Thursday, August 9, 2007

May bagyo ba?

"May bagyo ba?"

Yan yung tanong ko sa bahay nung nagbrownout nung isang kagabi ng mga isang oras. Hassle, nasa PC ako tapos biglang nagbrownout. Pinagchismisan na lang namin tuloy yung pinatay daw sa subdivision namin na itatanong ko kay Enzo kung kilala niya ba yun.

"Nasa Earth ka ba? Heller?? Kita mo ba yung ulan, ha?"

Ang alam ko kasi, may bagyo pero wala sa area of responsibility ng bansa. Maulan kasi nadala nung bagyong malayo na yung hanging habagat or amihan. Not sure kung alin, kasi ang alam kong Habagat ay si Romnick Sarmenta sa Mulawin at Amihan si Iza Calzado sa Encantadia/Etheria. Well, ganun nga raw talaga, pero may nabubuo na raw na bagyo somewhere malapit sa Philippines.

Dati, ang paniwala ko, ang umuulan tuwing umiiyak ang mga angels sa langit. Thunder at lightning yung mga hagulgol nila. Well, alam kong mali ito, kasi kung totoo ito, sa dami ng mga rason para umiyak ang mga angels, the world should be something like Uranus or Neptune. Basta watery.

Ass. Ang hirap magcommute dahil umuulan. As in. Nakakatamad pumasok. Inantabayanan ko sa channel 2 kung may suspension ba ng classes. Sabi, ayon sa Deped, walang pasok sa Metro Manila sa lahat ng antas, ngunit sabi ng CHED, pasok sa kolehiyo, tuloy pa rin. WTFH?! (What The Friggin' Hell?!) Commissioner ng CHED, nakita mo ba yung ulan at hangin kahapon? Hindi mo ba naisip na ang hirap mamasahe? Hmf. If I know, some rich old bag of bones ka, kaya may transpo ka lagi at may driver ba kaya lagi kang tulog kapag nagtatravel. Hmp. Nakakainis ka, kung sino ka man. For that matter, kung ako ang naging presidente, walang pasok kapag umuulan ng malakas. Ang hirap talaga kasi magcommute eh.

So after theo, umuwi na agad ako. Actually, ayaw ko pa talaga kasi umuulan ng malakas, pero umuwi na rin ako nonetheless. Wala rin kasi akong tatambayan sa school eh, so might as well na umuwi na lang ako. At doon sa pag-uwi ko na yun nalaman kong dapat tumawid ako sa overpass sa harap ng Jollibee kasi lagpas paa yung tubig dun sa may Landbank. Nakasapatos ako nun (considering na Wednesday, may swimming, so dapat slippers lang), so nagkaroon ako ng malamig na mashed potatoes sa aking toes. Sinabi ko sa sarili ko na dapat pala yung soles ng paa ko ang pinantapak ko nung lumusong ako dun sa brown current of acid rain, at hindi dapat ako nagtiptoe. Oh well. Even if I did cross that current successfully using that technique, mababasa pa rin ang paa ko dahil may mas malalim at mas malapad na murky rain current sa may overpass sa Central. Hay nako, dapat kasi nagslippers na lang ako eh. Well, meron nga akong dala, kaya lang, yung dala ko wasn't made for rainwater wading. Tsk. Well, ayaw ko rin kasing magslippers kasi ang kadiri ng tubig ulan na umaagos sa daan. May kahalo na yung stuff na ayaw ko nang banggitin kasi nga lalo lang akong nawawalan ng ganang magslippers kapag umuulan.

At ngayon, wala raw pasok. Eh hindi nga masyadong umulan eh, for crying out loud. Dapat nagcancel sila ng pasok nung Wednesday. Well, ayos lang, kasi may swimming sa Wednesday (na nag-best time trial kami, 3rd ako sa backstroke with a time of 29'54" at 5th sa freestyle in 24'32" -- baka ko kasi makalimutan eh), at kung may pasok ngayon, 7:30am agony. Oh well. Cancelled na lang dapat for both days para walang problema.

Naalala ko tuloy bigla yung babaeng grasa sa may ilalim ng C-5 flyover at yung matandang pulubi na gusto kong bigyan ng pagkain sa may footbridge sa Sandiganbayan. Ano kayang nangyari sa kanila ngayong maulan? Tinatanong rin ba nila sa mga tao kung may bagyo? It's so sad na miski man gusto nilang hindi maging pulubi, nanatili silang ganun sahil na rin sa society. Nananatili silang ganun dahil sa mga taong katulad natin. Hmm. Nakalimutan ko na kung sino yung nagsabi nyan sa akin eh, sorry.


Sometimes, you wonder if decisions made by people are correct.

You wonder about your decisions as well. You wonder and ask yourself, "Is this the best decision? What could've happened if I chose otherwise?"

"Rain, rain, go away, don't come back again another day..."

Pero naisip ko, kung hindi na umulan, paano na yung Angat Dam? Paano na yung irrigation ng poor farmers? Paano na yung mga umaasa sa ulan?

At sa mundong ito, you can't get it all. Miski na yung sinasabing "nasa gitna", "equal", or "balanced", napakahirap din makuha.

Hay grabe. Sana ang lahat ay even para laging divisible by 2.

Nahihirapan akong tapusin ang post na ito. Siguro, my mind has turned just like the sky in the past few days: dark and cloudy.

Yung reason? Parang yung weather rin. There's a storm inside me, tossing every memory I hold dearly near my heart into the chaotic grasp of confusion.

"May bagyo ba?"

Meron nga pala talaga.

No comments: