yun para malagyan ng hot compress ang likod ko. Kinausap ko si Ma'am Marivic at sinabi yung nararamdaman ko. Nangyari na kasi ito dati. Nung English pa nun, tumawa ako, tapos sumakit ng sobra sobra yung likuran ko. Para akong sinaksak sa may lower back at yung pain ay nagraradiate hanggang sa chest ko. Ganun kasakit. Sabi niya, ipacheck-up ko raw yung likod ko kasi nga, naulit na naman.

Narelieve naman yung pain sa likuran ko. Pero it really didn't go away. Kasi ngayong malamig dahil ulan nang ulan, sumakit na naman ang likod ko, although hindi as excruciating as before. Bearable, but uncomfortable. Yung ganung drama.

Actually, para nga akong nilalagnat. Well, I felt that way, especially after going outside the AMC classroom. Yung AMC na wala naman akong natututunan kung hindi murahin ang mga PC na walang flash player kasi incapable of the things I do when AMC time.

Well at least something good happened today. Th121 long test namin ngayon. Hindi ako masyadong nag-aral. Good thing, yung mga tanong na bibigay kanina was the same questions he gave before, the only difference in sentence structure and style. Pero we aren't out of the dark yet kasi ewan pa namin kung ano ang criteria ni Ray sa pagcheck ng answers, as Honey pointed out while she was hugging her laptop nung nasa labas kami ng classroom habang umuulan ng malakas.

Then, nung pauwi na ako, sobrang nag-iisip ako kung sa Gateway ba ako dadaan kasi less hassle sa rain aspect or kung UP ba kasi less distance walked at travelled. Gateway -- UP -- Gateway -- UP -- ... Yun lang ang pumapasok sa isip ko habang naglalakad sa ilalim ng ulan equipped with my payong. I was trying not to think of the pain that was consuming my back. Well, it was 59.39852895% effective. Ang hirap mag-concentrate kapag may masakit sa katawan no.

To add to this randomness, naisipan kong magbasa ng Tarot cards kagabi. Sinubukan ko yung Celtic Cross layout, ang ang card na lumabas sa "Relative condition of your family/friends about the problem" ay ang 13th card ng Major Arcana: Death. It was creepy, but Death in its upright position meant commonly "abrupt change." But still, it was creepy. Sinubukan kong mag deck cut, at lumabas na naman ang upright Death sa aking query (na pareho lang dun sa Celtic Cross). Oo nga pala, ang outcome ng problem ko ay ang inverted ace of wands: depression.

Going back sa aking backache (to be read as ba-ka-che) dilemma, naghanap ako ng hot water bottle sa bahay. Meron naman, but the thing was, nabali ko yung pihitan nung parang takip, rendering the thing virtually useless. Sinubukang ayusin ni ate gamit ang Mighty Bond, pero ang sabi nya:

"Hay nako kapatid, bibili na lang ako ng bago. Wala na 'tong pag-asa."

So you may ask, where is this blog post leading to?

Well, ang tulong na ating inaasahan ay paminsan hindi mo talaga maaasahan. May mga limitations din sila tulad natin. At paminsan, nakakadepress pa na malaman na ganito. You just get even more stuck in the quicksand of your helplessness.

Hay ate, how I wish na parang hot water bottle na lang tayo. Madaling palitan ang tubig kapag malamig na. Kapag nasira, madaling mapalitan.

Sabi nga ni Aliguyon, katawan, huwag kang mawalan ng lakas. Katawan ko, huwag kang mawalan ng lakas ngayong inaayos ko ang aking mga emosyon. Kung ngayon ka pa bibigay, ano na ang mangyayari sa akin?

Jeez. All this cold weather and spikes of depression and fleeting mania have taken their toll on my body.

"Hay nako Rudolf, bumili ka na lang ng bago. Wala ka nang pag-asa."

Tss, I wish it was that easy.

Friday, August 3, 2007

Tatay Toyo

August 3, 2007 ngayon. It has been a decade since Tatay Toyo passed away due to cardiac arrest. "Toyo" ang tawag sa kanya kasi, well, madalas siyang may topak or "toyo."

Tatay ng daddy ko si Tatay (hence, the name). Capt. Ernesto M. Nokom ang kanyang pangalan. Oo, may "Capt." kasi kapitan siya ng barko. I was too young to know kung ano yung pangalan ng ship niya, kung ano yung route niya, and the things like that. Besides, nung pinanganak ako, matagal nang retired si Tatay.

I was much, much closer to Tatay than Dadee. Well, nung bata pa ako, si Tatay ang father figure ko kasi si Dadee, nagtatrabaho sa Saipan then. Imbis na kay Mamie ako tumatabi sa pagtulog, kina Nanay at Tatay ako tumatabi, miski sa pagtulog sa hapon.

