Oo. Iniwan na akong tuluyan ng aking mga pangarap na magpunta sa ibang bansa upang mag-aral ng five months ng third year ko doon. Gusto ko sana sa Japan, pero yun nga, hanggang gusto ko na lang. Hindi ko pa rin talaga alam kung bakit pinilit ko ang sarili kong magpunta sa JTA Orientation talk na iyon eh inaatake ako ng aking unknown head pains na unti-unti naman nang nagsusubside. Siguro tama nga si Nelvin sa pagsabi niyang nasa ulo ko lamang talaga ang sakit. I mean oo, sumasakit ang ulo ko, pero baka ako ang rason kung bakit ito sumasakit. Parang ganun. Iyon na rin siguro ang dahilan kung bakit may magical healing effects ang Crispy Chicken Steak meal water lang ng Jollibee at ang dalawang drum machine sa Gateway. Pero hindi rin eh, dahil habang umi-IPIS (Illegal Pwesto Illegal Sakay) ako dahil malasardinas ang mga bus sa non-IPIS area, nakaramdam ulit ako ng kaunting pagkahilo na kung saan naging anim na letra at anim na numero ang plaka ng bus na sinakyan ko.
Going back, tuluyan na nga akong iniwan ng aking mga pangarap na maging exchange student sa Sophia University sa Japan. Una, dahil lang sa grades ko, ngunit habang lumipas ang talk, unti-unti akong nabaon sa lupa habang nakastraight jacket.
Naisip ko ang apat na dahilang ito (ranked from most to least important):
1. Ang cut-off ng QPI ay 3.00. Ang QPI ko ay nasa 2.50+ lamang.
2. Wala kaming pera.
3. Scholar ako.
4. Hindi ako active sa kahit na anong school organization.
Ayan.
Hayaan mo akong mag-expound ng kaunti sa mga poinrs na ito:
Point 1:
Napakaself-explanatory siguro nung una. HIndi lang talaga umabot ang aking QPI sa cut off. Ni hindi pa nga tumapak sa 3 ang kahit na anong QPI ko sa Loyola Schools. Bilang isang college student, ngayon ko lamang narirealize kung gaano kadali (at kawalang kwenta) ng aking high school, ang Ateneo High School. Ngayon ko lamang narealize kung gaano kadali ang high school ko dati kung ikukumpara sa college. Ngunit hindi ko rin naman inaaalis sa aking isip na baka nga talagang napupurol na ang utak ko o kaya naman lumulubog na ang aking pagiging hardworking and responsible patungo sa pagiging tamad at mediocre. Mahirap na, baka may administrator ng Ateneo ang nagbabasa ng blog ko eh. Hindi rin naman kasi madali ang subjects ko noong first year ko. Biruin mong Ma18AB ang math ko nung pinakaunang sem ko sa college. It was a very traumatic experience. Doon ko lang talaga nadama kung papaano "gapangin ang sahig." Ginapang ko talaga ang math na iyan, yung math na math din naman namin nung 4th year ako, pero all compressed into one semester. O di ba? Napakaefficient ng compression system ng Ateneo. At hindi lang yan, 6 units ang math na iyan miski naman hindi ako math major. Ang galing talaga.
Point 2: (which leads to Point 3)
Wala kaming pera. Ang estimated expenses para sa living, food, and other expenditures ay aabot hanggang 9,000.00 USD sa Japan (sabihin na nating nasa P48.00 ang palitan ng dollar, so mga 432,000.00 PHP). Take note na wala pa dito ang iyong budget para sa limang buwan abroad. Sabi ng mga nag-JTA, it's not far na magdadala ka ng extrang 10,000.00 USD para sa expenses mo for the whole stay abroad. So, mga isang milyong piso ang kailangang sunugin ng mga magulang ko kung hindi ko problema ang point 1. Isang milyon ang gagastusin bukod pa sa mga hassle ng mga kailangang mga documents at mga kung ano pa. Isang milyon ang kailangan gastusin, eh wala pa ngang 750,000 PHP ang annual income ng tatay ko no.
Point 3:
Scholar ka naman pala eh, hindi ba iyon masoshoulder ng scholarship mo? Hindi. Overloaded subjects nga hindi na credited sa scholarship, eh papaano pa kaya iyang 5-month stay overseas? Pinoint out ito ni Ma'am Didith: financial aid scholar ka (supposedly wala kang pera), so bakit all of a sudden, kaya mong gumastos ng ganito kalaki? Well, it makes sense naman talaga. Alangan naman sabihin mong sumali ako sa Wheel of Fortune hosted by Kris Aquino (hindi ako binayaran ng ABS-CBN para magpromote, ang masasabi ko lang, put*ng ina nilang parehong GMA at ABS-CBN) at nanalo ng jackpot prize na dalawang milyon or nanalo ng jackpot sa 6/49 na lotto ng tumatagingting na kwarenta mil. Talk to your funders daw, ayon kay Ma'am Didith.
Point 4:
Well hindi naman ito masyadong mahalaga. Plus lang ito dahil sabi ni Ma'am Didith na in case na may tie sa mga QPI. Ranked from highest to lowest sa QPI kasi yung mga applicants, tapos kung may tie, titingnan nung biodata mo na kung saan nakalagay yung mga orgs na kung saan active ka and stuff.
Pero ngayon, masasabi kong ayaw ko na rin talaga mag-JTA dahil mawawalay ako sa mga taong mahal ko at importante para sa akin. Hindi ko maimagine ang buhay ko doon sa Sophia University or whatever university. Nag-aalala rin ako na kung may magje-JTA sa mga taong importante para sa akin. Mamimiss ko talaga sila kaya ayaw ko silang umalis, if ever. But it'll be too selfish to stop them from reaching their dreams they have worked hard to attain.
Maybe all I want is for them to share their dreams to an empty, stagnant person, just like me.
3.00.
Wala na pala talaga akong halaga.
Buti pa si Xing Cai, Lv. 92 na dahil ikinuha ko si Nou at Nene ng Delicious Venom at Devil Feathers.

2 comments:
lahat tayo ay may kaniya-kaniyang "role" dito sa mundo. 'wag mo isiping wala kang halaga. ^^
------
Pasensiya na at ngayon lang ulit nakabisita
wala yun pokemon.
Post a Comment