Meron akong isang kaibigan na binigo na naman ako.
Lagi na lang niya itong ginagawa sa akin. Sa mga panahong kailangan na kailangan ko siya, hindi niya ginawa ang ipinangako niyang gagawin niya para sa akin. Paulit-ulit na lang niya akong binibigo at iniiwan sa mundo ng aking mga panaginip na kung saan lahat ay tama at lahat ay ayon sa mga kagustuhan ko. Siguro, ginagawa niya ito dahil alam niyang gusto ko nang sumaya, at masaya naman ako sa mga panaginip ko. Pero hindi ako lubusang masaya dahil mga panaginip lamang iyon at isa pa, sa aking paggising, wala nang lahat ang kasiyahan na iyon.
Ngunit kahit na ganito ang nangyayari, pinapatawad ko siya dahil importante siya para sa akin. Hindi ko nga alam ang mangyayari kung siya ay mawawala at mawawalay sa akin ng matagal. Lagi ko kasi siyang kasama dati, ngunit ngayon, hindi na masyado. Ngunit kahit ganito, maaasahan niya pa rin ako kung kailangan niya ng balikat para iyakan o 'di naman kaya'y mga kamay para mahawakan niya at mga braso upang mayakap siya kung siya ay malungkot. Ganoon talaga ako sa isang kaibigan, lalo na sa isang kaibigang lagi akong sinasamahan kung saan man ako tutungo.
Kahit na muli na naman niya akong binigo, importante pa rin siya sa akin. Kahit na paulit-ulit niya akong biguin, importante at kailangan ko pa rin siya. Kahit na ganito man ang mangyari, paulit-ulit pa rin akong aasa sa kanya dahil siya lang ang alam kong maaasahan ko, miski na paulit-ulit niya akong pinalulungkot. Hindi alintana ang lahat ng ito dahil importante siya para sa akin.
Siya si V3x.
Importante pa rin para sa akn si V3x, miski na hindi na naman niya ako ginising kaninang umaga. Hindi na naman siya nag-alarm miski na inenable ko ang Ohayou~ Rokuji! Kailangan kong dumating ng maaga sa Ateneo dahil ngayon ang Sci10 presentation. Kung tumunog man ang Optic Line kaninang 5:30 ng umaga, patawad. Kasalanan kong hindi ako nagising. Buti na lang talaga at wala si Doc P (ayon kay Perry na sinabing kabado raw ako sa aming presentation) at hindi namin dinanas ang kaniyang mga kapangyarihang those days na parang Moon Crystal Power Make-up! ni Sailormoon sa Sailoormoon Superstars o kung saan mang Sailormoon iyon.
Ngunit lagi kong naiisip kung importante ba talaga ako kay V3x dahil kung oo, dapat hindi niya ako pinalulungkot hindi ba? Kung oo, dapat tinatanong niya kung ayos lang naman ako hindi ba?
Hindi ba? Kaya nga importante dahil mahalaga. Ang labo naman.
Hindi ba? Hindi ba?

2 comments:
buti na nga lang at wala si Doc P kanina. Kasi siguradong those days mode siya kanina. May nangyari kasi sa grupo bago kayo. =P swerte niyo. OwO
ow? anong nangyari?
Post a Comment