Tahimik na tao si Tatay. At mabilis kumain. Siya na ang huling uupo sa mesa, pero siya rin ang unang tatayo. Sad pero hindi ko na talaga masyadong maalala yung ginagawa niya araw-araw. Well, may pasok din kasi ako nung I was old enough to remember eh. Ang naaalala ko lang, siya ang bumibili ng pandesal namin sa Jingjing's Bakery araw-araw, suot suot ang kanyang leather jacket, brown cap, white polo shirt, at brown slacks. Kilalang-kilala na nga siya ng mga security guard kasi araw-araw siyang lumalabas. Naaalala ko pa talaga yung isang time na sumama ako sa kanya na bumili ng pandesal. Naaalala ko yung sobrang lamig na umaga na yun.

Iniligtas din pala ni Tatay ang aming bahay sa pagkakasunog. Natumba kasi yung isang kandilang nakatirik dahil brownout. Bumangon si Tatay sa tabi ko at iihi lang dapat, ngunit dahil ulyanin na, napadpad siya sa ikalawang palapag ng bahay namin. Andun pa rin ngayon yung maitim at sunog na parte sa railings ng hagdan. Andun pa rin ang tanda na iniligtas kami ni Tatay mula sa pagkakasunog.

Ten years ago, umuwi kami sa Bulacan at nag-overnight dun for some reason na hindi ko na maalala. Naiwan sa bahay sina Nanay, Tatay, at si Tita Luisa na napadaan at nakitulog at that time. Bata pa ako noon, 9 years old pa lang, wala pa masyadong alam sa buhay kung hindi ang PlayStation nung pinsan ko. Kinaumagahan, nakatanggap si Mamie ng tawag sa kanyang cellphone (oo, yung tipong numbers at signal at battery lang yung kayang idisplay).

"Ha?! Ano?!"

Wala na daw si Tatay. Naaalala kong yinakap ako ni Dadee habang umiiyak ako. Naalala ko yung same tile na inaapakan ko sa kusina ni Lola Pen nung nalaman kong wala na si Tatay.

Umuwi agad kami pabalik ng Maynila. Pagkadating namin sa bahay, nakahiga si Tatay dun sa sofa sa kabila (duplex ang bahay namin, bahay nina Tatay tapos bahay namin). Andun na sina Tita Lorie, Tito Boy, Ate Chee, Ate Tin, at si Kuya Don. Natakot ako kasi may nakataling towel na nakapalibot sa baba at ulo ni Tatay. Sabi ni Tita, para raw hindi ngumanga si Tatay. May mga piso rin sa mga mata niya, at sabi naman nila, para daw hindi dumilat. Naaalala ko pa yung mga panahon na iyon. Naaalala ko pa yung time na dumating yung mga taga punerarya. Sa bahay kasi inembalsamo si Tatay. Dun siya nilinis, pinaliguan, at binihisan sa huling pagkakataon sa may sala sa kabila habang nakahiga sa folding bed na madalas naming dinadala sa Loyola tuwing Undas. Pinamigay na nga namin yung folding bed na yun pagkatapos eh.

Kulay brownish gold yung pinaglagyan kay Tatay (sorry, ayaw kong sabihin yung tawag dun). Naaalala ko pa yung disenyo na Twelve Apostles.

Binurol namin si Tatay sa may chapel ng subdivision namin. Hindi ko lang matandaan kung gaano katagal, pero naaalala ko na may kasal, so inilipat muna namin si Tatay ng sandali dun sa lumang chapel. Nakakahiya naman kasi, may kasal, tapos may burol din. Parang ang pangit tingnan.

Naaalala kong umiyak ako sa class ko nung sinabi ko sa teacher ko na mag-aabsent ako dahil ililibing namin si Tatay. Tinanong ng mga classmates ko kung bakit daw ako umiiyak. Hindi ko ata sila nasagot.

Sa huling gabing kasama namin si Tatay, natulog kami sa chapel. Naaalala ko pa yung tigas nung pews ng chapel, at yung gaspang nung kutson ng upuan ng mga readers sa misa. Malamok at sobrang lamig. Pero lahat yun, tiniis ko para lang makasama si Tatay kahit sa huling mga sandali.

Naaalala ko pang nagbibiruan pa kami nung hinahatid na namin si Tatay patungo sa kanyang huling hantungan. Pero ako, sinisilip-silip ko yung Cadillac na lulan si Tatay.

"Hindi ko na siya makikita..."

Nung nasa Loyola na kami, hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Naiyak na talaga ako. Humagulgol pa nga ako. Basta. Sobrang nanlabo ang paningin ko dahil punung-puno ng luha ang aking mga mata.

Nung binababa na si Tatay at matapos naming ihagis ang mga bulaklak namin sa kanya, niyakap ko si Nanay. Nagyakapan kami habang pinapanood si Tatay na unti-unting ibaba sa lupa. Nagyakapan kami ni Nanay habang lumuluha kaming pareho.

"Wala na si Tatay..."

Naaalala ko pa hanggang ngayon ang tono ng boses ni Nanay hanggang sa panahong ito. Boses yun ng isang taong nawalan na ng katuwang sa buhay. Hindi pa ako nakakarinig ng ganung klaseng kalungkutan.

Patuloy pa rin kaming namuhay matapos pumanaw ni Tatay. Yun nga lang, wala nang bumibili ng pandesal sa Jingjing's bakery tuwing alas-5 ng umaga araw-araw, walang mintis. Wala na yung sobrang bilis kumain ng hapunan. Wala na rin yung nanonood tuwing Biyernes ng mga pelikula ni Fernando Poe, Jr. sa channel 2 tuwing alas-7 ng gabi.

Sa katunayan, ang gamit kong kutsara't tinidor ngayon tuwing kakain ay ang kutsara't tinidor ni Tatay dati. Ito yata ang gamit niyang utensils tuwing bumibiyahe siya.

Wala na kasi si Tatay.

Pero, aaminin ko, na nabaon na sa limot dahil na rin matagal na matagal na panahon na rin ang lumipas ang bungisngis ni Tatay na minsang-minsan ko lang makikita.

Tatay, kung nasaan ka man ngayon, sasabihin kong na ngayon na mahal kita. Alam kong marami akong pagkukulang sa iyo bilang isang apo, pero mahal na mahal kita.




Hay.

Totoo nga palang hindi mo malalaman ang halaga ng isang tao sa iyong buhay hanggang wala na siya sa iyong piling.

Thursday, August 2, 2007

For our Freedom!

For our freedom! -- sinasabi ng Wolf unit sa Battle Realms.


At ang sinasabi ng karamihan:

Don't forget 2 Aug 07

Ngayong araw na ito siguro ang inaasam asam kong araw na matapos. Paano ba naman kasi eh no, may apat akong major-ass requirements ngayong August 2. Paper sa Fil14 tungkol sa Litisang Bilog ng Caucasus na nasubukan ang aking resistances to sleep (which apparently was high enough), Fil14 unang mahabang pagsusulit na naantala dahil sa nangyari kay Sir Ariel noong nakaraang linggo, CS110 search engine project na 10 hours kong pinogram sa isang upuan plus kulang kulang mga 7 oras pa kanina, at ang AMC124 LT1 na isang buwan na atang late dahil sa kakareschedule. Grabe. Today was the day talaga. Napakagandang regalo para kay Kimmy, who is celebrating her 18th birthday today (kaya go na, batiin niyo na siya!).


I really feel very tired talaga. Dapat nga magpopost ako tungkol sa wall climbing experience ko nung Tuesday, but I was way to tired. Well, way too busy to be more correct, kasi ginagawa ko yung Fil paper nung mga panahon na iyon. Might as well na talk about it na rin, kasi wala pang pumapasok sa utak ko na some shizzle na bloggable. Well, maybe fit to be published in my blog. Haha.

Nung Tuesday, walang pasok kasi nga feast day ni St. Ignatius de Loyola. So ayun, nagwall climbing kami sa Powerplant (kasi raw Rockwell yung place, at yung mall ay Powerplant -- just think na tinatawag mong "Araneta Center" ang Gateway). Actually, muntik na nga raw hindi matuloy, tapos ang daming back-out fall-in back-out na pagdadalawang-isip. Nagkita-kita kami nina Ej at Sherlyn sa Gateway, at sabay-sabay na pumunta. Fun, kasi natapos ko Ang Luvly, Merry-Go-Round EXT in manual. Woohoo. Salamat KBJ, natapos ko ang kantang yan dahil sa iyong tip na magcross-hand dun sa part na mukhang sine graph na nakatayo. Level 60 manual player na ako, pero sa tingin ko, that song is overrated for some reason. After nun, sumakay kami ng ordinary bus papuntang Rockwell. Dinaanan namin yung Starmall, everything else along EDSA (yung Loyola Memorial Chapels and Crematorium na yung ambersand ay mukhang J), at yung poster tungkol sa ihi dun sa may Guadalupe. Haha, akala pa nga namin may terrorista kasi may palipat-lipat na suspicious at mukhang di-mapakaling guy. Baka natatae lang siguro siya or something. Hindi naman kasi sumabog yung bus eh. Anyway, bumaba kami dun sa may "Rockwell ----->" na sign at sumakay nung uber teeny shuttle. Grabe promise, ang liit talaga. So ayun, Nagkita-kita rin kami nina Raf, Greg, and Andrea sa may Starbucks. Dahil 2 pa magbubukas yung wall climbing place, naglibut-libot muna kami. Well ako, hinanap ko yung arcade kasi sabi ni Ej, V3 daw. V3 = Karma. I was excited. So yun. Dun na rin dumating si Nika na apparently ay nagkaroon ng super expedition dahil first time niyang magcommute papuntang Rockwell. The machine was okay naman, P25.00/4 songs. Not as cheap as the one as Gateway, pero okay na rin. I was really looking forward dun sa Karma eh. Pero nung I played it, it had a very different feel -- hindi siya katulad ng Tentai Kansoku or Sailing Day na instant hit agad sakin. I'm really not sure why. And to add to that, I'm feeling a whole lot different as before. Hindi ko lang alam rin kung bakit. Kung better naman ba ang feeling na ito as before, hmm, well, I guess I haven't really decided yet.

So kumain kami sa KFC kasi sawa na raw si Andrea sa McDonald's. Well, naiintindihan ko naman. Kaming tatlo nina Nika and Raf ordered the same thing, Chicken Strips Meal + extra rice, si Andrea yung Go-go sandwich ba yun, basta yung parang nasa tortilla wrap or something, tapos si Greg yung Orange Chicken ata yun. Ayun, we got to know each other a little better. Kasi naman no, 2:00 pm pa magbubukas yung wall climbing shizzle. Well, it was fun naman eh. Nagkaroon ako ng new friends, and I got to know old ones better.

At sasabihin ko lang talaga na I really looked forward to that day. Hindi rin dapat kalimutan ang 31 Jul 07 no.

So wall climbing na! Yes. Gustung-gusto ko talaga i-try ito kahit once lang. Well, kinda mahal, pero ayos lang. Nasulit namin talaga kasi we enjoyed a lot. Basta, it was fun and tiring at the same time. Meron nga kaming challenge wall, yung wall na inclined ng mga 30 degrees along the vertical. The perfectly vertical one was challenging already for a beginner like me, paano pa kaya itong wall na ito? Besides that, yung mga grip ng wall na ito was getting smaller on the way to the top. It was really strenuous sa arms. 2/3 lang ata ang naakyat ko sa wall na yun eh. I remember grip 32 well, it was that large, square-shaped grip where I was stepping when I decided to call it quits. Wala na talaga kasi akong makapitan, and my arms were as numb as not having arms at all. I tried the wall na may 90 degree part, pero yes, in vain din kasi ang hirap talaga. Kulang pa sa experience I guess.

It was really fun. I really enjoyed talaga. Salamat ha. That day made me forget, even for just a while.

Hay. I'm still tired. I feel I'm forcing myself to post. August na eh, wala lang.

At how ironic naman ang title ko sa post ko na ito.

Hay. Pero may realization talaga ako dun sa experience ko sa wall climbing. Yung naisip ko talaga, yung 30 degrees na yun, bale wala while you're still near the ground, but when you start to ascend, yung hirap, parang exponentially nag-iincrease. Parang woah, is this the same wall I'm climbing kanina? And yung mga grip, it gets progressively harder to hold onto (well for me, kasi si Nika mas nadadalian sa smaller grips).
At yung itaas, hindi masyadong kita compared dun sa completely vertical na wall. It's harder to visualize the end that way. Miski tingnan mo pa, hindi mo masyadong kita yung bar sa taas ng wall dun sa cream compared sa blue one.

Hay. Parang life. Your problems starts small, and after some time, it has snowballed into something of colossal proportions na hindi mo na kaya i-take. You tell yourself you can, pero that boost of encouragement is just so fleeting to be noticable or significant. And the things, well more approriately persons, you seek refuge and comfort to sometimes just isn't there. Well, may mga problema rin sila no.

It was really tiring. Habang andun ako sa cream-colored-30 degree wall na yun, nakaapak sa grip 32 at nakahawak sa dalawang maliliit na grip, my body started to tremble. I tried all my might to resist, but my grip felt numb and ultimately broke its grasp.

That's wall-climbing. Sa susunod na climb ulit.

That's life.

Makakatayo ka pa ba matapos mong madapa? Tatayo ka pa ba kung alam mong madadapa ka rin?

Hmm.

Kailangan ko ata ng Rush Fitness Water, yung lasang life sana. Lagi na lang kasing Grapefruit eh. Lasang matabang na Sprite.

Hay. So tired, so tired.